You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

IKAAPAT NA MARKAHAN
WEEK I-DAY 2
AP5PKB-Iva-b-1.3

I. Layunin: Naipapalliwanag ang Kilusang Agraryo ng 1745.

II. Paksang Aralin:

A. Ang Kilusang Agraryo ng 1745.

B. Sanggunian: Makisig: Lahing Pilipino V pp 346-347

CG/TG/OUTLAY
C. Kagamitan: larawan, tsart, activity card

D. Pagpapahalagang Moral: PAGKAMATIISIN/PAGKAMAPAGHALAGA SA GAWAIN

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain:
1. Pambungad: ( Tula )
Ang Paglaban

2. Balik-aral:
Ano-ano ang dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa estadong kolonyal?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak: (tula)
Pilipino’y sadyang masisipag
Hindi inaalantana hirap na dinadaranas
Kayang magtiis kahit sa puso nila ay labag
Yaong mga trabahong sa kanila ay pinaparanas

Ngunit sa pagtagal ng panahon


Damdaming makalaya ang sa puso ay umuusbong
Hindi na nakayanan paghihirap na yaon
Ninais lumaban, karapatan gusting isulong
Mga pag-aalsa ay nagsipaglabasan
Dahil nais iparamdam hirap na kanilang naranasan
Sa mga banyagang gusting kumimkim ng ating yaman
Pilipino’y ipinaglaban kanilang karapatan

2. Paglalahad:

a. Pagpapakita ng larawan

( Paggawa ng asukal mula sa mga tubong ipinakilala ng mga Tsino sa mga


Pilipino)

Pangkatang Gawain:
Pagpapangkat sa mga bata
Pagbibigay ng aktibiti kard
Pagbibigay ng panuntunan
Pagsasagot
Unang Pangkat
Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong.

Ang Kilusang Agraryo ng 1745

Dahil sa di makatarungang pag-angkin ng mga prayle sa mga lupain ng katutubo, nagsimulang maganap ang
Kilusang Agraryo ng 1745 sa Silangang Cavite noong buwan ng Abril taong 1745 na kumalat sa katagalugan na
sentro naman ng dumaming hacienda ng mga prayle. Maraming magsasaka sa Cavite ang sunod-sunod na
nag-alsa dahil sa mga sapilitang paggawa at pangongolekta ng buwis sa mga sakahan ng palay at asukal.
Lalong naging laganap ang pag-aalsa hanggang sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon tulad ng Bataan at
Pampanga. Ang mga pinuno ng pag-aalsa ay nabigyan ng amnestiya subalit naparusahan din ng kamatayan ng
mga Espanyol sa bandang huli.

Ikalawang Pangkat

Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong.
Ang Kilusang Agraryo ng 1745
Dahil sa di makatarungang pag-angkin ng mga prayle sa mga lupain ng katutubo,
nagsimulang maganap ang Kilusang Agraryo ng 1745 sa Silangang Cavite noong buwan ng Abril
taong 1745 na kumalat sa katagalugan na sentro naman ng dumaming hacienda ng mga prayle.
Maraming magsasaka sa Cavite ang sunod-sunod na nag-alsa dahil sa mga sapilitang paggawa
at pangongolekta ng buwis sa mga sakahan ng palay at asukal. Lalong naging laganap ang pag-
aalsa hanggang sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon tulad ng Bataan at Pampanga. Ang mga
pinuno ng pag-aalsa ay nabigyan ng amnestiya subalit naparusahan din ng kamatayan ng mga
Espanyol sa bandang huli.

Tanong:

Ano ang ginawa ng mga magsasaka?

Ikatlong Pangkat:

Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong.

Ang Kilusang Agraryo ng 1745

Dahil sa di makatarungang pag-angkin ng mga prayle sa mga lupain ng katutubo, nagsimulang


maganap ang Kilusang Agraryo ng 1745 sa Silangang Cavite noong buwan ng Abril taong 1745
na kumalat sa katagalugan na sentro naman ng dumaming hacienda ng mga prayle. Maraming
magsasaka sa Cavite ang sunod-sunod na nag-alsa dahil sa mga sapilitang paggawa at
pangongolekta ng buwis sa mga sakahan ng palay at asukal. Lalong naging laganap ang pag-
aalsa hanggang sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon tulad ng Bataan at Pampanga. Ang mga
pinuno ng pag-aalsa ay nabigyan ng amnestiya subalit naparusahan din ng kamatayan ng mga
Espanyol sa bandang huli.

Tanong:

Ano ang Kilusang Agraryo ng 1745?

3. Pagtatalakay:
1. Ano ang Kilusang Agraryo ng 1745?
2. Bakit nagkaroon ng Kilusang Agraryo ng 1745?
3. Ano ang ginawa ng mga magsasaka?
4. Saan lumaganap ang mga pag-aalsa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Pagbuo ng Kaisipan:
Ano ang Kilusang Agraryo ng 1745?

(Ang Kilusang Agraryo ng 1745 ay isang uri ng pag-aalsa ng mga


magsasaka sa Cavite na kumalat sa Katagalogan dahil sa di-
makatarungang pag-angkin ng mga prayle sa mga lupain ng mga

Katutubo)

2. Pagpapahalaga:
Pinapahalagahan ni Mamg Mario ang kanyang trabaho sa bukirin sa
kabila ng di-makatarungang pamamalakad ng mga Espanyol. anong ugali
ang ipinapakita ni Mang Mario?

( Pagkamatiisin/ Pagpapahalaga sa kanyang Gawain)

3. Karagdagang Pagsasanay:
Naging malupit ang mga Espanyol sa kanilang disiplina at pamamalakad
sa mga Pilipino. Marami noon ang nagsawalang-kibo. Natuto lamang
silang lumaban nang hindi na ni matiis ang ginagawa sa kanila. Kung sa
kasalukuyang panahon, ganito rin ang nangyayari sa mga magsasaka
natin, ano sa palagay niyo ang kanilang gagawin? Magtiis na lamang ba?
IV. Pagbibigay Halaga:
1. Bakit naganap ang Kilusang Agraryo ng 1745?
A. Dahil sa di-makatarungang pag-angkin o pag-agaw ng mga prayle sa lupain ng
mga katutubo.
B. Upang ipaalam sa mga Espanyol na nagustuhan ng mga magsasaka ang
pamamalakad ng mga prayle.
C. Dahil masarap ang magtrabaho sa mga Espanyol.
D. Wala sa nabanggit.

2. Ano ang Kilusang Agraryo?


A. Isang uri ng samahan na sumusuporta sa mga Espanyol.
B. Isang uri ng pag-aalsa ng mga magsasaka laban sa mga prayle.
C. Nagbibigay pagkakataon sa mga Espanyol upang gamitin ang likas na yaman
ng bansa
D. Lahat ng sagot ay tama
3. Ano ang ginawa ng mga magsasaka upang ipaalam sa pamahalaang Espanya na di-
makatarungan ang pamamalakad ng mga prayle?
A. Nagsawalng kibo
B. Nag-alsa
C. Patuloy sa pagtatrabaho
D. Wala sa nabanggit
4 & 5. Ipaliwanag: (2 Pts)

Ano ang Kilusang Agraryo ng 1745?

A.M.
D.P.

V. Takdang Aralin:
Pag-aralan ang buhay ni Apolinario dela Cruz.

You might also like