You are on page 1of 7

Dagat

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o


ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at
Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na
lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para
dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan. "DAGAT"
isang bahaging likido/fluido o agos sa ating daigdig na malawak na bahagi ng tubig na
may alat o asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan kung saan duon
nanahan ang napakaraming uri ng hayop gaya ng mga isda,balyena o
butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may maraming uri ng
mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay
na nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay "Atab" na pinagmulan naman ng salitang
"taib" o high tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa tagalog, bikol
at bisaya.

Tangway
Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa na nakaungos sa
dagat o iba pang bahaging tubig. Nagmula ang salitang peninsula sa dalawang salitang
Latin na paene na nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

Kabilang sa mga tangway sa Pilipinas ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at


Zamboanga Peninsula. Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape,
promontory ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging
tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo,
lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite
(Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

Ilog
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang
isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa
pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang
tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng
inumin sa mga tao noong prehistoriko,at ito ay itinuturing pinagmumulan ng mga
kabihasnan.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong.


Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa
mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa
Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga
malalaking lawa.

May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas
hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang
pagkunan ng tubig.

Kapatagan
Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang
uri ng lupa na walang pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na
ito at malawak. Mainam itong tamnan ng iba’t ibang pananim
katulad ng gulay dahil madali itong linangin.

Bundok
Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming
bundok sa iba’t ibang dako ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa
mataas na pagtaas ng lupa.

Bulubundukin

Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na


bundok o pagtaas ng lupa ng daigdig. Mas matataas at matatarik
ito kaysa sa bundok.
Bulkan

Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang


ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan ay maaring maglabas ng
“lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan na aktibo at
mayroon din namang hindi aktibo.

You might also like