You are on page 1of 12

MAYO 2014 WWW.PHILIPPINEREVOLUTION.

NET
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG KABATAANG MAKABAYAN
IBASURA ANG EDCA! Labanan ang Umiigting
na Panghihimasok ng Imperyalismong US at
Pagpapakapapet ni Aquino
M
aituturing na pambansang pagtataksil ng rehimeng Aquino ang
pakikipagkasundo sa imperyalistang amo nito sa muling pagbabalik
ng base militar ng Amerika sa bansa at pagbubukas sa Pilipinas sa
walang sagkang panghihimasok ng tropang militar ng US.
Ang paglagda ng rehimeng Aquino sa Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA) noong Abril 28 ay paunang regalo sa
pagdating ng puno ng imperyalistang US na si Barack
Obama. Naglalaman ito ng mga probisyong nagsusuko
sa pambansang soberanya ng Pilipinas sa US at
tahasang pagyurak sa teritoryal na integridad,
demokrasya at karapatan ng mga
Pilipino.
Tinangka pang pabanguhin
ang EDCA at isinama
ang humanitarian
assistance and disaster relief
o HADR sa sakop ng EDCA. Ang
mga HADR na ito ay mga nakakubling
operasyong psywar at nakakomoplaheng
operasyong militar ng US at AFP tulad ng patuloy
na pananatili ng tropa ng US sa Silangang Visayas
matapos ang bagyong Yolanda.
Sa pamamagitan ng EDCA, pinupormalisa ng
rehimeng US-Aquino ang papalaking presensyang
militar ng US sa ating bansa at pagbabase tulad ng
700-tropa ng US na sa Camp Navarro sa Zamboanga
simula pa noong 2002. Sakop ng EDCA ang kondukta ng mga tropang militar
na walang-sagkang nakakapanatili sa teritoryo ng Pilipinas, pagdaan, paglalagi
at pagtago ng mga kagamitang pandigma at armamentong-nukleyar ng US sa
bansa, pagtatayo ng mga pasilidad pang-espiya at base militar, at pagyurak sa karapatan ng mga
kababaihan, mga bata at mamamayan.
2
Ang EDCA ay malinaw na mas masaklaw sa Visit-
ing Forces Agreement (VFA) ng 1998 at mas ma-
sahol sa US-RP Military Bases Agreement (MBA)
na nilagdaan noong Marso 1947. Ang MBA ay
nagbigay ng 99 taong karapatan sa US na gami-
tin ang mga base militar at iba pang kagamitan
sa loob ng mga enklabong sakop ng base. Halos
magtatagal hanggang sa 2046 ang pag-iral ng
mga base ayon sa MBA. Ang magpasyang pagki-
los ng mga mamamayan at pagpanig ng Senado
sa daing ng taumbayan ang susi sa pagtatapos
ng kasunduang ito at ang paglayas ng tropang
Amerikano sa bansa noong 1991-1992.
Sa EDCA walang taning ang pag-iral ng mga base
militar, instalasyon, at tropang-militar ng US sa
bansa kahit pa lagpas sa 100 taon! Nililinlang ng
rehimeng Aquino at US ang mamamayang Pilipi-
no ng kunwa-kunwaring paglalagay ng 10-taong
termino sa EDCA samantalang ang eksaktong isi-
nasaad ng EDCA na This Agreement shall have
an initial terms of ten years, and thereafter, it
shall continue in force, unless terminated by
either Party by giving one years written notice
through diplomatic channels of its intention to
terminate this Agreement (Article XXII, Section
4) ay hindi eksaktong limitasyon at cumpolsory
term limit kundi matapos ang 10-taon ay nor-
malisasyon ng EDCA at patuloy na operasyon ng
base at tropa ng US sa bansa.
Neither conrm or deny ang polisiya ng US pa-
tungkol sa mga kagamitang nukleyar kaya hindi
matitiyak ng Pilipinas na walang dalang nukle-
yar na armas ang US at anumang inspeksyon ng
gobyerno ng Pilipinas sa base ay hindi pahihin-
tulutan ayon sa EDCA kung hindi ito naayon sa
seguridad at kaligtasan na itinakda ng US. Kahit
na matapos mapatalsik ang mga base militar ng
1991, nagpatuloy ang pagdaong ng mga subma-
rine na nuclear-capable at nuclear-carrier ships
tulad ng USS Washington super-carrier, USS
North Carolina, submarinong nuclear-capable
USS Hawaii, missile-destroyer USS Milius at iba
pa sa teritoryo ng Pilipinas.
Tahasang pagsuko ng pambansang dangal ang
pagpayag ng rehimeng Aquino sa EDCA na nag-
sasaad na walang hurisdiksyon ang Pilipinas, ang
mga korte sa bansa sa mga kaso o paglabag sa
kurso ng paglagi ng mga tropang militar at ka-
nilang kagamitan sa Pilipinas. Pumayag din ang
papet na gobyerno na hindi idudulog ang anu-
mang kaso sa anumang internasyunal na tribu-
nal o korte. Ang mga mabibigat na kasong tulad
ng panggagahasa kay Nicole noong 2005, pag-
baril kay Buyong-Buyong Isnijal at Gregan Card-
eo, at mga paglabag tulad ng pagtatapon ng
toxic waste at iligal na paglayag sa protektadong
mga lugar tulad ng ginawa ng USS Guardian na
humantong sa pagkasira ng Tubbataha Reefs, ay
hindi kailanman pinanagutan ng US at mga tropa
nito alinsunod sa batas ng
Pilipinas.
Maamong tupang nakayu-
kod si Aquino at mga ali-
pores nito sa paglagda ng
EDCA at sa paggamit ng US
sa Pilipinas bilang launching
pad para sa planong milita-
risasyon ng Asya Pasipiko.
Nais ilipat ng US sa Asya Pa-
sipiko ang 60% ng kanyang
tropa at lakas-militar hang-
gang 2020 maliban pa sa
kasalukuyang nakaistasyong
US 7th Fleet sa ilalim ng US
Pacic Command sa rehi-
yon.
Ang US na ngayoy naka-
karanas ng matinding depr-
esyong pang-ekonomya, ay
ititutulak ang estratehiyang Pivot to Asia and
Pacic. Nais tiyakin ng US na maisasakatuparan
ang mga pang-ekonomyang interes nito sa rehi-
yon para sa kapitalistang super-tubo, at kinukur-
donan din nito ang pagpapalakas ng Tsina, bilang
pangunahing karibal na kapangyarihang pang-
ekonomya ng US sa Asya-Pasipiko at mundo.
Ginagatungan ng US ang hidwaan ng Pilipinas at
iba pang bansa sa Silangang Asya laban sa Tsina.
Imbes na tumulong upang higit na maresolba
sa diplomatikong paraan ang usapin ng Scar-
borough, pinapayagan pa ng papet na rehimeng
Aquino na magronda at maglunsad ng y-bys
ang mga ghter jets ng US malapit sa pinagtata-
lunang bahagi ng South China Sea. Nagkukun-
EDITORYAL
3
waring tutulungan ng US ang Pilipinas sa usapin
nito sa Tsina hinggil sa Scarborough Shoal at
Spratlys at ginagamit ng rehimeng Aquino ang
katwirang ito upang ipatanggap sa mamamayan
ang EDCA at umiigting na panghihimasok ng US.
Sa ilalim ng dominasyon ng US sa lahat ng re-
himeng nagdaan, ang estado ay hindi man la-
mang makapagbuo ng nagsasariling patakang
panlabas ng hindi naayon sa interes ng US. Sa
kasalukuyan, pumupostura ang rehimeng Aquin
na idadaan sa negosasyon ang hidwaan sa Tsina
para sa paggigiit ng Pilipinas
ng Exclusive Economic Zone
(EZZ) sa ilang bahagi ng South
China Sea sa isang diploma-
tikong aksyon sa UN. Ngu-
nit ginawa ito ng rehimeng
Aquino kaalinsabay ng pang-
uupat ng tensyon sa Tsina sa
pamamagitan ng katambal
nitong lubos na pangang-
ayupapa sa US. Hindi maka-
totohanan ang pagtindig ni
Aquino para sa prinsipyo ng
pambansang soberanya at
teritoryal na integridad ha-
bang buong-buong binubuy-
angyang nito ang teritoryo ng
bansa sa paggamit at panghi-
himasok ng US.
