You are on page 1of 7

Ang báse militár ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at

pinamamahalaan at para sa hukbong sandatahan. Naglalaman ang


base militar ng mga kagamitan at tauhang militar at dito
nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon. Sa pangkalahatan,
nagsisilbing tirahan o kampo para sa isa o higit pang pangkat ng
mga sundalo ang base militar ngunit maaari rin itong gawing
sentro ng mga operasyong militar dahil dito matatagpuan ang mga
pinunong militar. Karaniwan sa mga base militar ay nakadepende
sa mga tulong mula sa labas upang maisagawa ang mga
opcerasyon nitó. Sa kabilang banda, mayroon namang malalaking
pasilidad na may sapat nang pagkain, tubig, at kagamitan upang
makatagal habang nakikipaglaban.
Ang 1947 Military Bases Agreement ay nagbigay ng kapangyarihan
sa Estados Unidos na humawak ng mga lupain upang gawing base
militar sa Filipinas sa kabila ng pagbibigay ng kasarinlan sa Filipinas.
Kabilang sa itinatag na mga base sa bansa ang Clark Field Air Base
(Pampanga), Fort Stotsenburg (Pampanga), Mariveles Military
Reservation, POL Terminal and Training Area (Bataan), Camp John
Hay Leave and Recreation Center (Baguio), United States Armed
Forces Cemetery No. 2 (Rizal), Angeles General Depot (Pampanga),
Leyte-Samar Naval Base, Subic Bay (Olongapo), Tawi-Tawi Naval
Anchorage (Sulu), Caiacao-Sangley Point Navel Base (Cavite),
Bagobantay Transmitter Area (Lungsod Quezon), Taumpi- tao Point
(Palawan), Talampulan Island, Coast Guard No 354 (Palawan), Naule
Point (Zambales), at Castillejos, Coast Guard No 356 (Zambales).
Ang kasunduang ay may bisà sa loob ng 99 taon at
maaaring dugtungan batay sa mapagkakasunduan
ng Filipinas at Amerika. Nagkaroon ito ng
pagbabago noong 1966 na ginawang 25 taon na
lamang ang bisà at noong 1979 na inililipat sa
Filipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura
naman ng Senado ng Filipinas ang balak na
dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng
Estados Unidos noong 16 Setyembre 1991.
Ang U.S. Naval Base Subic Bay sa Olongapo,
Zambales ang naging pangunahing pasilidad para
sa pag-aayos ng mga barko, pagpupuno ng suplay,
at pahingahan ng hukbong pandagat ng Estados
Unidos. Ito rin ang pinakamalaking overseas
military installation ng puwersang Amerikano
matapos magsara ang Clark Air Base noong 1991.
Nang ipasara noong 1992, ginawa itong Subic Bay
Freeport Zone ng Pamahalaang Filipino.

You might also like