You are on page 1of 2

Markahan:

DLP No.: 3 - 4 Learning Area: Araling Panlipunan Baitang:6 Oras:50 minuto


Ikalawa
Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa kontexto ng Code:
Mga
kasunduang military na nagbibibgay daan sa pagtayo ng ng base military AP6SHK – IIIa - b –
Kasanayan:
ng Estados Unidos. 1
Susi ng Pag –  Ang base militar ay isang pasilidad na deriktang pagmamay –ari at pinamahalaan at
unawa na para sa hukbong sandatahan. Naglalaman ang base military ng mga kagamitan at
Lilinangin: tauhang militar at dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon.
1.Mga Layunin:
Natatalakay ang ugnayang Piipino – Amerikano sa kontexto ng kasunduang military na
Kaalaman
nagbibigay daan sa pagtayo ng base militar ng Estados Unidos
Nakakasulat ng kanta tungkol sa ugnayang Piipino – Amerikano sa kontexto ng kasunduang
Kasanayan
military na nagbibigay daan sa pagtayo ng base militar ng Estados Unidos.
Kaasalan Nakakalahok ng masigla sa pangkatang gawain.
Naipapahayag ang damdamin tungkol sa ugnayang Piipino – Amerikano sa kontexto ng
Kahalagahan
kasunduang military na nagbibigay daan sa pagtayo ng base militar ng Estados Unidos
2.Nilalaman: Ugnayang Pilpino – Amerikano at Kasunduang Militar
3.Mga Projector, pictures, envelope, etc.
Kagamitang
Pampagtuturo:
4.Pamamaraan:
Pagpapakita ng larawan ng mga Pilipino at Amerikano na nagkakaroon ng kasunduan.

4.1.Panimulang
Gawain:

Itanong:
1. Sinu-sino ang makikita sa larawan?
2. Ano sa palagay ninyo ang kanilang nilagdaan?

4.2. Mga Sa tulong ng video clip, hayaan ang mga mag-aaral na mapanood ang mga pangyayari na may
Gawain/Estrate kinalaman sa kasunduang military sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
hiya:
Magpakita ng iba pang mga larawan na kuha sa mula sa video clip na ipinakita.
Mga gabay na tanong:
4.3. Pagsusuri: Ano ang base - militar?
Bakit mahalaga ang pakikigpag – ugnayan natin sa ibang bansa?
Ano ang kabutihang maidudulot ng pakikipag – ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?
Simula ng talakayan:

Walong buwan pagkaraang makamit ng mga Pilipno ang kasarinlan mula sa mga Amerikano,
dalawang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos: ang Military
Bases Agereement noong Marso 14, 1947 at ang Mutual Assistance Agreement noong Marso 21,
1947.
Nilagdaan ang mga kasunduang ito nina Pangulong Manuel Roxas at Ambassador Paul McNutt
ng United States.

Ang base militar ay isang pasilidad na deriktang pagmamay –ari at pinamahalaan at para sa
hukbong sandatahan. Naglalaman ang base military ng mga kagamitan at tauhang militar at ditto
nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon.

Ang 1947 Military Bases Agreement ay nagbigay kapangyarihan sa Estados Unidos na humawak
ng mga lupain upang gawing base militar sa Pilipinas sa kabila ng pagbibigay ng kasarinlan sa
Pilipinas.
Ninanais ng Military Bases Agreement na itaguyod ang kooperasyon ng Pilipinas at United
States ang pangangalaga sa kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtutulongan sa
aspetong militar.
Ang kasunduang ito tatagal ng 99 taon ngunit noong 1966, napagkasunduan na 25 taon an lang
na magtatapos ng 1991.
Noong September 16, 1991 hindi na tinanggap ng Kongreso ng Pilipinas ang paghingi ng mga
Amerikano ng “extension” sa pananatili dito sa Pilipinas.

Mahahalagang nakasaad ng 1947 Military Bases Agreement:


1. Ang mga sundalong Pilipino ay maaring maglingkod sa base ng US at ganun din ang mga
Amerikano sa Pilipinas.
2. Ang plano para sa pagpapa-unlad sa mga base sa Pilipinas ay maaaring gawin ng dalawang
bansa.

Ano ang kabutihang maidudulot ng kasunduan sa mga Pilipino?


Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa kasunduang ito?

Bumuo ng 4 na pangkat
Sa loob ng 10 minuto, lumikha ng awit na may 5 linya na may inspirasyong “Base Militar”
4.5. Paglalapat:
Itranghal ito sa buong klase sa malikhaing paraan.

5.Pagtataya: Magbigay ng 3 probisyon na napapaloob sa kasunduang Militar at ipaliwanag ito.


6.Takdang Isulat ang sagot sa isang kalahating papel.
Aralin: Ano ang naging epekto ng pagkakaroon ng Base Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?
7. Paglalagom / Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase kung ano ang kanilang bagong
Panapos na karunungan’g natuklasan sa araling ito.
Gawin:

Inihanda ni:
Pangalan: REY M. MANGAS Paaralan: GUINSAY ELEMENTARY SCHOOL
Posisyon: TEACHER I Sangay: Deped – DANAO CITY DIVISION
Telepono: 0922-592-5342 Email Address: rey.mangas@deped.gov.ph

You might also like