You are on page 1of 33

Kabanata 2

Aralin 2

Mga Rehiyon
ng Pilipinas
Araling Panlipunan 3
Ang Pilipinas ay ang ating bansa. Ito
ay ang tahanan natin, ng ating
pamilya, at ng ating lahi. Dapat na
kilala mo ang ating bansa. Ang
Pilipinas ay isang arkipelago o
kapuluan, na isang pangkat ng
magkakalapit na mga isla.
● Mayroong 7 641 isla ang kapuluan
ng Pilipinas.
● Ang mga islang ito ay napapangkat
sa tatlo—Luzon, Visayas, at
Mindanao.
● Ang mga pangkat na ito ay nahahati
pa sa mga rehiyon.
Ang rehiyon ay
administratibong
pagpapangkat ng mga
lalawigan at lungsod.
Maaaring batay ito sa
heograpiya ng lugar at
pagkakapareho ng kultura,
wika, o lipunan ng mga tao.
Mayroong 17 rehiyon ang bansa
na nahahati pa sa 81 lalawigan at
ilang independiyenteng lungsod.
Bawat lalawigan ay may mga
bayan (lungsod at munisipalidad)
na ang isa rito ay ang kabesera na
itinuturing na sentro ng lalawigan.
Mga Rehiyon sa Luzon

Ang pangkat ng Luzon ay binubuo ng Luzon, ang


pinakamalaking isla sa bansa, at ilang kalapit na
isla na nakapaligid dito gaya ng Mindoro,
Catanduanes, at Palawan. Mayroong walong
rehiyon sa pangkat ng Luzon.
Rehiyon 1: Rehiyon ng Ilocos
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 3: Gitnang Luzon
Rehiyon 4-A: CALABARZON
Rehiyon 4-A: CALABARZON
Rehiyon 4-B: MIMAROPA
Rehiyon 5: Rehiyon ng Bikol
Rehiyong Administratibo ng Cordillera o
Cordillera Administrative Region (CAR)
Pambansang Rehiyong Kapital o National
Capital Region (NCR)
Mga Rehiyon sa Visayas
Ang Visayas o Kabisayaan ay pangkat ng mga isla sa
gitnang bahagi ng Pilipinas. Walang malaking isla na
maituturing na sentro ang rehiyon. Sa halip, mayroon itong
anim na pangunahing isla: Panay, Negros, Cebu, Bohol,
Samar, at Leyte. Napaghihiwalay ang mga ito ng makikipot
na dagat. Nahahati ang pangkat ng Visayas sa tatlong
rehiyon.
Rehiyon 6: Kanlurang Visayas
Rehiyon 7: Gitnang Visayas
Rehiyon 8: Silangang Visayas
Mga Rehiyon sa Mindanao
Ang huling pangkat ay ang Mindanao. Binubuo ito ng isla
ng Mindanao at ilang maliliit na isla gaya ng Camiguin,
Basilan, kapuluang Sulu, Dinagat, at Siargao. Ang mismong
isla ng Mindanao ay ang pangalawang pinakamalaking isla,
sunod sa Luzon. Ang pangkat na ito ay mayroong anim na
rehiyon.
Rehiyon 9: Tangway Zamboanga
Rehiyon 10: Tangway Zamboanga
Rehiyon 11: Rehiyon ng Davao
Rehiyon 12: Gitnang Mindanao o
SOCCSKSARGEN
Rehiyon 13: Rehiyon ng Caraga
Rehiyon 13: Rehiyon ng Caraga
Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim
Mindanao o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao (BARMM)
Ang Populasyon sa Pilipinas

Ang demograpiya ay ang pag-aaral sa katangian ng


populasyon, na siyang bilang ng mga taong naninirahan sa
isang pook. Maaaring pag-aralan ang iba’t ibang aspekto ng
populasyon gaya ng edad, kasarian, kayamanan, bilang ng
anak, at iba pa.
Populasyon ng Pilipinas noong 2015
Ang Pilipinas ay nahahati sa mga rehiyon upang
mas maayos na mapamahalaan. Ang mga rehiyon
naman ay binubuo ng mga lalawigan at mga
independiyenteng lungsod. Isang hamon sa
pamahalaan kung paano mapag-uugnay ang mga
ito sa kabila ng pagkakalayo at pagkakaiba ng
kultura. Isa sa mga solusyon ay ang pagkakaroon
ng kabesera ng bawat lalawigan, at ng sentrong
lungsod sa bawat rehiyon.
Pagtatapos ng Aralin!
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

You might also like