Sa kasaysayan, ilang beses
na ginamit ng US ang Pilipi-
nas bilang lunsaran ng mga digmang agresyon
nito sa mundo. Kabilang dito ang pagsugpo ng
Boxer Rebellion sa Tsina (1900), Pagpapdala ng
tropang militar sa Siberia upang tumulong sa
Tsar (1918-1920), Pagpadala ng hukbong panda-
gat sa Quemoy-Matsu sa Tsina para suportahan
si Chiang Kai Shek na nagbase sa Taiwan (1958),
paggamit ng mga base para sa lohistikal na pan-
gangailangan ng US sa giyera sa Korea (1950-53),
pagpadala ng diktadurang Marcos ng tropa sa Vi-
etnam at paggamit ng US sa Clark bilang himpi-
lan ng mga eroplanong pang-atake sa Vietnam
(1965-1975), paggamit sa Clark bilang lunsaran
ng US Special Operations Forces na ipinadala
sa Iran (1980), pagpadala ng tropang militar ng
Pilipinas sa giyera at okupasyon ng US sa Af-
ghanistan at Iraq (2003).
Dapat alalahanin ng bawat kabataang Pilipino
at mamamayan ang madugong giyerang agr-
esyon ng US sa Pilipinas mula 1898 at saklutin
ang bagong kalayaang natamasa ng mga PIlipi-
no matapos ang Rebolusyong Pilipino 1896-1898
laban sa paghahari ng Espanya sa bansa. Itinu-
turing sa pandaigdigang kasaysayan bilang Un-
ang Byetnam, ang pananakop ng US sa bansa na
nagdulot ng henosidyo ng US sa halos 700, 000
hanggang 1 milyong Pilipino na lumaban sa im-
peryalistang pananakop ng US.
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaig-
dig, ginawang pabitin at tiniyak ng US na lubos
na aasa sa ayuda mula sa US ang papet na go-
byerno ng Pilipinas para sa rekonstruksyon dulot
ng giyera. Kapalit ng ayuda, itinulak nito ang ibat
ibang kasunduan at tratado na pawang nagtiti-
yak sa imperyalistang kontrol ng US sa Pilipinas
kahit hindi na ito direktang kolonya.

Ang US-RP MBA ng 1947 ay pagpipino sa Treaty
of General Relations of 1946, na nagbigay ng li-
gal na batayan sa pananatili ng base militar ng
US at isa sa mga kundisyon ng US sa huwad na
pagbibigay ng 1946 independensya sa Pilipinas
matapos ang direktang pangongolonya sa Pilipi-
nas. Ang Mutual Defense Treaty (MDT) na nilag-
daan noong Agosto 1951 ay ginagamit ng US at
lahat ng papet na rehimeng nagdaan upang big-
yan ng batayang ligal ang VFA, Mutual Logistics
Support Agreement (MLSA) at EDCA. Nagpatibay
ito sa neo-kolanyal na relasyon ng Pilipinas sa US
at nagkaladkad sa Pilipinas na suportahan ang
lahat ng digmaang kinasasangkutan ng US. Gi-
namit din ng diktaturyang Marcos ang base mili-
tar upang kunin ang buong suporta ng US sa pa-
sistang estado at maningil sa US ng bayad-renta
at bilyong dolyar na pautang kapalit ng pagpap-
anatili ni Marcos sa base militar ng US sa bansa.
Isinunod ng US ang pagtitiyak na makadomina
pa rin sa ekonomya at pulitika ng bansa lagpas
ng 1946 sa pamamagitan ng pagdikta sa mga
sumunod na papet na gobyerno at lagdaan ang
Bell Trade Act of 1946, Parity Rights Amendment
sa 1935 na Konstitusyon. Nagbigay ang mga trat-
adong ito ng pantay na karapatan sa US na lubos
EDITORYAL
4
na gamitin ang likas na yaman ng bansa, liber-
alisasyon sa kalakalan, murang pasahod at lakas
paggawa para sa mga korporasyong itatayo ng
US.
Ang sumunod na mga papet na gobyerno ay nag-
mantina at nagpatibay ng relasyong tuta-amo ng
Pilipinas-Amerika sa ilalim ng mala-kolonyal at
mala-pyudal na katangian ng lipunang Pilipino.
Sinasagkaan ng imperyalistang US ang pagtata-
mo ng sambayanan ng tunay na kasarinlan at
kalayaan, pag-unlad at katarungang panlipunan.
Ang kasalukuyang rehimeng US-Aquino sa utos
ng amo nitong imperyalistang US ay patuloy na
nagpapatupad ng mga patakarang neoliberal na
pabor lamang sa monopolyo-kapitalista ng US,
dayuhan at malalaking lokal na kapitalista at
panginoong may-lupa tulad ni Aquino.
Kaya ang mga kasunduang tulad ng EDCA at pa-
kanang Cha-Cha ngayon sa Kongreso ni Aquino
ay pakikipagsabwatan sa imperyalistang amo
nito upang patuloy na makapaghari ang US sa
pulitika, ekonomiya, militar, at kultura ng bansa.
Ibayong ibinubukas ng Cha-Cha ang bansa sa
mas masahol na pagsasamantala ng US sa ekon-
omya at lalong maghahadlang sa layunin ng
tunay reporma sa lupa at pambansang industri-
yalisasyon. Sa Cha-Cha pipilitin ang pagbubukas
tungo sa 100% ng pagmamayari ng dayuhan ng
mga lupain, korporasyon, serbisyo tulad ng edu-
kasyon, ospital, at media sa bansa na ipinagba-
bawal sa kasalukuyan.
Ang pangangayupapa ng rehimeng Aquino
sa imperyalismong US ang ugat ng lugmok
na ekonomiya at kahirapan ng mayorya ng
mamamayan, kawala ng lupa, mababang pasa-
hod at pagsasamantala sa mga manggagawa,
kawalan ng trabaho at serbisyong panlipunan.
Ang pagsasamantalang ito ay patuloy na sina-
sagot ng paglaban ng mamamayan at rebolusy-
onaryong kilusan.
Nararapat balikan ng mga kabataan ang kasay-
sayan at ang paghahari ng imperyalismong US
sa ating bayan. Kailangang pagkaisahain ang
mga kabataan at mamamayan at paigtingin ang
kampanya para sa pagbabasura ng EDCA at tro-
pang militar, at kaugnay na neoliberal na mga
patakaran at pakana tulad ng Cha-Cha.
Kailangang ilunsad ang malawakang pagmumu-
lat, propaganda, at edukasyong masa hinggil sa
EDCA, Cha-Cha at ang ugat nito sa batayang
mga suliranin ng lipunang Pilipino ang impery-
alismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo.
Ilunsad natin ang maramihang mga study circles
at discussion groups sa mga paaralan at opisina,
mga pulong masa sa pagawaan at komunidad at
ibat-ibang uri ng talakayan at porma ng pagapa-
pataas ng pagkakaisa ng kabataan at mamama-
yan.
Higit kailanman, ngayon ang panahon para tu-
mindig ang kabataang Pilipino laban sa nakamu-
muhing papet, pahirap, pasista, mapagsamanta-
la, at korap na rehimeng Aquino at mga alipores
nito, at sa patuloy na paghahari-harian ng im-
peryalistang US sa lahat ng larangan ng lipunang
Pilipino.
Ang malakas na protesta ng kabataan Pilipino
kasama ang ibat ibang sektor ng mamamayan
laban sa EDCA, pagbabalik ng base militar at tu-
mitinding panghihimasok ng US ay mag-aambag
sa patuloy na pambayang pakikibaka para sa tu-
nay na pambansang kalayaan at demokrasya.
IBASURA ANG EDCA, MDT-MLSA-VFA!
LABAN AT BIGUIN ANG PANGHIHIMASOK NG
IMPERYALISTANG US!
IBAGSAK ANG PAPET, PAHIRAP, PASISTA AT
KORAP NA REHIMENG US-AQUINO!
