You are on page 1of 12

Ang 

Calabarzon (/ká-lɑ-bɑr-zon/), opisyal na tinatawag bilang Timog Katagalugan at


itinalagang Rehiyong IV-A, ay isang rehiyong pangangasiwaan ng Pilipinas. Binubuo
ang rehiyon ng limang lalawigan: Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, and Rizal. Ang
rehiyon ay ang pinaka mataong rehiyon sa Pilipinas ayon sa Pangasiwaan ng
Estadistika ng Pilipinas, ng binubuo ng 14.4 milyong mamamayan noong 2015, at ang
pangalawang may pinaka makapal na populasyon sunod sa Pambansang Punong
Rehiyon.  Matatagpuan ang rehiyon sa timog silangan ng Kalakhang Maynila, at
napapalibutan ng Look ng Maynila sa kanluran, Look ng Lamon at Bicol sa silangan,
Look ng Tayabas at Dagat Sibuyan sa timog, at Gitnang Luzon sa hilaga. Ang rehiyon
ay tahanan sa mga lugar katulad ng Bundok Makiling malapit sa Los Baños,
Laguna at Bulkang Taal sa Batangas.

Mga lalawigan:
Populasyo
Lalawigan/Lungso Sukat Densidad
Kabisera n
d (km²) (bawat km²)
(2010)

Batangas Lungsod ng Batangas 2,377,395 3,165.8 751

Cavite Lungsod ng Imus 3,090,691 1,287.6 2,400.4

Laguna Bayan ng Santa Cruz 2,669,847 1,759.7 1,517.2

Quezon Lungsod ng Lucena 1,740,638 8,706.6 199.9

Rizal Lungsod ng Antipolo 2,484,840 1,308.9 1,898.4

Itsura ng CALABARZON
sa mapa ng Pilipinas
Kabite o Cavite
Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng
Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila.
Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang
panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga
lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan
ang Dagat Timog Tsina.
Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na
pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa
pook ng Maynila. Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon
ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit).
Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba
pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang
pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.
Populasyon. Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691
base sa 2010 senso.
Wika. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at
Ingles

Laguna
Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan
sa bahaging CALABARZON sa Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan nito at
matatagpuan sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan ng Rizal,
kanluran ng Quezon, hilaga ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng
Laguna ang Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan
ang pangalan nito mula sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa.
Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang pambansang
bayani ng Pilipinas. Kilala din sa mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan,
Liwasang Bayan ng Pila, Laguna, ang mga inukit na kahoy na nilikha na mga tao
sa Paete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok
Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.
*Isa pang tradisyon ng Laguna ang ANILAG Festival. Ito ay isang linggong pagdiriwang
na nangyayari sa buwan ng Marso. Ang ANILAG Festival ay ginaganap sa
pamamagitan ng pasasalamat sa mga taong nagbasbas noong mga nakaraang taon.
ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng beauty pageants, pagsayaw,
pagbubunyag ng pagkain, at woodcarving competitions. Isa pa sa pagiging tradisyon,
Ang ANILAG Festival ay isa rin sa pagbibigay daan sa gobyerno ng Laguna upang i-
iskaparate ang kahanga-hangang senaryo, ang masasaganang lokal na kay sarap na
pagkain, at alangan, ang mga talento ng mga lokal nito. Habang nangyayari ang
festival, isang daang Pilipinong turista sa iba’t ibang panig ng mundo pati narin ang mga
dayuhang nais din magtipon para saksihan ang engrandeng taunang selebrasyon.

Mga lungsod

 Biñan
 Cabuyao
 Calamba
 San Pedro
 San Pablo
 Santa Rosa

Klima
Ang lalawigan ay tuyot mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa nalalabing bahagi
ng taon sa maliit na bahagi malapit sa katimugang hangganan. Ang ibang bahagi, sa
kanluran ng bayan ng Santa Cruz, ay nakakaranas ng tuyong panahon mula
Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan sa nalalabing bahagi ng taon. Ang silangan at
katimugang bahagi ay hindi katulad ang panahon, na mas madalas ang tag-ulan sa
kabuuan ng taon.

Kasaysayan
Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa Laguna de Bay, isang bahagi ng
katubigan na bumubuo sa hilagang hangganan ng lalawigan. Ang Laguna de Bay
naman, ay isinunod sa pangalan ng bayan ng Bay (Ang salitang Laguna de Bay ay
hango sa salitang Kastila na nangangahulugang "Lawa ng Bay"), ang pinakaunang
punong bayan ng lalawigan. Si Kapitan Juan de Salcedo kasama ng pulutong ng isang
daang sundalong Kastilang-Mehikano at ilang bilang ng mga kakamping mga Bisaya ay
sinakop ang lalawigan at ang mga nakapalibot na bahagi para sa Espanya noong 1571.
Pitong taon makalipas, dalawang Fransiskanong mga pari ang nagsimulang binyagan
ang mga tao doon.

Batangas
Ang Batangas (pagbigkas: ba•táng•gas) ay isang lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON.
Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan
ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island
Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat
Tsina.
Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang
Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa
magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng
Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala
bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta
Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan
ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa
Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa
Kalakhang Maynila.

