You are on page 1of 8

ARALIN 3.

4 Kapaligiran Ko, Ilalarawan Ko

UNANG ARAW

I. Layunin
Nailalarawan ang pagpapatuloy at pagbabago ng kapaligiran ng kinabibilangang
komunidad.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Bacoor City Ngayon at Noon
Saggunian: Gabay ng Guro sa K-12
Kagamitan: manila paper, pentel pen, larawan ng Bacoor City Noon at Ngayon,
Modyul 3, Aralin 3.4
Integrasyon: Agham, Ebolusyon/ Pagbabago

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng panahong nararanasan sa komunidad?
2. Pagwawasto ng takdang -aralin

B. Paglinang
1. Pagganyak
Ano-anong pagbabago ang iyong nakikita sa kapaligiran at katangiang pisikal ng
iyong komunidad?
2. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng Bacoor City noon at ngayon.
3. Pagtalakay
Ano-ano ang nakikita mong pagbabago sa kapaligiran ng Bacoor City noon?
Ngayon?

C. Pangwakas
1. Paglalahat
Nagkaroon ng malaking pagbabago ang Bacoor City noon at ngayon. Nagkaroon
ng mga bagong gusali, nagkaroon ng mga mall, mga bagong subdivision at marami pang
iba.
2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay susulat ng maikling
sanaysay sa manila paper na naglalarawan ng pagpapatuloy at pagbabago ng
Bacoor City noon at ngayon.

IV. Pagtataya
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi.
_____1.Maraming pagbabago ang nagaganap sa kapaligiran ng isang komunidad.
_____2. Ang mga dating bahay na yari sa mga nipa at kawayan, ngayon ay konkreto na.
_____3. Ang simbahan ni San Miguel de Arkenghel ay isa sa mga lumang simbahan ng
Lungsod ng Bacoor na nananatili nakatayo pa rin ngayon.
_____4.Ang mga kalsadang dating lubak-lubak ngayon ay naging konkreto na.
_____5.Marami nang mga bagong tayong subdivision ngayon sa lungsod ng Bacoor.
V. Takdang Aralin
Mangalap ng impormasyon sa mga nakatatanda tungkol sa Bacoor City noon at
ngayon.

ARALIN 3.4 Kapaligiran Ko, Ilalarawan Ko


IKALAWANG ARAW

I. Layunin
Nailalarawan ang pagpapatuloy at pagbabago ng kapaligiran ng kinabibilangang
komunidad.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Bacoor City Ngayon at Noon
Saggunian: Gabay ng Guro sa K-12
Kagamitan: manila paper, pentel pen, larawan ng Bacoor City Noon at Ngayon,
Modyul 3, Aralin 3.4
Integrasyon: Agham, Ebolusyon/ Pagbabago

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-anong ang nagpapatuloy at nagbabago sa Bacoor City noon at ngayon?
2. Pagwawasto ng takdang -aralin

B. Paglinang
1. Pagganyak
Ano-ano ang mga pagkakaiba ng Bacoor City noon at ngayon?
2. Paglalahad
Ipasabi sa mga bata ang mga pagkakaiba ng kapaligiran ng Bacoor City noon at
ngayon. Isulat ang mga sagot sa pisara.
Halimbawa
Noon:
Sagana sa taniman ng palay
Ngayon:
Kakaunti na ang mga bukid na taniman ng palay ang pumalit ay mga
bagong tayong subdivision.
3. Pagtalakay
Ano-ano ang mga bagay na nagpapatuloy at nagbabago sa Bacoor City noon at
ngayon?
C. Pangwakas
1. Paglalahat
Malaki na ang pagbabago ng Bacoor City noon at ngayon.
2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkatin sa apat na grupo ang klase. Bawat pangkat ay susulat sa manila
paper ng mga nagbago at nanatili pa sa iyong komunidad. Gayahin ang format sa
ibaba.
Kapaligiran ng Pagbabago Nananatili
Komunidad

Hal. Irasan/ Asinan Ginawang bahayan

IV. Pagtataya
Isulat ang tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X) naman
kung mali.
_____1. Ang dating taniman ngayon ay tinayuan na ng naglalakihan mall.
_____2. Dating bahagi ng dagat ngayon ay tinambakan at ginawang bagong kalsada.
_____3. Ang Tulay ng Zapote na ngayon ay nananatili pa rin nakatayo.
_____4. Mga dating latian o irasan ngayon ay mga bahayan na.
_____5. Walang naging pagbabago ang Bacoor City noon at ngayon.