IBAGSAK ANG IMPERYALISMO, PYUDALISMO AT
BURUKRATA-KAPITALISMO!
KABATAAN, TUMUNGO SA KANAYUNAN,
SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!
EDITORYAL
5
PAGBISITA NI OBAMA SA PILIPINAS, SINALUBONG NG
MILITANTENG PROTESTA NG KABATAAN AT MAMAMAYAN
Dumating ang pangulo ng imperyalistang bayan na
si Barack Obama sa bansang Pilipinas noong ika-28
at ika-29 ng Abril. Bitbit nito ang pang-ekonomiya,
pampulitika at pang-militar na adyenda sa kanyang
tinaguriang Asian Trip.
Ang Pilipinas ang huling bansang binisita ng im-
peryalistang pangulo. Una na itong bumisita sa Ja-
pan (Abril 23), tumungo sa Timog Korea (Abril 25-
26), at lumipad patungong Malaysia noong ika-27
ng Abril.
Labis-labis na hospitality ang ipinakita ni Aquino sa
kanyang amo. Bukod sa paglulustay nito ng P1B na
nagmula sa kaban ng bayan, nilustay nito ang dan-
gal ng bayan sa nilagdaang kasunduang Enhanced
Defense Cooperation.
PANG-EKONOMIKO AT PANG-MILITAR NA INTERES
Politikal ang pangunahing layunin ng bisita ni
Obama sa Asya. Sa larangan ng ekonomiya, malak-
ing balon ang Asya ng murang hilaw na materyales
at murang lakas-paggawa na maaari nitong huthu-
tan para iahon ang naghihingalo nitong ekonomiya.
Balak din nito na patatagin ang mga kasunduan at
alyansang militar sa mga bansa sa rehiyon, para
protektahan ang pang-ekonomikong interes nito,
ani Ma. Laya Guerrero, Pambansang Tagapagsalita
ng Kabataang Makabayan
Ilan sa mga partikular na pang-ekonomiyang open-
sibang neoliberal na nais nitong isulong ay ang Free
Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng EU-South Ko-
rea.
Ang pakanang Charter Change (Cha-Cha) naman ni
Aquino at mga alipores nito sa gobyerno ay isang
mahalagang batayan para makasali ito sa pakanang
Trans Pacic Partnership Agreement (TPPA) ng Es-
tados Unidos. Kung sasariwain, ang TPPA ay isang
multi-lateral na kasunduang naglalayong gawin ang
rehiyon bilang isang komunidad pangpamilihan sa
ilalim ng dikta at impluweniya ng US.
Ang Cha-Cha na naglalayong ibugaw ang likas
yaman at iba pang resources ng bansa para ibayong
paghuthutan ng mga lokal na burgesya komprador,
panginoong maylupa at dayuhang namumuhunat
kapitalista ay isang mahalagang sukatan at rekisito
para ipakita ni Aquino na sinsero ito sa pagsali sa
TPPA. Ani ni Guerrero
Ang pagtransporma ng mga ekonomiya sa Asya bi-
lang isang komunidad pangpamilihan ay isang ba-
gay na tinutulak din ng US sa balangkas ng ASEAN
Economic Community na dapat malipos pagpasok
ng 2015.
Ang EDCA naman ay bienvenida gift ni Aquino sa
bisita ng kanyang amo. Layon ng kasunduan ni-
tong iligalisa ang permanenteng presensiya ng mga
tropa at kagamitang militar ng Amerika, batayan sa
panunumbalik at operasyon ng mga base ng Ameri-
ka sa bansa at gawing imbakan ang bansang Pilipi-
nas ng mga kagamitang militar na magiging mailap
sa batas at konstitusyon ng bansa.
SERYE NG MGA PROTESTA
Ang pagbisita ni Obama sa Pilipinas ay pagpapasi-
dhi ng relasyon ng isang amo at tuta. Wala itong
kapakinabangan sa mamamayang Pilipino na mata-
gal nang masahol ang kalagayan dulot ng naturang
relasyon. Kaya naman ang mga makabayang hanay
ng mamamayan ay nagsagawa ng serye ng mga
protesta na lumundo sa Mayo Uno na nanawagan
din sa laban sa pangangayupapa ng imperyalis-
mong US sa larangan ng politika-ekomiya, military
at kultura sa bansa.
Abril 23: Sa unang araw ng paglapag ni Obama sa
Asya (Japan), nagsagawa ang progresibong hanay
ng mga Pilipino ng kilos-protesta sa Embahada ng
Amerika.
Abril 28-29: Sinalubong ng mamamayan ng protes-
ta ang pagdating ni Obama sa Pilipinas. Hindi ininda
ng mamamayan ang sikat at tindi ng init ng araw, at
mas naglagablab pa nga disgusto at pagkamuhi ng
mga ito sa garapalang pagpapakapapet ni Aquino
na siyang naging sentral na mensahe sa programa
sa Liwasang Bonifacio bago ito tumulak sa Mendi-
ola.
Sa Mendiola, sinunog ang efgy ni Aquino na isinal-
arawan bilang tuta na humihila sa kanyang amo na
si Barack Obama. (SUNDAN SA SUSUNOD NA PAHINA)
BALITA
6
Nagsagawa naman ng vigil ang makabayang hanay
ng Timog Katagalugan sa pangunguna ng Bagong
Alyansang Makabayan (BAYAN). Kinundena nila ang
magarbo at magastos na state dinner ni Aquino para
sa kanyang amo habang ang mamamayang Pilipino
ay nasasadlak sa kagutuman.
Kinabukasan, Abril 29, matapos ang maiksing
pagtitipon sa Liwasang Bonifacio, tumulak ang ha-
nay patungong Embahada ng Amerika sa Roxas
Boulevard. Hindi pa man nakakarating sa naturang
kalye, tinira ng water cannon ang hanay ng mga
raliyista sa bandang TM Kalaw. Hinarangan ng pu-
lis mula sa Manila Police District (MPD) ang daanan
upang protektahan ang embahada ng dayuhan, Hi-
nataw nila ang nasa prontera ng kanilang mga trun-
cheon at batuta. Nagtapos ang protesta sa isang
mapayapang programa at mataas na antas ng pag-
kakaisa para sa mas malaking pagkilos pagdating ng
Mayo Uno, pandaigdigang araw ng paggawa.
PROGRESIBONG MGA KABATAAN NAGLUNSAD NG PAGTITIPON
KAUGNAY NG NAGPAPATULOY NA DIGMANG BAYAN
Nagsagawa ang mga progresibo at makabayang kabataan ng pagtitipon at talakayan nitong Marso 29
hinggil sa nagpapatuloy na armadong paglaban ng masang anakpawis kaugnay ng ika-45 anibersaryo ng
Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Ginanap ang aktibidad sa Uniber-
sidad ng Pilipinas na dinaluhan ng
mga kabataan mula sa ibat ibang es-
kuwelahan at komunidad sa Manila
upang kolektibong pag-aralan ang
mga saligang suliranin at ugat kung
bakit nagpapatuloy ang armadong
rebolusyon.
Tinatalakay ni Ka Bong Labog
ng Kilusang Mayo Uno (KMU)
ang hinggil sa pambansa
demokratikong programa ng
mamamayan na salungat sa la-
hat ng umiiral na programa at
anti-mamamayang patakaran
ng gobyernong Aquino at sa ila-
lim ng lahat ng nagdaang papet
na rehimen.
Ani Vencer Crisostomo ng
ANAKBAYAN, Nariyan ang lahat
ng dahilan para ang kabataang
Pilipino ay magbalikwas. Ang
maghimagsik ay makatarungan
dahil sa nagpapatuloy na atake
ng pasista at mapang-aping es-
tado sa pamumuno ni Aquino
sa batayang karapatan ng ka-
bataan at mamamayan,
Buong panahon, tayong mga ka-
bataan dapat buong paninindigan at
ibigay ang pinakamagiting na sandali
para sa bayan at ang hamon ay pag-
silbihan ang sambayanan.

Idinaos ang pagtitipon sa panguna-
hin upang kilalanin at bigyang-pugay
ang Pulang Hukbo ng mamamayan
at bigyang-parangal ang mga mar-
tir ng sambayanan na siyang dapat
pamarisan ng makabayang kabataan.
