You are on page 1of 15

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Petsa: Setyembre 18, 2017

Note: Setyembre 12-13 Class Suspended due to heavy rain


Setyembre 14-15 Class Suspended declared by
CSDO of Dasmarinas in supporting
the DEPEd Got Talent

I.Layunin
Natatalakay ang mga mahalagang pangyayari sa panahon ng mga hapones (Death
March)

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagtalakay ng mga mahalagang pangyayari sa Panahon ng mga Hapones


(Death March)
Sanggunian: AP6KDP-IIe.5.2, Martsa ng Kamatayan, www.wikipediangtagalog, ang
malayang ensiklopediya
Kagamitan: Video clips, Larawan, metacards
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sariling bayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
2. Balik-aral
Kailan idineklara ni MacArthur bilang “Open City” ang Maynila?

3. Pagganyak

Picture Analysis
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1: KWL Chart

K W L S

Ano ang aking Ano ang nais kong Ano ang aking Ano ang aking gustong
alam? malaman? natutuhan? maunawaan?

2. Paglalahad

3. Pagsusuri
1. Kailan pinagmartsa ng mga Hapones ang mga sundalong Pilipino at
Amerikano?
2. Saan sila nagsimula at natapos ang kanilang paglalakad?
3. Bakit ang ibang mga sundalo ang namatay habang sila ay naglalakad?
4. Ilan ang bilang ng mga maysakit at sugatan sundalo na bihag ng mga
Hapon?
(Balikan ang tsart para sa sagot sa kanilang nais malaman)

4.Paghahalaw

Magbigay ng mga mahalagang pangyayari natalakay sa panahon ng


Hapones- Death March
(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto)

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain

Pangkat I: I-Awra Mo!

Pagpapakita ng kaganapan noon sa pamamagitan ng dula-dulaan tungkol sa


Death March

Pangkat II- Paggawa ng Timeline gamit ang fishbone

Pangkat III- Concept Mapping

Pangkat IV- Pagsagot sa Tanong

Ano ang Death March?

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang pahayag ng TAMA kung ang sinasabi nito ay tama at MALI kung
ang sinasabi nito ay hindi tama.
______1. Pinaglakad ang mga sundalong Pilipino ay Amerikano mula Mariveles Bataan
hanggang Pampanga.
______2. Binigyan ng pagkain at inumin ang mga sundalo habang naglalakad.
______3. Kaya ang iba sa kanila ay namatay sa daan.
______4. Ang mga nahuling tumakas ay pinagbabaril.
______5. Madaming Pilipino ang naligtas sa paglalakbay na ito.

V. Takdang Aralin

Gumupit o Gumuhit ng mga larawan nagpapakita ng digmaan ng hapones at


sundalo.

Inihanda ni:

GLEN PAUL R. ABAWAN


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Petsa: Setyembre 19, 2017

I.Layunin
Natatalakay ang mga mahalagang pangyayari sa panahon ng mga hapones laban
sa Corregidor
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagtalakay ng mga mahalagang pangyayari sa Panahon ng mga Hapones
Laban sa corregidor
Sanggunian: AP6KDP-IIe.5.3, Labanan sa Corregidor, www.wikipediangtagalog, ang
malayang ensiklopediya, Youtube: Xiao Time Pananakop ng Hapones
Kagamitan: DLP, Larawan, metacards, Laptop
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Sariling Bayan
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
‘1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
‘2. Balik-aral
Kailan pinagmartsa ng mga hapones ang mga sundalong Pilipino at
Amerikano?

3. Pagganyak

Suring Video
Pagpapanood ng video clip tungkol sa Hapones
Youtube: Xiao Time Pananakop ng Hapones

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1: Off the Wall

Batay sa suring video, Sino sino ang mga taong nasa palabas? Ano ano ang
katangian nila. Gamit ang off the wall, hahanapin nila sa pader ang gawi ng hapon
tungkol sa video.

‘2. Paglalahad
Pagbasa ng talata/Slides
‘ 3. Pagsusuri
Kailan nangyari ang Labanan ng Corregidor?
Sino ang huling Henerl na nagtanggol sa Corregidor?

‘4. Paghahalaw

Magbigay ng mga mahalagang pangyayari natalakay sa panahon ng


Hapones- Death March
(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto)

5. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Pangkat I: Timeline

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari

Pangkat II- Pagbuo sa laman ng paksa

Idikit ang mga ginawa ng mga hapones sa Pilipino.

Pangkat III- I-Awra mo!

Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan kung paano nakipaglaban ang mga


Pilipino-Amerikano laban sa mga hapones.
Pangkat IV- Concept Mapping

Itala ang ginawa ng hapones sa Pilipino


IV. Pagtataya

Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang ng bawat bilang.

