Professional Documents
Culture Documents
I. LAYUNIN:
III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
A. BALIK ARAL
: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ilang taon naging kolonya ang Pilipinas sa mga dayuhang Espanyol?
2. Sino ang sumulat ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere?
3. Sa anong paraan nakikipaglaban si Dr. Jose Rizal laban sa mapang-abusong mga
dayuhan?
4. Sila ang mga Pilipinong nakapag-aral ng kolihiyo sa Pilipinas man o sa Espanya. Ano
ang tawag sa kanila?
5. Sino ang ating Pambansang Bayani?
B. PAGGANYAK
Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Ipabuo sa mga mag-aaral ang isang larawan.
Kailangan nilang buuin ang mga larawang ginupit. Pagkatapos buuin ay ididikit ito sa pisara.
Itanong ang mga sumusunod.
1. Ano ang makikita natin sa larawan?
2. Ano kaya ang ginagwa ng mga tao sa larawan?
3. Bakit kaya an gating mga katutubong Pilipino ay lumalaban sa mga dayuhang Espanyol?
4. Ano ang dahilan ng kanilang pag-aalsa?
D. PAGMOMODELO
Heto ang ilan sa mga katutubong Pilipinong nagtanggol sa bansa laban sa kolonyalismong
Espanyol.
Pag-aalsang Agraryo (1745)
Dulot ng mga pang-aabuso sa Agraryo at pangngamkam ng mga prayle ng lupa mula sa mg
katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at
Nasugbo sa Batangas sa pagitan ng 1745-1746.
Pag-aalsa ni Hermano Pule (1840-1841)
Maituturing ng isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon na pinamumunuan ni Apolinario
de la Cruz.
Itinatag niya ang Confradia de San Jose – isang kapatirang panrelihiyon sa kinabibilangan ng
mga Indio.
E. GINABAYANG PAGSASANAY
F. MALAYANG PAGSASANAY
Mga Pilipinong
nagtatanggol ng
bansa laban sa mga Mga pag-aalsa
Espanyol laban sa mga
Espanyol
-
-
Pangatlong pangkat
Taon ng pag-
aalsa laban
sa mga
Espanyol
G. PAGPAPAHALAGA
Paano mo pahahalagahan ang mga ginawang kabayanihan ng mga ninunong nagtatanggol sa
ating bansa?
H. PAGLALAHAT
1. Ano-ano ang mga ginawang pagtatanggol ng mga katutubong Pilipino laban sa mga
kristiyanismong Espanyol?
2. Sinong mga katutubong Pilipino ang nagtatanggol sa bansa laban sa mga Espanyol?
I. PAGTATAYA
Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isualt ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Nangunguna sa pag-aalsa sa bohol noong 1621 a. Agustin Sumuroy
2. Namuno sa pag-aalsa sa Leyte b. Diego at Gabiela Silang
3. Mag-asawang Ilocano na lumaban c. Lakandula
para tutulan ang pamamalakad ng mga Espanyol. d. Sultan Kudarat
4. Isang paraang ginamit ng mga Pilipino e. Tamblot
upang maipagtanggol ang bansa laban
sa mga Espanyol. F. pag-aalsa
5. Namuno sa pag-aalsa sa Mindano. g. Bancao
6. Namuno sa pag-aalsa noong 1744-1829 h. Hermano Pule
7. Pinamunuan ng isang Waray ang
pag-aaklas laban sa polo y servicio sa Samar. i. Pag-aalsa ni Dagohoy
8. Pinakamahabang pag-aalsa.
9. Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni j. polo y servicio
Gobernador-Heneral Legazpi na malibre sa
pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak. K. Francisco Dagohoy
10. Maituturing ng isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon
na pinamumunuan ni Apolinario de la Cruz.
J. TAKDANG ARALIN
Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang ginawang kabayabihan ng mga
katutubong Pilipino na lumalaban para matatamasa mo ang iyong kalayaan laban sa mga
mapang-aping mga dayuhang Espanyol? Ipaliwanag ang iyong sagot? Isulat ito sa sagutang
papel na may limang pangungusap.
Inihanda ni:
MERLYN S. AL-OS