Naging mahalagang kaisahan mula
sa pagtitipon ang pagpapatibay at
pagpapasidhi ng pagkilos at panawa-
gan para palayain sina Ka Benito
Tiamzon at Wilma Austria.
Dinakip ang dalawang magiting na
lider Komunista sa gitna ng matind-
ing krisis na sinusuhayan ng pasismo
at panunupil ni Aquino. Mapalad ang
dumalo sa pagtitipon na napaunla-
kan ng liham ng dalawang kasama.
Ayon kay Benito Tiamzon at Wilma
Austria sa kanilang pahayag, Dapat
unawain at tamang pahalagahan
ng mga makabayang kabataan ang
kritikal na usapin ng digmang mag-
sasaka. Kung wala nito, hindi mai-
intindihan ang maiinit na usapin sa
peace talks, sa katayuan at prospects
nito. Hindi maiintindihan ang kabu-
uang tinatahak at patutunguhan ng
pakikibakang bayan tungo sa tunay
na demokrasya at pambansang
kalayaan, at sa gayon tungo sa
tunay, makatarungan at mata-
galang kapayapaan.
Matagumpay naman na naka-
pagsagawa ng Raling Iglap ang
mga balangay at kasapi ng Ka-
bataang Makabayan noong ika-
24 ng Abril, sa ika-41 anibersaryo
ng National Democratic Front of
the Philippines (NDFP) sa siyu-
dad ng Maynila. Tangan ng mga
rebolusyonaryong kabataan ang
napapanahong panawagan sa
panunumbalik ng pormal na usa-
pang pangakapayapaan sa pagi-
tan ng GPH-NDF. Nanawagan din
ang mga ito na palayain ang mga
bilanggong pulitikal, ang mga
NDFP Consultants kasama sina
Ka Benito at Ka Wilma. Binitbit din
ng mga ito ang panawagan kontra
sa mas matinding panghihimasok at
interbensyon ng imperyalismong US
sa bansa at rehiyon sa pagbisita ni
Barack Obama noong ika 28-29 Abril
2014.
BALITA
7
PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN, KINUNDENA AT
NILABANAN NG MGA KABATAAN
Taun-taon na pasanin ng mga magulang at kabataan
ang matrikula at iba pang bayarin na kailangan bun-
uin para matamasa at makatapos ang isang estudy-
ante sa kolehiyo. Monopolisado ng mga pribadong
pamantasan ang sektor ng edukasyon habang unti-
unti pang binabawasan ang subsidyo sa natitirang
110 na State Colleges and Universities sa bansa.
Una nang naiulat ng alyansang RISE for Education
na may di baba sa 400 na bilang ng pamantasan sa
buong bansa na nakaambang magtaas ng matrikula
at iba pang bayarin para sa akademikong taon 2014-
2015. Noong nakaraang taon, naitala sa ilalim ng
rehimeng US-Aquino ang pinakamaraming bilang
ng mga pamantasan na nagtaas ng matrikula at iba
pang bayarin.
Sa katunayan, ayon sa pag-aaral ng ANAKBAYAN,
sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, aabot na sa
P120 ang inabot ng pagtaas ng matrikula at iba pang
bayarin.
Kaugnay nito, nagsagawa ang RISE For Education
ng serye ng mga protesta para ipamalas ang nag-
kakaisang boses ng kabataan laban sa taunang pag-
taas ng mga bayarin sa mga pamantasan. Gayun-
din, nagsampa din ang alyansa ng reklamo sa CHED
kaugnay ng1) paglabag ng mga pamantasan sa
proseso ng mga tuition consultation, 2) patuloy na
iligal na pangongolekta ng development fee, 3) oto-
matikong pagtaas ng matrikula sa freshmen, at 4)
samut saring paglabag sa demokratikong karapatan
ng mga estudyante.
Sa pulong na ginanap sa CHED noong ika-2 ng Abril,
sa National Capital Region pa lamang ay may 84 na
pamantasan nagbabadyang magtaas ng ibat ibang
tipo ng matrikula. Pitumput tatlo (73) sa mga ito
ay mga pamantasang nagrehistro ng mungkahing
pagtaas sa lahat ng year levels, 2 (2) ay magtataas
ng kanilang miscellaneous fees habang siyam (9) ay
magtataas ng matrikula para sa mga freshmen.
Nakatakdang maglabas ng desisyon ang CHED hing-
gil sa mga reklamong inihain ng alyansa noong ika-
15 ng Abril, pero bigo ang mga lider estudyante na
makuha ang kanilang panig. Humingi ang ahensiya
ng karagdagang panahon para pagpulungan ang
mga usapin hanggang sa ika-23 ng Abril.
Noong ika-24 ng Abril naglabas ng addendum sa
CMO3 S. 2012 ang opisina ng Executive Director ng
CHED na naglalaman ng talaan ng regional ina-
tion rate na siyang dapat gamitin bilang gabay sa
ebalwasyon ng mga mungkahing pagtaas ng mga
matrikula at iba pang bayarin.
Malinaw na hindi intensiyon ng CHED na magsilbi
ang addendum na ito bilang ceiling o cap sa mga
pagtaas ng matrikula sa bansa na nasa range ng 3%-
15% na tiyak na lampas sa nakasaad na regional in-
ation rates.
Bilang tugon, nagsagawa ng sunud-sunod na kilos-
protesta ang grupo ng kabataan sa ilalim ng RISE.
Kinalampag ng mga ito ang Malakanyang at ang
CHED para hamunin ang mga ito na tumindig para
sa kapakanan at kagalingan ng kabataan at estudy-
ante. Patuloy ang mariin na paninindigan ng mga
ito na napapanahon at makataruangan na ibasura
ang neoliberal na patakaran sa edukasyon na siyang
sanhi ng taunang pagtaas ng bayarin at maging ang
talamak na paglabag sa demokratikong karapatan
ng mga estudyante.
Nagbabadya ang mas malalaki at mas militanteng
protesta ng kabataan sa buong bansa para patuloy na
kundenahin ang pagtataas ng matrikula. Patuloy din
silang nanawagan para sa ganap ng pagpapabasura
ng mga neoliberal na patakaran sa edukasyon na ki-
nakatangian ng deregulasyon, pribatisasyon, rasyu-
nalisasyon at de-nasyunalisasyon na siyang ugat ng
pag-abandona ng estado sa sektor ng edukasyon.
BALITAANG MAKABAYAN:
Ikuwento at ipabatid sa pinakamaraming bilang ng kabataan ang sikhay ng Kabataang
Makabayan sa inyong eryang kinikilusan! Maaari kayong magsumite ng balita, panay-
am, ulat, atbp sa km1964newsalert@gmail.com o malayaguerrero1964@gmail.com.
Balitaan niyo kami ha?
BALITA
8
Ilang Mahahalagang Punto at Suri
sa Maiinit na Usaping Pambansa
mula kina Ka Benito Tiamzon at
Ka Wilma Austria-Tiamzon.
1. HINGGIL SA USAPING PANGKAPAYAPAAN, CASER, AT
AGRARYONG REBOLUSYON
Patuloy na nababalahaw ang usaping pangkapayapaan dahil
sa arogansiya ni BS Aquino. Lulong si Aquino sa pagmama-
labis nito sa reaksiyunaryong lakas ng estado na nakatukod
lamang sa suporta ng kanyang imperyalistang amo, patuloy
nitong binabalewala ang di maampat na paglakas ng rebo-
lusyonaryong kilusan sa kabila ng mga operasyong psywar,
panunugis at karahasan. Sa ganitong paniniwala, aktibong
tumatanggi si Aquino na humarap sa mesa at resolbahin ang
krisis na kinasasadlakan ng masang Pilipino, na siyang ugat ng
armadong rebolusyon.