Ang labanan ng _______ nangyari noong ________ ang pagtatapos ng pangangampanya ng


mga ________________ upang sakupin ang mga tao ng Pilipinas. Ang pagbagsak ng Bataan noong
___ ang nagwakas ng lahat ng organisadong oposisyon_____ sa nanakop na mga puwersang
hapones sa Luzon.

V. Takdang Aralin

Sumulat ng isang reaksiyon ukol sa digmaan ng mga Hapones sa Corregidor.

Inihanda ni:

GLEN PAUL R. ABAWAN


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6
Petsa: Setyembre 20, 2017
I.Layunin
Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng mga hapones.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagsusuri sa sistema ng pamamahala sa panahon ng mga Hapones


Sanggunian: AP6KDP-IIf-g-7, Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 p. 182-183,
Youtube: Xiao Time Sistema ng Pamamahala ng Hapon,
http://www.google.com/images
Kagamitan: Video clips, Larawan, metacards
Pagpapahalaga: Pagbabalik tanaw sa kasaysayan
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
‘1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
‘2. Balik-aral
Laro: Pasahan ng Bola
Ipapasa sa mga mag-aaral ang bola at sa pagtigil ng awit ay magbigay
ng patakaran na naging kontribusyon sa pagsasarili ng Pilipinas sa kamay
ng dayuhan.

‘3. Pagganyak
Pag-aanalisa ng mga larawan

Mga Pamprosesong Tanong

 Sa iyong palagay, ano kaya ang naging ugnayan ng bansang Pilipinas sa


bansang Japan sa sistemang pamamahala ng bansang Pilipinas?
 Nakabuti ng aba sa kapakanan ng mga Pilipino ang mga hangarin ng mga
Hapon para sa ating bansa?
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1: Pagbasa ng Slides/Talata

Gawain 2: Suring Video

Panonood ng Suring Video sa Sistemang pamamahala ng mga Hapones


Search: Xiao Time Pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas

‘2. Pagsusuri
 Ano anong mga patakaran ang ipinatupad ng bansang Japan para
sundin ng mga Pilipino?
 Bakit nais ng mga hapon na sumapi ang bansang Pilipinas sa
pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity?
 Ano ang naging layunin ng Preparatory Commission for Philippine
Independence na pinamunuan ni Jose P. Laurel?
 Sa inyong palagay, bakit nasabing kahit Pilipino na ang namumuno
sa panahong ito hindi pa rin masasabi na siya ay makapangyarihan
at makakapagbigay ng kapayapaan, kalayaan at kasaganaan sa mga
Pilipino?
 Sa inyong palagay naging maayos at matiwasay ba ang pamumuhay
ng mga Pilipino noong panahon ng pamamahala ng mga hapon?
Paano nila ito kinaharap at binigyang pansin?
 Anong mga balakid ang kinaharap ng mga Pilipino lalo na ang
pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel sa sistemang pamamahala
ng mga Hapon?

‘3. Paghahalaw

Ano ang naging ugnayan ng mga Hapones sa mga Pilipino sa sistema ng


pamahalaan sa ating bansa?
(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong natutunan)

‘4. Paglalapat
Pangkat 1-Paggawa ng Rap Jingle
Pangkat 2 Paggawa ng Poster
Pangkat 3- Pagdudula-dulaan
Pangkat 4-Paggawa ng tula

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit ang masayang mukha () kung ang pahayag ay nagsasabi ng Tama at
malungkot na mukha () kung ang pahayag ay nagsasabi ng Mali.

______1. Ang mga Hapones ay nagbigay ng matiwasay at maayos na pamumuhay sa


mga Pilipino.
______2. Si Jose P. Laurel ang naging pangulo ng Pilipinas noong panahon na
pinamamahalaan tayo ng mga Hapones.
______3. Hindi naging pantay o patas ang mga Hapones mga Pilipino at naging
mahigpit sila sa paglalathala ng mga babasahin, mga palabas sa tanghalan, radyo at
sa pelikula.
______4. Tinatatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence at
pinamunuan ito ng Punong Ministro Hideki Tojo ng bansang Hapon.
______5. Hindi binibigyan pansin ng mga hapones ang pagkuha o pagkumpiska ng
lahat ng armas at baril na mayroon ang mga Pilipino na para sa seguridad.

V. Takdang Aralin

Sumulat ng tatlong talata na nagpapahayag ng iyong reaksiyon sa sistema ng


Pamahalaan ng mga Hapones sa bansang Pilipinas. Isulat ito sa isang buong papel.

Iskor Verbal na Indikasyon


Interpretasyon

Mahusay na Mahusay Napahahayag ang pinakamataas at pinakamaayos na


pagsulat upang maipaliwanag ang kaisipan.
5

Mahusay Nakapagbibigay ng sapat at maayos na pagsulat upang


4 ipaliwanag ang kaisipan

Medyo Mahusay Nakapagbibigay ng sapat na pagpapaliwanag tungkol sa


3 kaalaman ng kaisipan.

