You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 6

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at


pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga
hamon ng nagsasarili at umuunlad na bansa.

Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing


makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang
kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad
na Pilipino.

Pamantayan sa Pagkatuto: 1. Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas


Militar.

I. MGA LAYUNIN
a) Masuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar.
b) Maipaliwanag ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Militar at
sa ilalim ng Batas Militar.
c) Makapagpakita ng aktibong pakikilahok sa pamamagitan ng pagbibigay saloobin
hinggil sa mga hamon at suliran sa ilalim lng Batas Militar.

II. NILALAMAN
a) Paksa: Mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar.

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


a) Sangguninan
1. K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum, Code: AP6TDK-IVa1, page 138
2. Araling Panlipunan 6 – Ikaapat na Markahan – Modyul 1, Mga suliranin at hamon
sa ilalim ng Batas Militar.
b) Iba pang kagamitang panturo
1. Laptop, monitor

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


a. Pambungad na Pagbati/Panalangin
“Magandang hapon mga bata. Maari bang tumayo (Mananalangin ang lahat)
ang lahat at tayo’t manalangin. “Magandang hapon din po.”

b. Attendance
(Ang guro ay magtatal ng attendance)

c. Balik-aral
“Okay, class! Bago tayo tumungo sa ating (Magbibigay ng maikling balik-aral
panibagong aralin para sa ikaapat na markahan ang mga mag-aaral.)
ay maari bang balikan muna natin ang mga
nakaraang aralin na natatandaan pa ninyo?

d. Pagganyak
(Ang guro ay magpapapanuod sa klase ng isang
video tungkol sa aralin na tatalakayin.)
(Pagkatapos ng video presentation, ay sasagutin
ng mga mag-aaral ang mga ilang katanungan
tungkol sa video na napanood.)

Link: https://www.youtube.com/watch?
v=0rh4MTCngUA

1. Ayon sa inyong napanood, anong konstitusyon 1. 1935 Constitution Article VII


ang nagprobisyon sa pagdedeklara ng Batas Section 10
Militar?
2. Sinong pangulo ang nagdeklara ng Batas
Militar? 2. Pangulong Ferdinand E. Marcos
3. Kailan idineklara ang Batas Militar? Sr.
4. Ilan ang naipakulong ni dating Pangulong
Marcos sa unang araw ng pagdideklara ng Batas 3. Setyembre 21, 1972
Militar?
5. Sa tingin ninyo, bakit kinailangan magdeklara 4. 400
ng Batas Militar ni Marcos noon?
6. Sa isang kalahating papel, ano sa tingin ninyo 5. Dahil sa mga kaguluhan na
ang masama at mabuting epekto ng Batas Militar? nangyayari sa bansa.

e. Lesson proper
“Okay class, ang Batas Militar ay idineklara ni
dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. noong ika-
21 ng Setyembre 1972.”

“Sa araling ito, alamin natin kung ano nga ba ang


Batas Militar at kung ano ang mga naging
suliranin at hamon na naging dahilan ng
deklarasyon ng Batas Militar.”

“Handa na ba kayong makinig?”

“Ano nga ba ang Batas Militar? ________ maaari “Opo!”


mo bang basahin ang nakasulat?”
Ang Batas Militar ay isang hakbang
na maaring isagawa ng pamahalaan
upang maiwasan ang mga panganib
tulad ng paghihimagsik, rebelyon,
paglusob, at karahasan. Ang pangulo
ng Pilipinas, bilang pinuno ng
Sandatahang Lakas, ay may
“Ngayon ay ating isa-isahin ang mga suliranin at kapangyarihang magdeklara ng
hamon na naging dahilan ng deklarasyon ni Batas Militar na nakasaad sa Artikulo
Pangulong Marcos ng Batas Militar. 10, talata 2 ng Saligan Batas ng
1935.
“Una, ang pagsibol ng mga samahan na
naghahangad ng pagbabago sa pamamagitan ng
marahas na pamamaraan.”

“Sa mga nakaraang aralin ay nabanggit ang iba’t


ibang mga rebelde at komunistang grupo.
Magbigay ng isa.”
Communist Party of the Philippines (CPP) –
itinatag ni Jose maria Sison, dating propesor ng
Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang ideolohiya (CPP, NPA, MNLF, BIFF, MILF)
ay batay sa pinuno ng komunistang Tsina si Mao
Tse Tung.

Moro National Liberation Front (MNLF) –


itinatag noong Marso 18, 1968 ni Nur Misauri na
isa ring propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito
ay binubuo ng mga muslim na nagnanais na
magkaroon ng sariling pamahalaan na tinatawag
na Republika ng Bangsamoro.

National People’s Army (NPA) – itinatag noong


Marso 29, 1969 na binubuo ng mga magsasaka at
iba’t ibang uri ng mga tao na nahikayat dahil sa
magandang pangako ng komunismo.
Pinamunuan ito ni Bernabe Buscayno alyas
Kumander Dante. Ang grupong ito ay
naniniwalang tanging pag-aaklas na lamang ang
natitirang solusyon para sa pagbabago at
kaunlaran.

“Pangalawa, ang paglubha ng suliranin sa


katahimikan at kaayusan, sunod sunod ang
naging mga rally at demonstrasisyon ng iba’t
ibang manggagawa tulad ng mga guro maging ng
mga estudyante na humantong sa madugong
labanan ng mga raliyista at mga pulis.

“Pangatlo, pagbomba sa Plaza Miranda – na


naganap noong Agosto 21, 1972, sa gitna ng ng
pagtitipon at pagpapahayag ng mga kandidato ng
Partido Liberal sa Plaza Miranda, Quiapo, na
nagdulot ng maraming nasugatan at namatay.”

