You are on page 1of 4

Rehiyon IV- A (CALABARZON)

Ang timog katalugan ay dating isang malaking rehiyon na matatgpuan sa katimugang Luzon. Ngunit sa
bias ng executive order blg. 103 noong mayo 21, 2002, ito ngayon ay nahahati sa dalawang bahagi ang
rehiyon 4-A o CALABARZON at ang Rehiyon 4-B o MIMAROPA. Ang rehiyon 4-A ay kilala sa tawag ng
timog katagalugan dahil nakakarami ang tagalog na naninirahan dito. Ang CALABARZON ay isang rehiyon
sa pilipinas na nasa timog kanlurang Luzon, timog at kanlurang bahagi ng metro manila at
pumapangalawa sa pinaka mataong rehiyon.

Rehiyon IV-A

Ang Rehiyon IV A o CALABARZON ay kinakatawan ng mga lalawigang bumubuo nito- Cavite Laguna,
Batangas, Rizal at Ouezon na- siyang pinakamalaki kahit ito ay pahaba. Ang malaking bahagi ng rehiyon
ay nasa dulong timog ng luzon maliban sa Quezon na nasa gawing timog silangang bahagi nito. Waring
nakausling bahagi ng Luzon ang buong Rehiyon IV-A lalo na ang Quezon na nakadugtong sa isa ring
tangway ang Bicol Peninsula.

Komposisyon ng CALABARZON

Kapital Sukat Populasyon


Lalawigan (kilometro Kuwadrado) (Agosto,2007)

Cavite Trece Martires 1287.6 2 856 765


Laguna Sta. Cruz 1759.7 2 473 530
Batangas Batangas City 3165.8 2 245 869
Rizal Antipolo City 1308.9 2 284 046
quezon Lucina City 8706.6 1 882 900

Cavite
Ang Cavite ay nasa timog ng Metro Manila. Diumano ang pangalan nito ay hinango sa hugis kawit na
kabuuan ng peninsulang kinakabitan nito. Ito ay matatanaw mula sa Bataan. Nakapagitan sa Cavite at
Bataan ang Manila Bay. Malaki ang naging papel ng lalawigan sa himagsıkan laban sa mga Espanyol.
Taga rito si Emilio Aguinaldo kayaito ang naging pangunahing moog ng mga Pilipino sa unang bugso ng
labanan noong 1896. Dito rin idineklara ang araw ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,
1898.

Laguna
Matatagpuan ang lalawigan sa timog na bahagi ng Lawa ng Laguna. Ang mga bayan nito ay nakapaligid
sa hugis pusong lawa ng Laguna. Sa nasabing lawa hinango ang pangalan ng lalawigan. Nakilala ang
lalawigan bilang lugar na sinilangan ni Jose Rizal. Kilala rin ang lalawigan sa mga alamat na nauugnay kay
Maria Makiling. Dito matatagpuan ang Pagsanjan Falls.

Batangas
Ang pangalan ay ginamit para sa lalawigan gayundin sa lungsod nito na siya
ring kapital nito. Kilala ang lalawigan dahil sa mga taong nauugnay sa kasaysayan ng
bansa. Ilan sa kanila sina Apolınario Mabini, ang Dakilang Paralitiko; Miguel Mavar,
isa sa huling heneral na sumuko sa mga Amerikano, at Jose Laurel, naging pangulo
ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Hindi maaaring mabanggit ang lalawigan nang hindi nagugunita ang Bulkang
Taal at ang Mt. Makulot na madalas puntahan ng mga mountain climber.

Rizal
Hinango ang pangalan ng lalawigan kay Jose Rizal. Mas maunlad ang kanluran
at timog na bahagi ng lalawigan kung saan kahanggan nito ang Metro Manila at
Laguna. Dating bahagi ng Rizal ang Pasig na dati rin nitong kapital hanggang sa
naging bahagi ito ng Metro Manila.
Mula sa patag na hilaga at kanlurang bahagi nito, bako-bako at mabundok
naman ang silangang bahagi nito na Kananggan ng Sierra Madre. Sa lalawigang ito
matatagpuan ang ilog Montalban.

Quezon
Ang mga lalawigan sa rehiyon ay pabilog ang hugis maliban sa Quezon na pahaba. Kahanggan nito ang
Pacific Ocean sa gawing silangan ng peninsula kaya ito
ay may mahabang baybayin. Hinango ang pangalan ng lalawigan kay Manuel Quezon. Mabundok ang
lalawigan dahil sa Sierra Madre. Pinakamataas sa gawing timog ang Mt. Banahaw na
kikala sa pagiging banal na bundok.

