You are on page 1of 3

ARALIN 2 Pamahalaang Sentral

Takdang Panahon: 1-2 araw

Layunin:

1. Nasusuri ang pagbabago sa lipunan sa panahon ng pamahalaang kolonyal.


2. Naipapakita ang balangkas ng organisasyong itinatag ng mga Espanyol.
3. Nailalarawan ang tungkulin at karapatan ng gobernador- heneral sa pamahalaang
sentral.

Paksang Aralin:

Paksa: Pamahalaang Sentral


Kagamitan: tsart, manila paper, pandikit, panulat
Sanggunian: Learners Materials, MISOSA Lesson 4-10 ( Grade V )
K to 12 AP5KPK-IIIa-1,1.1 ; 1.1.3 ; MISOSA Lesson 26 ; Pilipinas Kong Hirang
V, Eleanor D. Antonio et.al. ph.129

Pamamaraan:
A.Panimula: Day One
1. Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan tungkol sa ating pamahalaan noong
Unang Panahon? Sagutin ang word puzzle. Isulat sa loob ng bawat kahon ang ankop na titik
para mabuo ang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1 B Y
2 A
3 T
4 A
5 Y

1. Ano ang tawag sa pamahalaan ng Unang Pilipino?


2. Sino ang namamahala sa mga gawaing panrelihiyon?
3. Sino ang pinuno sa barangay?
4. Sino ang mga taong bumubuo sa lupon na tumutulong sa pinuno?
5. Sino ang namamahala sa paggawa ng mga kasangkapan?

Day Two
1. Tukuyin ang pinamumunuan ng mga sumusunod na opisyales. Iayos ang mga titik
upang mabuo ang sagot.

Alcalde Mayor = DIACAAL


Cabildo = TAMIENAYUNTO
Gobernadorcillo = UEBLOP
Cabeza de Barangay = RANGAYBA
Corregidores = MIENTOCORREGI
B. Paglinang

1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa tanong sa Alamin Mo, LM, ph 1.


2. Pakinggan ang sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang mga sagot.
3. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa uri ng pamamahalang itinatag ng
mga Espanyol nang masakop nila ang malaking bahagi ng Pilipinas?
4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM, ph. 4.
5. Ipagawa ang mga gawain.

Gawain A
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, ph. 5
Ipakopya sa notbuk ang mga grapikong pantulong sa LM, ph. At ipasulat dito
ang sagot ng mga mag-aaral.

Gawain B
Magpabuo ng pangkat na may 10 kasapi.
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM,ph. 5.
Ipagawa ang gawain.

Gawain C
Gamitin ang kaparehong pangkat sa Gawain B.
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, ph.6
Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa gawain.
Pag-usapan kung ang kanilang sagot ay ayos bago ilahad sa klase at ipawasto
sa guro.

6. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo sa LM ph. 6.

Pagtataya
Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko sa ph. 6 7 ng LM

Susi sa Pagwawasto
Gawain A
Tungkulin - (1) pagpapatupad ng mga batas at kautusan ng hari ng Espanya, (2) pamumuno
sa sandatahang lakas ng bansa, (3) humirang at mag-alis ng mga iba pang pinuno sa bansa
maliban sa mga hinirang ng hari, (4) magrekomenda ng mga pari para mangasiwa sa mga
parokya, (5) mamagitan sa mga alitan at hindi pagkakasundo ng mga pinuno ng simbahan, at
(6) gumawa ng sariling batas sa pamamagitan ng dekreto superior na ang batas ay parang
tunay na batas.

Karapatan - pigilin ang pagpapatupad ng mga batas mula sa Espanya kung talagang
kinakailangan. Ito ay tinatawag na cumplase.
Gawain B

Pamahalaang Sentral
( Gobernador-Heneral)

Corregimiento Alcadia Ayuntamiento


( Corregidores) ( Alcalde- Mayor) ( Cabildo)

Pueblo
( Gobernadorcillo)

Barangay
(Cabeza de Barangay)

Gawain C

Pamahalaang Kolonyal
Pamahalaan Ngayon
Sentralisado
Tagasunod ang mga mamamayan Demokratiko
May dalawang sangay May Batasan
Walang Batasan Hinalal ang mga opisyal
Hinihirang ang mga opisyal Hiwalay ang simbahan sa pamahalaan
Nakalalahok ang simbahan sa
gawain ng pamahalaan

Natutuhan Ko

1. B
2. D
3. B
4. A
5. C

You might also like