Mahaba na rin ang tala ng mga paglabag ni Aquino sa mga
kasunduan tulad ng The Hague Joint Declaration at ang Com-
prehensive Agreement on Human Rights and International
Humanitarian Law o CAHRIHL. Napatingkad ang ganitong
karakter ng reaksiyunaryong estado sa pagkakadakip sa mga
Tiamzons na siyang matinding paglabag sa Joint Agreement
on Safety and Immunity Guarantee (JASIG). Ang patuloy na
tala ng mga paglabag sa karapatang pantaopulitikal na pama-
maslang, sapilitang pagdukot, pagdakip sa mga NDFP consult-
ants at pagpataw ng mga kriminal na kaso laban sa kanila,
sapilitang pagdukot ng 7 pang NDFP consultants at kanilang
mga kasama na magpasahanggang-ngayon ay nawawala, ay
malinaw na insinsiredad ni Aquino sa pagsusulong ng usa-
pang pangkapayapaan.
Ang pahayag ng gobyerno na ang tunay na reporma sa lupa
at pambansang industrialisasyon ay ideologically-charged
ay nagsasalamin ng arogansya ni Aquino. Ang nais ng reak-
siyunaryong estado ay globalisasyon na nakaasa sa kapital
at pamumuhunan ng dayuhan, pero ito na ang kinasadlakan
ng ekonomiya ng bansa, 5 dekada at higit pa; kaya patuloy na
nag-aaklas ang mamamayan, kaya buhay ang armadong rebo-
lusyon sa kanayunan!
Ang pakanang Charter Change ni Aquino ay lalong pag-
sasalaula sa bayan. Ito ay nakabalangkas sa malayang pa-
milihan at susi sa nais ng US na re-balancing sa rehiyon. Sa
kasaysayan ng bansa, ginamit ang Cha-Cha para ipatupad ng
gobyerno ang Imperyalistang dikta sa larangan ng politika at
ekonomiya, at ito rin ang hangad ng isang asyenderong pan-
gulo na tulad ni Aquino.
Sa ilalim ng Cha-Cha pasasahulin ang atrasadong kalagayan
ng sistema ng pagsasaka sa bansa, lalong isasalaula ang mga
lupain para sa pangangamkam ng dayuhan at pribado.
Sa ngayon, nakasalalay ang pagsulong ng usapang pangkapa-
yapaan sa paglakas ng kilusang masa na naglalantad sa rehi-
meng Aquino. Mayayanig ang arogansya ni Aquino sa pagla-
kas ng kilusang pagpapatalsik.
Nagpapatuloy ang agraryong rebolusyon at ang pagpapatu-
pad ng minimum at maksimum na programa sa ibat ibang
panig ng bansa. Dahil sa kawastuhan ng linya at programa ng
Demokratikong Rebolusyong Bayan, ang minimum na progra-
ma sa lupa ay nagluluwal ng kilusang magsasaka at pakikidig-
mang gerilya. Ang pagpapatupad ng maksimum na programa
ay nakasalalay sa isang mataas na antas ng pag-unlad ng lakas.
Nagpapatuloy ang agraryong rebolusyon sa ibat ibang antas
sa bansa. Ngunit hindi maitatanggi ang pananalasa na ginaga-
wa ng reaksiyunaryong militar sa pakikibakang ito ng masa.
Pinapasok nila ang ilang mga erya, gamit ang dahas para iba-
lik sa kamay ng mapagsamantala ang lupain at makairal muli
ang pyudal na paghahari. Ito ay kaso na tampok sa Compostela
Valley matapos nilang ipatupad ang programa sa lupa mata-
pos manalasa ang bagyong Pablo. Walang-patid ang labanan
sa kanayunan dahil resolbado ang militar na pagsilbihan ang
reaksiyunaryo at gayundin ang talas ng paninindigan ng masa
na kumawala sa tanikala ng pyudalismo.
2. HINGGIL SA MGA BAGONG KASO NA SINAMPA LABAN
SA TIAMZONS:
Nitong ika-8 ng Abril, ipinatawag sina Ka Benito at Ka Wilma
sa QC Regional Trial Court para basahan ng sakdal (arraign-
ment) hinggil sa kasong kidnapping at serious illegal deten-
tion. Sila ay diumano responsible sa pagkakadakip sa 4 na
opisyales ng Philippine Military Academy nang dumaan ang
mga ito sa checkpoint ng New Peoples Army (NPA) sa gitna ng
isang operasyong militar sa Quezon.
Ang operasyong militar na ginawa ng mga NPA noon ay ba-
hagi ng paglaban nito sa
pakanang Oplan Lambat-
Bitag na siyang nanalasa sa
kabuhayan at karapatan ng
mamamayan ng Quezon.
Nadakip ang apat na PMA
ofcers dahil ito ay tungku-
lin ng gobyernong bayan at
isa lang legitimate act of a
belligerent force. Ito ay kaso
ng makatarungang pagtatanggol ng isang estado laban sa isa
pa, lalo na kung nakasalalay ang kapakanan ng masang kan-
yang pinaglilingkuran.
Ang pagkakadakip sa mga opisyales ng PMA ay hindi dapat
ituring na aktong kriminal, bagkus ay bagay na politikal. Su-
mailalim ang apat na opisyales sa imbestigasyon at iniharap sa
hukumang bayan. Ang kanilang karapatang-pantao ay pinan-
galagaan sang-ayon sa batas ng gera na gumagabay sa pakiki-
tungo sa mga prisoners of war.
Ang patuloy na pagkrikriminalisa ni BS Aquino sa lehitimong
aksiyon ng gobyernong bayan ay isang malinaw na pang-
mamaliit sa rebolusyonaryong lakas nito at paglalabis sa kan-
yang kapangyarihang pampulitika na nasasaid na sa tiwala
at suporta ng masa. Pilit nitong pinagtatakpan ang tunay na
kontra-mamamayang mukha ng isang reaksyunaryong goby-
erno sa pamamagitan ng pagturing sa rebolusyonaryong pw-
ersa bilang mga rebeldeng lagalag lamang.
Madaling sabihin na wala kami doon nang nangyari iyon
kung gusto lamang namin iligtas ang aming mga sarili. Pero
mas gusto nating patampukin ang usapin na hindi kriminal
ang mga rebolusyunaryo.Wilma Austria-Tiamzon
3. HINGGIL SA KALAMIDAD AT REHABILITASYON SA
EASTERN VISAYAS:
Bago pa man manalasa ang bagyong Yolanda, matagal nang
nasa lubid ng krisis at kahirapan ang mamamayan ng Eastern
Visayas. Tulad ng mayorya ng masang Pilipino, sila ay bik-
FEATURE
9
Ilang Mahahalagang Punto at Suri
sa Maiinit na Usaping Pambansa
mula kina Ka Benito Tiamzon at
Ka Wilma Austria-Tiamzon.
tima ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan at itinulak
sa sitwasyon ng kabusabusan dahil na rin sa pagpapabaya ng
estado.
Ang malaking bilang ng apektado sa EV ay mga maralita na
nakatira sa mga pinagtagpi-tagping barung-barong na mabilis
na nawasak ng bagyo. Ang mga bayan sa tabi ng dagat tulad
ng San Jose ang pinakaapektado at nagtala ng pinakamaram-
ing nasawi at pinsala.
Ang kawalan ng agarang aksiyon at relief mula sa gobyerno ay
dagdag na kapinsalaan sa mamamayan.
Sa kasalukuyan, habang dapat magpatuloy ang pamimigay ng
agarang tulong para makabangon ang mamamayan ng East-
ern Visayas, kapwa na dapat isulong ang tunay na rehabili-
tasyonyaong nakaugat sa pagresolba sa suliranin sa lupa at
trabaho sa rehiyon.
Ang mga mamamayan sa kanayunan ng EV ay agad ng na-
kapagtindig ng kanilang tirahan, ngunit hindi ganito ang sit-
wasyon sa lungsod. Dahil na rin sa korapsiyon at pamumuli-
tika, mas mainam na lumikas ang masa patungo sa kanayunan
dahil doon mayroon silang
makakain.
Noong panahon na kami
ay mga aktibista pa, nara-
nasan naming yung may
mga rally at demo na du-
madaan sa mga komunidad
pero parang hindi pina-
pansin, walang pagtugon o
ugnayan sa mga mamamayan doon. Ngunit nang mangyari
ang malaking baha ng 1972, naglunsad kami ng relief mis-
sion sa mga komunidad at nag-organisa doon. Doon namin
naramdaman ang buhay at malalim na koneksyon sa kanila.
