You are on page 1of 10

MGA REHIYON NG PILIPINAS

Ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo sa Pilipinas. Sa taong 2002,


mayroon nang 17 rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa 79 lalawigan. Nabuo ang
mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang
kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong pulitika. Ang mga ito ay
napapangkat bilang rehiyon para madaliang pamamalakad. Karamihang tanggapan
ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na
paisaisang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang
kabisera ng rehiyon.
Ang mga rehiyon ay walang hiwalay na lokal na pamahalaan, ngunit hindi
nabibilang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)at Cordillera
Administrative Region (CAR) na mga autonomous.
LUZON

Ang Luzon ay tumutukoy sa ang pinakamalaki at


pinakamahalagang pulo ng Pilipinas at isa sa tatlong
pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao
ang dalawa pa).
Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng
Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at
ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito
matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang
pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo
at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang
pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon,
ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang
Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at
sa hilaga ang Luzon Strait.
Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay
kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at
Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes,
Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa
timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at
38 na lalawigan.

Ang mga rehiyon sa Luzon ay ang mga sumusunod:


 Rehiyon I Ilocos
 Rehiyon II Lambak ng Cagayan
 Rehiyon III Gitnang Luzon
 Rehiyon IV-A CALABARZON
 Rehiyon IV-B MIMAROPA
 Rehiyon V Bicol
 CAR Cordillera Administrative Region
 NCR Pambansang Punong Rehiyon

VISAYAS

Ang Kabisayaan ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa


Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan,
pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman
itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat
Sulu.
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol,
Leyte, at Samar. Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon
at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga mga Bisaya.

Ang mga rehiyon sa Kabisayaan ay ang mga sumusunod:


 Rehiyon VI Kanlurang Visayas
 Rehiyon VII Gitnang Visayas
 Rehiyon VIII Silangang Visayas

MINDANAO

Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at isa


sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang Luzon at Visayas. Ito
ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa,
kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga Maranao at Tausug.
Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng limang
siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang mananakop.
Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng pamahalaang
Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang humiwalay
sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng
Mindanao ngayon ay Kristyano sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-
lupa at malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang
kinagagalit ng mga mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon
at dinadahilang isyu ng mga kilusang separatista na ilang daang taon
nang nakikipagdigmaan.
Sa mga nakalipas na taon, ang seguridad sa rehiyon ay lalong pinaigting
dulot ng paglaganap ng mga teroristang organisasyong may kaugnayan sa
gulong nangyayari sa Gitnang Silangan. Sinasabing ang Mindanao ay may
mga kampong pinagsasanayan ng mga grupong terorista tulad ng Abu Sayyaf
at Jemaah Islamiyah na humahamon at nag-uudyok sa Moro Islamic Liberation
Front (MILF) na isang mas moderate at nasyonalistang grupo.
Bilang isang pulo sa timogang bahagi ng bansa, ang Mindanao ang ikalawang
pinakamalak sa sukat na 94,630 kilometro kwadrado, mas maliit sa Luzon
ng mga 10,000 km² lamang. Ang isla ay mabundok, at dito matatagpuan ang
Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Dagat Sulu ay nasa
kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang Dagat ng Pilipinas, at
sa timog naman ay ang Dagat Celebes.
Ang grupo ng isla ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao,
kasama ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran. Ang grupong ito ay nahahati
sa anim na rehiyon, na nahahati naman sa 25 mga probinsya.
Ang mga rehiyon sa Mindanao ay ang mga sumusunod
 Rehiyon IX Kanlurang Mindanao
 Rehiyon X Hilagang Mindanao
 Rehiyon XI Rehiyon ng Davao
 Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
 Rehiyon XIII CARAGA
 (ARMM) Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao
Mga Lalawigan sa Bawat Rehiyon ng Pilipinas
LUZON
Rehiyon I:Ilocos
Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte
Lungsod ng Vigan, Ilocos Sur
Lungsod ng San Fernando, La Union
Lingayen, Pangasinan
Sentrong panrehiyon: Lungsod ng San Fernando
CAR: Cordillera Administrative Region
Kabugao, Apayao
Bangued, Abra
Lagawe, Ifugao
Tabuk, Kalinga
Bontoc, Mountain Province
La Trinidad, Benguet
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Baguio
Rehiyon II:Lambak ng Cagayan
Basco, Batanes
Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan
Ilagan, Isabela
Bayombong, Nueva Vizcaya
Cabarroguis, Quirino
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Tuguegarao

