You are on page 1of 51

MS. MEDEN F.

FADRIQUELA
School Paper Adviser
New Era University- High School Department
No. 9, Central Avenue, New Era, Quezon City

Katuturan

ng Balita

Ang balita ay napapanahon at


makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa


pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin. Pasalita ito, kung ang
ginawang midyum ay ang radio at
telebisyon; pasulat naman kung ito
ay ipinalimbag sa pahayagan at
iba pang uri ng babasahin; at
pampaningin kung ang
midyum ay ang
telebisyon at sine.

Mga Katangian ng Balita


Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad
nang walang labis, walang kulang
Katimbangan inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
Makatotohanan ang mga impormasyon ay
tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan , hindi maligoy.

Mga

sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balita


lamang kung ito ay nakakapukaw ng
interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing
ang anumang kaganapan na balita para
sa isa ay hindi balita
para sa iba.

Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring


makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig
at mambabasa.

Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang


nangyari o maaaring matagal nang
ngunit ngayon lamang natuklasan.

Kalapitan - Mas interesado ang mga


tagapakinig o mambabasa na malaman
ang nagyayari sa kanilang paligid o
pamayanan kaysa sa malalayong lugar.

Kabantugan Tumutukoy

sa pagiging prominente o
kilala ng taong sangkot
sa pangyayari.
Kakatwahan o Kaibahan
Mga pangyayaring di karaniwan
tulad halimbawa ng isang tao
na nangagat ng aso o
ng isang hayop na
dalawa ang ulo.

Tunggalian

Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban


ng tao laban sa kapwa tao, maaari
rin itong pakikibaka ng tao
laban sa kalikasan o ng
tao laban sa
kaniyang
sarili.

Makataong

Kawilihan
Ito ay tumutukoy sa
mga pangyayaring
nakapupukaw sa
ibat-ibang uri ng
emosyon ng tao:
pag-ibig, poot ,
simpatiya, inggit at
iba pa.

Romansa

at Pakikipagsapalaran

Tinatalakay dito hindi lamang ang


buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng
mga artista kundi ang pakikipagsapalaran din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si
Rona Mahilum sa sa kaniyang mga
kapatid sa nasusunog nilang bahay.

Pagbabago at Kaunlaran
Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan ay
maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng
mga bagong gusali,
kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.

Bilang o Estadistika - Halimbawa


nito ay ang mga ulat ukol sa
pananalapi, resulta ng eleksyon at
iba pa.

Pangalan - Tumutukoy sa mga


pangalang nasasangkot sa balita
tulad ng mga nakapasa sa mga
board examinations.

Hayop
Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay
ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo
sa pamamagitan
ng artipisyal inseminasyon.
Kalamidad
Kapag nagkaroon ng malakas
na bagyo, lindol, pag- putok ng
bulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga
pinsalang dulot nito.

Mga

Uri ng Balita

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos


1. Tuwirang Balita
Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos
at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan


1.Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng
pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
a. pambarangay
d.
panlalawigan
b. pambayan
e. panrehiyon
c. panlunsod
f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa

C. Ayon sa nilalaman

Pang-agham at teknolohiya
Pangkaunlarang komunikasyon

Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan


1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.

2. Batay sa Tala
Kung ang
pinagbabatayan
ng balita ay mga
talang nakalap
mula sa talaan ng
pulisya, ospital at
iba pang ahensya.

3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng datos ay
ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos
ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam
sa pangyayari.

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo


sa pahina
1.Balitang may iisang tala
Tumatalakay sa iisang
pangyayari lamang
2. May maraming talang itinampok
Naglalahad ng higit sa isang
pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.

3. Balitang Kinipil
Balitang pinaikli na
lamang dahil sa kawalan
ng espasyo.
4. Dagliang Balita
Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng
ispasyo ay nilagyan na lamang ng
salitang flash at kasunod nito ang
isang linya o talatang nilalaman.

5. Balitang pangkatnig
Maikling balita na isinulat ng hiwalay
ngunit kaagaapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin
Habol at karagdagan sa
mahalagang balita at
inilagay sa pangmukhang
pahina na nakakahon
at nasa tipong mariin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng
nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan

Karaniwang maiikling balita tungkol


sa tao, bagay, hayop na umaantig
sa damdamin ng
mambabasa.