Ang pagtataguyod ng kongkretong usapin ang magpapala-
kas at magpapabulwak ng suporta at pagkilos ng masa. Doon
naming naramdaman na tinatangkilik ng masa ang prinsipyo
natin.Ka Benito Tiamzon
4. HINGGIL SA KAHALAGAHAN NG KILUSANG TALSIK
SA REBOLUSYONARYONG KILUSAN
May wastong relasyon ang kilusang masa sa lungsod at ang
rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan bagamat sa panahon
ng 1986 Snap Elections ay hindi nabalanse sa pagdedeklara ng
boykot.
Sa mga panahong iyon, talagang humuhungos palabas ang
mamamayan at nais lumahok sa eleksyon. Tungkulin ng re-
bolusyonaryong kilusan na sumama sa pakikibaka ng sam-
bayanan, para mag-intervene sa kaayusang umiiral.
Sa pag-igting ng labanan sa palitan ng rehimen, umiigting
din ang tunggaliang pampulitika. Tungkulin ng rebolusyu-
naryong kilusan na paigtingin ang kontradiksyon sa reaks-
yunaryo para lumikha ng paborableng kundisyon para sa
rebolusyon. Kahit hindi pa buong reaksyunaryong sistema
ang itutumba, nag-aambag ang kilusang talsik sa accelera-
tion ng process na ito. Sa ganito nagkakaroon ng kabuluhan
sa rebolusyunaryong kilusan ang pagpapatalsik.Ka Benito
Tiamzon
5. HINGGIL SA PAGTATAKWIL NG COMMUNIST PARTY
OF CHINA (CPC) SA COMMUNIST PARTY OF THE PHILIP-
PINES (CPP)
Nauna nang itinakwil ng Partido Komunista ng Pilipinas ang
CPC noong panahon pa ng liderato ni Deng Shao Ping. Mata-
gal nang tinakwil ng CPC ang esensiya ng pamumuno ng pro-
letaryado nang makairal ang rebisyunismo at pumasok ang
burgesya sa loob ng mismong partido.
Sa kasalukuyan, ginagamit ng burgesya ng Tsina ang CPC para
sa mga pansariling kapakinabangan nito at sa kalagayan na,
hindi nila matatabingan o mabubura ang naging makasaysay-
ang ambag ng CPC sa mamamayang Tsino. Kung sasariwain,
ang CPC at ang Rebolusyong Tsino ay lumaban sa pananakop
ng Hapon, naglansag sa tanikala ng pyudal na pagsasamantala
at nagtulak ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan.
Dapat isulong ang diplomatikong pagreresolba sa dispute sa
bansang Tsina. Dapat kakitaan ang gobyerno ng tunay at ga-
nap na paglaban sa soberanya na hindi lamang nakakahon sa
pagsampa ng kaso sa UN. Kung tunay para sa soberanya ng
bansa ang gobyerno, dapat samantalhin nito ang hidwaan ng
Tsina at US para palakasin ang bansa, itindig ang ekonomiyang
may kakakayanang tumindig sa sarili at malaya sa impluwen-
siya at kontrol ng dayuhan.
MGA MUNGKAHI AT TAGUBILIN NINA KA BENITO AT KA
WILMA SA KILUSANG KABATAAN AT ESTUDYANTE
Marapat na dapat magpunta ang mga kabataan sa bar-
yo. Alamin ninyo ang mga kalagayan at isyu. Hanapin ninyo
ang isyu na direktang tumatama sa relasyon sa produksyon.
May mga isyu kasi na may kaugnayan sa pamilihan, tulad ng
pagtaas ng presyo ng bilihin, mahalaga ngunit sekondaryo
ang mga ito. Mungkahi ko na magpunta kayo at magsiyasat.
Sa inyong pagbalik sa eskuwelahan, isulat at iulat ninyo ang
inyong nakita at naranasan. Maghikayat ng iba pang ka-
bataan na makipag-aralan.
Dapat magpunta ang kabataan sa mga kanayunan at
baryo, lalo na sa Central Luzon. Sa Central Luzon, nanalasa
ang terror ng Oplan Bantay Laya ni Palparan. Nilampasan nito
ang pinaka-madudugong yugto sa kasaysayan ng bayan tulad
ng sa panahon ng Hapon. Hanggang ngayon ay may takot pa
rin ang mamamayan doon.
Dapat itulak ang makabayang kamulatan sa kabataan.
Mahina na ang pag-aaral ng kasaysayan sa hanay nila kayat
napakadali din malinlang ng imperyalismo. Sa usapin pa lang
ng China, napakabilis tinatanggap ang propaganda ng US na
nanghihimasok sila upang ipagtatanggol daw tayo.
Dapat ibahagi sa kabataan ang ginintuang kasaysayan ng
pakikibaka laban sa pananakop ng dayuhan. Palaganapin
ang mga sulatin at babasahin. Ipaunawa sa kabataan na dapat
huwag nating hayaang lukubin na lamang tayo ng dayuhan.
Magpasimula kayo ng mga aralin tungkol sa nasyunalismo,
gumawa ng mga sulatin at babasahin. Ka Wilma Austria-
Tiamzon
FEATURE
10
FEATURE
The economy of the worlds superpower stands at an unpar-
alleled depression. Since its fervent implementation of the
policy of neoliberal globalization, it has relentlessly dug up its
own grave, desperately trying to keep its head above the earth
by imposing new measures that destroys its production base.
While it weakens the very foundation where it feebly stands,
it strengthens the resolve of the massive force of workers, peas-
ants, and oppressed peoples of the world to bring the empire to
dust and shove it to the trash bin of history.
A SINGLE PRODUCTION AND TRADING COMMUNITY FOR
US ECONOMY
Since the recession of the US economy in 2008-09, it failed to
restore its power to its former glory. Over the last year the US
government has implemented a stimulus package called Quan-
titative Easing (QE) that articially spurred consumption. US
Federal Reserve in March axed USD 10BN from this package cit-
ing the slide in the unemployment rate (currently at 6.5%, lower
than previous record). However, the imminent conclusion of
the QE by the end of the year warns the inevitable debt of the
people who were lured to consume, another bubble in the mak-
ing and a dj vu of crises which has been happening to the US
economy at an interval of 5 years.
In all desperation to buoy up its political-economic hegemony,
the US government forces Asia-Pacic to accept and welcome
its entry, operations and inevitable permanence in the region.
The planned entry and operations in the region is primarily
political-economic and military in nature. The former relates to
US plan to maximize bilateral and multilateral trade relations
among nations in the region while the latter articulates its vi-
sion to enhance security alliances that would legitimize its mili-
tary presence and operations in the region.
The Asia-Pacic region is indeed promising. Economically, it
is known as the international corridor to major shipping and
trade routes. For the past years, the region has been servile to
the demands of the US economy. The total outputs of Ameri-
can exports into the region totaled $320Bn in 2010, creating
870,000 American jobs. Obama envisions to augment this out-
put in 2015 by pushing economic integration of the Asia-Pacic
articulated by the Trans Pacic Partnership Agreement and the
ASEAN Economic Community (AEC) 2015.
Both the agreements combined will reduce Asia-Pacic into
a single economy for massive prot extraction by the US gov-
ernment. It will both save time and effort for the imperialist gi-
ant, inspired by the success of the North American Free Trade
Agreement (NAFTA).
These agreements envision to go beyond agreed provisions by
member states of World Trade Organization. The AEC compels
members to abide by the GATS plus principle mandating the
states to commit liberalization of industries, sectors and sub-
sectors beyond their commitments in the WTO. Simply put,
this mean 100% liberalization of almost all services and sectors
upon the fulllment of AEC 2015.
Aquinos Charter Change
Aquinos elusiveness and seemingly nonchalant attitude to-
wards Charter Change is nothing but a cheap show and no-
brainer script courtesy of his yellow journalists and propagan-
dists.
The Aquino governments
participation in and sub-
scription to the agreements
in the 9th Ministerial Con-
ference of the World Trade
Organization (held in Bali in
December 2013), its plea to
join the Trans Pacic Part-
nership Agreement (TPPA),
its rabid implementation
of provisions and agree-
ments towards the fulll-
ment of ASEAN Economic
Community 2015 despite
its non-binding character,
etc underscores and is a
succinct articulation of his
commitment to force open
the Philippine Constitution
and prostitute the economy
of the country.
