pamayanan at tumaas ang turismo at negosyo sa mga lugar na nakapalibot sa mga base militar. 2. Sa aspeto ng seguridad, tumaas ang tiwala ng pamahalaan sa Estados Unidos na kayang protektahan nito ang Pilipinas sa panahon na ito ay sugurin ng mga kaaway. 3. Sa kalahatan, tumindi ang pagdepende ng pamahalaan ng Pilipinas sa Estados Unidos. ng 1947 Military Bases Agreement ay nagbigay ng kapangyarihan sa Estados Unidos na humawak ng mga lupain upang gawing base militar sa Filipinas sa kabila ng pagbibigay ng kasarinlan sa Filipinas. Kabilang sa itina-tag na mga base sa bansa ang Clark Field Air Base (Pam- panga), Fort Stotsenburg (Pampanga), Mariveles Military Reservation, POL Terminal and Training Area (Bataan), Camp John Hay Leave and Recreation Center (Baguio), United States Armed Forces Cemetery No. 2 (Rizal), Angeles General Depot (Pampanga), Leyte-Samar Naval Base, Subic Bay (Olongapo), Tawi-Tawi Naval Anchor- age (Sulu), Caiacao-Sangley Point Naval Base (Cavite), Bagobantay Transmitter Area (Lungsod Quezon), Taumpi- tao Point (Palawan), Talampulan Island, Coast Guard No 354 (Palawan), Naule Point (Zambales), at Castillejos, Coast Guard No 356 (Zambales). May karapatan din ang Estados Unidos sa mga baseng Mactan Island Army and Navy Air Base (Cebu), Florida Blanca Base (Pampanga), Camp Wallace (La Union), Puerto Princesa Army and Naby Air Base (Palawan), Tawi-Tawu Naval Base (Sulu), at Appari Naval Air Base. Ang kasunduang ay may bisà sa loob ng 99 taon at maaaring dugtungan batay sa mapag-kakasunduan ng Filipinas at America. Nagkaroon ito ng pagbabago noong 1966 na ginawang 25 taon na lamang ang bisà at noong 1979 na inililipat sa Filipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura naman ng Senado ng Filipinas ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng Estados Unidos noong 16 Setyembre 1991.