“At ang panghuli ay ang pagsususpinde sa writ of


habeas corpus o karapatan ng isang
mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng
paglilitis.Ang pribiliheyong ito ang nangangalaga
sa mga mamamaya upang hindi makulong nang
labag sa batas. Dahil sa pagsususpinde ni
Pangulong Marcos ng karapatang ito, pinadakip
niya ang mga aktibistang pinaghihinalaang lider
ng komunismo.

“May mga katanungan ba mga bata?”

“Kung wala ay ako ang magtatanong. Sa tingin


ninyo, tama ba ang pamamaraan na ginawa ng
mga tao noon upang ipabatid sa pamahalaan ang
kanilang hinaing?” “Wala po.”

“Okay! Magaling. Ngayon naman ay ating alamin “Sa tingin ko po ay hindi. Dahil sa
ang mga espesyal na kapangyarihan ng pangulo lahat po ng bagay ay maaring
sa paggawa ng batas sa pamamagitan ng: palaging pairalin ang kahinahunan.”

1. Kautusang Pangpanguluhan (Presidential


Decree)

2. Kautusang Pangkalahatan (General Decree)

3. Liham-Pagpapatupad (Letter of Instruction)

“Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga


batas na ipinatupad.”

“Maari bang basahin ng lahat?”

1. Pag-iral ng curfew hour mula sa


alas dose ng hatinggabi hanggang
alas kuwatro ng umaga upang
mapanatili ang kaayusan at
katahimikan ng bansa.

2. Pagbabawal ng mga rally,


demonstrasiyon, at pagwewelga.

3. Pagkontrol ng pamahalaan sa mga


pahayagan, radyo, at telebisyon,
upang masala ang mga balitang
ilalabas sa madla.

4. Pagsuspinde sa pangingibang-
bansa ng mga Pilipino, maliban sa
“Nauunawaan ba mga bata ang ating aralin?” mga misyong ipinag-uutos ng
gobyerno.
“May mga katanungan ba?”
5. Paggawad ng parusang
“Kung wala na ay magkakaroon tayo ng kamatayan sa sinomang mahuhuling
pangkatang gawain. Handa na ba kayo?” magdadala ng armas nang walang
pahintulot.
f. Pangkatang Gawain – Petal Web
“Opo.”
- Ang klase ay hahatiin sa 5 grupo.
- Ang bawat grupo ay gagawa ng isang petal web “Wala na po.”
(sundan ang format).
- Ano ang pumapasok sa iyong isipan kapag “Opo.”
nabasa o narinig ninyo ang katagang Batas
Militar?
- Pagkatapos ay magbabahagi ng kanilang gawa
ang bawat grupo

g. Paglalahat
“Okay class, ang deklarasyon ng Batas Militar ay
isa sa mga mahalagang kaganapan na nakaukit
na sa ating kasaysay. And deklarasyon gn Batas
Militar ay maaring naging mabuti sa iba, at
masama naman sa iba. Sa kabilla ng mga
suliranin at hamon na kinaharap ng mga Pilipino
noon sa ilalim ng Batas Militar, naging
mahalagang aral naman ito sa atin sa
kasalukuyan.”

h. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod. Piliin ang


letra ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
sa inyong sagutang papel.

a. Batas Militar f. MNLF


b. Setyemre 21, 1972 g. curfew hours
c. Ferdinand Marcos h. Partido Liberal
d. Bernabe Buscayno i. Writ of habeas Corpus Mga Sagot:
e. Jose Maria Sison j. Presidential Decree
1. C
2. D
______1. Ang pangulo ng Pilipinas na nagdeklara 3. A
ng Batas Militar. 4. E
______2. Siya ang pinuno ng New People’s Army 5. H
______3. Ito ang hakbang na isinagawa ni 6. F
Pangulong Marcos upang mapigilan ang 7. I
paghihimagsik, rebelyon at karahasan. 8. B
______4. Siya ang nagtatag ng Communist Party 9. H
of the Philippines. 10. J
______5. Ang partido politikal na nag-rally noon
sa Plaza Miranda, Quiapo ng ito ay binomba ng
mga sundalo.
______6. Ito ay samahang binubuo ng mga
Muslim na nagnanais na magtatag ng sariling
Pamahalaan sa Mindanao.
______7. Ang pribilehiyong nangangalaga sa
mamamayan upang hindi makulong nang hindi
dumadaan sa tamang proseso ng paglilitis.
______8. Petsa ng deklarasyon ni Pangulong
Marcos na ang Pilipinas ay nasa ilalim na ng
Batas Militar.
______9. Ito ang naging paraan upang mapanatili
ang kaayusan at katahimikan ng bansa.
______10. Isa sa mga uri ng batas na ipinatupad
ni Pangulong Marcos sa ilalim ng Batas Militar.

i. Takdang-Aralin
Dahil sa mga kaguluhan na patuloy at madalas na
nangyayari sa iba’t ibang sulok ng mundo, bilang
isang kabataan ay may magagawa ka! Kung
bibigyan ka ng karapatang mamahala at gumawa
ng batas sa iba’t ibang pagkakataon, anu-ano ang
mga ito? Isulat sa inyong kwaderno.

1. Batas sa Tahanan
a. ______________________________
b. ______________________________
c. ______________________________
2. Batas sa Paaralan
a. ______________________________
b. ______________________________
c. ______________________________
3. Batas sa Barangay
a. ______________________________
b. ______________________________
c. ______________________________

V. Remarks
VI. Reflection

Inihanda ni:

SISO, Mark Robin S.

You might also like