You are on page 1of 9

Ang 

look ay isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang


sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan.

Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan,


sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar
na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng
ungos na walang malinaw na tuktok. Maliit na burol ang isang punso.
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng
kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig 
(isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang
patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga
karagatan at maliliit na mga dagat. Ang mga halimbawa ng mga karagatan ay ang
Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiano, at Karagatang
Antartika.

Ang bulkan ay pagkalagot sa krast ng isang bagay na may buntalaing laki, tulad


ng Daigdig, na nagpapahintulot sa pagbuga ng mainit na lava, abo-bulkan,
at buhag mula sa liyaban ng magma sa ilalim ng lupa.
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi
ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar
na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri
ng lupa, yelo o bato.

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling


linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo
ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga
bundok.
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang
isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa
pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang
tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng inumin
sa mga tao noong prehistoriko,at ito ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.

Ang bundok ay isa sa mga yamang lupa. Ito ang pinakamataas na anyong lupa, Dito
makikita ang kagubatan at mga buhay na ilang sapagkat kadalasang mahirap itong
marating lalo na sa taglay nitong taas, ang mga trusong malalaki ay karaniwang sa
bundok din makikita. Ang bundok ay karaniwang pagtaas ng lupa sa daigdig,.Ang b
bundok ay mas matarik kesa sa burol.
Ang Golpo o Gulf sa wikang Ingles ay isang uri ng anyong tubig. Ito ay maliit na bahagi
ng karagatan na naguugnay sa bahagi ng lupa. Kadalasan itong mukhang maliit na
bunganga na dinadaungan ng mga sasakyang pandagat. Ang pisikal na katangian nito
ay higit na mas makipot sa bay.

Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan ng mga bundok o burol at kung minsan
ay inaagusan ng tubig na galing sa mga nakapaligid na bundok.  Kaya ang lambak ay
karaniwan nang may napakagandang tanawin kung saan ay makikita ang mga
nakapaligid na bundok nito na maaaring puno ng mga halaman, mga hayop pa nga at
ibat-ibang anyo ng tubig marahil.  Kadalasan rin na ang mga lupaing ito ay sinasaka
sapagkat bukod sa matabang lupain nito, ay sagana rin sa patubig kahit sa panahon ng
tagtuyo.
SAGUTIN:
I. Panuto. Isulat sa patlang ang pangalan ng mga anyong lupa at anyong tubig.

_____________________ ___________________ __________________

____________________ ________________ ___________________

______________________ __________________________ ___________________

______________________
II. Panuto. Punan ang hinihingi sa patlang.

____________ 1. Ito ay tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig.

____________ 2. Isang patag na lupa sa pagitan ng mga bundok.

____________ 3. ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa


mababang bahagi ng isang pook.

____________ 4. ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa.

____________ 5. nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko,at ito


ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.
Mga Anyong Tubig
at Anyong Lupa

Prepared by:
Teacher Zoila Mae
S. Medes
LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC.
BLK. 5A LOT 31-33 SOUTHERN HEIGHTS II, BRGY.UNITED BETTER LIVING, CITY OF SAN
PEDRO, LAGUNA 8847-9321

City of San Pedro


LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION

MODULAR DISTANCE Schools Division of LAGUNA


City of San Pedro
LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC.

LEARNING (MDI)

ARALING PANLIPUNAN 2
wEE
WEEK 1 (Second
Quarter)
PRINCE
DOMINI
C M.
Prepared by:
LORENZ
Teacher Zoila O
Mae S. Medes

You might also like