You are on page 1of 17

1.

Sinu-sino ang
makikita sa
larawan?
2. Ano sa palagay nyo
ang kanilang pinag-
uusapan?
3. Masasabi nyo ba na
ang kanilang pag-
uusap ay may
pagkakasundo?
Walong buwan pagkaraang makamit ng
mga Pilipino ang kasarinlan mula sa
mga Amerikano, dalawang kasunduan
ang inaprubahan sa pagitan ng
Pilipinas at Amerika, isa na rito ang
Military Bases Agreement noong
Marso 14, 1947. Nilagadaan ito nina
Pangulong Manuel Roxas at
Ambassador Paul McNutt ng Amerika.
Ninanais ng Military Bases Agreement o
Kasunduang Base-Militar na itaguyod
ang kooperasyon ng Pilipinas at United
States sa pangangalaga ng kaligtasan
ng bawat isa sa pamamagitan ng
pagtutulungan sa aspetong militar.
Ito ang nagbigay karapatan sa mga
Amerikano na gumamit ng mga base
militar sa Pilipinas.
Ang kasunduang ito ay nagsasabing:
1. Ang mga sundalong Pilipino ay
maaaring maglingkod sa base ng
Amerika at ganun din ang mga
Amerikano sa Pilipinas,
2. Ang plano para sa pagpapaunlad sa
mga base sa Pilipinas ay maaaribg
gawin ng dalawang bansa.
Naging mainit na isyu ang kasunduang
nagpapanatili ng mga base militar sa
bansa dahil sa ilang probisyong
nagbibigay ng espesyal na pagtrato at
malaking kapakinabangan sa bansang
Amerika.
Anu-ano nga ba ang nilalaman ng
kasunduang ito?
1. Ang Dimaang Pandaigdig sa Pacific
ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng
Pilipinas at Amerika na magtulungan
upang pangalagaan ang katiwasayan
ng teritoryo ng dalawang bansa.
2. Hiniling ng mga Amerikano na
magbigay ng tulong-militar ang
Pilipinas upang maprotektahan ang
Amerika laban sa pananakop.
3. Ipinagbawal sa kasunduan na gamitin o
daanan ng mga Amerikano ang mga
daungan sa pagitan ng mga base
militar sa buong kapuluan, mapatubig
man, lupa o himpapawid.
4. Ipinagkaloob ng Pilipinas sa Amerika
ang karapatang panatilihin ang mga
base militar ng Amerika sa iba’t ibang
panig ng bansa.
5. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng
99 taon na maaaring palawigin ang
taon.
6. Maaaring gamitin ng mga Amerikanong
kasapi ng militar ang lahat ng mga
pampublikong daan, tulay, daungan at
iba pa batay sa kondisyon.
7. Maaaring patawan ng buwis sa sahod
ang mga Amerikanong sundalo at
empleyado na naglilingkod sa mga base
militar.
8. Lahat ng istruktura sa loob ng mga base
militar ng Amerika ay pagmamay-ari
ng Amerika hanggang sa magwakas
ang kasunduan.
Ano sa tingin nyo ang kabutihang naidulot
ng kasunduan ito sa mga Pilipino?

Ano sa tingin nyo ang naging reaksyon ng


mga Pilipino sa kasunduan?
PAGLALAHAT

Kailan nilagdaan ang kasunduan sa


pagitan ng Pilipinas at Amerika ukol sa
pagtatayo ng base militar sa bansa?

Nakatutulong ba ang nilalaman nito sa


pag-unlad ng bansa? Bakit?

You might also like