You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

Don Honorio Ventura State University

Apalit, Pampanga

Modelong Banghay Aralin na Ginamitan ng Learner-Centered


Approach, Localization Approach, Discussion Method, Project
Method, Brainstorming, Acrostics at Project Proposal

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan VI

I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang mga Suliranin sa Ilalim ng Panunungkulan ni Pangulong Corazon


Aquino.
b. Napapahalagahan ang mga Programa at Patakaran ni Pangulong Aquino gamit
ang pagsulat ng maikling sanaysay.
c. Nakapagbabalangkas ng mga mungkahing kinahaharap ng mga Pilipino na
makatutulong sa pag-unlad ng sariling komunidad.

II. Nilalaman

a. Paksa: Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino Mula


1986 Hanggang Kasalukuyan
b. Mga Konsepto: Pamamahala, Ekonomiya, Program at Proyekto, Kasaysayan,
Politika.
c. Sanggunian: Teacher Analiza. (4 Hulyo, 2021). Araling Panlipunan 6: Mga
Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino Mula 1986 sa
pamumuno ni Corazon Aquino Hanggang Kasalukuyan YouTube.
https://youtu.be/eYcrd99uEQw
d. Mga Kagamitan: Worksheets, PowerPoint Presentation, Visual Aids, mga
Larawan,

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

a. Panimulang Gawain

1. Panalangin/Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw po, Ma’am.

Halina’t simulan ang ating araw sa isang


panalangin. Arrian, maaari mo bang
pangunahan ang ating panalangin? Opo, Ma’am.

Iyuko ang natin ang ating mga ulo at damhin


ang presensiya ng panginoon.

Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espirito


santo. Amen.

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po


kami sa araw araw. Patuloy mo po kaming
gabayan upang lahat ng aming tungkulin ay
aming magampanan. Nawa’y bigyan mo kami
ng karunungan at katalinuhan upang
maintidinhan ang aming lisyon ngayong araw.
Pagpalain mo ang aming mga guro na
matiyagang magturo. Pagpalain mo rin ang
aming mga magulang na patuloy na
sumusuporta sa amin. Ito ang aming samo’t
dalangin sa ngalan mo Hesus, Amen.

2. Pagsasaayos ng Silid

Muli, isang mapagpalang araw sa inyo mga


bata.

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ay


narito ang mga alituntunin na dapat ninyong
sundan.

-Pumwesto sa tahimik at walang abala na


lugar tuwing papasok sa online class.
-Makinig ng maigi sa talakayan.
-Panatilihing naka-mute ang speaker kung
walang sasabihin.
-Pindutin ang raise hand button kung may
gustong sabihin o kaya naman ay tuwing
sasagot.

Naiintindihan ba mga bata?

Nakatutuwa naman kung ganon. Opo, Ma’am.

3. Pagtatala ng Liban
Ngayon, class monitor, mayroon bang
lumiban sa ating klase ngayong araw?

Wala pong lumiban sa aming klase, Ma’am.


Wow! Nagagalak akong malaman na walang
sinuman ang lumiban sa ating klase. Dahil
dyan ay mayroon kayong tatlong palakpak.

Isa, dalawa, tatlo!

b. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng gawain.

Panuto: Isaayos ang mga nakagulong letra.

1. Pngaulo
2. Ocrazno Aqiuno
3. Siluranin

Opo, Ma’am.
Handa na ba kayo?

Kung handa na kayo, ay magsisimula na ang


iyong limang minuto. (Nagsimula ng gumawa ng aktibidad ang mga
bata.)

(Pagkatapos ng limang minuto.)

Opo, Ma’am.
Tapos naba kayo mga bata?

Mahusay! Ngayon atin na itong sagutin.

Ito po ay Pangulo, teacher.


Aila, maari mo bang ibahagi ang iyong sagot?

Mahusay! Ngayon naman dumako tayo sa


ikalaawa.
Ano ang iyong sagot, Jessie? Ito po ay si Corazon Aquino.

Mahusay! Ngayon naman sa panghuli.

Arjay, ibahagi mo ang iyong sagot sa klase. Ito po ay Suliranin, teacher.

Mahusay! Napakagaling niyo mga anak.