Topograpiya

Ang teritoryo ng CALABARZON ay binubuo ng ibat ibang uri ng anyong lupa.


May maburol at mabulkan itong bahagi. Bulubundukin at magubat ang ilang
lalawigan nito lalo na ang Rizal at Quezon. Nasa timog na bahagi ng Quezon ang
maburol na bahagi ng Sierra Madre,gayundin ang mga burol ng Bondoc Peninsula.
Matatagpuan ang Bondoc Peninsula sa pagitan ng Ragay Gulf at Tayabas Bay. Ang
Tayabas Isthmus naman ang nagdurugtong sa Quezon at sa Bicol Peninsula.

llan sa mga kilalang anyong lupa at anyong tubig sa rehiyon ang mga sumusunod:

Anyong Lupa Anyong Tubig


Mt. Makiling (Laguna) Polillo Strait (Quezon)
Mt. Banahaw Quezon) Tayabas Bay (Quezon)
Polilio Islands (Quezon) Tayabas Isthmus(Quezon)
Sierra Madre Mts. (Quezon) San Miguel Bay (Quezon)
Mt Caladang (Rizal) Hinulugang Taktak (Rizal)
Bulkang Taal (Batangas) Pagsanjan Falls (Laguna)
Laguna de Bay (Laguna)
Montalban Dam (Rizal)
Sampaloc Lake (Laguna)
Lawa ng Taal (Batangas)
Iba't-iba ang klimang nararanasan ng mga lalawigan ng CALABARZON. Ang Cavite
at Batangas ay klimang Tipo 1 samantalang Tipo 3 naman ang sa Rizal at Laguna. Ang
Quezon ay nakararanas ng klimang Tipo 4 maliban sa bahaging malapit sa Polilio
Islands at Carmarines Norte na parehong may masaganang tag-ulan sa buong taon.
Madalas namang daanan ng bagyo ang Polillo Islands.

Hanapbuhay

Ang CALABARZON ay isa sa mga mauunlad na rehiyon ng bansa.


ikinabubuhay ng marami sa mga naririto ay ang pagtatrabaho sa mga planta at
pagawaan. Isa itong growth area kung saan maraming dayuhang mangangalakal
ang pinahihintulutang magtayo ng mga pabrika na lumilikha ng sarisaring yaring
produkto na nailuluwas ng Pilipinas.

Pagsasaka at pangingisda naman ang


ikinabubuhay ng mga naninirahan sa mga malilit na
bayan at baryo ng rehiyon . Ang mga pangunahing
produktong agricultural ay palay, mais cacao, mani,
gulay, at mga prutas. Pangunahin ang Rizal, Cavite,
Batangas sa produksiyon ng mga prutas at gulay,
samantalang ang Quezon at Laguna naman ang
orodyuser ng niyog at kopra.Ang kapeng barako
ay galing naman sa Batangas, samantalang ang
lansones ay mula sa Laguna.

Ang mga bayan din nglaguna ang nangunguna sa mga negosyong pantahana:

1. Paete - santo, bakya, tsinelas


2. Nagcarlan - mga inukit na kahoy
3. Santa Cruz - kesong puti
4. Liliw - uraro, tsinelas
5. Majayjay - alak na lambanog
6. Umban - barong Tagalog

Natatanging Pilipino

1. Jose Rizal – Calamba, Laguna


2. Jose Laurel- Tanauan, Batangas
3. Apolinario Mabini- Tanauan, Batangas
4. Miguel Malvar- Lipa, Batangas
5. Manuel Quezon- Balor, Aurora
6. Emillo Aguinaldo- Kawit Cavite
7. Miguel Trias- Cavite
8. Apolinarlo de la Cruz- Tayabas, Ouezon
Natatanging Pangyayari

1. Kamatayan ng Gomburza- Cavite

2. Kamatayan ni Bonifacio- Maragondon. Cavite


3. Pagdeklara ng Kasarinlan ng Plipinas- Kawit, Cavite
4. Pagbitay sa 13 Martir- Trece Martres Cavite

Mga kilalang manunulat ng rehiyon 4-A:

1. Jose Rizal “Sa Aking mga kababata”


2. Teo S. Baylon “Tinig ng Teen-ager”
3. Idelfonso Santos “Ang Guryon”
4. Rev. Fr. Arnel S. Vitor “Ang Tutong”
5. Lope K. Santos “ Ang Buhay ng Panggingera”
6. Clemente Bautista “ May Daigdig sa Karagatan”
7. Ligaya T. Rubin “Paano magsulat ang isang Ina”

You might also like