V. Takdang Aralin
Ilarawan ang katangiang pisikal ng kinabibilangang komunidad.

ARALIN 3.4 Kapaligiran Ko, Ilalarawan Ko


IKATLONG ARAW

I. Layunin
Nailalarawan ang katangiang pisikal ng kinabibilangang komunidad sa malikhaing
paraan.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Bacoor City Ngayon at Noon
Saggunian: Gabay ng Guro sa K-12
Kagamitan: manila paper, pentel pen, larawan ng Bacoor City Noon at Ngayon,
Modyul 3, Aralin 3.4
Integrasyon: Agham, Ebolusyon/ Pagbabago

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang nagpapatuloy at nagbabago sa kapaligiran ng kinabibilangang
komunidad?
2. Pagwawasto ng takdang -aralin

B. Paglinang
1. Pagganyak
Ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig sa inyong komunidad?
2. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng anyong lupa at anyong tubig na makikita sa mga
komunidad.
3. Pagtalakay
Ano-ano ang pagkakaiba ng anyong lupa noon at ngayon?
Ano-ano ang pagkakaiba ng anyong tubig noon at ngayon?

C. Pangwakas
1. Paglalahat
Malaki na ang pagkakaiba ng mga anyong lupa at anyong tubig noon at ngayon.
2. Paglalapat
Iguhit ang mga anyong lupa/tubig na mayroon sa iyong komunidad noon at
ngayon.
Anyong Tubig Noon Anyong Tubig Ngayon

Anyong Lupa Noon Anyong Lupa Ngayon

IV. Pagtataya
Isulat kung Tama o Mali ang sumusunod na pangungusap.
_____1. Dating ilog, tinambakan ng lupa ngayon ay panahanan na.
_____2. May mga anyong lupa at anyong tubig na nananatili pa rin hanggang sa
kasalukuyan.
_____3. Dating palayan noon, ngayon ay naggagandang mga gusali na ang nakatayo.
_____4. Walang nabago sa mga anyong lupa at anyong tubig sa mga komunidad.
_____5. Dala nang patuloy na modernisasyon kaya nagkaroon ng pagbabago sa mga
anyong lupa at anyong tubig.

V. Takdang Aralin
Magsagawa ng pagsasaliksik tungkol sa mga naging pagpapatuloy at pagbabago
ng mga anyong lupa at anyong tubig.

ARALIN 3.4 Kapaligiran Ko, Ilalarawan Ko


IKAAPAT NA ARAW

I. Layunin
Nailalarawan ang pagpapatuloy at pagbabago ng kapaligiran ng kinabibilangang
komunidad.
II. Paksang-Aralin
Paksa: Ang Bacoor City Ngayon at Noon
Saggunian: Gabay ng Guro sa K-12
Kagamitan: manila paper, pentel pen, larawan ng Bacoor City Noon at Ngayon,
Modyul 3, Aralin 3.4
Integrasyon: Agham, Ebolusyon/ Pagbabago

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang mga naging pagpapatuloy at pagababago ng mga anyong lupa at
anyong tubig noon at ngayon?
2. Pagwawasto ng takdang -aralin

B. Paglinang
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng anyong lupa at anyong tubig noon at ngayon.
2. Paglalahad
Ipasabi ang mga nakikitang pagbabago sa mga anyong lupa at anyong tubig sa
mga komunidad.
3. Pagtalakay
a. Ano ang nakikita mong pagbabago sa kapaligiran ng Bacoor City sa
kasalukuyan?
b. Ano-ano ang katangiang pisikal na nananatili pa hanggang sa ngayon?

C. Pangwakas
1. Paglalahat
Sa paglipas ng panahon, kasabay ng modernisasyon ang ilan sa mga anyong lupa
at anyong tubig na makikita sa mga komunidad ay nagkaroon na ng pagbabago.
2. Paglalapat
Isulat sa papel ang mga bnagbago at nananatili pa sa iyong komunidad. Gamiting
halimbawa ang tsart sa ibaba.
Anyong Tubig/ Pagbabago Nananatili
Anyong Lupa

IV. Pagtataya
Isulat kung ang sumusunod ay Pagbabago o Nananatili.
_____1. Dating ilog, tinambakan ng lupa, ngayon ay bahayan na.
_____2. Kapatagan na hanggang ngayon ay taniman ng palay.
_____3. Dati ay magandang dagat, tinambakan ng lupa at ginawang kalsada.
_____4. Bukirin na tinayuan ng magandang mall.
_____5. Magandang ilog na hanggang kasalukuyan ay pinaliligiran ng mga nakatira sa
komunidad.

V. Takdang Aralin
Iguhit sa isang malinis na coupon bond ang mga nakikitang pagbabago at
pananatili ng mga anyong lupa at anyong tubig sa iyong komunidad. Kulayan ito.

You might also like