Professional Documents
Culture Documents
Calingasan
Enero 13, 2020 ( February 3, 2020)
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Militar.
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan ng Pilipinas nangbigay daan sa pagtakda ng
Batas Militar.
Napapahalagahan ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Militar.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Batas Militar
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, AP6 TG 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Pagbalik-tanaw sa panunungkulan at mga programa ni Pangulong Marcos.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng ilang larawan na may kinalaman sa Batas Militar.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Batay sa larawang ipinakita, Ipagawa sa bata ang diagram ukol sa kahulugan ng batas
militar ibigay ang ilan sa mga kahulugan nito ayon sa kanilang hinuha.
Batas
Militar
b.2. Pagtatalakay
Sagutan at talakayin ang diagram.
1. Bakit mo napili ang mga salitang iyon?
2. Sa iyong palagay ano ang batas militar?
3. Ano ano ang mga suliranin at hamon sa bansa sa ilalami ng batas militar
Talakayin ang ilan sa pangyayari bago ideklara ang batas militar
a. Mga rali at welga
b. Mga katiwalian
c. Mga kalagayang pampolitika
d. Bago ideklara ang batas Militar
b.3. Pangkatang-Gawain
Isagawa ang ilan sa mga pangyayari sa panahon bago ang batas militar sa pamamagitan
ng:
Pangkat 1: tula
Pangkat 2: dula dulaan
Pangkat 3: poster
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Bigyang pagpapaliwanag at paghahambing ang mga kaganapan noon at ngayon ukol sa
kalagayang pulitika ng bansa.
c.2. Paglalahat
Anu ano ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda sa Batas Militar?
IV. Pagtataya
Rubrics ng pangkatang gawain
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng ilang mga larawan bago maideklara ang batas militar sa Pilipinas.. idiit ito sa
typewriting at bigyan ng paliwanag. Humanda sa pagbabahagi bukas.
Mary Shella C. Calingasan
Enero 14, 2020 ( February 4, 2020)
I. Layunin
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng pagtatakda ng Batas
Militar.
Napapahalagahan ang mga pangyayari sa pagtatakda ng Batas Militar.
Naisasagawa ang pangkatang gawain tungkol sa naging batayan at mga pangyayari sa
pagtatakda ng Batas Militar.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Ang Pagdeklara ng Batas Militar
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.233-235
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Ibabahagi ng mga bata sa buong klase ang takdang aralin ukol sa mga pangyayari bago
maideklara ang batas militar.
a.2. Pagganyak
jumbled letter
ATSAB LRIMITA
TAILMRA ALW
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa mga salitang nabuo.
Ipresenta ito gamit ang powerpoint presentation.
b.2. Pagtatalakay
Pagtalakay ng mga kaganapan sa Pagdedeklara ng Batas Militar.
Kailan idineklara ang Batas Militar?
Ano ang naging batayan ng pagdedeklara ng Batas Militar?
Ayon sa ating binasa tungkol sa paksa, anu-ano ang mga naging pagbabago matapos
ideklara ang Batas MIlitar?
b.3. Pangkatang-Gawain
Punan ang tsart . talakayin ang mga sagot.
Ipaliwanag Ilarawan
Kalagayan ng Kalagayan ng
bansa bago mga
ideklara ang mamamayan
Batas nang ideklara
military______ ang Batas
____________ Militar_______
___________ ____________
Bigyang paliwanag ang mga Batas na pinagbatayan ng Batas Militar
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Ihambing ang mga kaganapan noon sa ilalim ng Batas Militar sa ngayong Batas. Alin ang
mas mainam o mas gusto mo? Ipaliwanag ang sagot.
c.2. Paglalahat
Anu ano ang mga pagbabago sa bansang Pilipinas matapos ang pagtatakda sa Batas
Militar sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Marcos?
IV. Pagtataya
Basahin at suriin ang siping bahagi ng Proklamasyon 1081. Sagutan ang mga tanong:
1. Ano ang batas na ito?
2. Ano ano ang naging batayan ni Marcos sa pagproklama ng Batas Militas? Anong sinabi niyang
layunin nito?
3. Paano ginamit ni Marcos ang kapangyarihang Batas Militar?
4. Ano ang ginawa ni Marcos sa mga taong pinaghihinalaang nagkasala sa bansa? Bakit?
5. Ano ang iyong reaksyon ukol dito?
6. Ano ang kaya mong gawin upang hindi na maganap ang ganitong pangyayari sa ating bansa?
V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga naging pagbabago sa pamahalaan ng bansang Pilipinas sa ilalim ng
Batas Militar.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 5, 2020
I. Layunin
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng pagtatakda ng Batas
Militar.
Natutukoy at naipapaliwanag ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng Saligang Batas sa ilalim ng
Batas Militar.
Naibibigay ang sariling reaksyon ayon sa diktaturyang tinalakay at sa demokrasyang tinatamasa
ngayon.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Ang Pagdeklara ng Batas Militar
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.237-238
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Ibabahagi ng mga bata sa buong klase ang takdang aralin ukol sa mga pangyayari bago
maideklara ang batas militar.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga nagrarali at larawan ng mga taong nagkakaisa.
Hayaang pag aralan ng mga bata ang dalawang larawan at tanungin sila batay sa
kaisipan na nabuo tungkol sa mga larawan.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa mga salitang nabuo.
Ipresenta ito gamit ang powerpoint presentation.
Iugnay ang mga larawan ukol sa mga pagbabago ng pamahalaan sa ilalim ng Batas
Militar.
b.2. Pagtatalakay
Talakayin ang kumbensiyong Konstistusyonal. Ipaliwanag sa mga bata ang mga
pangyayari ukol dito.
Pagtatalakay sa Saligang Batas 1973, Ikaapat na Republika at mga probisyong nakasaad
dito.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Ibigay ang iyong reaksyon ukol sa diktaduryang tinalakay at sa demokrasyang
natatamasa ngayon.
c.2. Paglalahat
Pagsusuri sa mga kaganapan ukol sa pagbabalangkas ng pamahalaan na naging daan
upang ang demokrasya ay maging diktadurya.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang mga salitang kaugnay sa saligang Batas 1973
1. Uri ng pamahalaang nakabalangkas dito.
2. Tunay na pinuno ng pamahalaan.
3. Gumagawa ng mga batas ng pamahalaan
Ipaliwanag:
Bakit tinawag na Konstitusyong Marcos ang Saligang Batas ng 1973?
V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik ng ilan sa mga programa ni Marcos sa Ilalim ng Batas 1973.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 6, 2020
I. Layunin
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng pagtatakda ng Batas
Militar.