Bigyan ninyo ng tatlong palakpak ang inyong
sarili.

c. Paglalahad
Na-engganyo ba kayo sa ating unang gawain? Opo teacher

Kung gayon, ano sa tingin niyo ang ating


talakayan ngayong araw? (Nagtaas ng kamay ang mga bata.)

Princess, ano sa tingin mo ang ating Patungkol po ito sa mga pangulo ng pilipinas.
talakayan?

Mahusay!

Ngunit bago magsimula, pagmasdan muna


ang larawan, sino sa tingin niyo ang nasa (Nagtaas ng kamay ang mga bata.)
larawan?

Nerissa, sino ang nasa larawan? Si Pangulong Corazon c. Aquino po Ma’am.


Mahusay! Ang nasa larawan ay ang dating
Pangulong Corazon Aquino.
Opo, Ma’am.

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang Mga


Pangunahing Suliranin at Hamong
Kinaharap ng mga Pilipino Mula 1986 sa
pamumuno ni Corazon Aquino Hanggang
Kasalukuyan.

Handa na ba kayong matuto mga bata?

Kung gayon ay magsimula na tayo!

d. Pagtatalakay
Si Maria Corazon Cojuangco-Aquino na lalong
mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-
isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng
Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng
pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986–
Hunyo 30, 1992.

Opo, teacher.
Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa
Tarlac ng kanyang mga magulang na sina
Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong.
Kilalang may kaya ang kanilang angkan na Pangulong Corry po.
nagmamay-ari ng malawak na lupain sa
Tarlac.

Malinaw ba mga bata?

Kung gayon, sino nga kasi ang pangulo na


ating tinatalakay?

Kyla, sino ito?

Magaling! Ngayon ay magpatuloy tayo.

Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na


para lamang sa mga kababaihan bago pinalad
na makapag-aral sa Estados Unidos at
nakapagtapos nang may digri sa Wikang
Pranses at Matematika sa New York's Mount
Saint Vincent College. Nagbalik siya ng
Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng
kursong abugasya. Doon niya nakilala ang
kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"),
ang pinaslang na lider ng oposisyon noong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos. Opo, teacher.

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang Opo, teacher.


mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon
sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik
niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala
rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.
Naiintindihan ba mga bata?

Nakakasunod ba mga anak?

Mahusay! Ngayon naman ating pag-usapan si


Corry Bilang asawa ni Benigno Aquino, Jr.

Kilalang angkan ang Aquino sa politika.


Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o
kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos
ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging
pinakabata rin itong gobernador hanggang sa
maging senador.

Naging pangunahing kritiko ng dating


Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang
asawa at isa sa mga nakulong matapos
maideklara ang Martial Law noong Setyembre
21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong
ng kanyang asawa ay siya ang naging Opo, teacher.
tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-
usap sa mga aktibista at mamamahayag.
Pansamantala silang nanirahan sa Boston
matapos na palayain ang kanyang asawa
upang sumailalim sa operasyon sa puso. Setyembre 21, 1972 po teacher.

Nakakasunod ba mga anak?

Kailangan nga uli naideklara ang Martial Law?

Camille, ano ang iyong sagot?


Mahusay! Ngayo magpatuloy na tayo sa ating
talakayan.

Atin namang pag-usapan Si Cory Bilang


Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press


Club ng Maynila upang tumakbo bilang
Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo
sakaling makakalap ang grupo ng isang
milyong lagda ng mga taong nagnanais na
maging Pangulo siya. Matagumpay namang
nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung
kaya't sinuportahan din siya ng anim pang
partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo
hindi upang maghiganti kundi upang
magkamit ng katarungan. May kalakihan ang
tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa
bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya
ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang
asawa.

Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan


pa ang kinahinatnan ng eleksyong
Pampanguluhan. Matapos ang isang
mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon
sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at
mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang
Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.

Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang


siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang
liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan
ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto.
Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang
nagpapahintulot sa kanyang manatili sa
pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan
siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong
matapos ang kanyang termino.

Dalawang taon matapos siyang maluklok


bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas,
ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian
Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act
No. 6657. Ilang kontrobersiya ang
kinasangkutan nito lalo pa't kilalang
haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang
kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito
ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang
sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng
lupa sa loob ng sampung taon upang
kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.

Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24


na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi
sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi
na natuloy ang maayos na pamamahagi ng
lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at
iba pang kadahilanan. Ang ilan namang
pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang
ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na
nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito
dahil na rin sa wala silang sapat na pondo Opo, teacher.
upang mapanatili ang kanilang lupain na
sana'y planong gawing lupang pang-
agrikultura.
Naiintindihan ba mga anak?

Mahusay! Ngayon dumako na tayo sa mga


Suliranin at mga hamon na kinaharap noong
taong 1986 nang si Corry ang Pangulo.

Ang pamamahala ni pangulong corazon c


aquino ay hindi rin na ligtas sa mga hamon at
suliranin ng pagpapa nung balik ng
demokrasya at kalayaan mula sa diktatoryal
na pamamahala.
Ang ilan sa suliraning kinaharap ng mga
pilipino ay ang mga sumusunod:
Pagbabago ng konstitusyon o parlamentaryo
patungo sa demokratikong pamamahala.
Kilalang anyong isaayos ang mga
pangunahing institusyon ng demokrasya gaya
ng:
-Pag balangkas ng bagong saligang batas
-Pagdaraos ng malinis na halalang pambansa
-Pagpapa nung balik ng kalayaan sa
pagpapahayag
-Pag-abot ng kamay ng kapayapaan sa mga
sessionista at rebeldeng komunista.

At ang sumunod naman ay ang Kartel.


Kartel ito ay ang pagkontrol ng ekonomiya sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang
presyo o halaga ng bilihin ng produkto o
monopolyo. Ito din ang pagkontrol ng isang
grupo lamang sa isang produkto at oligopolyo
kailan lamang ang nagkokontrol ng malaking
negosyo dito sa ekonomiya ito ay tulad ng
niyog at asukal.
Sumunod naman ang pagputok ng bulkang
pinatubo.
Pagputok ng bulkang pinatubo noong hunyo
1991 hindi rin na ligtas sa mga bagyo landslide
mga lindol at iba pang mga sakuna at iba pang
kalamidad na gawa ng kalikasan.

Isa na rin dito ang CARP o mas kilala sa


comprehensive agrarian reform program sa
hacienda luisita.

Kasama din dito ay ang 1990 luzon


earthquake na nagtala ng mahigit magnitude
7.8 intensity.

Kasama na rin ang mga:


-Pagbagsak ng ekonomiya
-Pagbawi ng mga nakaw na yaman ng mga
marcos
-28 bilyong dolyar na utang ng bansa sa
america
-Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan
-Pagsasaayos ng mga sangay ng
pamahalaan dahil sa korapsyon
-Mendiola massacre
-Madalas na blackout lalo na sa maynila.

Hinamon siya ng mga banta ng desta bilis


asyano pagpapaalis ng gobyerno at
pagkontrol sa pamahalaan ng mga rebeldeng
grupo. Ang mga banta at aksyon ay sinubok
ang ganap ng mga grupo sa loob ng
organisasyon ng military na naghahangad ng
pagbabago.

Madami ding naging suliranin ang Bansa


noong malukluk ang Pangulong Corazon C.
Aquino.

Ngayon naman atin ng talakayin ang


Pagkakasakit at Kamatayan ni Pangulong
Corazon Aquino.

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang


pagkakaroon ng colon cancer ng dating
pangulong Corazon Aquino. Humingi ng dasal
at suporta para sa kanyang maysakit na ina si
Kris Aquino, ang artista at TV host na bunso
niyang anak.

Nagsimula ang karamdaman ng dating


pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood
pressure nito, paglalagnat at hirap sa
paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang
kawalang-gana nito sa pagkain, hindi
gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-
pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi
ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod
sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa
malawakang pagsusuri ang kalusugan ng
kanilang ina at dito natuklasan ang
pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.

Nakiusap ang pamilya na irespeto ang


pribadong buhay ng kanilang ina at samahan
sila sa pagdarasal upang gumaling ang
karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14
na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa
sakit na cancer kaalinsunod ang
pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.