Rehiyon III:Gitnang Luzon


Iba, Zambales
Lungsod ng Balanga, Bataan
Lungsod ng Tarlac, Tarlac
Lungsod ng San Fernando, Pampanga
Lungsod ng Palayan, Nueva Ecija
Lungsod ng Malolos, Bulacan
Baler, Aurora
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng San Fernando

NCR:Nat'l Capital Region

Lungsod ng Kalookan
Lungsod ng Malabon
Lungsod ng Navotas
Lungsod ng Valenzuela
Lungsod ng Quezon
Lungsod ng Maynila
Lungsod ng San Juan
Lungsod ng Pasig
Lungsod ng Marikina
Lungsod ng Mandaluyong
Lungsod ng Makati
Lungsod ng Taguig
Pateros
Lungsod ng Pasay
Lungsod ng Paranaque
Lungsod ng Las Pinas
Lungsod ng Muntinlupa
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Maynila
Rehiyon IV
IV-A
Lungsod ng Trece Martires, Cavite
Santa Cruz, Laguna
Lungsod ng Batangas, Batangas
Lungsod ng Antipolo, Rizal
Lungsod ng Lucena, Quezon
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Calamba
IV-B
Mamburao, Occidental Mindoro
Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro
Boac, Marinduque
Romblon, Romblon
Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Quezon
Rehiyon V:Bicol
Daet, Camarines Norte
Pili, Camarines Sur
Lungsod ng Legazpi, Albay
Lungsod ng Sorsogon, Sorsogon
Lungsod ng Masbate, Masbate
Virac, Catanduanes
Sentrong panrehiyon: Lungsod ng Legazpi
VISAYAS
Rehiyon VI:Kanlurang Visayas
Kalibo, Aklan
San Jose De Buenavista, Antique
Lungsod ng Iloilo, Iloilo
Lungsod ng Roxas, Capiz
Jordan, Guimaras
Lungsod ng Bacolod, Negros Occidental
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Iloilo
Rehiyon VII:Gitnang Visayas
Lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental
Lungsod ng Cebu, Cebu
Lungsod ng Tagbilaran, Bohol
Siquijor, Siquijor
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Cebu
Rehiyon VIII:Silangang Visayas
Catarman, Hilagang Samar
Lungsod ng Catbalogan, Samar
Borongan, Silangang Samar
Biliran, Naval
Lungsod ng Tacloban, Leyte
Lungsod ng Maasin, Timog Leyte
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Tacloban
MINDANAO
Rehiyon IX:Tangway ng Zamboanga
Lungsod ng Dipolog, Zamboanga Del Norte
Lungsod ng Pagadian, Zamboanga Del Sur
Ipil, Zamboanga Sibugay
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Pagadian
Rehiyon X:Hilagang Mindanao
Lungsod ng Oroquieta, Misamis Occidental
Lungsod ng Cagayan De Oro, Misamis Oriental
Lungsod ng Malaybalay, Bukidnon
Tubod, Lanao Del Norte
Mambajao, Camiguin
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Cagayan De Oro
Rehiyon XI:Davao
Lungsod ng Tagum, Davao Del Norte
Lungsod ng Digos, Davao Del Sur
Nabunturan, Compostela Valley
Mati, Davao Oriental
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Davao
Rehiyon XII:SOCCSKSARGEN
Lungsod ng Koronadal, Timog Cotabato
Lungsod ng Kidapawan, Cotabato
Isulan, Sultan Kudarat
Alabel, Sarangani
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Koronadal
Rehiyon XIII:CARAGA
Cabadbaran, Agusan Del Norte
Prosperidad, Agusan Del Sur
Lungsod ng Surigao, Surigao Del Norte
Tandag, Surigao Del Sur
San Jose, Dinagat Islands
Sentrong panrehiyon:Cabadbaran
ARMM:Autonomous Region in Muslim Mindanao

Lungsod ng Marawi, Lanao Del Sur


Lungsod ng Isabela, Basilan
Shariff Aguak, Maguindanao
Bongao, Tawi-Tawi
Jolo, Sulu
Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabunsuan
Sentrong panrehiyon:Lungsod ng Cotabato
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

You might also like