Naipaliwanag ang mga programa at patakaran ni Pangulong Marcos sa ilalim ng pamahalaang
Diktdoryal.
Napapahalagahan ang mga programa at patakaran ni Pangulong Marcos sa ilalim ng pamhalaang
Diktatoryal.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Programa at Patakaran sa Ilalim ng Diktatoryal
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.238-239
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Ano ang ibig sabihin ng Batas 1973?
a.2. Pagganyak
Ipakita ang Islogan:
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa islogan.
Ipresenta ito gamit ang powerpoint presentation.
Magpakita ng ilang larawan na tumutukoy sa mga programa at patakaran ni Pangulong
Marcos.
b.2. Pagtatalakay
Ipapanood ang video ukol sa mga programa at patakaran ni Pangulong Marcos.
Talakayin ang mga programa at patakaran ni Pangulong Marcos ayon sa napanood sa
video.
b.3. Pangkatang-Gawain
Bigyang pagpapaliwanag nga mga programa bilang pangkatang Gawain
1. Pagtugon sa pangangailangan ng mga tao
2. Mga programang pangkabuhayan
3. Pagpapabuti sa mga kalagyan ng manggagawa
4. Pagbabago sa sitema ng edukasyon
5. Repormang kultural
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Paano sinupil ni Marcos ang mga taong tumututol sa kanyang ginawa?
Ano ang iyong reaksyon ukol dito?
Paano naman niya tinugunan ng mga pangangailangan ng mga tao?
c.2. Paglalahat
Anu ano ang mga naging programa at patakaran ni pnagulong Marcos sa ilalim ng
Batas Militar?
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat ang mga pariralang nagsasaad ng pagbabagong naganap sa ilalim ng Batas Militar.
1. Inalis ang Kongreso
2. Gumanda ang kapaligran
3. Ipinasara ang paaralan
4. Namayani ang mga sundalo
5. Nasiyahan ang mga taong bayan
6. Nagpagawa ng mga subdibisyon
7. Nagkaroon ng proyektong pabahau
8. Nagkaroon ng diktador na pangulo
9. Umabuso ang mga opisyal at sundalo
10. Dumami ang rali at demonstrayson
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 7, 2019
I. Layunin
Nasusukat ang kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan batay sa mga paksang pinag-aralan.
Naipapamalas ang pagiging matapat sa oras ng pagsusulit.
Nasasagot sa loob ng itinakdang oras ang mga katanungan sa pagsusulit batay sa mga paksang
pinag-aralan.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Unang Lingguhang Pagsusulit
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, ballpen, papel
c. Sanggunian: CG,
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Pagtsitsek ng Attendance
Aalamin ng guro kung mayroong liban sa klase.
a.2. Balik Aral
Kailan idineklara ang Batas Militar?
Ano ang naging batayan ng pagdedeklara ng Batas Militar?
a.3.Pagganyak
Pagpapakita ng larawan na may kinalaman sa pagiging matapat.
C. Basahin at suriin ang siping bahagi ng Proklamasyon 1081. Sagutan ang mga tanong:
1. Ano ang batas na ito?
2. Ano ano ang naging batayan ni Marcos sa pagproklama ng Batas Militas? Anong sinabi niyang
layunin nito?
3. Paano ginamit ni Marcos ang kapangyarihang Batas Militar?
4. Ano ang ginawa ni Marcos sa mga taong pinaghihinalaang nagkasala sa bansa? Bakit?
5. Ano ang kaya mong gawin upang hindi na maganap ang ganitong pangyayari sa ating bansa?
c.2.Pagtitsek sa mga naging sagot ng mga mag aaral at pagrerekord ng mga nakuhang
iskor.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 10, 2020
I. Layunin
Naitatala ang mga pangyayaring nagbibigay wakas sa diktatoryang Marcos.
Nagugunita ang mga pangyayaring nagbigay wakas sa diktatoryang Marcos.
Naisasadula ang mga pangyayaring nagbigay wakas sa diktatoryang Marcos.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Dikatatoryang Marcos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.238-239
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Paligsahan
Ang mga mag-aaral ay mag-uunahan sa pagbigay ng mga naging kontribusyon ng
administrasyong Aquino.
a.2. Pagganyak
Jumbled words
Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang katanungan.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa katanungang nabuo.
Ipresenta ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang maikling video clip tungkol sa
EDSA Revolution 1.
b.2. Pagtatalakay
Batay sa videoclip na napanood, magkaroon ng pagtatalakay sa mga pangyayaring
nagbibigay-wakas sa diktatoryang Marcos.
Pagpapagunita sa mga mag-aaral sa mga pangyayaring nagbigay-wakas sa diktatoryang
Marcos.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Pagpapakita sa mga dahilan ng pagwakas ng diktaturyang Marcos sa pamamagitan ng
paglalahad ng isang dula dulaan.
c.2. Paglalahat
Anu-ano ang mga dahilan sa pagwakas ng diktaturyang Marcos?
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa maikling paraan.
1. Paano nagwakas ang diktaturyang Marcos?
2. Ano ang Edsa Revolution?
3. Sino ang namuno sa rebolusyong ito?
4. Ano ang layunin nito?
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 11, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga karanasan ng mga piling taumbayan sa panahon ng Batas Militar.
Naisasapuso ang mga naging karanasan ng mga piling taumbayan sa panahon ng Batas Militar.
Nakapagbabahagi ng mga opinion tungkol sa mga nabasang panayam sa mga piling taumbayan
sa panahon ng Batas Militar.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Diktatoryang Marcos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.238-239
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Paligsahan
Ang mga mag-aaral ay mag-uunahan sa pagsagot.
Tanong:
Anu-ano ang mga pangyayaring naging dahilan sa pagwakas ng diktaturyang Marcos?
Kung hindi ito nagwakas, ano kaya ang naging pamumuhay ng mga Pilipino sa
kasalukuyan?
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mula sa diktatoryang Marcos.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa katanungan at larawan.
Ipresenta ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang maikling video clip tungkol sa
diktatoryang Marcos.
b.2. Pagtatalakay
Batay sa videoclip na napanood, magkaroon ng pagtatalakay sa mga pangyayaring
naranasan ng taumbayan sa diktatoryang Marcos.
Pagtatalakay sa mga naging karanasan ng taumbayan sa panahon ng Batas Militar sa
tulong ng video presentation.
Batay sa napanood na video, ano ang naging buhay ng mga Pilipino sa panahon ng Batas
Militar?