Mamamayan
Ang Tagalog ng Batangas na sinasalita sa lalawigan ay malapit sa sinaunang
wikang Tagalog na sinasalita bago dumating ang mga Kastila. Kaya ayon sa Summer
Institute of Linguistics, tinawag nila ang lalawigan bilang sentro ng wikang Tagalog.
Sa mga nakalipas na mga taon, ang pagdagsa ng mga katutubo mula
sa Kabisayaan ang nagdulot ng pagdami ng mga Bisaya sa lalawigan. Mayroon din
ilang nakapagsasalita ng Kastila, dahil isang mahalagang sentro rin ang Batangas
noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
Isa ang Batangas sa may pinakamataas na antas ng kamuwangan sa Pilipinas sa
96.5%, kung saan ay higit na mataas ang muwang ng mga lalaki na nasa 97.1% kaysa
sa mga babae na 95.9%.

Heograpiya
Pisikal
Magkahalong kapatagan at kabundukan ang lalawigan ng Batangas, kung saan
matatagpuan din ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, ang Bulkan Taal, na may taas
na 600 metro, na nasa gitna ng Lawa ng Taal. Ang ilan pang mahahalagang bundok ay
ang Bundok Makulot na may taas na 830 m, Bundok Talamitan, na may taas na 700 m,
Bundok Pico de Loro na may taas na 664 m, Bundok Batulao, Bundok Manabo, at
Bundok Daguldol.

Wika
Bagaman may sariling pamamaraan ng pagsasalita ng Tagalog ang mga Batangueño,
matatas din manalita ng Ingles ang mga mamamayan nito. Nakauunawa din ng iilang
salita sa wikang Kastila ang ilan sa mga Batangueño. Sa katunayan, ang ilang bayan
gaya ng Nasugbu, Taal at Lemery ay maroon pa ring iilang mananalita ng wikang
Kastila. Marami rin ang nagsasalita ng Cebuano dahil sa iilang dayo mula sa katimugan
ng Pilipinas.

Rizal
Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas.
Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan
ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa
pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal.

Kasaysayan
Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang
kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa
noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao,
palaka, at butiki.
Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga
pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang
ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan
ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo.

Quezon
Ang Quezon, dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon
ng Calabarzon sa pulo ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L.
Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa bayan ng Baler na noo'y
sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lucena.
Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa
hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines
Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang
dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon.
Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.

Ekonomiya
Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad
ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa
malaking bahagi ng lalawigan. Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais,
saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang
pangingisda.
SAGUTIN:

I. Panuto. Ibigay ang kabisera ng mga sumusunod na Lalawigan/Lungsod.

Lalawigan/Lungsod Kabisera

Batangas

Cavite

Laguna

Quezon

Rizal

II. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa anong Rehiyon matatagpuan ang CALABAZON?


A. Rehiyong IV-B
B. Rehiyong III
C. Rehiyong IV-A
D. Rehiyong II

2. Noong 2015, ilang milyong mamamayan ang naninirahan dito?


A. 14.4milyon
B. 15.4milyon
C. 13.4milyon
D. 12.4milyon
3. Anong produkto ang nangunguna sa bayan ng Quezon?
A. Mais at Niyog
B. Tubo at kopra
C. Langis ng Niyog at Kopra
D. Tabako at Bigas

4. Ito ang sentro ng wikang tagalog.


A. Cavite
B. Laguna
C. Batangas
D. Rizal

5. Sinong bayani ang pinagmulan ng pangalan ng Rizal?


A. Lapu-Lapu
B. Gat. Jose Rizal
C. Apolinario Mabini
D. Gregorio Del Pilar

6. Anong festival ang ipinagdidiriwang sa Laguna loob ng isang linggo?


A. Anilao Festival
B. Maskara Festival
C. Sampaguita Festival
D. Anilag Festival

7. Anong sikat na bulkan ang makikita sa Batangas?


A. Mayon Volcano
B. Mount Pinatubo
C. Mount Apo
D. Taal Volcano

8. Ano ang tatlong pangunahing lengwahe ng mga taga Cavite?


A. Tagalog, Chabacano at Ingles
B. Ingles, Tagalog at Cebuano
C. Tagalog, Chabacano at Hiligaynon
D. Tagalog, Ilokano at Ingles
9. Saan isinunod ang pangalan ng lalawigan ng Laguna?
A. Laguna de Vaje
B. Laguna de Lao
C. Laguna de Bay
D. Laguna de Sue

10. Sino ang pinuno ng mga taga Rizal noong unang panahon?
A. Lakambini
B. Raha Humabon
C. Raha Sulayman
D. Lakandula

III. Ibigay ang mga Lungsod na matatagpuan sa LAGUNA.


1.
2.
3.
4.
5.
6.

IV. Iguhit ang MAPA ng CALABARZON lamang sa loob ng kahon.


V. Panuto. Ibigay ang bilang ng populasyon ng bawat lalawigan.

Populasyon
Lalawigan/Lungsod
(2010)

Batangas

Cavite

Laguna

Quezon

Rizal
CALABARZON

Prepared by:
Teacher Zoila Mae
S. Medes
LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC.
BLK. 5A LOT 31-33 SOUTHERN HEIGHTS II, BRGY.UNITED BETTER LIVING, CITY OF SAN
PEDRO, LAGUNA 8847-9321

LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC. City of


San PedrRepublic of thPhilippines
DEPARTMENT OF EDUCATION

MODULAR DISTANCE Schools Division of LAGUNA


City of San Pedro
LITTLE STAR ACHIEVERS SCHOOL INC.

LEARNING (MDI)

ARALING
PANLIPUNAN 3
WEEK 1 & 2 (Second
GAVIN ENRICO F. TEODOSIO

Prepared by:
Teacher Zoila Mae S. Medes

You might also like