Nangangailangan ng Di- gaanong sapat ang pagpapaliwanag ng isinulat


2 Pagsasanay

Hindi Mahusay Hindi sapat ang pagpapaliwanag ng isinulat


1

Inihanda ni :
GLEN PAUL R. ABAWAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6
Petsa: Setyembre 21, 2017

I.Layunin
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaaan sa pananakop ng mga
Hapon-USAFFE

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagsusuri sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng


mga Hapon-USAFFE
Sanggunian: AP6KDP-IIg-8.1.1,Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 p. 180-181,
Youtube: Xiao Time Pananakop ng Hapones sa Pilipinas,
http://www.google.com/images
Kagamitan: Video clips, Larawan, metacards
Pagpapahalaga: Pagbabalik tanaw sa kasaysayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
‘2. Balik-aral
Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong. Ipalagay sa puno ng niyog ang
sagot.

Tanong: Ano ang naging ugnayan ng bansang Pilipinas sa bansang Japan sa


sistemang pamamahala ng bansang Pilipinas?

‘3. Pagganyak (Picture Analysis)


Pamprosesong Tanong

 Bakit ng aba sinakop ng bansang Hapon ang bansang Pilipinas?


 Anong dahilan ng pagdedeklara sa Maynila bilang Open City?
 Sa iyong palagay, nagtagumpay ba ang bansang Hapon sa pananakop sa
bansang Pilipinas?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain 1: Pagbasa ng Slides/Talata

Gawain 2: Suring Video

Panonood ng Suring Video Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas


Search: Xiao Time Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

‘2. Pagsusuri
 Bakit sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, ang himpilang pandagat
at panghimpapawid ng United States sa Hawaii?
 Anong naging dahilan ng pagkadamay ng Pilipinas sa paglusob nga
mga Hapones sa mga Amerikano na naging dahilan ng pagkawasak
ng Clark Field Pampanga at pagsalakay sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas?
 Sa palagay mo, Bakit walang nagawa ang hukbong pinamumunuan
ni Heneral Douglas MacArthur sa paglusob ng mga Hapones?
 Noong Disyembre 26, 1941, bakit dineklara ng Heneral Douglas
MacArthur ang Maynila bilang isang “Open City”?
 Naging hadlang ba ang digmaan ng mga Hapones-USAFFE sa
panunumpa ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ng Komowelt?
 Sa iyong palagay, ano kayang hakbang o pakikibaka ang isinagawa
ng mga Pilipino para matigil ang karahasan na dulot ng mga
hapones?
‘3. Paghahalaw
Ano ano nga ba pakikibaka ang kinaharap ng mga Pilipino-Amerikano para
sa kalayaan laban sa mga Hapones?

(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong natutunan)

‘4. Paglalapat
Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat
Pangkat 1-Paggawa ng awit
Sumulat ng awit na nagsasabi ng dahilan kung bakit nadamay ang Pilipinas
sa alitan ng Hapones at Amerikano.
Pangkat 2 - Role Playing
Ipakita sa pamamagitan ng duladulaan kung paano nasakop ng bansang
Hapones ang Pilipinas
Pangkat 3 - Paggawa ng Slogan
Gumawa ng Slogan kung paano patakaran ang ginawa ng mga Hapones
para mapasunod ng sa pilitan ang mga Pilipino.
Pangkat 4-Editorial Cartoon
Gumuhit ng editorial cartoon na nagtatampok sa mga simbolo na
naglalarawan ng pinagdaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones.
Lagyan ng paliwanag sa ibabang bahagi.

IV. Pagtataya

Pagsulat ng Talata
Sumulat ng tatlong talata na may limang pangungusap kung paano nakibaka ang
Pilipino laban sa mga Hapones upang makamit ang kalayaan.

Iskor Verbal na Interpretasyon Indikasyon

Mahusay na Mahusay Napahahayag ang pinakamataas at pinakamaayos na


pagsulat upang maipaliwanag ang kaisipan.
5

Mahusay Nakapagbibigay ng sapat at maayos na pagsulat upang


4 ipaliwanag ang kaisipan

Medyo Mahusay Nakapagbibigay ng sapat na pagpapaliwanag tungkol sa


3 kaalaman ng kaisipan.

Nangangailangan ng Di- gaanong sapat ang pagpapaliwanag ng isinulat


2 Pagsasanay

Hindi Mahusay Hindi sapat ang pagpapaliwanag ng isinulat


1

V. Takdang Aralin

Gumuhit/Gumupit /Magsaliksik ng larawan sa internet na nagpapakita ng


pakikibaka ng mga Pilipino-Amerikano laban sa mga Hapones. Sumulat ng isang
reaksiyon ukol sa larawan na iyong naihanda at humanda pagbabahagi ng inyong
gawa sa klase.
Inihanda ni:

GLEN PAUL R. ABAWAN


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6
Petsa: Setyembre 22, 2017

You might also like