Brainstorming:
Pagpapalitan ng opinion ukol sa naging buhay ng mga Pilipino sa panahon ng Batas
Militar.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Triad
*Kung ikaw ay magiging kapitan ng inyong barangay, magdedeklaraka ba ng Batas
Militar? Bakit?
c.2. Paglalahat
Ano ang naging buhay ng mga Pilipino sa panahon ng Batas Militar?
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ang pahayag kung ito ay nangyari sa Batas Militar
1. Pinatupad ang curfew hours
2. Nagkaroon ng Snap Election
3. Ipinasara ang istasyn ng TV at radio
4. Sinuspinde ang writ of habeas corpus
5. Demokratiko ang pamahalaan
6.Pagkulong nang walang paglilitis
7.Iginalang ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan
8.Itinatag ang National Reconciliation Program
9.Pagkawala ng karapatang bumoto
10.Nagkaroon ng coup d'etat.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 12, 2020
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagpapakita ng pagtutol sa Batas Militar.
Naibabahagi ang saloobin ukol sa pagtutol sa Batas Militar.
Nakagagawa ng graphic organizer na nagpapakita ng mabuti at di-mabuting epekto ng batas
militar.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Diktatoryang Marcos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Pagbabalik-tanaw sa karanasan ng mamamayan sa panahon ng Batas- Militar sa ilalim
ng pamamahala ni Marcos.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng Tungkol sa Edsa Revolution.,
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa larawan.
Ipresenta ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang maikling video clip tungkol sa
diktatoryang Marcos.
Pagbabahagi ng opinion ukol sa video clip na napanood.
b.2. Pagtatalakay
Batay sa videoclip na napanood, magkaroon ng pagtatalakay sa mga pangyayaring
naranasan ng taumbayan sa diktatoryang Marcos.
Pagpapabuo ng isang semantic web na naglalaman ng mga pangyayaring naganap sa
panahon ng Batas Militar.
Pag-uulat ng mga mag-aaaral sa nabuong semantic web.
b.3.Pangkatang Gawain
Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag aaral. Magsasagawa ng isang debate ng mga
mabisang ideya or opinion tungkol sa pagtutol at pagsang-ayon sa batas Militar sa ilalim
ng pamamahala ni Marcos.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Bilang isang mag aaral, matapos nating matalakay ang pksa, ano ang iyong saloobin
tungkol sa batas militar?
c.2. Paglalahat
Ano ang naging pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Batas Militar sa pamumuno
ni Marcos?
IV. Pagtataya
Panuto: Gamit ang isang Graphic Organizer, ipakita ang mga magaganda at di-magagandang epekto
ng Batas Militar.
Di -
Magandang
Magandang
Epekto
Epekto
V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa Edsa People Power 1. Isulat ito sa kwaderno at maghanda bukas para sa
pagtalakay ng takdang aralin.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 13, 2020
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagganap ng EDSA 1.
Nakalalahad ng mga saloobin at opinion tungkol sa EDSA 1 sa harap ng klase.
Nakabubuo ng mga konsepto mula sa napanood na video clip.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Diktatoryang Marcos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Pagwawasto ng takdang-aralin at pagbabahagi nito sa buong klase.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan na may kinalaman sa Edsa 1.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa larawan.
Ipepresenta ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang maikling news clip na
nasaliksik.
Pagbabahagi ng opinion ukol sa video clip na napanood.
b.2. Pagtatalakay
Batay sa videoclip na napanood, magkaroon ng pagtatalakay sa mga pangyayaring
naranasan ng taumbayan sa diktatoryang Marcos.
Pagtatala sa mga mahahalagang pangyayari na nagbunsod sa pagkakaroon ng EDSA 1.
Pagpapalitan ng kuro-kuro o opinion sa nasabing mga pangyayari.
b.3.Pangkatang Gawain
Pagsunod-sunurin ang pangyayaring naganap sa EDSA 1 sa uri ng pamamahala.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Kung ikaw ay nabubuhay noong panahon ni Marcos, makikiisa ka ba sa Edsa 1?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
c.2. Paglalahat
Pagsagot ng katanungan:
Anu-ano ang mga pagbabagong naihatid ng EDSA 1 sa uri ng pamamahala?
IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga pangyayaring nagbunsod ng pagkakaroon ng Edsa 1
at ang epekto nito sa mga Pilipino.
V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik tun11gkol sa naging kahalagahan ng pagbunsod ng Edsa 1. Isulat ito sa kwaderno at
maghanda sa pagbabahagi nito sa klase
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 14, 2020
I. Layunin
Nabibigyang-diin ang kahalagahan ng EDSA 1 sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.
Nakapagpapamalas ang paggalang sa kahalagahan ng EDSA 1.
Nakalalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa EDSA 1 sa pamamagitan ng isang tula, awit at
dula.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Hamon ng Diktatoryang Marcos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Pagwawasto ng takdang-aralin at pagbabahagi nito sa buong klase.
a.2. Pagganyak
Pagpapaawit sa kantang “Magkaisa” gamit ang nasaliksik sa takdang-aralin.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang aralin batay sa awit.
Pagbabahagi ng mensaheng hatid ng makabayang awitin.
b.2. Pagtatalakay
Batay sa awit, magkaroon ng pagtatalakay sa mga pagpapahalaga ng Pilipino sa
panahon ng EDSA revolution.
b.3.Pangkatang Gawain
Pagsasadula ng isang mahalagang pangyayari sa EDSA 1.
Pagbabahagi ng opinion tungkol sa inilahad na dula-dulaan.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagkakarioon ng kalayaan ng isang bansa particular na
ang bansang Pilipinas?
c.2. Paglalahat
Pagsagot ng katanungan:
Paano mo mapapahalagahan ang naging kontribusyon sa pagpapanatili ng kalayaang
natamo dahil sa EDSA 1?
IV. Pagtataya
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 17, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga patakaran ni Pangulong Corazon Aquino na nakapagdulot ng kaunlaran sa
lipunan at sa bansa.
Nakapagpapamalas ng paggalang at paghanga sa mga patakaran at programa ni Pres. Corazon
Aquino na nagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
Nakapagpapakita ng malikhaing pamamaraan tungkol sa pagpapatupad ng mga patakaran at
programa ni Pangulong Corazon Aquino na nakapag-ambag ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
• Corazon C. Aquino
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-ano ang naging epekto ng EDSA Rebolusyon sa ating bansa?
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni Corazon Aquino.
Sino siya?
Sa inyong palagay, anu-ano ang mga naging patakaran at programa ni Pangulong Aquino
na nagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Magpakita ng powerpoint presentation tungkol sa mga patakaran at programa ni
Pangulong Cory Aquino.
Magbigay ng ilang patakaran at programa ni Pangulong Aquino na naipagpatuloy
hanggang ngayon?
b.2. Pagtatalakay
Ano ang epekto ng mga patakaran at programa ni pres. Corazon Aquino?
