You are on page 1of 9

Isang Masusing

BanghayAralin

sa Araling

Panlipunan 6
LearningArea: ARALING PANLIPUNAN

Baitang: IKA-ANIM

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Layunin

Sa loob ng anim napung (60) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Pangkaisipan: Natutukoy kung sino si Diosdado Macapagal


B. Pandamdamin: Nalalaman ang kahalagahan ng mga nagawa ni
Diosdado Macapagal
C. Pangkasanayan; Nailalarawan ang kung sino si Diosdado

Macapagal at ang kanyang naitulong sa Pilipinas

II. PaksangAralin

A. Paksa: Administrasyong Diosdado MAcapagal

B. Sanggunian: Aralin Panlipunan 6 Unang Markahan-Modyul 8

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Mga larawan. Flashdrive.

D. Metodolohiya:

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

-Panalangin

“Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral


ngayon, maaari bang tumayo ang lahat para
tayo ay manalangin? Sabay sabay nating
basahin ang panalangin.”

(Sumasabay sa pagbasa)

“Makapangyarihang Diyos na may

gawang langit at lupa pinupuri ka namin.

Maraming salamat po sa lahat ng biyayang

ipinagkakaloob Ninyo sa amin. Gawin po


ninyo kaming mabuting bata. Ilayo niyo

po kami sa sakit at masama. Amen!”


- Pagbati

“Magandang umaga mga bata!”

“Kumusta naman ang araw ninyo? Paulyn, “Magandang umaga po,binibini!”

maaari mo bang ibahagi sa amin, kumusta

ang araw mo ngayon?”

“Ang sarap naman pakinggan! Ikaw naman


Paulyn:“Mabuti naman po,binibini!”
Jenica, kumusta ang araw mo?”

“Mabuti naman at ikaw ay nasasabik

ngayon. Masaya akong marinig iyan.” Jenica: “Nasasabik po ako sa ating


talakayan ngayon.”

- Pagtatala ng liban

“Maaari bang pakitignan ninyo ang inyong

mga katabi kung sila ay naririyan?”

“Mayroon bang hindi pumasok sa araw na ito,

Christian?”

“Mabuti naman at ako’y nagagalak na lahat


kayo ay pumasok.”

Pagsasaayos ng loob silid-aralan

“Bago kayo umupo maaari bang Christian:“Lahat po ay pumasok at walang


lumiban, binibini!”
pulutin muna natin ang mga kalat sa ilalim

at tabi ng ating mga upuan.”

“Maaari na kayong umupo.”

“Bago tayo magsisimula sa pag-aaralan natin

sa araw na ito. Meron muna akong inihandang

mga palatuntunan. Handa na ba kayong (Pinupulot ang mga kalat.)


malaman ito?”

“Salamat po,binibini.”

1. Maupo nang maayos, manahimik, at

makinig sa guro.

2. Makilahok sa talakayan (class

participation).

3.Gawin ang hand signals kung “Opo, binibini.”


kinakailangan.

4.Huwag mahiyang magtanong sa guro.

5. Gumamit ng wikang Filipino

Pagbabalik aral
‘Natatandaan nyo pa ba ang tinalakay natin
kahapon?”
“opo, binibini”
"Sino ang presidenteng tinalakay natin
kahapon?”
“Si Carlos P. Garcia po”
"Magaling!
B.Pagganyak
“Ngayon magkakaron tayo ng isang
pangkatang laro. Hahatiin ko kayo sa dalawang
grupo. Handa na ba kayo?”
“Handang-handa na binibini”
“Makinig ng Mabuti sa panuto.

"Gamit ang mga larawan kailangan nyong


hulaan ang salitang nasa ibaba nito. Paunahan
makapuntos . Ang nakadami ng puntos sila ang
panalo."

"Handa naba kayo? Umpisahan na natin"


“opo, binibini”

Sagot:
_____________ Diosdado Macapagal
Peso

___________

"Napakahusay nyong lahat!"

C. Paglalahad
“Dumako na tayo sa ating talakayan ngayong
araw, pero bago ang lahat. May katanungan
ako tungkol sa ating ginawa kanina.”

“Ano sa tingin Ninyo ang tatalakayin natin


ngayon?”
Anthony: “Tungkol po kay Diosdado
Macapagal”

“Mahusay!”

D. Pagtatalakay sa Nilalaman
“Simulan na natin ang talakayan ngayong
araw”

Diosdado Macapagal

Siya ay ipinanganak noong Setyembre 28,


1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Siya
ang pangalawa sa apat na anak nina Urbano
Macapagal at Romana Pangan. Sa kabila ng
kahirapan, siya ay nagtapos bilang pinuno ng
klase noong 1925 sa Lubao Elementary School
at salutatorian naman noong 1929 sa
Pampanga High School.
Siya ay namatay noong April 21, 1997.
Siya ang ika-9 na presidente ng Pilipinas at
ika-5 presidente sa pangatlong republika ng
Pilipinas. Siya ang presidente matapos ni
Carlos P. Garcia at pagkatapos ng kanyang
termino ay sinundan siya ni Ferdinand E.
Marcos. Siya rin ang ama ng dating pangulo na
si Gloria Macapagal Arroyo.
“Tao ng Masa” at hindi nangungurakot.

