You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN VI

COT-RPMS

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi
ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin , isyu at hamon ng kasarinlan

Pamantayan sa Pagaganap
Nakakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa
patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan
(AP6SHK-IIIh-7)

I. LAYUNIN

Cognitive : Nakakilala sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa


kasalukuyan

Affective : Nakapagpapahalaga sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa


patuloy sa suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa
kasalukuyan

Psychomotor : Nakagawa ng graphic web organizer tungkol sa mga


suliranin at hamon ng kasarinlan at iuugnay ito sa mga hamon
sa kasalukuyan

II. NILALAMAN
A. Paksa Mga Pagtugon ng Pilipino sa Patuloy na Suliranin, Isyu at
Hamon ng Kasarinlan sa Kasalukuyan
B. Sanggunian Aklat sa AP6, TG, CG (AP6SHK-IIIh-7)
C. Iba pang Kagamitang Panturo
Mga larawan, Manila Paper, Pentel Pen
Powerpoint Presentation,
Video Clips (Youtube.com)

III. PAMAMARAAN
A. Balitaan
Video clip sa naganap na landslide sa Naga Cebu

B. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Mga Kababaihan at ang nagawa nila sa lipunan
C. Paghahabi sa layunin ng aralin (Picture Analysis)
Ipakita ang mga larawan sa iba’t ibang isyu ng kasarinlan sa
kasalukuyan(Collaborative Approach)

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ilahad muli ang mga isyu ng kasarinlan sa kasalukuyan at pag-usapan.
Pagpapakita ng isang Powtoon video

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pangkatang Gawain: Pagbibigay ng pamantayan sa pangkatang Gawain.
Pagbibigay ng rubriks sa pangkatang gawain at pangkatang pag-uulat

Pangkat 1: Graphic Web Organizer isyu at suliraning kinakaharap ng ating


bansa sa kasalukuyan
Pangkat 2 Mga suliranin ang kinakaharap ng Lungsod ng Iligan
Pangkat 3: Buuin ang puzzle at sagutin ang tanong: Kung kayo ang pangulo
ng ating bansa, paano mo tutugunan ang suliraning makikita
mo sa larawang nabuo mula sa puzzle?

F. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Ipepresenta sa klase ang Gawain ng bawat pangkat. Suriin ng guro at
magbigay ng karagdagang impormasyon

G. Paglinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative Assessment)
1.Ano-ano ang mga isyu at suliraning kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan?
2.Ganito din bang mga suliranin ang kinakaharap ng Lungsod ng Iligan?
3.Sa inyong palagay, ito ba ay nasusulusyunan ng ating pamahalaan?
4. Kung kayo ang pangulo ng ating bansa, paano mo tutugunan ang mga
suliraning ito para sa mga Pilipino.
5. Bilang bata, ano ba ang magagawa mo para makatulong na malutas ang
mga isyu ng lipunan?

H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Pagpapakita ng iba’t-ibang isyu ng kasarinlan at pagbibigay ng pananaw
tungkol sa isyu sa pamagitan ng sang laro na “The Price is Right”

I. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasaluyan?
Paano mabigyang sulosyon ang mga isyu ng kasarinlan?
Bakit kailangang tugunan ito ng ating pamahalaan?

IV. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Magbigay ng sariling pananaw tungkol sa patuloy na mga suliranin,


isyu at hamon upang matugunan ang mga suliraning ito sa ating bansa.

1. Pumili nang isang suliranin at magbigay ng sarili mong pananaw kung paano
masolusyunan ang patuloy na isyu at suliranin.

V. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Research Work:
1.Magsaliksik pa ng mga suliranin at isyu tungkol sa mga sumusunod:
a. Suliraning Pang-ekonomiya
B. Suliraning Panlipunan

Prepared by: NERIZZA D. PEPITO


Teacher I

Observed by: SUSAN P. PIRANTE


Principal II

RAZEL C. SORIANO
Master Teacher II

ESTELLA D. PARTOL, PhD


Master teacher I

You might also like