You are on page 1of 4

Semi Detailed Lesson Plan

Araling Panlipunan 6

I. Mga layunin :
Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan nang;
A. Maunawaan ng lubusan ang military bases agreement
B. Mailarawan ang mga pang yayari na naganap sa military bases agreement
C. Maipakita ang kahalagahan ng aralin patungkol sa military bases agreement

II. Paksang aralin :


A. Paksa : Military bases agreement
B. Sanggunian : https://philippineculturaleducation.com.ph/base-militar
C. Kagamitan : Laptop / Manila paper

III. Pamamaraan :
A. Pang araw araw na gawain :
1. Panalangin
2. Kaayusan ng silid aralan
3. Pagbati
4. Pagtatala ng liban
5. Panuntunan habang nasa klase
B. Panimulang gawain
1. Balik aral :
- Ang guro ay mag tatanong
- Sa mga pinag aralan kahapon may mga natatandaan ba kayo?
- Ano ang napag aralan natin kahapon?
2. Pagganyak :
- Ang guro ay magpapanood ng bidyu kaugnay sa aralin
C. Paglilinang / paglalahad
1. Talakayan :
MILITARY BASE AGREEMENT
Pakikipag Ugnayang Militar Sa Amerikano
Nagkaroon ng malapit na pakikipag ugnayan ang pilipinas sa Amerika sa
paniniwala ni "Pangulong Roxas" na ang katatagan ng bansang pilipinas ay
nakasalalay sa "pakikipag kaibigan" sa United States. Nakipag tulungan sya
sa Amerika para sa ekonomiya upang maiangat ang kabuhayan ng bansa na
sinalanta ng digmaan.
Marso 14, 1947 – Nagkaroon ng kasunduan ang pilipinas at Amerikano
tungkol sa “Base Military”. Ito ang “ Military base Agreement. Ang
kasunduan sa pagitan ng Amerika at pilipinas na nag bigay ng karapatan sa
mga Amerikano na mag tayo at mamahala ng mga base militar sa pilipinas
na pinirmahan ni president Roxas
Sa bisa ng kasunduan ay nabigyan ang US ng karapatang panatilihin and 16
na base militar sa loob ng 99 taon. Kabilang dito ang kilalang clark air base
sa pampanga at subic naval air base sa zambales. Sakop din ng kasunduan
ang sentrong panlibangan sa baguio, pangkalahatang imbakan sa pampanga
at mga pasilidad pangkomunikasyon sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Marso 21, 1947 – nilagdaan ang Military assistance agreement kung saan
binigyan ng pilipinas ang mga Amerikano ng karapatang tumulong sa
pamamahala at pag paplano ng hukbong sandatahan ng pilipinas gayundin
ang pagtustos ng mga armas at kagamitang pang militar.
Agosto 30, 1951 - nilagdaan pa ang isa pang kasunduan sa pagtatanggol sa
isat isa ( US-RP Mutual defense treaty ) na may layuning suportahan ang
bawat isa kapag may panlabas na puwersang umatake rito.
Taong 1966 – Nagkaroon ng pagbabago ang military bases agreement ito
ay ginawang 25 taon na lamang ang bisà na dapat ay 99 taon.
September 16, 1979 na inililipat sa Filipinas ang kapangyarihan sa mga
base.
September 16, 1991 – Ibinasura naman ng Senado ng Filipinas ang balak na
dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng Estados Unidos, sa
botong 12-11, ang panukalang kasunduan ay tuluyang naba sura ng Senado
sa pangunguna ng 12 senador, na kalaunan ay tinawag ng media na
“Magnificent 12.

2. Paglalahat :
- Ang guro ay mag tatanong sa mga mag aaral kung ano ang military
bases agreement
- Sino ang lumagda ng military bases agrement sa taong 1947?
- Anong taon naman nabago ang military bases agreement na dating
99 taon ay naging 25 taon na lamang.
- Anong taon naba sura ang balak ng Amerika na mag extend sa
pananantili sa pilipinas.

D. Paglapat
- Ang guro ay mag bibigay ng maikling pag susulit patungkol sa
pinag aralan
Panuto : Isulat ang Tama kung ang sumusunod na pangungusap ay tama, Mali
naman kung ang sumusunod na pangungusap ay mali.
_____1. Noong marso 14, 1947 linagdaan ni Pangulong roxas ang military bases
agreement
_____2. Sa bisa ng kasunduan ay nabigyan ang US ng karapatang panatilihin and
16 na base militar sa loob ng 99 taon.
_____3. Taong 1950 Nagkaroon ng pagbabago ang military bases agreement ito
ay ginawang 25 taon na lamang ang bisà na dapat ay 99 taon.
_____4. Si Pangulong Marcos ang lumagda sa US-RP mutual defense treaty.
_____5. Sa petsang September 16, 1991ibinasura naman ng Senado ng Filipinas
ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng Estados Unidos,

E. Pag papahalaga
- Ang kasay sayang patungkol sa military base agreement ay napaka
halagang parte ng ating kasaysayan na kung saan tayo ay tuluyang
lumaya sa mga dayuhan Hindi maaaring maging tunay na malaya
ang pilipinas Kung mayroon pa itong ugnayang militar sa estados
unidos at sa taong 1991 lubos na nabasura ang military base
agreement sa pangunguna ng mga senado at sa kanilang makasay
sayang bitohan ukol dito.

IV. Pagtataya
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang tamang sagot sa
kahon.
1. Sinong pangulo ang lumagda sa military base agreement noong Marso
14, 1947
2. Ang military base agreement ay tatagal dapat ng 99 taon subalit nabago
ito sa taong 1966 at naging ___ taon na lamang
3. Sa bisa ng kasunduan ay nabigyan ang US ng karapatang panatilihin and
___ na base militar sa loob ng 99 taon.
4. Sa Taong Marso 21, 1947 nilagdaan ang _____ _____ agreement kung
saan binigyan ng pilipinas ang mga Amerikano ng karapatang tumulong
sa pamamahala at pag paplano ng hukbong sandatahan ng pilipinas
gayundin ang pagtustos ng mga armas at kagamitang pang militar.
5. Ang panukalang kasunduan ay tuluyang naba sura ng Senado sa
pangunguna ng 12 senador, na kalaunan ay tinawag ng media na
________

 Pangulong Benigno
 29 na taon
 Incredible 12
 Pangulong Roxas
 Magnificent 12
 25 na taon
 Military assistance
V. Takdang Aralin
Mag saliksik patungkol sa ating susunod na aralin “ Ang Neokolonyalismo “

Note ; get the ppt that mam valdez use yesterday about the AP topic title bell trade and party
rights and after that use it on your review part on your practice teaching

You might also like