You are on page 1of 5

Aralin 3.

1: Nabibigyang Konklusyon na ang Isang Bansang


Malaya ay may Soberanya.

Takdang Panahon : 1 Araw

I. Layunin
Nabibigyang konklusyon na ang isang bansang malaya ay may
soberanya.

II. Paksang Aralin

Paksa : Pagbibigay ng konklusyon na ang isang


bansang malaya ay may soberanya.

Sanggunian : AP6SHK – IIId - 3


Yaman ng Pilipinas dd. 127 – 128
Magandang Pilipinas d. 186

Kagamitan : powerpoint presentation, tsart

Pagpapahalaga : Pagmamahal sa kalayaan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Ballita kaugnay ng aralin.

2. Balik- aral
Kailan natamo ng Pilipinas ang kalayaan?
Ano ang soberanya?

3. Pagganyak
Buuin ang puzzle ng simbolo ng kalayaan ng bansa.
 Ano ang larawang nabuo?
 Ano ang ibig sabihin ng Republika ng Pilipinas na
mababasa sa ibaba ng simbolo/logo?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1:
a. Ilahad sa klase ang kapangyarihang nakatakda sa

Panimula ng ating Konstitusyon.

b. Talakayan:
 Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang sambayang
Pilipino?
 Ano ang kapangyarihang isinasaad sa panimula ng
ating Konstitusyon?
 Ano ang pangunahing sangkap na nagpapakilala na
ang isang bansa ay malaya?

2. Gawain 2: Pangkatang Gawain


a. Hatin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral. Isasagawa
ng bawat pangkat ang naatas na gawain.
Maaaring gawing sanggunian ang datos:

Pangka 1: Isadula ang kapangyarihan na pamahalaan


ang sariling bansa bilang isang bansang
malaya o may soberanya.
Pangkat 2: Panel Discussion
Talakayin ng pangkat ang kapangyarihang
makapagsarili bilang isa sa katangian ng
bansang may soberanya.
Pangkat 3: Sa pamamagitan ng pagguhit ipakita ang
bansang malaya o may soberanya.
b. Pagsusuri
 Batay sa ipinakita ng bawat pangkat ano ang masasabi
ninyo kapag malaya ang isang bansa?
 Kapag ba malaya ang isang bansa ito ay may
soberanya? Ipaliwanag ang iyong sagot?

C. Paglalahat
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konsepto:
Ang isang bansang malaya ay may soberanya sapagkat ito ang
pangunahing sangkap na nagpapakilala ng pagiging malaya ng
isang bansa, nagpapatupad ng mga layunin na hindi maaaring
saklawan ng ibang bansa.

D. Paglalapat
Ibigay ang sariling konklusyon na ang bansang malaya ay may
soberanya.

IV. Pagtataya
Sagutin ng Tama o Mali
________ 1. Ang bansang malaya ay may soberanya
________ 2. Bilang bansang malaya at may soberanya hindi na
tayo maaaring panghimasukan ng ibang bansa.
________ 3. Kahit hindi malaya ang isang bansa maaari itong
magkaroon ng soberanya
________ 4. Ang pagpapaalis ng Hukbo ng Estados Unidos sa
Pilipinas ay patunay na malaya na ang ating bansa.
________ 5. Walang kaugnayan ang soberanya sa agiging malaya
ng isang bansa.

V. Takdang Aralin:
Magbigay ng mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita na ang
ating bansa bilang malaya ay may soberanya.

Inihanda ni:

EDITHA T. LIBATO
Master Teacher 1
Jalajala Elem. School
Jalajala District

You might also like