Noong Hulyo 2009, iniulat na si Aquino ay


nasa seryosong kalagayan, nagdurusa sa
pagkawala ng gana, at nasa Makati Medical
Center. Sa kalaunan ay inihayag na nagpasya
si Aquino at ang kanyang pamilya na itigil ang
chemotherapy at iba pang mga medikal na
interbensyon para sa kanya.

Namatay si Aquino sa Makati Medical Center


noong 3:18 ng umaga noong Agosto 1, 2009
dahil sa cardiorespiratory arrest at siya ay Opo, teacher.
nasa taong 76 gulang noon.

Naiintidihan niyo ba mga anak?

Mahusay!

Ngayon kung naiintindihan niyo ang ating


talakayin, magbigay nga ng mga suliranin na
kinaharap ng Pilipinas ng malukluk si Madalas na Blackout po sa lungsod ng
Pangulong Corazon Aquino? Maynila, teacher.

Jessie, ibahagi mo ang iyong sagot.

Mahusay! Ano pa mga anak? Nagkautang po ng mahigit 28Bilyon ang


bansa sa Amerika.
Aila, maari mo bang ibahagi ang iyong sagot?

Mahusay mga anak!


e. Paglalapat
Panuto: Tukuyin ang mga pangunahing
suliranin na kinaharap ng mga pilipino sa ilalim
ng pamamahala ng pangulong Corazon
Aquino. Magbigay ng 5 Suliranin at isulat ito
sa sagutang papel.

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang saguton


ang inyong paglalapat. Opo, teacher.

Naiintindihan niyo ba mga anak?

Mahusay! Ngayon maari nakayong magsagot.

(Pagkatapos ng Limang Minuto)


Opo, teacher.
Tapos naba kayo mga bata?

Mahusay! Ngayon, atin ng sagutin.


Pagputok ng bulkang pinatubo, teacher.
Aila, magbigay ng isang Suliranin na ating
tinalakay ngayong araw.

Mahusay! Ikaw naman Arjay? 1990 luzon earthquake, teacher.

Magaling! Ikaw naman Jessie? Pagbagsak ng ekonomiya, teacher.

Mahusay! Ano naman ang iyong sagot Mendiola massacre, teacher.


Princess?

Napakagaling mga anak! At panghuli, ano ang


iyong sagot Nerissa? Madalas na blackout sa maynila, teacher.
Mahusay! Mukhang nakinig nga kayo sa ating
talakayan ngayong araw mga anak.
f. Paglalahat
Ngayon, upang malaman ko kung naaalala
niyo pa ang ating talakayan ay magbalik tanaw
tayo sa ating tinalakay.

Pangulong Corazon Aquino po teacher.


Sino ang pangulong ating tinalakay ngayong
araw?
Mga Suliranin at Hamon na kinaharap ng
Mahusay! Ano ano naman ang tinalakay natin Pilipinas po teacher.
sa kanilang pamumuno?

Magaling mga anak!


Setyembre 21, 1972 po teacher.
Kailan naideklara ang Martial Law sa
Pilipinas?

Napakahusay! Bigyan ninyo ng limang


palakpak ang inyong sarili. Isa, Dalawa,
Tatlo,Apat, Lima!

IV. Pagtataya

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang kauna-unahang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas.


a. Imelda Marcos b. Corazon C. Aquino c. Gloria Arroyo
2. Anong taon ng ideklara ang Martial Law?
a. Setyembre 21, 1972 b. Setyembre 21, 1976 c. Setyembre 21, 1978
3. Sa ganong kalaki halaga ang naging utang ng Pilipinas noong nailukluk ang Pangulong
Corry?
a. 19 Bilyong Dolyar b. 20 Bilyong Dolyar c. 28 Bilyong Dolyar

4. Ito ay ang madalas na nangyayari sa lungsod ng Maynila noong kapanahunan ng


Pangulong Corazon.
a. Kakulangan sa Tubig b. Patayan c. Blackout

5. Anong bulkan ang pumutok noong Hunyo 1991?


a. Bulkang Mayon b. Bulkang Taal c. Bulkang Pinatubo

V. Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng maikling salaysay patungkol sa ating pinagaralan ngayong araw na ito.

Nunga, Jane Frances Y.

Tagapaglahad

You might also like