Base sa napanood na powerpoint presentation, gawin ang THINK,PAIR,SHARE.
Masasabi bang matagumpay ang administrasyong Cory Aquino sa pagpapatupad ng
programa at patakaran para sa kaunlaran ng bansa? Bakit?
Anong aspeto ng pag-unlad ang natugunan? Alin ang hindi natugunan? Bakit?
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Kung ikaw ay mamumuno, paano mo maipapatupad ng maayos ang mga patakaran at
programa mo?
c.2. Paglalahat
Isa-isahin ang mga patakaran at programa ni Pangulong Cory Aquino na nagdulot ng
kaunlaran sa lipunan. Paano niya naipatupad ang ilan sa mga patakaran at
programa niya?
V. Takdang Aralin
Panuto: Ibigay ang mahalagang patakaran at programa ni pangulong Aquino. Pangatwiran ang sagot.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 18, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Napapahalagahan ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Naisasagawa sa malikhaing pamamaraan ang paglalahad ng mga patakaran at programa ng
pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa noong panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
• Fidel V. Ramos
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino pp.267-268
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Balik-aral sa mga patakaran at programang pamahalaaan sa panahon ni Corazon Aquino
sa pamamagitan ng isang paligsahan.
a.2. Pagganyak
Pagbuo ng puzzle. Pagkatapos buuin ang puzzle magbigay ng deskripsyon.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Batay sa nabuong larawan mula sa jigsaw puzzle, ilahad ang paksang aralin tungkol kay
Fidel Ramos gamit ang powerpoint presentation.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Kung ikaw ay mamumuno, paano mo naman kaya ipapatupad ang mga batas?
c.2. Paglalahat
Anu- ano ang mga programa at patakaran ng administrasyong Ramos?
IV. Pagtataya
Panuto: Punan ng tamang sagot.
______1. Ito ang programang nagbigay daan sa malayang pagbubukas ng ekonomiya.
______2. Ito ay tumutukoy sa malayang pagpapahintulot sa mga negosyante na lumahok sa mga
industriya na dating kontrolado ng ibang kompanya.
______3. Siya ang panglabindalawang Pangulo ng Pilipinas.
______4. Layunin ng programang ito na malutas ang pambansang suliranin sa kalusugan.
______5. Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa.
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng graphic organizer tungkol sa patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa
pag-unlad ng bansa sa panahon ng pamamahala ni Fidel Ramos.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 19, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Napapahalagahan ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Naipakikita sa isang graphic organizer ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa
pag-unlad ng bansa sa panahon ni Pangulong Joseph E. Estrada.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
• Joseph E. Estrada
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp. 277-279
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Balik-aral sa mga patakaran at programang pamahalaaan sa panahon ni Fidel Ramos.
a.2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan o tungkol sa panunungkulan ni Pangulong Joseph Estrada.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ano ang pinakamahalagang patakaran at programa ni pangulong Estrada sa lipunan at
sa bansa. Alamin natin mula sa powerpoint presentation.
b.2. Pagtatalakay
Pagtatalakay sa mga patakaran at programa ni Pangulong Joseph E. Estrada at kung ano
ang naging epekto nito sa lipunan at sa bansa.
Talakayin ang mga dahilan ng pagpapatalsik kay Pangulong Estrada.
Masasabi bang matagumpay ang administrasyon ni pangulong Estrada sa pagkamit ng
kaunlaran para sa bansa? Bakit?
Anong aspeto ng pag-unlad ang natugunan?
Alin ang hindi natugunan? Bakit?
b.3.Pangkatang Gawain
Sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan, bigyan ng pagbubuod ang panunungkulan
at mga programa ng administrasyong Estrada.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Kung ikaw ay mamumuno, paano mo matatamo ang tagumpay?
c.2. Paglalahat
Isa-isahin ang mga patakaran at programa ni Pangulong Estrada na nagdulot ng
kaunlaran sa lipunan. Paano niya natugunan ang ilan sa kanyang mga programa?
IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng graphic organizer tungkol sa mga programa at patakaran ni Pangulong Estrada na
nagdulot ng pag-unlad ng lipunan at bansa.
V. Takdang Aralin
Panuto: Ibigay ang mahalagang patakaran at programa ni Pangulong Estrada. Pangatwiran ang sagot.
Mary Shella C. Calingasan
Enero 20, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Napapahalagahan ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Nakapagdadaos ng isang piping palabas (pantomime) ng mga patakaran at programa ng
pamahalaan tungo sa pag-unlad sa panahon ni Pangulong Gloria M. Arroyo.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
• Gloria M. Arroyo
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Balik-aral sa mga patakaran at programang pamahalaaan sa panahon ni Joseph Estrada
sa pamamagitan ng isang guessing game. Bawat pangkat ay mayroong representative.
Babasahin ng guro ang deskripsyon ng programang pampamahalaan sa panahon ni
Joseph Estrada. Mag uunahan sila sa pagsulat sa pisara kung ano ang tinutukoy sa
binasang deskripsyon. Ang unang makasulat ng tamang sagot ang makakakuha ng isang
puntos.
a.2. Pagganyak
Pagbuo ng larawan ni Gloria Macapagal Arroyo.
IV. Pagtataya
Panuto: Anong patakaran at programa sa panahon ni Pang. Arroyo ang malaki ang naitulong o naiambag
sa kaunlaran ng bansa? Ipaliwanag ang naging epekto nito sa pagsulat ng isang sanaysay.
V. Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng pinakamagandang programa o patakaran sa panahon ni Pangulong Gloria Arroyo at
ibigay ang mabubuting dulot nito sa ating bansa.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 21, 2020
I. Layunin
Natutukoy ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Napapahalagahan ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Nakagagawa ng graphic organizer na nagpapakita ng ilang patakaran at programa ng
pamahalaan tungo sa pag-unlad sa panahon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
• Benigno Simeon C. Aquino III
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.297-301
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Balik-aral sa mga patakaran at programang pamahalaaan sa panahon ni Gloria M.
Arroyo sa pamamagitan ng isang paligsahan. Bawat pangkat ay mayroong
representative. Babasahin ng guro ang deskripsyon ng programang pampamahalaan sa
panahon ni Joseph Estrada. Mag uunahan sila sa pagsulat sa pisara kung ano ang
tinutukoy sa binasang deskripsyon. Ang unang makasulat ng tamang sagot ang
makakakuha ng isang puntos.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga kataga na nakasulat sa meta kard at magkaroon ng Q and A.