Kontribusyon

“Pakibasa Jhomari’ (Binasa ang nasa presentasyon)

“Common Man’s Day”


-nagkakaroon ng lingguhang pagtitipon-
tipon ang mga tao sa Malacañang.

“Land Reform Law”


Noong 1963 Itinatag ni Diosadado
Macapagal ng kauna-unahang Land Reform
Law na pinapayagang bilhin ang mga
pribadong lupaing pansaka upang hati-hatiin at
ibahagi sa mga walang lupain.
“Pakibasa nga ito Anthony”
Mayo 12, 1962 (Binasa ang nasa presentasyon)
Noong Mayo 12, 1962 pinalitan ni Diosdado
Macapagal ang Araw ng Kalayan mula Hulyo
4 ay ginawa niya itong June 12.

“Kailan iginugunita ang Araw ng Kalayaan?”


Mary Grace: “Tuwing Hunyo 12 po
“Mahusay, Mary Grace!” binibini”

“Maari mo bang basahin ito Raiza?”

Agosto 4, 1964
Noong Agosto 4, 1964 opisyal na pinirmahan (Binasa ang nasa presentasyon)
ni Presidente Macapagal ang Malacañang
Republic Act No. 4166 na nagsasabi na ang
araw ng kalayaan ng ating bansa ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 12.

Enero 25, 1965


Sa ika-apat na SONA ni Presidente Diosdado
Macapagal noong Enero 25, 1965 binaggit niya
rito ang Minimum Wage Law ng mga nagta-
trabaho na nagkakahalaga ng apat na piso.
Inererekomenda niya na pataasin ito sa anim na
piso na magiging pabor sa mga manggagawa.
Tinawag ang batas na ito na Republic Act No.
4180.

Isyu na kinaharap ni Diosdado Macapagal


“Maari moba itong pakibasa Jenica”
1. PANGUNGUWALTA AT KORUPSYON (Binasa ang nasa presentasyon)
Noong 1960, inembestigahan si Stonehill na
pinagunahan ni Justice Secretary Jose W.
Diokno sa Tax evasion. Sa pag-uungkat ng
issue na ito nadamay si Presidente Diosdado
Macapagal dahil umano isa siya sa mga
sinuhulan ni Stonehill.
2. PAGBABA NG HALAGA NG
PHILIPPINE PESO
Ang mga dayuhan ay nakakabili at
nakakapag-kontrol ng mga negosyo dahil sa
exchange rate. Naging dahilan ito ng
pagyaman nila higit pa sa Pilipinas.
Noong kanyang termino, malawak ang
kahirapan sa Pilipinas at kulang ang stabilidad
ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Ako ay magiging presidente hindi lamang ng
mayayaman kundi higit sa mahihirap. Dapat
tayong tumulong na tulay ang malawak na
agwat sa pagitan ng mahirap na tao at ng taong
mayayaman, hindi sa pamamagitan ng paghila
pababa sa mayayaman sa kanyang antas gaya
ng ninanais ng Komunismo, kundi sa
pamamagitan ng pagpapalaki sa mahihirap
tungo sa mas masaganang buhay.”
-Diodado Macapagal

E. Paglinang ng Kabihasnan

“Kailan opisyal na pinirmahan ni Presidente


Macapagal ang Malacañang Republic Act No.
4166 na nagsasabi na ang araw ng kalayaan ng
ating bansa ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo
12?”
Christine: “Agosto 4, 1964”

“Tama! ano naman ang ipinagdiriwang natin


tuwing Hunyo 12?”

“Sige Jenica” Jenica : “Araw ng Kalayaan po”

“Mahusay! Sino ang pang-siyam pangulo ng


Pilipinas?” Paulyn: “ Si Diosdado Macapagal po”

“Tama! Ano naman ang itinatag ni Pangulong


Diosdado para sa mga magsasaka?"
Christian: “Ang Land Reform Law po”

“Napakagaling!”

IV. EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan na itatanong ng guro. Bago sabihin ang tamang sagot
dapat sabihin muna ang “naniniwala ako” ilarawan sa tatlong bagay ito, una magbigay ng
clue, pangalawa sabihin ang halaga nito at huli ang sagot.
1. Sino ang naging pangulo pagkatapos ni Carlos P. Garcia?
2. Ano ang tawag ng mga tao kay Diosdado Macapagal?
3. Ano ang itinatag ni pangulong Diosdado para sa mga magsasaka?
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumuhit ng hugis puso. Sa loob ng isang puso ilagay mo kung paano ka
makakatulong sa mga magsasaka.

Inihanda ni:
Santos, Shena Marie B.

You might also like