2. Balitang
nagpapakahulugan
Nagpapaunawa sa
mambabasa
tungkol sa dahilan,
saligan, katauhan
ng mga pangunahing
sangkot at
kahalagahan ng isang
pangyayari.

Ang

Pamatnubay

Pamatnubay ang tawag sa una at


pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinakabuod ng balita. Sa akdang
lathalain o pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.

Mga

Uri ng Pamatnubay

1. Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na
Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?
at Paano?

Ang balita ay inilalahad sa baligtad na


piramide kung saan ang mga
Mahahalagang datos
ay nasa una at
pangalawang
talata. Karaniwang
ginagamit
sa tuwirang balita.

2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang akitin
ang mambabasang basahin
ang kabuuuan nito.
Karaniwang
ginagamit ito
sa pagsulat
ng Pabalitang Lathalain.

Mga

Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay

1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok
sa balita ay ang
pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng
tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at
gusali kahapon ng madaling araw.

2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo
Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang
pirma sa impeachment complaint na
inihain ng oposisyon, kahapon, matapos
itong katayin sa komite.

3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga
ang lugar na pinangyarihan
kaysa sa gawain o tao
na kasangkot dito.
Halimbawa:
Sa Naga City ginanap ang 2009 National
Schools Press Conference na dinaluhan
ng mga batang manunulat sa buong
bansa.

4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang
aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang
palugit na ibinigay ng BIR para sa
pagababayad ng buwis sa taunang kita.

5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o
sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan,
inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang City Hall sa Barangay

6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at
mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng
Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.

Sa

pagpapasya kung aling uri ng


kombensyonal na pamatnubay
ang itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling anggulo
ng balita ang higit na mahalaga.
Kapag parehong matimbang ang
Ano at Sino, unang itatampok ang
Sino dahil higit na mahalaga ang
tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng


mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit sa isang pangungusap
lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang
talata ay pangalawang
pamatnubay rin.

3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o


di-karaniwang salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng
mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad
nitong gramatikong
kayarian.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.


2. Itala ang mga datos ayon sa pababang
kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang
datos bilang pamatnubay.

4. Ibigay ang buong pangalan ng


taong awtoridad o pinagkunan ng
datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay
gamitin na lamang ang G. at
apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at
apelyido ng babae o anumang titulo
na angkop sa kanya.

5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.


6.
7.

Maging tumpak sa paglalahad ng datos.


Gawing maikli ang talata.

8. Gumamit ng mga payak


na salita.
9. Gawing maiikli ang
pangungusap at
pag-ibaibahin
ang haba nito

10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan


kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga
taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang
9 at gawing tambilang ang 10 pataas.

Kaayusan

ng Balita

Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos


sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:

Ang

kaayusang baligtad na piramide


ay nakatutulong sa mga sumusunod
na dahilan:

1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa


mga mambabasa ay abala, kung kaya ang
paglagay ng mga mahahalagang datos sa
unahan ng balita, ay nakapagpapatipid
sa kanila sa panahon, dahil sa
pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila
ang buod
ng istorya.

2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo,


dahil kung kulang ang ispasyo, maaari
nang putulin ang huling bahagi ng balita
na hindi nawawala ang mahalagang datos
nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita
dahil sa unang dalawang talata na
naglalaman ng mahahalagang datos ay
maaari nang mapagkunan
ng itatampok sa ulo
ng balita.

Mga

Tuntunin sa Pagtatalata ng
Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa
75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga
magkatulad na mga salita o mga
sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.

4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at


buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata
ang pinakagamitin sa balita ngunit
kung hindi maiiwasan ang paggamit
ng mahigit sa isang pangungusap,
hindi ito dapat na sumobra
sa 3 pangungusap.

6. Isaayos ang mga talata ayon sa


pababang kahalagahan upang kung
kukulangin sa ispasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata na
hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.

Mga

Katangian ng Isang Manunulat


ng Balita

1. Matalas ang pang-amoy sa balita.


-Alam kung saan makapangalap ng
datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang
anggulo
sa pangyayari na itatampok sa
balita.
-Madaling makakilala ng mga

2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap
ng buong
katotohanan

7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa
talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling
kalakasan
10. Mapagbasa

Maraming Salamat sa Pakikinig

*Teacher Med

You might also like