1. Ano ang sumasagi sa isip ninyo pagkabasa sa bawat isang kataga?
2. Papaano nauugnay ang bawat isa?
Kahirapan Katiwalian
Seguridad Kriminalidad
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng mga hamong kinaharap ng Pilipinas at ang hakbang ng
pamahalaan bilang tugon dito.
b.2. Pagtatalakay
Hatiin ang klase sa 3 pangkat upang talakayin ang mga programa at patakarang
ipinatupad para sa :
1. Pagsugpo sa katiwalian at pagsusulong ng mabuting pamamahala
2. Kapayapaan at seguridad
3. Kagalingang panlipunan
Talakayin ang output ng bawat pangkat gamit ang chart.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Tukuyin ang mga programa at patakaran ng pambansang pamahalaan na ginawa ng
inyong pamayanan sa ilalim ng pamunuang PNoy-Aquino.
c.2. Paglalahat
Suriin at timbangin ang mga programa at patakaran ipinatupad ng pamahalaang PNoy-
Aquino tungo sa pag-unlad ng bansa . Sagutin ang mga tanong.
1. Alin sa mga programa at patakarang nabanggit ang sa tingin ninyo ay naging
matagumpay? Bakit?
2. Alin naman ang hindi naging matagumpay? Bakit?
IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng graphic organizer tungkol sa patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa
pag-unlad ng bansa sa panahon ng pamamahala ni Benigno S. Aquino III.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 24, 2020

Pebrero 26, 2020
I. Layunin
Nasisiyasat nang mabuti ang mga isyung politikal at pangkabuhayan ng bansa.
Nakapaghihinuha buhat sa mga naibahaging katibayang pantulong sa mga isyung politikal at
pangkabuhayan ng bansa.
Nakagagawa ng diagram tungkol sa mga isyung politikal at pangkabuhayan at mga epekto nito
sa bansa.
Nailalarawan ang mga katangian ng isang maunlad na bansa.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.313-319
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Magbalik-aral tungkol sa panunungkulan ng mga piling pangulo ng bansa.
Magbahagi ng ilan sa mga programa at patakaran ng mga piling pangulo.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng cartolina strip na may pariralang:
Maunlad na Bansa
Ano ang iyong naiisip kapag nababasa o naririnig mo ang pariralang maunlad na bansa?
Ano ang mga katangian ng maunlad na bansa?
Ngunit ang pagkamit sa kaunlaran ng isang bansa ay nahahadlangan ng mga isyu ng
lipunan. At ito ang ating aalamin at tatalakayin ngayong araw na ito.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang-aralin mula sa powerpoint pesentation tungkol sa isyung politikal
at pangkabuhayan ng bansa.
b.2. Pagtatalakay
Anu-ano ang nais ipahiwatig ng inilahad na kalagayan ng bansa mula sa powerpoint
presentation?
Sa tulong ng isang graphic ogranizer, isusulat ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyung
politikal at pangkabuhayan na hinaharap ng bansa.
Pagtatalakay sa mga isyung politikal at pangkabuhayan ng bansa.
Ano ang epekto ng graft at korupsiyon sa pag-unlad na ating bansa?
Ano ang pinakamabigat na problemang naidulot ng open trade?
Paano ito malulutas?
Ano naman nag pinakamabigat na problemang naidulot ng globalisasyon?
Paano naman ito malulutas?
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Think-Pair-Share
Magbahagi ng mga karanasang naidulot ng mga isyung politikal at pangkabuhayan.
c.2. Paglalahat
Pagbibigay-katanungan
1. Anu-ano ang mga isyung politikal at pangkabuhayan na hinaharap ng bansa?
2. Paano ito nakakaepekto sa pag-unlad ng bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasang
magkaroon ng problema sa iba?
IV. Pagtataya
Pangkatang Pagtataya:
Panuto: Bawat pangkat ay may nakatalagang isyung pampolitikal o pangkabuhayan. Gagawa ang bawat
pangkat ng diagram tungkol sa isyung ito at ang naging epekto nito sa bansa.
epekto
ISYU
epekto
epekto
V. Takdang Aralin
Manood ng balita ngayong hapon. Maghanda sa isang pagbabahagi bukas.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 27, 2020
I. Layunin
Nasisiyasat nang mabuti ang mga isyung politikal at pangkabuhayan ng bansa.
Nakapaghihinuha buhat sa mga naibahaging katibayang pantulong sa mga isyung panlipunan at
pangkapaligiran ng bansa.
Nakagagawa ng diagram tungkol sa mga isyung pamlipunan at pangkapaligiran at mga epekto
nito sa bansa.
Naiisa-isa ang mga katangian ng isang maunlad na bansa.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Magbalik-aral tungkol sa mga katangian ng isang maunlad na bansa.
Paano nga ba masasabi na nag isang bansa ay maituturing na maunlad?
Isa-sahin ang mga katangian ng isang maunlad na bansa.
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga nasalanta ng bagyo.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Paglalahad ng paksang-aralin mula sa powerpoint pesentation tungkol sa isyung politikal
at pangkabuhayan ng bansa.
b.2. Pagtatalakay
Anu-ano ang nais ipahiwatig ng inilahad na kalagayan ng bansa mula sa powerpoint
presentation?
Sa tulong ng isang graphic ogranizer, isusulat ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyung
panlipunan at pangkapaligiran na hinaharap ng bansa.
Pagtatalakay sa mga isyung panlipunan at pangkapaligiran ng bansa.
Ano ang epekto ng climate change sa ating bansa?
Ano ang pinakamasamang epekto ng pagbabago ng klima?
Anu-ano ang mga isyung pangkapaligiran?
Paano nasisira an gating kapaligiran?
Paano ito malulutas?
Anu-ano naman ang mga isyung panlipunan?
Paano naman ito malulutas?
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Triad
Magbahagi ng mga karanasang naidulot ng mga isyung panlipuna at pangkapaligiran.
c.2. Paglalahat
Pagbibigay-katanungan
1. Anu-ano ang mga isyung panlipunan at pangkapaligiran na hinaharap ng bansa?
2. Paano ito nakakaapekto sa pag-unlad ng bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasang
magkaroon ng ganitong problema o suliranin?
IV. Pagtataya
Pangkatang Pagtataya:
Panuto: Bawat pangkat ay bubunot ng isang isyung panlipunan o pangkapaligiran. Ipapaliwanag nila ang
isyung kanilang nabunot sa malikhaing pamamaraan.
--Role-playing
--Discussion
--Reporting/ Broadcasting
--Poster Making
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang talahanayan kung saan nakasulat ang mga paraan na maari mong gawin
upang makatulong sa pag-unlad ng bansa. Gawin ito sa kwaderno.