The Philippine government
has been a loyal lapdog of
US-mandated globalization
for almost three decades to
date. The reactionary govern-
ment that has long been act-
ing as the domestic agent of US
Imperialist has been imposing
policies that has compromised
national industrialization and
the Filipinos people desire for a self-sustaining and genuinely
independent economy.
The US-Aquino government intends to remove the 60-40 pro-
tective provision of the Philippine Constitution which serves as
the last standing barrier against foreign ownership and domi-
nation over economic resources of the country. The provisions
forwarded by his allies in the Congress (as led by the House
Speaker Sonny Belmonte) intends to open up the economy of
the country to facilitate the freer ow of goods, services, hu-
man capital, and nancial capital to the country that, according
to him, is necessary for the countrys development.
However, IBON foundation lambasted this unscientic claim.
Their study showed that after decades of liberalizing the Philip-
pine economy and welcoming export capital (i.e.foreign direct
investments), it has translated to non-development in the man-
ufacturing sector. Its comparative GDP contribution for 2010
(21.4%) is incomparable to and is worse than its output in the
1980s (25.7%). This has consequentially contributed to the rising
rates of unemployment and underemployment in the country
which now stands at 10-12% or 11M Filipinos.
Conclusively from their data, although foreign direct invest-
ments has increased 16 times since 1980s, and while there is a
notable 91-100% foreign ownership in several industries and
sectors (i.e.construction, mining, oil and gas, tourism, health
care, and retail) of the economythese have not translated to
the development of the economy, in fact, this has shoved the
country to maldevelopment, that has incited graver discontent
from the people.
AMERICAS PACIFIC CENTURY: A SURGE
OF NEOLIBERAL IMPERIALIST OFFENSIVES
AND INTENSIFIED ATTACK ON NATIONAL
SOVEREIGNTY AND PATRIMONY
11
FEATURE
MILITARY PIVOT OF US
ARMED FORCES IN THE
ASIA-PACIFIC
Former US State Secretary
Hilary Clinton, in an article
in Foreign Policy (Novem-
ber 2011) emphasized the
role of US in ensuring re-
gional stability and security
for the economic growth of
the Asia-Pacic region. This
thus justies the military re-
balancing of US armed forces
in the region. According to
Clinton, the pivot has six key
lines of action: strengthen-
ing bilateral security allianc-
es; deepening our working
relationships with emerging
powers, including with Chi-
na; engaging with regional
multilateral institutions;
expanding trade and invest-
ment; forging a broad-based
military presence; and ad-
vancing democracy and hu-
man rights.
At present, the US Pacic Com-
mand (USPACOM) is the largest
among the ten commands that
the US forged after it emerged
triumphant at the conclusion of the Cold War alongside its
self-declaration as the worlds policeman or globocop. The US-
PACOM among other commands serve to protect the interests
of US imperialism against terrorism and against social, national
liberation and revolutionary peoples movements across the
globe which it has conveniently tagged as terrorist movements.
Established in 1947, the USPACOMs jurisdiction covers North
Pacic Ocean, South Pacic Ocean to Antarctica, China, and In-
dia. Its sphere of responsibility covers 36 nations, home to more
than 50% of the worlds population, home to worlds six larg-
est US Armed Forces, home of ve Nations allied with the US
through mutual defense treaties- Australia, Japan, Philippines,
South Korea, Thailand and source of about 1/3rd of US trade.
At present, US troops and bases are stationed in the region, us-
ing treaties and agreements with allies. In the Philippines for
example, no less than 700 US troops have been permanently
basing in Camp Navarro in Zamboanga under the auspices of
the Joint Special Task Force Philippines (JSOTF-P) since 2002.
There are at least 28,500 troops stationed in Singapore, another
40,000 in Japan. Australia, the junior military partner of US is
home to at least 50 military bases.
The pivot is determined to station 60% of its total naval force to
the region, which includes plan to station 4 of its littoral combat
ships in Singapore.
The recently-signed Enhanced Defense Cooperation Agree-
ment (EDCA) promises the full perversion of the countrys sup-
posed sovereignty, political-economic independence and genu-
ine national security.
The proposed agreement departs from the usual Senate concur-
rence, unlike the Mutual Defense Treaty of 1951 and Visiting
Forces Agreement (VFA). The question of constitutionality is
exacerbated by the fact that since negotiations on the agree-
ment commenced details have been deliberately kept from the
public. The outdated information on Frequently Asked Ques-
tions on the executive agreement that can be found on the gov.
ph is shrouded with ambiguity.
EDCA is subtle semantics for the permanent presence and re-
basing of the US troops and its military force in the country. The
Aquino government should be held accountable for subjecting
the country to outright vulnerability by entering into such an
agreement. The EDCA will relegate the reactionary military
as an extension of its armed forces, the countrys territory as a
convenient venue for its war games in its relentless pursuit to
contain and thwart the economic giant, China.
RESOLUTELY FIGHT ECONOMIC AND MILITARY OFFEN-
SIVES, US TROOPS OUT NOW!
Theres a common saying among the people in the advent of
the campaign to evict US troops and its armaments presence in
the Philippines: Mapapatalsik ang Presidente ng Pilipinas, pero
hindi ang mga Base ng Amerika. And in 1991, the Senate voted
in favor of the mass movement who led the struggle against the
presence of operations of US troops and bases in the country. In
1992, the Philippines has successfully evicted every single US
ground troop and their bases useless.
A decade after, we say Mapapatalsik ang president ng Pilipinas,
pati na ang mga base ng Amerika.
The youth must link up with the toiling masses to resolutely
ght against US intervention and its aggression to the countrys
sovereignty. KM dened the youth movement with its land-
mark participation in mass actions such as the rally in Janu-
ary 25, 1965 against US Military Bases Agreement and Laurel-
Langley Agreement. KM with 25,000 Filipinos united under
the banner of patriotism dened as anti-US imperialism. This
was etched in history as the protest action that marked a new
peak in mobilization.
KM also marked its place in history, when it stormed the Ma-
nila Summit of then US President Lyndon Johnson, in its visit
to the country to secure the reactionary governments support
for its war against Vietnam. KM from the UP also led its Uni-
versity Student Council comprised of 5,000 students protested
the summit.
The neoliberal offensives intend to abuse further the backward
agriculture of the country as its social base. Aquino, borne out
of the haciendero family, is salivating over a partnership that
will rake in prots from the sweat, blood and tears of the farm-
ers and the peasants. Aquinos stake in intensied imperialist
attacks to the Filipino nation is therefore without question.
In its tradition and inherent character of militarism, daring-
ness and cutting edge National Democratic propaganda, the
KM must wield its political strength. Its integration and political
linkages with the struggle of the 99% must be transformed into
a formidable force that will shake and crush the very founda-
tions upon which the US-Aquino reactionary regime is built.
AMERICAS PACIFIC CENTURY: A SURGE
OF NEOLIBERAL IMPERIALIST OFFENSIVES
AND INTENSIFIED ATTACK ON NATIONAL
SOVEREIGNTY AND PATRIMONY
12
Kwarentay-singko na ang Bagong Hukbong Bayan. Tulad ng baril na
sukbit ko nitong huli nang tumulak ang aming yunit upang makiisa sa
masang magsasaka pagkatapos lamang ng superbagyong Yolanda.
At tila isang pagkagising mula sa mahimbing na kawalang-pakialam
ang aking pagkamulat sa talamak na kahirapang nagaganap sa ating
bansa.
Hanggang minsay pumasok at nakipagtalakayan sa aming English
class ang tagapagsalita ng isang organisasyon ng mga aktibistang tu-
tol sa pagtaas ng matrikula at buktot na pamamalakad sa bansa noon
ni Gloria I Am Sorry Arroyo. Nakiisa ako at sa takbo ng panahon,
unti-unting luminaw sa aking isipan ang napakaraming kailangang ba-
guhin sa sistema ng ating lipunan. Ngunit nakakagalit na sa kabila ng
lahat ng protestang ginawa naming kabataan at iba pang sektor noon,
napakakaunti ng pagbabagong nagaganap.
