You are on page 1of 5

Date: November 23, 2017 (Thursday) (3rd Quarter)

Aralin 4: Nabibigyang katwiran ang pagtatanggol ng mga


mamamayan sa kalayaan at hangganan ng teritoryo
ng bansa.

Takdang Panahon: 1Araw

I. Layunin
Nabibigyang katwiran ang pagtatanggol ng mga mamamayan sa
kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

II. Paksang Aralin

Paksa : Pagtatanggol ng mga Mamamayan sa


Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa

Sanggunian : AP6 SHK-IIIe-4


Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 dd. 197-
237

Kagamitan : Mga larawan, PPT


https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome
instant&rlz=1C1CHNY_en-gbPH700PH701&ion=1&espv=2&ie=UTF-
8#q=bakit+kailangan+ipagtanggol+ang+ating+teritoryo

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa kalayaan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
(Balita tungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.)

2. Balik-aral
Idugtong ang pangalan ng mga naging pangulo ng ikatlong
republika ng bansa sa kanilang larawan.

Hanay A Hanay B

1. Elpidio E. Quirino

2. Ramon Magsaysay
3. Manuel A. Roxas

4. Ferdinand E. Marcos

5. Ramon F. Magsaysay

6. Carlos P. Garcia

7. Diosdado P. Macapagal

(Pagkatapos sagutan ang balik aral, maaaring itanong sa mga


mag-aaral kung paano ipinagtanggol ng mga pangulo ng
Ikatlong Republika ng Pilipinas ang kalayaan at teritoryo ng
bansa)

3. Pagganyak (four Pictures-one word)


Buo ang salita sa ilalim ng mga larawan sa pamamagitan ng apat
na larawang ipinakita.

T_R_TO_RY_
(Magbigay din ng apat na larawan na magpapakita ng
kalayaan)

 Ano ano ang dalawang bagay ang mayroon ang ating


bansa?
 Sa iyong opinion, mahalaga ba ang mga ito? Bakit?
 Ano ang dapat natin gawin sa mga ito lalo na ngayon na
nagkakaroon ng agawan ng teritoryo sa West Philippine
Sea?

(Bago tumungo sa Gawain, sasabihin ng guro na natuon sa


pagbuo ng katwiran ukol sa pagtatanggol ng mga mamamayan
ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa ang aralin.)

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1:
a. Ipapabasa ang nilalaman ng PowePoint Presentation
https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome-
instant&rlz=1C1CHNY_en-gbPH700PH701&ion=1&espv=2&ie=UTF-
8#q=bakit+kailangan+ipagtanggol+ang+ating+teritoryo

b. Talakayin
 Ano ang nilalaman ng PowerPoint Presentation?
 Ano-ano ang ginawang paraan upang ipagtanggol ang
kalayaan at teritoryo ng bansa?
 Tama ba na magtalaga ng hukbo na magtatanggol sa
kalayaan ng bansa?
 Sang-ayon ka rin ba na nagtatag ng ahensya ang
pamahalaan na para sa ating teritoryo?
 Bakit kailangang ipagtanggol ang kalayaan at teritoryo ng
bansa?

2. Gawain 2: Pangkatang Gawain


a. Hatiin ang klase sa apat ng pangkat.
Pangkat 1 : Debate (Nararapat pa bang ipagtanggol
ang kalayaan at teritoroyo ng bansa?)
Pangkat 2 : Graphical Map
Maglista ng limang katwiran o opinyon tungkol
sa pagtatanggol ng kalayaan at teritoryo ng
bansa. Isulat ang katwiran ng pangkat ayon
sa pinakamahalaga hanggang di gaano.
Pangkat 3 : Isulat sa pamamagitan ng slogan ang opinyon
ng pangkat kung bakit kailangang
ipagtatanggol ng mga mamamayan sa
kalayaan at teritoryo ng bansa
Pangkat 4 : Brain Storming
Magkaroon ng palitan ng opinyon tungkol sa
pagtatanggol ng mga mamamayan sa
kalayaan at teritoryo ng bansa. Pagkatapos,
isulat ang tatlong katwiran na
pagkakasunduan ng grupo.
b. Pagsusuri
 Batay sa ipinakita ng bawat pangkat, ano ano ang mga
katwiran sa pagtatanggol ng mga mamamayan sa
kalayaan at teritoryo ng bansa?
 Alin sa mga narinig ninyo katwiran ang hindi ninyo sinasang-
ayunan? Bakit?
 Alin din sa mga inilatag na katwiran ng bawat grupo ang
sinasang-ayunan ninyo? Bakit?

C. Paglalahat
Pagbuo ng Konsepto
Mahalagang ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at
teritoryo ng bansa.

D. Paglalapat
Bilang mamamayan ng Pilipinas, paano mo mapangangalagaan
ang ating teritoryo at kalayaan?

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung nagbibigay ng katwiran na
ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at teritoryo ng bansa
ang kaisipan na ipinapahayag ng bawat isang parirala. Ekis (x) naman
kung hindi.
________ 1. mapanatili na makapagsarili at di masakop muli ng ibang
bansa.
________ 2. makakuha ng tulong sa ibang bansa
________ 3. maingatan at mapagyaman ang likas na yaman ng bansa
________ 4. mapanatili ang hangganan ng teritoryo upang masiguro na
makakilos ang mga mamamayan ng ligtas sa sariling bansa
________ 5. pabayaan lang ang nais manakop kaysa mapatay ng mga
ito.
V. Takdang Aralin
Kumalap ng mga tala tungkol sa mga pagkakataon kung paano
ipinagtanggol ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan at maging ang
teritoryo ng bansa.

Inihanda ni:

GEMMA B. BENTOY
Master Teacher
Jalajala Elem. School
Jalajala District

You might also like