Mary Shella C. Calingasan
Pebrero 28, 2020
I. Layunin
Naiisa isa ang mga isyung politikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkapaligiran ng bansa.
Nakapaghihinuha buhat sa mga naibahaging katibayang pantulong sa mga isyung
kontemporaryo ng bansa.
Napupunan ang talahanayan na nagpapakita ng mga isyung kontemporaryo ng bansa.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.313- 326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Magbalik-aral tungkol sa mga katangian ng isang maunlad na bansa.
Paano nga ba masasabi na nag isang bansa ay maituturing na maunlad?
Isa-sahin ang mga katangian ng isang maunlad na bansa.
a.2. Pagganyak
Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng talahanayan na nahahati sa
apat na hanay tungkol sa mga isyung kontemporaryo.
Pampolitika Pangkabuhayan Panlipunan Pangkapaligiran
Sa isang sobre ay bubunot ang mga bata ng mga isyu ng bansa at ilalagay nila kung saan
ito wastong hanay nabibilang.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ilahad ang panuto para sa pagsasagawa ng pangkatang-gawain.
Bawat pangkat ay bubunot mula sa sobre kung anong kontemporaryong isyu ang
nakatoka para sa kanilang pangkat.
-pampolitika
-pangkabuhayan
-panlipunan
-pangkapaligiran
Ipapaliwanag ng bawat pangkat ang isyung kanilang nabunot sa malikhaing
pamamaraan.
--Role-playing
--Discussion
--Reporting/ Broadcasting
--Poster Making
b.2. Pagtatalakay
Pagtatalakay sa awtput ng mga bata tungkol sa isyung kontemporaryo ng bansa.
Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga kaisipan o ideya na kanilang mabubuo o
maibabagi sa gitna ng talakayan.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Triad
Magbahagi ng mga karanasang naidulot ng mga isyung kontemporaryo.
c.2. Paglalahat
Pagbibigay-katanungan
1. Anu-ano ang mga isyung kontemporaryo ng bansa?
2. Paano ito nakakaapekto sa pag-unlad ng bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasang
magkaroon ng ganitong problema o suliranin?
IV. Pagtataya
Pangkatang Pagtataya:
Panuto: Bawat pangkat ay bubunot ng isang isyung panlipunan o pangkapaligiran. Ipapaliwanag nila ang
isyung kanilang nabunot sa malikhaing pamamaraan.
--Role-playing
--Discussion
--Reporting/ Broadcasting
--Poster Making
Mary Shella C. Calingasan
Marso 2, 2020
I. Layunin
Naipapaliwanag ang mga naging ambag ng mga OFW sa bansa.
Nabibigyang-halaga ang mga paghihirap, sakripisyo at mga naiambag ng mga OFW.
Naipapahayag nang masigasig ang ginampanang papel ng mga kalalakihan at kababaihan sa
lipunan .
Nakapagsusulat ng isang sulat tungkol sa pagpapahalaga sa sakripisyo ng mga OFW at ng
pagkakapantay-pantay na pagkilala sa kakayahan ng kalalakihan at kababaihan.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN (Mga Isyung Panlipunan)
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Ano-anong kontemporaryong isyu ang napag-aralan natin noong isang linggo?
a.2. Pagganyak
Ano kaya ang nararamdaman ng mga taong umaalis upang magtrabaho abroad? Mga
dumarating?
Ang mga nag-aabroad ba ay pawang mga kalalakihan lamang?
Ang OCW (Overseas Contract Worker) ay pinagmulan ng salitang OFW. Ginawa lamangna OFW para linawin na ang tinuturing
na contract workers ay nasyunal na bansang Pilipinas
*Ang salaping ipinapadala ng mga OFW rito sa Pilipinas ay tumutulong sa pagpapatatag ngating pambansang ekonomiya.
Pinasisigla rin ang kalakalang panloob, lalo na sa espesyal naokasyon tulad ng Kapaskuhan.
* Ang pagtaas ng remittance na pumapasok sa bansa ay dulot ng patuloy na pagdami ngmga OFW na nagtatrabaho sa mga
sector na nagkakaloob ng mataas na pasahod.
* dahil sa malaking remittance na ipinapadala sa bansa, ang halaga ng Piso laban sa Dolyar
ay napapanatiling matatag.
b.2. Pangkatang-gawain
Pangkat I- Pag-uusap tungkol sa mga bansang pinupuntahan ng mga OFW at mga
trabahong pinapasukan ng mga kalalakihan at kababaihan sa ibang bansa.
IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang sulat sa Pangulo kung paano mas mabibigyang pagpapahalaga ang mga
OFWs. Banggitin ang kanilang mga sakripisyo at ambag sa ating bansa at ang pagkakapantay-pantay na
pagkilala sa kakayahan ng kalalakihan at kababaihan.
V. Takdang Aralin
Panuto: Maghanap ng balita sa dyaryo tungkol sa pang-aabuso sa mga bata. Idikit ito sa kwaderno.
Mary Shella C. Calingasan
Marso 3, 2020
I. Layunin
Natatalakay ang di-mabuting epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Nakakikilala sa mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga epekto nito.
Nakababahagi ng obserbasyon sa mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot.
Nakabibigay-galang sa karapatan ng bawat bata.
Nakagagawa ng isang campaign ad tungkol sa paglaban sa Child Abuse.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN (Mga Isyung Panlipunan)
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
Ano ang kahalagahan ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas?
Ipaliwanag ang pagkakapantay ng mga kalalakihan at mga kababaihan upang
makatulong sa pagpapaunlad ng bansa maging ng kanilang pamilya.
a.2. Pagganyak
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ilahad ang mga balita at mainit na isyu tungkol War on Drugs ni Pang. Duterte.
Anong bagong balita ang tungkol sa mga pang aabuso sa mga bata?
b.2. Pangkatang-gawain
Pangkat I
Talakayin ang mga dahilan ng paggamit ng mga kabataan ng ipinagbabawal na gamot at
ang epekto ng paggamit nito.
Pangkat II
Pag usapan ang mga karamihang kaso kung paano inaabuso ang mga bata.
Pangkat III
Pag-usapan ang epekto ng pang aabuso sa mga kabataan.
b.3. Pagtatalakay
Ipaulat ang mga napag usapan sa bawat pangkat
Talakayin ang mga isyung may kinalaman sa di-mabuting epekto ng paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot
Pag –usapan ang mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga epekto nito
Ibahagi ang obserbasyon sa mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Bilang bata, paano mo pahahalagahan ang ginagawang pagbibigay-galang sa karapatan
ninyo sa pamamagitan ng Child Protection Program ?
c.2. Paglalahat
Anu-ano ang di-mabuting epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamut?