Sa ikatlong taon ko sa kolehiyo ay tuluyan ko nang iniwan ang
akademya. Naani ko na ang pinakamahalagang aral na aking sadya
sa pamantasan -- ang sandata ng pagsusuri at ang katamaan ng pag-
gawa ng sariling tindig at responsabilidad hinggil sa mga bagay na
natututunan. Sa rebolusyunaryong paaralan ko natutunan ang tunay
na kahalagan ng pag-aalay ng sarili, ng buhay at lakas para sa mala-
wak na hanay ng masang nangangailangan.
Mahirap ang tumalikod sa lahat ng nakasanayan -- pamilya, kai-
bigan, hilig sa libro at musika, at ang kawalang-responsabilidad
bilang isang tinedyer. Pero mas mahirap talikuran ang kamulatang
gumising sa aking diwa, ang diwang nagbibigay direksyon sa wa-
kas tungo sa aking bukas: isang buhay na buong-buong iaalay sa
serbisyo sa pinakamahirap sa lahat ng mahirap.
Nagpasya akong maging isang Pulang mandirigma sa gulang na 19
taon, sa isang larangang gerilya sa Samar.
Sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na aking sinampahan,
isa sa sampu lamang ang babaeng mandirigma. Isa sa dalawampu
ang galing sa petiburgesya, mas kakaunti pa ang galing sa Maynila.
Ngunit napakagiliw at masayahin ng dinatnan kong yunit ng mga
Pulang mandirigma. Sa aking mahabang paglalakbay sa kagubatan
ay tila inakay ako sa kamay ng kasiglahan ng mga kasamang gerilya.
Ang kanilang magiliw na pag-alalay sa aking mga unang araw, unang
linggo, hanggang unang taon sa larangang napakabago sa akin, ang
lagit laging nagpapatatag at humuhubog sa akin.
Ang masa din naman ay walang katulad kung magmahal sa kanilang
Pulang Hukbo. Marahil dahil alam ng masa na sa loob ng mahigit apat
na dekadang paglago ng kilusan sa mga baryo na napapaloob sa lar-
angang aking dinatnan, walang katulad din ang debosyon ng Pulang
Hukbo sa pagsusulong ng kanilang interes ng walang kahit na anong
pag-iimbot sa sarili. Napakarami nang namartir sa hanay ng mga
Pulang Hukbo at ng masa mismo, ngunit ang lumalalang kahirapang
kinakaharap nila at ang determinasyong labanan ito ang nagpapahig-
pit sa relasyon ng masa at ng BHB.
Sa aking pagmamasid sa araw-araw na pagbubungkal ng lupa ng
masa dito, ay saka ko lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng
salitang kahirapan. Ang maghapon at buong-buhay na pagyuko sa
lupa sa ilalim ng mabangis na araw o ulan, ang kawalang katiyakan
kung kailan makakahawak ng susunod na pera, ang pangungutang
sa kapit-patalim na porsyento -- sa isip ko, walang taong nararapat
mabuhay ng ganito. Naiintindihan ko rin kung bakit hinding-hindi ipa-
pamahagi ng malalaking mga asyenderong katulad ni Noynoy Aquino
ang yamang ginagawa ng masang magsasaka nang hindi dumadaan
sa isang matagalang digma. Dahil ang kapalit ng laksa-laksang kahi-
rapan ng malawak na mamamayan ay ang limpak-limpak na yaman at
kapangyarihan ng naghaharing uri.
Pagkaraan ng ilang taon mula sa aking pagsampa, ang masaklap
pa ay ang pananalasa ng bagyong Yolanda, kung saan ang kaunt-
ing tanim ng masa ay isang-daang porsyentong nawasak. Kung
dati ay kulang na kulang ang kabuhayan ng masa, ngayon sila ay
walang-wala. Walang makain, walang maibenta. Nangangahulugan
ito ng pagtanggap nila ng mas mababa pang bayad sa pagtrabaho
sa bukid ng iba, higit pang pag-utang sa mas mataas na porsyento,
mas maraming anak na titigil sa pag-aaral at magpapaalila kung
saan mayroong mag-alok ng trabaho. At pinakamasahol sa lahat,
sa gitna ng lahat ng ito ay walang plano ang rehimeng Aquino
na tugunan ang tumitinding kahirapan ng maralitang biktima.
Ipinabor sa pagkamkam ng ganansya ng malalaking komprador
burgesya na mga kaibigan ng rehimen ang programa sa rekon-
struksyon.
Tanging ang rebolusyunaryong kilusan ang tunay na naririyan para sa
kanila. Ang mga Pulang mandirigma ang nandiriyan sa kanilang tabi
bago at pagkatapos ng bagyo. Kinabukasan pagkatapos ng bagyo
ay tumulong ang BHB sa pinakamalapit na mga baryo. Muling itinayo
ang mga nasirang bahay, nilinis ang mga duming nagkalat, at higit sa
lahat, pinagkaisa ang mga organisasyon ng mga magsasaka. Isa ito sa
pinakamaningning na panahon na ng aking pagiging Pulang mandirig-
ma: ang pagkakaisa ng BHB at mamamayan sa organisadong pagkilos
sa pangangalap ng pagkain, pag-ayos ng mga taniman, pagsingil
sa reaksyunaryong gobyerno, at iba pang pakikibakang masa upang
tugunan ang pinsala ng bagyo.
Ngunit napakarami pang kailangang gawin sa aming kinikilusang
larangang gerilya. Sa pangmadalian, ang susi sa lahatang-panig na
pagtugon sa kagutuman ng masa ay ang pagpapaunlad ng produk-
syon sa pagkain at sa mga tanim na mabilis tumubo at madaling
ibenta. Pagkatapos nito ay kailangang iangat ang kanilang pagkilos
sa malawakang pagdedemanda ng pagpapataas ng presyo ng mga
produktong sama-sama nilang ipinunla.
Akoy 24 taong gulang na ngayon at ipinagbubunyi ang mahabang
kasaysayan ng armadong pakikibakang tangan ng BHB, at lalung de-
terminado sa dakilang rebolusyonaryong misyon na aking tinangggap.
Buo ang paniniwala kong sa pamamagitan lamang ng pagsusulong
hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon tunay
na matutugunan ang lahat ng karaingan at maitaguyod ang mga kara-
patan ng mamamayan.
Kung napapanood sa telebisyon ang malawakang pinsalang dulot
ng bagyong Yolanda, ito ay sampung beses na mas malala para sa
masang binabalot ng galit at takot sa hinaharap na ilang taon ng
pinatinding gutom at kahirapan. Sadyang napakahinog ang kalagay-
ang tumatawag sa lahat ng rebolusyunaryong kabataan na magtungo
sa kanayunan, makipamuhay sa uring magsasaka at sumampa sa BHB
sa Eastern Visayas. Akoy nanghihikayat sa aking henerasyon na hu-
wag nang mag-alinlangan, nasa ating pakikiisa sa pakikidigma ng
masa ang katiyakan ng tunay na tagumpay, hindi sa mga ilusyon ng
gitnang uring tumitingala at nagsisilbi sa naghaharing uri. Halina,
makiisa sa mamamayan sa panahon ng kanilang dalamhati, sama-
sama tayo sa pagbangon sa pamamagitan ng siklab ng armadong
pakikibaka!
LIHAM MULA SA SILANGAN PARA SA KABATAAN:
ANG MAGHIMAGSIK AY MAKATARUNGAN!
Kasamang Maria Lorena Malaya
Pulang Mandirigma ng Efren Martires Command
BHB Eastern Visayas
Marso 29, 2014
LIHAM
ANG KALAYAAN ANG OPISYAL NA QUARTERLY NA PAHAYAGAN NG KABATAANG MAKABAYAN
PARA SA INYONG MGA KOMENTO, SUHESTIYON, TANONG AT KONTRIBUSYON:
E-MAIL: malayaguerrero1964@gmail.com * FB PAGE: kabataang makabayan 1964
www. philippinerevolution.net www.ndfp.net/web2014

You might also like