Anu-ano ang mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga epekto nito?
Ano ang obserbasyon sa mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot?
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang Poster tungkol sa Child Protection at Anti-Drugs Campaign.
Mary Shella C. Calingasan
Marso 4, 2020
I. Layunin
Nakasusuri sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Climate Change.
Natatalakay ang mga epekto ng Climate Change sa tao at kapaligiran nito.
Nakapagpapalitan ng kuro-kuro sa tamang pangangalaga sa kalikasan at sa pag-iwas ng Climate
Change.
Nakaguguhit ng isang poster na naglalahad sa tamang pangangalaga sa kalikasan.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN (Mga Isyung Pangkapaligiran)
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-ano ang di-mabuting epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamut?
Anu-ano ang mga palatandaan ng isang batang inaabuso at ang mga epekto nito?
Ano ang obserbasyon sa mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot?
a.2. Pagganyak
Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito
ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season.
Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang temperature
ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man itong maliit
lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa buong mundo.
Ang epekto ng climate change at pagtaas ng temperatura sa mundo ay tumunaw sa mga niyebe at yelo sa
north at south pole, naka epekto din ito sa pagtaas ng tubig sa mga karagatan at tiyempo ng paglago ng
mga ibat-ibang halaman.
Maraming mga bagay ang maaring maging dahilan at sanhi ng climate change.
Likas na mga sanhi – Ang distansya ng araw sa Earth ay maaring maging sanhi ng climate change, kapag
ito ay malapit ay mas mainit, at pag malayo naman ay malamig. Maari ding maging dahilan ng climate
change ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
Kagagawan ng Tao – Ang climate change ay maaari ding maging sanhi ng mga gawain ng tao, tulad ng
mga pagsusunog ng Fossil fuels at ang conversion ng lupa para sa agrikultura at pagpapatayo ng mga
gusali. Mga buga ng mga sasakyan na carbon dioxide at pagsunog ng mga plastic ay isa rin sa rason.
Simula ng tayo ay dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng tao sa pagbabago ng klima ay mas
lalong nadagdagan.
V. Takdang Aralin
Panuto: Humanda sa pag-uulat ng isyu tungkol sa mga epekto ng climate change.
Mary Shella C. Calingasan
Marso 5, 2020
I. Layunin
Nakapagpapahayag ng sariling opinyon tungkol sa paksang Extra-Judicial Killing sa kasalukuyang
administrasyon.
Nakikibahagi nang masigla sa pagtatalakay ng isyu ng Extra-Judicial Killings sa kasalukuyang
administrasyon.
Nakapagpapanayam ng mga opinyon mula sa mga lider ng komunidad tungkol sa napag-usapang
isyu.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN (Mga Isyung Panlipunan)
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Ano ang climate change?
Ano-ano ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng Climate Change?
a.2. Pagganyak
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga posters at ads tayong nakikita tungkol sa
pagpapahinto ng pagpatay ng tao sa kasalukuyang administrasyon?
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ano nga ba ang extrajudicial killing?
Ito’y isang pamamaraan ng pagpatay sa isang tao o sa isang grupo ng
tao na hindi dinaan sa proseso o paglilitis ng korte. Kasama na rin dito pati ang
pagpatay ng mga hindi taga-gobyerno. Basta’t pumatay ka ng isang tao na
hindi nilitis sa korte o hindi ipinag-utos ng korte ay tinatawag itong
extrajudicial killing.
Ang extrajudicial killing ngayon ay hot issue sa ating bansa dahil na rin
sa pangunguna nang ating Pangulo na si Pang. Rodrigo Duterte sa tinatawag
na war on drugs. Hindi naman lingid sa kaalaman nating mga Filipino na ayaw
ng Pangulong Duterte sa droga. Simula nung maupo siya maraming mga drug
addict, dealer, pusher, at maging user ang sumuko ngunit sa pagsuko nilang ito
maraming natakot na drug addict kaya’t mga kapwa mga adrug addict
nagpapatayan na. Ito’y masasabi nating by nature na ni Pangulong Duterte
ang pagka-ayaw niya sa droga at hindi naman niya kinakailang hindi siya
pumapatay simula nung siya’y nanungkulan at umupo sa kahit anong pwesto.
Maraming natuwa sa pagkakaupo ni Pangulong Duterte bagama’t
mayroon ding mga natakot dahil sa masyado ngang brutal kung tawagin ang
Pangulo ngunit diba’y gusto natin ng pagbabago. Ito na ang hinihiling natin.
Pero bakit nga ba kailangan maraming buhay ng tao ang dapat mawala at
maraming pamilya ang dapat mangulila? Ang drugs ay talamak na sa ating
bansa at ang bunga nga nito ay ang pagkarami ng mga addict. Alam naman
natin ang pag a-addict at pag gamit ng sobra sa gamot ay mali at masama
ngunit ang pagpatay din sa kanila ng walang tamang proseso ay itinuturing
ding masama at kasalanan.
b.2. Pangkatang-gawain
Pangkat I
Magpalitan ng kuro kuro tungkol sa mga dahilan ng extra judicial killing.
Pangkat II
Pag usapan kung ano ang extra judicial killing.
Pangkat III
Pag-usapan ang epekto ng extra judicial killing.
b.3. Pagtatalakay
Ipaulat ang mga napag usapan sa bawat pangkat
Talakayin ang mga isyung may kinalaman sa extra judicial killing, dahilan at epekto nito.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Ano ang iyong opinyon tungkol sa kaganapang ito sa ating bansa?
c.2. Paglalahat
Ano ang Extra Judicial Killings?
May maganda ba itong dulot o wala?
V. Takdang Aralin
Panuto: Makipanayam ng mga opinyon mula sa mga lider at iba pang miyembro ng komunidad tungkol
sa napag-usapang isyu.
Halimbawa: Kapitan, konsehal, barangay tanod atbp.
Mary Shella C. Calingasan
Marso 6, 2020
I. Layunin
Nakikilala ang mga produktong matatagpuan sa sariling komunidad.
Naisasalaysay nang may pagmamalaki ang mga produkto na matatagpuan sa sariling komunidad.
Nakabibigay ng mga paraan ng pagtangkilik sa sariling produkto.
Nakagagawa ng isang collage na naglalaman ng mga larawan ng produktong matatagpuan sa
sariling komunidad.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: PAGTANGKILIK SA SARILING PRODUKTO
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp.320-326
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-ano ang mga kontemporaryong isyung kinahaharap ng bansa?
Paano nakakaapekto sa bansa at sa mundo ang climate change?
Kung patuloy ang paglala ng climate change, ano abng mangyayari sa mga pananim ng
bansa?
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mangga.
I. Layunin
Nakababanggit ng mga pamamaraan ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga produkto ng
bansa.
Naipapakilala ang kaugnayan sa pagpapabuti sa mga produkto ng bansa sa pag-unlad ng
kabuhayan.
Nasasabi ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto.
Nakagagawa ng isang slogan na humihikayat na mapabuti ang mga produkto ng bansa.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: PAGTANGKILIK SA SARILING PRODUKTO
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp. 330
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-ano ang mga paraan ng pagtangkilik sa sariling produkto?
Bakit mahalaga na tangkilikin ang mga sariling produkto?
a.2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng iba’t ibang produkto mula sa iba’t ibang lugar.
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ilahad paksang aralin tungkol sa pagtangkilik ng sariling produkto.
Bigyan ng sipi ang bawat pangkat.
b.3.Pangkatang-Gawain
Pumili ng isa sa mga mga tungkulin o responsibilidad nating mga Pilipino tungkol sa
paraan natin ng pagtangkilik sa mga produktong sariling atin. Ipaliwanag ang
napili ng inyong pangkat sa malikhaing pamamaraan.
Bigyan ng sapat na minuto ang bawat pangkat para sa gawain.
b.2. Pagtatalakay
Talakayin ang ginawa ng bawat pangkat.
Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagpapaunlad/pagpapabuti ng mga produkto sa pag-unlad
ng bansa.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Para sa inyo, ano ang posibleng epekto ng hindi pagtangkilik sa sariling produkto?
c.2. Paglalahat
Anu-ano ang mga paraan ng pagtangkilik ng sariling produkto?
Anu-ano ang mga paraan sa pagpapabuti ng produkto ng bansa?
I. Layunin
Naitatala ang mga kahalagahan ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga uri ng produkto at
kalakal ng bansa.
Nakikilahok nang masigasig sa talakayan ng kahalagahan at pagpapabuti ng papaunlad ng
kabuhayan.
Nakabubuo ng isang tagline tungkol sa pagpapabuti ng sariling produkto.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: PAGTANGKILIK SA SARILING PRODUKTO
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp. 329
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-ano ang mga paraan ng pagtangkilik ng sariling produkto?
Anu-ano ang mga paraan sa pagpapabuti ng produkto ng bansa?
a.2. Pagganyak
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Ilahad ang paksang aralin tungkol kahalagahan ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga
uri ng produkto at kalakal ng bansa.
b.3.Pangkatang-Gawain
Isadula ang kahalagahan ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga uri
ng produkto at kalakal ng bansa.
b.2. Pagtatalakay
Talakayin ang ginawang pagsasadula ng bawat pangkat.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapaunlad at pagpapabuti ng mga produkto o kalakal
ng bansa.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Gumawa ng isang tagline tungkol sa pagpapabuti at pagpapaunlad sa sariling produkto
c.2. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa mga uri ng produkto at kalakal
ng bansa?
V.Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng pagtangkilik ng sariling produkto.
I. Layunin
Natatalakay ang kahulugan at mga pinagkukunan ng enerhiya.
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya. AP6TDK-IVg-h-7
Naisasadula ang ilan sa mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Tungkulin Para sa Pag-unlad ng Bansa
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp. 330-332
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-anong mga produkto ang ipinagmamalaki ng bansa?
Bakit mahalagang tangkilikin ang produktong atin?
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at kabuhayan ang pagtangkilik sa mga
produkto?
a.2. Pagganyak
Tatawag ng isang representante mula sa klase upang i-aksyon ang mga sumusunod na
gawain:
-namamalantsa
-nagmamaneho ng kotse
- nagmamaneho ng motor
- nakikinig ng radio
- nagluluto sa gasul
Huhulaan naman ng mga mag-aaral ang gagawing aksyon ng bata sa unahan sa klase.
Bawat makakasagot na bata ay may puntos.
Pagkatapos ng gawain,
Sa pagsasagawa ng mga gawain kanina na inyong hinulaan, ano ba ang kailangan upang
magawa ang mga ito?
Bakit kailangan ang enerhiya?
Anu-ano ang mga pwede nating gawin sa enerhiya?
b. Panlinang na Gawain
b.1. Paglalahad
Nakakakuha tayo ng enerhiya sa iba’t ibang paraan. Ang enerhiyang solar ay galing sa
sikat ng araw. Ang enerhiyang geothermal ay galing sa init na nagmumula sa
ilalim ng lupa at mga bulkan. Ang enerhiyang hydro-electrical ay galing sa mabilis
na pagbagsak ng tubig mula sa mataas na lugar o talon at dumadaan sa grid para
maging kuryente. Ang enerhiyang fossil ay nanggagaling sa gas na naipon sa ilalim
ng lupa , milyun- milyong taon na ang nakalipas.
Upang magamit ang iba’t ibang uri ng enerhiya, kailangan itong dumaan sa mga
proseso. Ang prosesong ito ay magastos at hindi madaling maisagawa ng kung
sino lang.
b.3.Pangkatang-Gawain
Isa-isahin ang mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya. Magpalitan ng opinyon tungkol sa
paksa. Bigyan ng sipi ang bawat pangkat.
- Paggamit ng ilaw
- Pagluluto
- Paggamit ng washing machine
- Paggamit ng iba,t ibang appliances
- Pamamlantsa
- Paggamit ng refrigerator
b.2. Pagtatalakay
Talakayin ang ginawa ng bawat pangkat.
c. Pangwakas na Gawain
c.1. Paglalapat
Bilang isang bata, ano ang maaari mong maiambag sa pagtitipid ng enerhiya sa bahay,
paaralan at iba pang lugar?
c.2. Paglalahat
Bakit mahalaga sa enerhiya sa tao?
Ano ang mangyayari kung hindi gagamitin ng maayos ang enerhiya?
V.Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa kaugnayan ng pagtitipid ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa.
I. Layunin
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya. AP6TDK-IVg-h-7
Naisasadula ang ilan sa mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.
Nakabibigay-kaugnayan ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa. AP6TDK-IVg-h-7
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Mga Tungkulin Para sa Pag-unlad ng Bansa
b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan
c. Sanggunian: Curriculum Guide 6, Kayamanan pp. 330-332
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
a.1. Balik Aral
Anu-anong mga produkto ang ipinagmamalaki ng bansa?
Bakit mahalagang tangkilikin ang produktong atin?
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at kabuhayan ang pagtangkilik sa mga
produkto?
a.2. Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan ng powerplant sa bansa.
V.Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa kaugnayan ng pagtitipid ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa.