You are on page 1of 37

NOVENA SA

KABANAL-BANALANG
BIRHENG MARIA
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED

Parokya ng
Nuestra Señora de la Merced
Bahay Pare, Candaba, Pampanga
MAIKLING KASAYSAYAN
NG PINAGMULAN NG DEBOSYON
SA MAHAL NA BIRHEN,
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang


debosyon sa Mahal na Birheng Maria, Nuestra
Señora de la Merced ay nagmula sa bansang
Espanya, kung saan maraming Kristiyano ang
dinakip, pinag-uusig, at ginawang alipin ng mga
Moro. Maraming tapat na binyagan ang
nabilanggo dahil sa hindi nila pagsuko sa kanilang
pananampalataya.
Dahil sa patuloy na pagdalangin at paghingi ng
awa, noong ika-2 ng Agosto, 1218, nagpakita sa
isang mahimalang aparisyon ang Mahal na Ina ng
Diyos kay Pedro Nolasco, Raymundo de Peñafort,
isang paring Dominikano at kay Haring Jaime I ng
Aragon. Ang aparisyong ito ay naganap mula
hating-gabi ng ika-1 ng Agosto hanggang madaling
Aparisyon ng Nuestra Senora de la Merced
kay San Pedro Nolasco, San Raymundo de araw ng ika-2 Agosto, sa magkakasunod na
Peñafort, at Haring Jaime I ng Aragon pagkakataon. Dito ay itinagubilin ng Mahal na Ina
Agosto 2, 1218 ang kanyang eskapularyo na naging instrumento

1
sa pagpapalaya sa mga Kristiyanong bihag ng mga Bulacan. Siya ang sumulat ng sikat na Pasyong
Moro. Candaba na nasusulat sa wikang Tagalog. Mula
naman sa ilang impormasyon, ang imahen ay dala
Si Pedro Nolasco, sa pakikipagtulungan nina
ng mga Hospitaller Brothers of St. John dahil pag-
Haring Jaime I at Raymundo de Peñafort, ang
aari nila noon ang Hacienda de Bahay Pare. Hindi
nagtatag ng Orden ng Nuestra Señora de la
Merced (Mercedarian Order) na ang pangunahing man matukoy ang tunay na pinagmulan ng
imahen, ito ay isa sa mga pinakamahalagang
misyon ay tubusin ang mga Kristiyanong bihag.
biyayang tinanggap ng parokya sa Bahay Pare.
Ang orden ay itinatag noong ika-10 ng Agosto,
1218 at pinagtibay ni Papa Gregorio IX. Siya rin Sa lugar na ito nagsimula ang debosyon sa
ang nagpalabas ng kautusan na nagtatalaga sa ika- Mahal na Birhen, Nuestra Senora de la Merced sa
24 ng Setyembre ng bawat taon bilang kapistahan Pilipinas. Siya ang naging sandigan ng mga
ng Mahal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulong mananampalataya para sa kagalingan ng mga
Nuestra Senora de la Merced. Ito ay ipinalaganap maysakit, sa mga kalamidad at sakuna, sa
sa buong Santa Iglesia ni Papa Inocecio XII. panahon ng digmaan, para sa matagumpay na pag
-aaral, para sa pagkakasundo ng pamilya, sa
Tinatayang ika-18 siglo nang dalhin ng mga
matatag na bokasyon sa buhay relihiyoso, sa
misyonerong Paring Kastila ang mapaghimalang
panahon ng kagipitan, sa pagkakaroon ng matatag
imahen ng Nuestra Senora de la Merced sa Bahay
Pare, Candaba, Pampanga kung saan siya ay at buhay na pananampalataya. Ang Parokya ng
Nuestra Señora de la Merced sa Bahay Pare ay isa
itinanghal bilang Patrona. Ang ilan naman ay
sa mga simbahang nagtatanghal sa kanya bilang
nagsasabing ito ay dala ni Padre Aniceto de la
Patrona. Ang ilan sa iba pang mga parokya ay
Merced na siyang naging ika-78 na kura paroko ng
matatagpuan sa Matatalaib, Tarlac, sa Taysan,
Parokya ng San Andres sa Candaba, Pampanga at
Batangas, sa Novaliches, Siyudad ng Quezon, sa
matagal na nanirahan sa bayan ng Baliuag,
New Bilibid Prison Reservation, Lungsod ng
2 3
Muntinlupa, sa Mercedes, Catbalogan, Samar, sa
Barcelona, siyudad ng Dapitan, Zamboanga del
Norte, at sa Mercedes, Lungsod ng Zamboanga. At
batay sa mga nakalap na impormasyon, ang
imahen ng Birheng Maria sa Bahay Pare ang
kauna-unahan at pinakamatandang imahen ng
Nuestra Senora de la Merced sa Pilipinas.

ANG ESKAPULARYO NG
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED
Ang eskapularyo na ibinigay ng Nuestra
Señora de la Merced kay San Pedro Nolasco
noong ika-2 ng Agosto, 1218 ay siyang ginamit
upang matubos ang mga Kristiyanong bihag ng
mga Moro. Ito rin ang haligi sa pagkakatatag ng
Orden ng Nuestra Señora de la Merced na siyang
hiniling ng Mahal na Ina upang mailigtas sa
pagkakaalipin ang kanyang mga anak.
Dahil sa biyaya ng Diyos, ang eskapularyo ng
Mahal na Birhen de la Merced ay dumating sa
Pilipinas sa pamamagitan ng mga deboto na Ang Eskapularyo ng
nagmula sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga sa Nuestra Señora de la Merced
hindi inaasahang panahon — Disyembre, 2002 —
4 5
panahong nagdeklara ang Amerika ng giyera sa Ang eskapularyo ay nakarating na sa libu-
Iraq, at kaalinsabay ng panahon ng pagkaligalig sa libong deboto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa
Mindanao. Ito ay kanilang natagpuan sa St. iba’t ibang panig ng mundo kung saan ito ay
Patrick’s Cathedral sa New York, Amerika. Ang dinala at ipinamahagi ng mga deboto mula sa
panahong yaon ang lalong nagpatatag sa Bahay Pare. Lalong bantog ang pagpapahawak ng
paniniwala ng mga deboto na ang pagganap ng eskapularyong mula sa Bahay Pare sa imahen ng
Mahal na Ina sa kanyang tungkulin na Nuestra Señora de la Merced sa Mercedarian
pagpapalaya sa kanyang mga anak na bihag ng Generelate sa Roma.
kaguluhan ay kanya pa ring ginagampanan sa Hindi na mabilang ang mga kuwento at
kasalukuyang panahon upang ipadama ang pag- salaysay hinggil sa kapangyarihan ng panalangin
ibig ng Diyos sa tao. Agosto 2, 2003 bilang sa tulong ng eskapularyo ng Mahal na Nuestra
paggunita sa ika-785 taong anibersaryo ng Señora de la Merced. Kabilang na rito ang
pagpapakita ng Mahal na Birhen, Nuestra Señora paggaling ng mga maysakit, ang proteksyon laban
de la Merced, inilunsad sa parokyang ito ang sa anumang uri ng kapahamakan, pagtatagumpay
kanyang eskapularyo. Simula noon, ay sa pag-aaral, pagkakasundo ng pamilya,
pinalaganap na ng mga deboto ang pagsusuot ng masaganang ani, at marami pang iba. Subalit higit
eskapularyo Nuestra Señora de la Merced, bilang sa lahat ng ito, ang eskapularyo ay naging
pagkilala sa kanyang makainang lingap at mabisang kasangkapan ng Mahal na Birhen, Ina ng
pamamatnubay. Tuwing magsisimba, lalo na sa Awa upang magkaroon ng pagbabalik-loob at
mga araw ng Sabado kung saan ay dinadasal ang lalong mapalapit ang puso at pananampalatayang
nobena sa karangalan ng Nuestra Señora de la Kristiyano ng mga deboto.
Merced, ay makikita ang mga deboto na may suot
ng eskapularyo.

6 7
ANG SANTO ROSARYO
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu
Santo. Amen.
Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng
grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
PALAGIANG NOVENA SA Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
MAHAL NA BIRHEN pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED
Namumuno: Panginoon, buksan mo ang aking
(Tuwing Araw ng Sabado)
mga labi.
Lahat: At pupurihin ka ng aking bibig.
Namumuno: Diyos ko, ako’y Iyong tulungan
Lahat: Panginoon, magmadali Ka sa pagsaklolo sa
akin.
Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa
Espiritu Santo.
Lahat: Kapara noong una, ngayon at
magpakailaman at magpasawalang hanggan.
Amen.

8 9
Ang Sumasampalataya Ama Namin
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo.
at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin
nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming
Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa nagkakasala sa amin, at huwag Mo kaming
krus, namatay, at inilibing. Nanaog sa ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong masasama. Amen
araw ay nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, Aba Ginoong Maria
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at ang Panginoong Diyos ay sumasa-iyo,
nangamamatay na tao. bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu
Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo
kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y
mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng mamamatay. Amen
nangamatay na tao, at sa buhay na walang Ang Luwalhati
hanggan. Amen.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu
Santo.

10 11
Kapara nang sa una, ngayon at 4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus.
magpasawalang hanggan. Amen. 5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya.
Ang Mga Misteryo sa Tuwa
(tuwing Lunes at Sabado) Ang Mga Misteryo sa Hapis.
(tuwing Martes at Biyernes)
1. Ang pagpapahayag ng balita sa Mahal na
Birhen. 1. Ang pagdurusa sa halamanan ng Gethsemani.
2. Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Isabel. 2. Ang paghahampas sa ating Panginoon na
3. Ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo. natatali haliging bato.
4. Ang paghahandog sa sanggol na si Hesus sa 3. Ang pagpuputong ng koronang tinik.
templo. 4. Ang pagpasan ng Krus patungong Kalbaryo.
5. Ang pagkatagpo sa batang si Hesus sa templo. 5. Ang pagpapako sa Krus at kamatayan ng
Panginoon.
Ang Mga Misteryo sa Liwanag
(tuwing Huwebes) Ang Mga Misteryo sa Luwalhati
(tuwing Miyerkules at Linggo)
1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Jordan.
2. Ang sariling pagbubunyag ni Hesus sa kasalan 1. Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating
sa Cana. Panginoon.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus tungkol sa 2. Ang pag-akyat sa langit ng ating Panginoon.
paghahari ng Diyos. 3. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga
apostoles.
12 13
4. Ang pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen, Namumuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng
kaluluwa pati katawan. Diyos.
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang ng
Birheng Maria mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
Panalangin
Aba Po Santa Mariang Reyna
O Diyos, na ang Bugtong na Anak ay
Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. nagkatawang-tao namatay at muling nabuhay
upang tamuhin para sa amin ang gantimapala
Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
nang walang hanggang kaligtasan. Ipagkaloob Mo
pinananaligan ka namin,
na sa pamamagitan ng pagdidili-dili namin ng mga
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Birheng
na taong anak ni Eba. Maria, na matularan namin ang kanyang
Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin nilalaman at matamo ang kanyang mga
ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis ipinangako. Alang-alang din kay Kristong
-hapis. Panginoon namin. Siya nawa.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin Litanya sa Mahal na Birheng Maria


ang mga mata mong maawain, at saka kung Panginoon, maawa Ka sa amin.
matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa Panginoon, maawa Ka sa amin.
amin ang iyong Anak na si Hesus. Kristo, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam
Panginoon, maawa Ka sa amin.
at matamis na Birhen.
Panginoon, maawa Ka sa amin.

14 15
Kristo, pakinggan Mo kami. Inang kataka-taka,
Kristo, pakinggan Mo kami. Ina ng mabuting kahatulan,
Kristo, pakapakinggan Mo kami. Ina ng may gawa sa lahat,
Kristo, pakapakinggan Mo kami. Inang mapag-adya,
Diyos Ama sa Langit, Ina ng Banal na Simbahang Katolika,
maawa Ka sa amin. Birheng kapaham-pahaman,
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Birheng dapat igalang,
maawa Ka sa amin. Birheng dapat ipagbantog,
Diyos Espiritu Santo, Birheng makapangyayari,
maawa Ka sa amin. Birheng maawain,
Santisima Trinidad na Tatlong Persona at iisang Birheng matibay na loob sa magaling,
Diyos, maawa Ka sa amin. Salamin ng katuwiran,
Santa Maria, ipanalangin mo kami. Luklukan ng karunungan,
Santang Ina ng Diyos, Mula ng tuwa namin,
Santang Birhen ng mga Birhen, Sisidlan ng kabanalan,
Ina ni Kristo, Sisidlan ng bunyi at bantog,
Ina ng grasya ng Diyos, Sisidlan ng bukod-tanging kataimtiman,
Inang kasakdal-sakdalan, Rosang bulaklak na 'di mapuspos ng bait ng tao
Inang walang malay sa kahalayan, ang halaga,
Inang 'di malapitan ng masama, Tore ni David,
Inang kalinis-linisan, Toreng garing,
Inang kaibig-ibig, Bahay na ginto,

16 17
Kaban ng tipan, -Patawarin Mo po kami, Panginoon.
Pinto ng langit, Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng
Talang maliwanag, sandaigdigan.
Mapagpagaling sa mga maysakit, -Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon.
Tanggulan ng mga makasalanan Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati, santinakpan.
Mapag-ampon sa mga kristiyano, -Maawa Ka sa amin.
Reyna ng mga Anghel,
Reyna ng mga Patriarka, Panalangin para sa Intensyon ng Santo Papa
Reyna ng mga Propeta, Dasalin ang…
Reyna ng mga Apostol, (1) Ama Namin
Reyna ng mga Martir, (2) Aba Ginoong Maria
Reyna ng mga Kumpesor, (3) Luwalhati
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga Santo, Panalangin sa Araw-Araw
Reynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang
orihinal, O mahal na Birheng Ina ng Awa, Reyna ng
langit at lupa, mapagbiyaya ng tanang
Reynang iniakyat sa langit,
kayamanan, isinasamo ko sa iyo, na ipagkamit mo
Reyna ng kasantu-santusang rosaryo,
sa akin sa pamamagitan ng iyong Mahal na Anak
Reyna ng mga pamilya, ang grasyang ninanasa ko (tahimik na banggitin
Reyna ng kapayapaan. ang kahilingan); tuloy biyayaan ng
Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng pananampalataya ang mga hindi binyagan;
sanlibutan.
18 19
patibayin ang lahat ng mga kristiyano; pakabutihin umaasa. // Ipagkaloob Mo po / sa tulong ng
ang lahat ng mga pari; bigyan ang mga puno ng Birheng Maria,/ ang Nuestra Señora de la
mahusay na pagpapasunod at ang mga sakop ng Merced, / ang kagalingan ng aming mga kapatid
isang madaling pagsunod; tubusin ang mga alipin; na maysakit. // Ang pag-akay ni Maria sa amin
patapangin ang mga manunubos; pakatuwirin ang patungo kay Hesus / ang siyang bukal ng
mga abogado; pakatibayin ang mga tinutukso; kagalingan at kapayapaan ng kalooban. //
aliwin ang mga namatayan; bigyan ng grasya ang Ipagkaloob Mo po sa amin ang lakas ng loob / at
mga banal; panatilihin sa kalinisan ang mga katatagan na harapin nang may kapayapaan / ang
birhen; bigyan ng katahimikan ang mga mag- anumang pagsubok sa buhay. // Sa mga sandaling
asawa; pakaingatan sa dilang panganib ang mga kami ay nahihirapan, / ipaalala Mo po sa amin / na
balo; pagalingin ang mga maysakit; patapangin aming niyayakap / ay si Hesukristong nakayakap
ang loob ng mga taong naghihingalo; at kaming sa aming paghihirap. // Hinihiling namin ito sa
lahat ay iyong tulungan at bendisyunan ngayon at pamamagitan ni Hesus / kasama ng Espiritu
sa oras ng aming kamatayan, nang kami’y maging Santo / magpasawalang hanggan. // Amen.
dapat na sumama sa iyo sa kaluwalhatian sa
langit. Siya nawa.
Ang Memorare
Alalahanin mo, / O lubhang maawaing Birheng
Panalangin para sa Maysakit
Maria, / na kailanma’y di narinig / na may
Ama naming bukal ng pagpapala at habag, / dumulog sa iyong pag-aampon, / humingi ng iyong
Diyos ng aming buhay, / pinupuri Ka namin at tulong, / at nagmakaawa ng iyong saklolo / na
pinasasalamatan. // Ikaw ang dahilan ng aming iyong pinabayaan. // Dala ng pag-asang ito’y
lakas at kagalingan. // Sa Iyo lamang kami dumudulog ako sa iyo. / O Birhen ng mga Birhen,

20 21
Ina! / Sa iyo po ako’y lumalapit, sa iyo po ako’y
humaharap na makasalanan at namimighati, / O
Ina ng walanghanggang Verbo! / Huwag mo pong
siphayuin ang aking mga pagluhog, / bagkus sa
iyong habag ay pakinggan mo po ako at
pakapakinggan. // Amen.
PAGSISIYAM SA
KABANAL-BANALANG
BIRHENG MARIA
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED
(Setyembre 15 — 24)

22 23
PANALANGING TAIMTIM SA PAGSISIYAM PAMBUNGAD NA PANALANGIN
+Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu SA ARAW-ARAW
Santo. Amen Kataas-taasang Birhen Maria, Inang hinirang
Namumuno : Panginoon kong Hesukristo, ng Diyos, ipinaglihi sa grasya, ngayo’y dumudulog
sa iyong mahal na harapan ang lalong palamara ng
Lahat: Diyos na totoo at tao naman totoo, / mga tao at dumadaing sa iyo, na yayamang
gumawa at sumakop sa akin, / pinagsisisihan kong nanaog ka sa lupa mula sa langit at iyong
masakit sa tanang loob ko / ang dilang ipinahayag na ikaw nga ang Ina ng biyaya at
pagkakasala ko sa Iyo, / na Ikaw nga ang Diyos kaawaan, ay kaawaan mo nga itong iyong
ko, / Panginoon ko at Ama ko / na iniibig kong lalo mababang lingkod. Sapagkat ikaw nga ang Ina ng
sa lahat. / Nagtitika akong matibay na matibay / mga nagsisising makasalanan, kaaliwan ng
na di na ako muling magkakasala sa Iyo, / at nahahapis at mapag-ampon sa nasasalatan. Ako
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang nga ang iyong alipin, ako’y iyong turuan,
kasanalan ko. / Umaasa akong patatawarin Mo patnubayan mo at ampunin, nang ako ay
rin / alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon / at matutong maglingkod sa iyo at nang kamtan ko
pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. / ang hinihingi at ninanasa ko dito sa pagsisiyam na
Sa mga panahon ng aming pagsisiyam kay ito, kung siyang kagustuhan ng iyong Mahal na
Mariang aming Ina, Iyong Ina, / Nuestra Señora Anak na si Hesus at nararapat sa aking kaluluwa.
de la Merced, / tulungan Mo po akong lubusan Siya nawa.
Kang makilala, / mahalin Ka nang buong
PANALANGIN SA UNANG ARAW
katapatan, / at higit Kang paglingkuran. /
Ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang mabuhay na Panginoon kong Diyos na makapangyarihan at
masigasig / sa paglilingkod sa Iyo hanggang walang hanggang Ama, kung paano Kang
kamatayan. / Amen.
24 25
nangusap kay Moises sa bundok ng Oreb , sa mga sakop ng isang madaling pagsunod; tubusin
pagliligtas sa Iyong hinirang na bayan sa ang mga alipin; patapangin ang mga manunubos;
pagkaalipin sa Ehipto ay gayon Ka ring nangusap pakatuwirin ang mga abogado; pakatibayin ang
kay Pedro Nolasco sa bayang Barcelona upang mga tinutukso; aliwin ang mga namatayan; bigyan
matubos ang mga aliping Kristiyano at ang Iyong ng grasya ang mga banal; panatilihin sa kalinisan
kabanal-banalang Ina ang Iyong isinugo. Dahil dito ang mga birhen; bigyan ng katahimikan ang mga
ay isinasamo ko, na sa pagkakandili ng Kamahal- mag-asawa; pakaingatan sa dilang panganib ang
mahalang Birhen na Iyong Ina, na huwag lumapit mga balo; pagalingin ang mga maysakit;
sa aking kaluluwa ang usok ng kamunduhan, kundi patapangin ang loob ng mga taong naghihingalo;
ang humahalimuyak na usok ng kabanguhan at at kaming lahat ay iyong tulungan at bendisyunan,
kalinisan, katulad nitong Kamahal-mahalang ngayon at sa oras ng aming kamatayan, nang
Birhen. Siya nawa. kami’y maging dapat na sumunod sa iyo sa
kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O Mahal na Birheng Ina ng Awa, Reyna ng
PANALANGIN NG BAYAN SA
langit at lupa, mapagbiyaya ng tanang MAHAL NA BIRHEN DELA MERCED
kayamanan, isinasamo ko sa iyo, na ipagkamit mo O Maria, Ina ng Awa at Reyna ng aming
sa akin sa pamamagitan ng iyong Mahal na Anak tahanan, patnubayan mo kami na iyong mga anak
ang grasyang ninanasa ko ( tahimik na banggitin dito sa lupa ng iyong mapagkalingang
ang kahilingan ); tuloy biyayaan ng pagmamahal. Bigkisin mo kami sa PAGKAKAISA,
pananampalataya ang mga hindi binyagan; PAGKAKAUGNAYAN at PAGBABAHAGINAN sa
patibayin ang lahat ng mga Kristiyano; ngalan ng iyong Anak at aming Panginoong
pakabutihin ang lahat ng mga pari; bigyan ang Hesukristo. Bago mamatay ang iyong Anak na si
mga puno ng mahusay na pagpapasunod at ang Hesus sa Krus ay ipinagkaloob ka Niya sa amin

26 27
bilang aming Ina na ang puso ay nag-aalab sa pag- Ang puso mong mahabagin
ibig sa sangkatauhan. Nawa ay patuloy mong Sa Kristiyanong inaalipin
patnubayan at pagningasin ang bokasyon sa Ng mga Morong suwail
pagsunod sa tawag ng Panginoon, kalingain mo at Ay tinagos ng patalim
aliwin ang mga manggagawa sa aming bayan Ang lupang iyong nilakad
lalung-lalo na ang lahat ng mga manggagawang Sa sinta mo sa may hirap.
Katoliko sa aming pamayanang Kristiyano at
marapatin mong maging matibay ang aming mga Si Raymundo at si Nolasco,
puso sa pagsamba sa Panginoong Diyos. Kasama Kapwa dakilang santo
mo, manatili nawa kaming nananalig kay Kristo At si Jaimeng lingkod mo,
bilang aming Daan, Katotohanan at Buhay at sa Ang iyong pinasaklolo
pamamagitan nito ay lalo pang magningas ang Sa Kristiyanong nag-iiyak
aming pagmamahal at paglilingkod kay Kristo at sa Sa kaalipinan sa paghihirap.
aming kapwa.
O Maria, Nuestra Señora de la Merced, Itinayo nilang lubos
Ang Orden mo sa pagsakop
ipanalangin mo kami. Amen.
Sa kamay ng mga Moro
DALIT SA MAHAL NA Ang nasawing mga Kristiyano
BIRHEN DE LA MERCED Aliw kang kaliyag-liyag
Sa tulong mo, Birheng liyag Ng Kristiyanong nasa hirap.
Na lunas ng nasa hirap,
Dalitan mong iligtas Barcelona at ibang bayan
Ang sa sala’y nabibihag Ay binigyan kang galang
At di minsan natikman
28 29
Sa puso mo ang katamisan Namumuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng
Sila’y iyong iniligtas Diyos.
Sa sari-saring paghihirap. Lahat: Nang kami ay maging dapat magkamit ng
mga pangako ni Hesukristong Panginoon. Ang
Ang sa iyo’y tumatawag tanang kinapal sa langit at sa lupa ay naninikluhod
Pinakikinggan mo agad sa iyong mahal na harapan at nagbabati na ang
Dala ng malaking habag wika’y: “Aba, Ina ng Awa, aliw ng kahapisan,
Sila’y iyong pinapagkapalad manunubos ng mga aliping Kristiyano, ikaw nga
Ang Kristiyanong naghihirap ang kaluwalhatian ng Herusalem, ang katuwaan
Ang tulong mong walang liwag. ng Israel at kapurihan ng ating bayan.”
Inang kalinis-linisan Namumuno: Ilingon mo, Ina ng Diyos ang mga
Pintakasi ng aming bayan, mata mong maawain dito sa iyong bayan.
Tanang dito’y napipisan Lahat: Iyong dalawin at pagkahusayin, yayamang
Iadya sa kahapisan iyong pag-aari.
Tanggulan ng naghihirap
Imperatrix na marilag
PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW
Dalitain mong iligtas
Ang sa sala’y nabibihag Dakilang Hari, Ama ng awa at Diyos ng buong
Sa tulong mo, Birheng liyag kaaliwan, ipinakilala Mo sa Haring Faraon ang
Na lunas ng nasa hirap. kadakilaan ng Iyong kapangyarihan at siya na
ngang ipinagbasag ng katigasan ng kanyang loob
at sa ganitong paraa’y naligtas sa kaalipinan ang

30 31
mapighating nabibihag Mong bayan. Isinasamo de la Merced, na kami'y iligtas sa kabagsikan ng
namin sa Iyo ng buong kapakumbabaan na Iyong pagkahustisya at ng dapat kaming magkamit
kasama ng aming Señora de la Merced, ay Iyong ng apoy ng Iyong pag-ibig na magpapaalab sa
pasukuin ang mga pita ng aming katawan at Iyong aming malalamig na puso at magpapaliwanag sa
pigilin ang aming masasamang gawain at aming mga isip, nang huwag kaming maligaw sa
palambutin ang katigasan ng aming mga puso. At matuwid na daang patungo sa langit. Siya nawa.
kung aming kamtan na malagot ang mga tanikala
ng aming mga sala, ay maligtas kami sa
PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW
pagkaalipin sa kasalanan at kami’y Iyong Katamis-tamisang Hesus, at walang hanggang
pagkalooban ng iyong mahal na grasya, nang Diyos, Bugtong na Anak ni Santa Maria, yayamang
kami’y maging dapat na makipagluwalhati sa Iyo ipinahayag Mo sa mga tao na Iyong kinalulugdan
magpasawalang-hanggan. Siya nawa. ang mahal na titulo na de la Merced, matikman
nawa namin ang katamisan nitong mahinhing
PANALANGIN SA IKATLONG ARAW pangalan nang kami’y ipagtanggol at nang
Makapangyarihang Panginoon at Amang maligtas kami sa mga tukso ng kaaway at nang
maawain, bukod sa iniligtas Mo ang abang bayan kami’y matutong maglingkod sa Iyo dito sa lupa at
ng Israel sa kanyang kaalipinan, ay nabigyan mo saka purihin Ka namin sa kaluwalhatian sa langit,
pa siya ng isang kataka-takang alapaap na Siya nawa.
panganlong na nakaaliw na lubha sa kanila, na sa
gabi'y may aninong apoy na nagpapaliwanag sa
PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW
kanila ng huwag silang malihis at matisod. Panginoong maawain at makapangyarihang
Ipinamamanhik namin sa Iyo nang buong Ama, bagama’t nararapat sa amin dahil sa aming
kapakumbabaan sa pamamagitan ng kataka- mga kasalanan, ang mga hirap, sakit, pighati at
takang kolumnang panganlong na aming Señora parusa, ay aming idinadalangin sa Iyo ng taimtim
32 33
sa loob na kami’y Iyong papasukin sa totoong malilinis na paa. Isinasamo namin sa Iyo nang
magaling na Arko ni Noe, kay Maria baga na Iyong buong kapakumbabaang puso, na kami’y Inyong
mahal na Ina, nang kami’y maligtas doon sa tingnan, para ng sumukong alipin at mababang
kalangitan ng Iyong matuwid na poot at ang lingkod nitong mahal na Señora na aking
nananawag sa kanya, sa marangal na titulo na de sinasambit na Ina ng Awa, Birhen de la Merced,
la Merced o Ina ng Awa, ay puspusin ng Iyong nang kami’y maligtas sa mga kaaway ng aming
mahal na grasya, na magtagumpay kami sa dilang kaluluwa at makamtan namin ang kaluwalhatiang
panganib sa mundo at makarating na maluwalhati walang hanggan. Siya Nawa
sa bayang masaya sa langit. Siya nawa.
PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW
PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW Masintahing Diyos at aming Panginoon,
Maawaing Diyos at aming Panginoon, sa isinasamo namin sa Iyo nang buong
pamamagitan ng panalangin ng aming Señora de kapakumbabaan sa kaibuturan ng aming puso na
la Merced, ay iligtas Mo kami sa kamatayan, sa sa halimbawa ng aming Señora de la Merced, sa
kasalanan, at bigyan kami ng buhay at ng grasya pagbibigay aliw sa mga nalulumbay at sa
hanggang makamtan namin ang kaluwalhatiang pagliligtas sa mga aliping Kristiyano sa kanilang
walang hanggan. Siya nawa. abang lagay, kaming lahat ay Iyong iligtas sa
tanang panganib ng katawa’t kaluluwa, nang
PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW kami’y magkamit ng buhay na walang hanggan sa
Kasantu-santusang Trinidad, Diyos Ama, Diyos langit. Siya nawa.
Anak at Diyos Espiritu Santo, Inyong kinoronahan
si Maria ng mga bituin at pinaramtan ng di malirip
PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW
na kariktan at kaluwalhatian. Kanyang pinasuko Diyos at Panginoon ng lahat ng kinapal, dala
ang demonyong kaaway at pinadapa sa kanyang ng malaking habag sa aming mga kahirapan, ay
34 35
minarapat Mong Ikaw ay magkatawang-tao sa Kami’y iyong angkinin pinakamamahal na Ina,
kalinis-linisang sinapupunan ni Santa Maria, sa sa lahat ng oras ng aming buhay, sa kasaganaan at
pagtubos ng aming kaalipinan sa kasalanan, ay paghihikahos, sa tagumpay at sa kasawian, sa
ipinamamanhik namin sa Iyo, alang-alang dito sa kagalakan at sa kalungkutan, sa kalusugan at
walang hanggang panininta yayamang ang Iyong karamdaman, sa buhay at kamatayan.
hinirang na Ina ay lubhang malinis at maawain, ay Ngayong ipinagdiriwang namin ang iyong
makatupad kami sa kanyang mga kabanalan dito kapistahan, tanggapin mo ang aming taimtim na
sa lupa at makamit tuloy ng kaluwalhatiang pasasalamat sa maraming biyaya at awa na
walang hanggan sa langit. ipinagkaloob mo sa amin. At nawa ay
PAGHAHANDOG SA pagkalooban mo kami ng lakas ng isip, puso,
MAHAL NA INA NG AWA katawan, at kaluluwa upang kami’y
O katamis-tamisang Ina ng Diyos at Ina naming makapagpuring lagi sa iyo at sa Iyong Anak na
lahat, reyna ng langit at lupa, kalugud-lugod na aming Panginoong Hesukristo, na nabubuhay at
Ina ng Awa, bilang masunuring mga anak na naghaharing kasama ng Diyos Ama at Espiritu
nakapaligid sa inyong trono at nakaluhod sa harap Santo, sa kaluwalhatian sa langit. Amen.
ng iyong karangalang pagiging Ina ng Diyos, sa
araw na ito na napakaligaya para sa iyo at
malaking kasiyahan para sa amin, inihahandog
namin sa iyo ang aming katauhan, ang aming mga
kapatid, ang aming pamilya, ang aming bayan, at
ang buong sangkatauhan. Inihahandog namin ang
lahat ng pag-aari namin mula sa mga biyaya at
walang hanggang awa ng Diyos.

36 37
RITO NG PAGBABASBAS NG tagapagtanggol ng mga naaapi, at naging
ESKAPULARYO NG tagapagkalinga ng mga maralita lalo na ang mga
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED maysakit. Pinaganap Mo ang kanyang pagkatao sa
pamamagitan ng malaya niyang pagtugon sa
Pari: Panginoon naming Hesukristo, Diyos na panawagan Mo. Hinihiling namin ngayon na
yumakap sa aming pagkatao, ipinapakiusap po pakabanalin Mo ang mga eskapularyong ito na
naming gawaran Mo ng pagbabasbas mula sa magiging tanda ng aming pamimintuho at
iyong kagandahang loob, + ang eskapularyong ito paggalang sa Mahal na Ina ng Diyos, si Maria.
na itinalaga ng pinuno ng Simbahan na ang Ipagkaloob Mo po sa sinumang nagnanais na
sinumang magsususot nito ay mapagkakalooban magsuot nito ang walang hanggang biyaya mula
ng biyaya ng kagalingan at kapayapaan ng sa Iyong pusong puno ng habag sa pamamagitan
kalooban. Nawa ang pagsususot ng eskapularyong ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo,
ito ay magdulot ng kabanalan ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
magpasawalang hanggan. Amen.
Ama namin…
Manalangin tayo.
Aba Ginoong Maria…
Ama naming bukal ng pagmamahal at habag, Luwalhati…
karapat-dapat Ka naming purihin at parangalan
dahil sa ginawa Mong kabutihan mula sa Iyong
Litanya ng mga Santo
kagandahang-loob. Ipinagkaloob Mo ang lubos na
biyaya sa aming Mahal na Inang si Maria sa Nuestra Señora de la Merced,
pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus. Ipanalangin mo kami.
Ipinagkaloob Mo sa amin si Maria bilang Ina na San Jose
puno ng awa at habag. Siya ang naging Ipanalangin mo kami.

38 39
San Miguel MGA KARAGDAGANG PANALANGIN
Ipanalangin mo kami.
San Juan Bautista Panalangin para sa Bokasyon sa Pagpapari at
Ipanalangin mo kami. Pagmamadre
San Pedro Nolasco, O Panginoong Hesus, Ikaw na rin ang nagsabi:
Ipanalangin mo kami. “ Ang aanihin ay totoong marami, datapwa’t
San Raymundo de Peñafort, kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin Ninyo
Ipanalangin mo kami. sa Panginoon ng ani na magpadala Siya ng mga
manggagawa sa Kanyang bukid.” Isinasamo namin
Lahat ng mga Banal sa Orden Mercedario
sa Iyo na tawagin ang marami sa aming kabataang
Ipanalangin mo kami.
Pilipino na maglingkod sa iyo at sa kanilang kapwa
San Lorenzo Ruiz bilang mga pari at madre.
Ipanalangin mo kami. Itulot Mo na makilala nila at ng kanilang mga
San Pedro Calungsod magulang ang kadakilaan at kagandahan ng
Ipanalangin mo kami. pagpapari at pagmamadre.
Beato Jose Maria de Manila Ipagkaloob Mo na ang lahat ng napili Mo na
Ipanalangin mo kami. maglingkod sa Iyo ay manatili sa pagsunod sa Iyo.
Tulungan Mo rin ang mga pinagkatiwalaan Mo
sa paghubog sa kanila na matupad nila ang
kanilang mga tungkulin nang buong tapat. Siya
nawa.

40 41
Panalangin sa Isang Mabuti at Magandang mga pari. Alalahanin Mo, O lubhang maawaing
Kamatayan Diyos, na sila ay mahihina at marurupok na mga
nilikha, pukawin Mo po sa kanila ang biyaya ng
O Maria na naglihing hindi nabahiran ng
bokasyon na tinanggap nila nang ipatong sa kanila
kasalanan, ipanalangin mo kami na dumudulog sa
ang kamay ng Obispo. Pakaingatan Mo po sila
iyo. O sakdalan at takbuhan ng mga makasalanan,
Ina ng mga naghihingalo, huwag mo kaming iiwan nang hindi mamayani laban sa kanila ang kaaway,
upang huwag silang makagawa ng anuman, gaano
lalung-lalo na sa oras ng aming pagpanaw kundi
man kaliit na di karapat-dapat sa kanilang
bagkus ipagkamit mo sa amin ang isang matinding
matayog na bokasyon.
kalumbayan at paghihinagpis sa aming mga
kasalanan, isang ganap na kapatawaran sa aming O Hesus, idinadalangin ko sa Iyo ang Iyong mga
mga kasalanan, isang marapat na pagtanggap kay paring tapat at masigasig ang Iyong mga paring di
Kristo sa komunyon at mabisa at pampalakas na matatapat at matatamlay, ang Iyong mga paring
bunga ng Sakramento ng Paglalanya nang maaari nagpapakasakit dito at sa mga malayong lupain at
kaming humarap na panatag sa luklukan nang nagmimisyon, ang Iyong mga paring natutukso,
Matuwid, ngunit sa kabilang dako naman ay ang Iyong mga paring bata pa, ang Iyong mga
maawaing hukom na aming Diyos at mananakop. paring matatanda na, ang Iyong mga paring
Siya nawa. maysakit, ang Iyong mga paring naghihingalo, ang
Panalangin para sa mga Pari mga kaluluwa ng Iyong mga paring nasa
purgatoryo.
O makapangyarihang Diyos, tunghayan Mo po
Higit sa lahat, inihahabilin ko sa Iyo ang mga
ang mukha ng Iyong Anak na si Hesus, at alang-
paring pinakamahal sa akin; ang paring nagbinyag
alang sa pag-ibig sa Kanya, na Punong Paring
sa akin, ang mga paring naghandog ng mga
walang hanggan. Kahabagan Mo po ang Iyong
misang aking dinaluhan at nagbigay sa akin ng
42 43
Iyong Katawan at Dugo sa pakikinabang, ang mga luningning na mahigpit sa lahat ng mga banal, ay
paring nagturo at tumulong sa akin at nagpalakas tulungang sumaakin ang mahal na grasya ng
ng aking loob. Ang mga paring pinagkakautangan Espiritu Santo upang aking matutuhan,
ko ng loob sa anu pa mang paraan, lalung-lalo na matandaan, maipakita sa gawa at salita at maituro
si Padre… naman sa iba ang lahat ng bagay na nagdudulot sa
O Hesus, ingatan Mo po sila sa Iyong puso at iyo ng karangalan at sa iyong Anak, na sa akin at
sa iba man ay makatulong sa buhay na walang
ibuhos Mo sa kanila ang Iyong pagpapala ngayon
hanggan. Siya nawa.
at magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
Panalangin kay San Ramon Nonnato at
Maria, Reyna ng mga pari, ipanalangin mo po
Birhen de la Merced ng mga nagdadalang-tao
kami, at idalangin mo po na kami ay pagkalooban
ng maraming banal na pari. Amen. O lubhang maawaing Birhen, na ang pamagat
ay de la Merced, ipinagmamakaawa ko sa iyong
Panalangin para sa Matagumpay na Pag-aaral
katamis-tamisang puso na dinggin mo akong
O Maria, Ina ng dalisay na pagmamahal, ng tumatawag sa iyo; at alang-alang doon sa iyong
pagsamba, ng karunungan, at banal na pag-asa, panganganak na wala munti mang hirap at alang-
dahil sa iyong pamamagitan, ang lalo mang alang naman sa mga karapatan ng iyong lingkod
mangmang ay buong panggigilalas na na si San Ramon Nonnato na ipinanganak sa kagila
nagtagumpay sa karunungan at kabanalan, ikaw -gilalas na panganganak ay pagkalooban mo ako
ang pinili kong maging taga-akay at pintakasi sa nang isang mapalad at maluwalhating pagdaraan,
aking pag-aaral at buong pagpapakumbaba akong yayamang humahain akong alipin sa dakila mong
sumasamo, sa pamamagitan ng Iyong masuyong kamahalan, nang lalo kong mapaglikuran ang
pagmamahal-ina, lalo na sa walang hanggang bugtong mong Anak na si Hesukristong aking
karunungan, na nagmarapat na kunin sa Iyo ng mananakop. Siya nawa.
44 45
MGA BANAL SA ORDEN NG San Serapion - (Kapistahan — Nobyembre 14)
NUESTRA SEÑORA DE LA MERCED Isinilang noong 1179 sa Ireland. Taong 1222 nang
tanggapin niya ang abito ng Orden ng Nuestra
San Pedro Nolasco - (Kapistahan — Mayo 6)
Señora de la Merced upang iligtas ang mga
Isinilang noong 1182 sa Languedoc, Francia sa
kristiyanong bilanggo. Siya ay naging bihag sa
isang mayamang pamilya. Punong tagapagtatag
Algeria at ipinako sa ekis na krus ng mga Moro.
ng Orden ng Nuestra Señora de la Merced
Siya ay namatay noong Nobyembre 14, 1240 at
(Mercedarian Order). Ipinagbili niyang lahat ang
idineklarang santo ni Papa Benedicto XIV. Si San
kanyang kayamanang mana at inubos n’ya iyon sa
Serapion ang patron ng mga maysakit.
pagliligtas ng mga Kristiyanong bihag. Namatay
noong Disyembre 24, 1256. Idineklarang Santo
noong Setyembre 30, 1628 ni Papa Urbano VII. Santa Maria Cervellon - (Kapistahan —
Setyembre 19) Isinilang noong Disyembre 1, 1230
San Raymundo de Peñafort - (Kapistahan — sa Barcelona, Espanya. Itinatag ang unang
Enero 7) Isang paring Dominikano na isinilang sa komunidad ng mga madre ng Orden ng Nuestra
Barcelona, Espanya noong 1175. Naging Señora de la Merced noong 1265. Kilala sa
tagapagtanggol ng Batas kanoniko sa Diyosesis ng pangalang Socorro o tagatulong dahil siya ay
Barcelona at sa edad na 40 ay pumasok sa Orden nakikitang sumasagip ng mga lumulubog na barko
Predicadores ni Sto. Domingo. Ginawa n’ya ang sa karagatan. Siya ay namatay noong Setyembre
mga palatuntunan ng bagong kapisanan ng 19, 1290 at idineklarang santo ni Papa Inocencio
Kabanal-banalang Birhen de la Merced sa XII. Si Santa Maria Cervellon ang pintakasi ng mga
panunubos ng mga Krsityanong bihag. Siya ay manlalayag.
namatay noong Enero 6, 1275 at idineklarang
santo ni Papa Clemente VIII noong 1601.
46 47
San Raymundo Nonnato - (Kapistahan — Papa Clemente X at kinikilalang patron ng mga
Agosto 31) Isinilang sa Catalonia, Espanya noong mag-aaral ng orden.
1204. Siya ay tinawag na “nonnatus” na ang ibig
sabihin ay “hindi isinilang” dahil siya ay inilabas sa
sinapupunan ng kanyang bangkay na ina sa San Pedro Armengol - (Kapistahan — Abril 27)
pamamagitan ng operasyon. Sumapi sa Orden ng Isinilang sa Taragona, Espanya noong ika-13 siglo.
Nuestra Señora de la Merced sa murang edad at Mula sa mabuting pamilya, siya’y nahulog sa tukso
itinalagang cardinal ni Papa Gregorio IX. Siya ay ng kasamaan. Sa kanyang pakikidigma sa mga
namatay noong 1240 at idineklarang santo ni taong isinugo ni Haring Jaime, nakalaban niya ang
Papa Alejandro VII. Si San Raymundo Nonnato ang kanyang sariling ama na si Arnaldo Armengol de
patron ng mga nagdadalang tao. Moncada. Sa pagharap niya sa kanyang ama,
nagsimula ang pagbabago ng kanyang buhay at
doon siya’y nagpasyang mapabilang sa
San Pedro Paschasius - (Kapistahan — pamayanan ng mga paring Mercedario. Nagpasiya
Disyembre 6 ) Isinilang sa Valencia, Espanya siya na ialay ang kanyang nalalabing buhay sa
noong 1227. Tinaggap niya ang abito ng Orden ng pagkakawang-gawa para sa kaligtasan ng mga
Nuestra Señora de la Merced noong 1250 at nalupig. Siya ay namatay noong 1304 at
itinalaga namang obispo ng Jaen ni Papa Bonifacio idineklarang santo ni Papa Inocencio XI. Siya ang
VIII noong 1296. Isa sa mga unang nagtanggol at pintakasi ng mga kabataang nasa peligro.
nagsulat patungkol sa doktrina ng Mahal na
Birheng Maria na ipinaglihing walang bahid ng
kasalanan, ang Immaculada Concepcion. Namatay Beata Maria Ana Navarro de Jesus - (Kapistahan
noong Disyembre 6, 1300 nang pugutan siya ng — Abril 17) Isinilang sa Madrid, Espanya noong
ulo ng mga Moro. Siya ay idineklarang santo ni 1565. Taong 1614 nang mapabilang siya sa Orden

48 49
Tercera ng mga Mercedario. Inialay niya ang Beato Mariano Alcala Perez at ang labing
kanyang sarili sa kawanggawa lalo na sa walong Mercedariong Martir - (Kapistahan —
paglilingkod sa mga maysakit at nangangailangan. Setyembre 16) Ang mga martir ng Orden ng
Siya ay huwaran ng kababaang loob, biyaya ng Nuestra Señora de la Merced na nanatiling
pagiging isang propeta at karunungang bumasa matatag at tapat sa pananampalatayang
sa mga tanda ng panahon. Siya ay namatay noong Kristiyano Katoliko nang sumiklab ang digmaang
Abril 17, 1624 at idineklarang beata noong 1783 sibil sa Espanya noong 1934 kung saan pinag-
sa pangunguna ni Papa Pio VI. uusig ang simbahan. Sila ay idineklarang mga
martir sa Tarragona, Espanya noong Oktubre 13,
2013 sa kautusan ni Papa Francisco.
Beata Margarita Lopez de Maturana -
(Kapistahan — Hulyo 23) Isinilang sa Bilbao,
Espanya noong Hulyo 25, 1884. Pumasok siya sa
Monasteryo ng ng Mercedarians of Berriz sa
gulang na 19. Ang kanyang matinding
pagmamahal kay Hesus ang nagtulak upang
buksan ang mga rehas ng monasteryo para isilang
ang isang Missionary Institute, ang Mercedarian
Missionaries of Berriz. Taong 1926, nabuksan ang
misyon sa China, sumunod sa Japan, Marianas, at
Caroline Islands. Siya ay namatay noong Hulyo 23,
1934 at idineklarang beata noong Oktubre 22,
2006.

50 51
MGA AWIT SA NOVENA Dini sa lupang bayang kahapis-hapis
Kaya’t ilingon mo sa amin
Inang Birhen de la Merced Ang mga mata mong maawain
At saka kung matapos aming pagpanaw
Inang Birhen de la Merced Ipakita mo sa amin
Mahal naming patrona Ang iyong Anak na si Hesus
Pari at tao mong mahal O magiliw, maawain
Basbasan mong lubusan. Matamis na Birheng Maria.

O ina ‘yong tulungan Mariang Ina ko


Kumilala nang tunay
Sa ‘yong makainang lingap Sa 'king paglalakbay,
At sa ‘yong pagmamahal. sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay
Salve Regina maging talang gabay

O Santa Maria KORO:


O Reyna’t Ina ng Awa Mariang ina ko,
Ika’y aming buhay pag-asa’t katamisan Ako ri'y anak mo
Sa ‘yo nga kami tumatawag Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako
Pinapanaw na anak ni Eba Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako
Sa ‘yo rin kami tumatangis

52 53
Maging aking tulay Siya ay aming tatawagin
Sa langit kong pakay Kung lalapit ang tukso
Sa bingit ng hukay O Maria ‘yong tulungan
Tangnan aking kamay. (KORO) Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Sabihin sa Kanya Kung kami’y mamamatay.
Aking dusa at saya
Ibulong sa Kanya, Inang Minamahal
minamahal ko Siya. (KORO) Inang minamahal, si Hesus sa iyo sinilang
Inang sinasamba, ang Diyos sa ‘yo nagpala
Araw-araw kay Maria Inang minamahal, kay Hesus kami ‘yong ialay
Ilaan sa kanyang kaharian, upang D’yos ay
Araw-araw kay Maria maparangalan
Kami ay nagdarasal Ilaan sa kanyang kaharian, upang kapwa’y
Si Maria aming Reyna mapaglingkuran.
Ibig naming marangal
Kanyang tulong laging-lagi Inang minamahal, ni Hesus naming Mananakop
Kami ay humihingi Inang sinasamba ng lahat mong mga anak
Pupurihin namin siya Nawa’y ilawan mo ang landas naming tatahakin
Maging araw at gabi Kaligtasan namin at pag-asa, tulong ng iyong
Kung kami’y nasa panganib panalangin
Kay Maria tatakbo Sa harap ng aming kamatayan, O Ina kami’y ‘yong
aliwin.
54 55
Birhen de la Merced 1. Sapagkat nilingap N’ya
kababaan ng Kanyang alipin
Birhen de la Merced mapalad ang pangalan ko
Ina naming lahat sa lahat ng mga bansa.
Sa iyo’y tumatawag
Ang ‘yong mga anak. 2. Sapagkat gumawa ang Poon
Ave, Ave, Ave Maria ng mga dakilang bagay
Ave, Ave, Ave Maria banal sa lupa’t langit
ang pangalan ng Panginoon.
Birheng Maligaya
Kami’y patnubayan 3. At kinahahabagan N’ya
Sa pagdiriwang naming ang mga sa Kanya’y may takot
Ng iyong kapistahan at sa lahat ng salinlahi
Ave, Ave, Ave Maria ang awa Niya’y walang hanggan.
Ave, Ave, Ave Maria
4. At ipinakita N’ya
Ang Puso’y Nagpupuri ang lakas ng Kanyang bisig
at ang mga palalo’y
Koro: Ang puso ko’y nagpupuri, pinangalat ng Panginoon.
nagpupuri sa panginoon
nagagalak ang aking espiritu 5. Ibinulid sa upuan
sa ‘king tagapagligtas. ang mga makapangyarihan

56 57
itinampok, itinaas Salve Regina (Latin)
ang mga mabababang-loob.
Salve, Regina, Mater Misericordiae:
6. At Kanya namang binusog Vita, dulcedo, et spes nostra, salve.
ang mga nangagugutom Ad te clamamus, exsules, filii Hevae.
pinaalis, walang dala Ad te suspiramus, gementes et flentes
ang mayamang mapagmataas. In hac lacrimarum valle.
Eia ergo, Advocata nostra,
Illos tuos misericordes oculos
7. Inampon n’ya ang Israel
Ad nos converte.
na Kanyang aliping hinirang
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
sa dakila N’yang pagmamahal
nobis, post hoc exsilium ostende.
at dala ng laking awa N’ya. O clemens! O pia!
O dulcis Virgo Maria!
8. Ayon sa ipinangako N’ya
sa ating mga magulang
kay Abraham at lipi n’ya MGA AWIT SA BANAL NA ROSARYO
at ito’y magpakailanman.
ANG MGA MISTERYO SA TUWA
9. Luwalhati sa Ama, 1. Ang pagpapahayag ng balita sa Mahal na
sa Anak, at sa Espiritu Santo Birhen.
kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailanman. Sinugo ng Diyos ang anghel kay Maria
‘Aba. O tigib ka ng biyaya ng Diyos.
58 59
KORO: Ave, Ave, Ave Maria 3. Ang pagsilang sa ating Panginoong
Ave, Ave, Ave Maria Hesukristo.

‘Sa pamamagitan ng Espiritu Santo At nang isinilang ang Hari ng Langit


Magiging Ina ka ng Kanyang Anak. Higaa’y sabsaban, danas ay sakit.

‘Kalooban Nya’y maganap sa akin’ Kay Birheng Maria ipinanganak


Ito ang sagot ni Mariang Birhen. Ang ating sala’y Siyang magwawalat.

2. Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Tanda ng pag-ibig ng Diyos si Hesus


Isabel. Sala’y talikdan at S’ya’y ating sundan.

Pinsan ni Maria na si Isabel 4. Ang paghahandog sa sanggol na si Hesus sa


Nagluwal ng sanggol ang pangalan ay Juan. templo

Wika ni Isabel, “Mapalad ako, At S’ya’y inialay, ang Batang Hesus


Ina ng Mesiyas dinalaw ako.” Ng kanyang Ina sa dambana ng Diyos.

Sagot ni Maria, “Puso ko’y lipos ng awit Mga anak natin sa Misa’y dalhin
At tanging papuri sa Diyos.” Sa Panginoon buhay ay ihain.

Maria ikaw din ang aming Ina


Sa mga tukso kami’y ipag-adya.

60 61
5. Ang pagkatagpo sa batang si Hesus sa 2. Ang sariling pagbubunyag ni Hesus sa
templo. kasalan sa Cana.

Minsa’y tatlong araw na Siya’y nawala Unang kababalaghang ginawa Niya


Balisa silang naghanap sa Kanya. Kasalan sa Cana, sa Galilea.

Maria’t Jose sa wakas nakita Sabi ni Maria Ina ni Hesus


Siya’y nasa tahanan ng Kanyang Ama. Gawin anumang sabihin N’ya sa ‘nyo.

Laging masunurin sa Kanyang magulang Salamat Maria sa pamamagitan


Halimbawa Niya’y ating pag-aralan. Dalin kaming lagi kay Kristong mahal.

ANG MGA MISTERYO SA LIWANAG 3. Ang pagpapahayag ni Hesus tungkol sa


paghahari ng Diyos.
1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Jordan.
Nangaral si Hesus sa mga tao
Ang buong misteryo ni Kristo Hesus Sa pagdating ng kaharian ng Diyos.
Siya ang liwanag ng ating mundo.
Ito’y misteryo ng habag at awa
Habang si Kristo ay binibinyagan Tayo ng magbalik-loob sa Kanya.
Buong kalangitan ay nabubuksan.
Patawad Hesus sa kasalanan ko
Espiritu Santo ay bumababa Turuan akong sumunod sa Iyo.
Pinagkaloob ang misyong ‘sasagawa.
62 63
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus. ANG MGA MISTERYO SA HAPIS

Nagbagong-anyo Panginoong Hesus 1. Ang pagdurusa sa halamanan ng


Doon naganap sa Bundok ng Tabor. Gethsemani.

Panginoong Hesus ay maghahari Minsa’y tinatatag sa huling hapunan


Lakas Niya’y laging mananatili. Tinapay ng Buhay Kanyang binigay.

Sabi ng Diyos pakinggan ninyo S’ya Nang Siya’y manalangin sa halamanan


Anak N’yang mahal lubhang kinalugdan. Basa ng dugo pawis ang katawan.

5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya. Bilin N’ya sa atin, “Magtanod kayo


Laging manalangin laban sa tukso.”
Ang Eukaristiya Kanyang tinatag
Tanda ng pag-ibig sa sangkatauhan. 2. Ang paghahampas sa ating Panginoon na
natatali haliging bato.
Halina’t sambahin ang Panginoon
Sa Eukaristiya Siya’y ating tanggapin. Gayon man Siya’y walang kasalanan
Ang katawan Niya’y kanilang sinaktan.
Purihin si Hesus sa Sakramento
Purihin Siya ng lahat ng tao. Nawa’y kasalanan aking puksain
At nang matutunan kitang mahalin.

64 65
O Birheng Maria, turuan ako 5. Ang pagpapako sa Krus at kamatayan ng
Gawin ding dalisay ang katawan ko. Panginoon.

3. Ang pagpuputong ng koronang tinik. Doon sa kalbaryo Siya’y pinako


Dala ng pagkakasala ng mundo.
Koronang tinik ang putong sa Kanya
Ulo’y nasugatan, Haring kinutya. Lahat ng samang umiiral ngayon
Ay s’yang nagpapako sa Panginoon.
Buong pag-iisip bigay ko sa iyo
Nang di marungisan ng isip-mundo. Laban sa dangal ng tao’t pamilya
Laban sa simbahan, laban sa kapwa.
Maria, ikaw Rosa Mistika
Pawiin ang isip kong masasama. ANG MGA MISTERYO SA LUWALHATI

4. Ang pagpasan ng Krus patungong Kalbaryo. 1. Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating


Panginoon.
Ang kahoy na krus ay Iyong pinasan
Sa aming tiisin Ika’y susundan. Nang ikatlong araw S’yang nabuhay
Yaring kamatayan di nagtagumpay.
Sa daan nagkita, Anak at Ina
Sa bundok Kalbaryo ang tungo nila. Sa Kanyang tagumpay hindi mag-iisa
Pagka’t nais tayong isama din N’ya.
Mariang kaibig-ibig kong Ina
Turuan akong magmahal sa Kanya.
66 67
Muling pagkabuhay ating kakamtan Espiritu Santo’y ating tanggapin
Kung ang kasalanan ating talikdan. Buhay nati’y Kanyang pakabanalin.

2. Ang pag-akyat sa langit ng ating Panginoon. 4. Ang pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen,
kaluluwa pati katawan.
Apatnapung araw ang nakalipas
Nagtungo sa langit si Kristong Hesus. Yumaong Maria, kanyang katawan
Hindi naagnas sa kanyang libingan.
Kay Pedrong apostol ang tanging bilin
“Kawan ko’y pakanin at ‘yong mahalin.” Inakyat sa langit ng kanyang Anak
Buong kalangitan ay nagalak.
Hesus kong mabuti’t maamong Pastol
Buhay mo’y sa amin ‘yong iniukol. Maging katawan at kaluluwa niya
Ay di nabahiran ng salang mana.
3. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga
Apostoles. 5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na
Birheng Maria
Espiritu Santo ay pagmamahal
N’yaring Diyos Anak at Ama N’yang banal Damit n’ya’y araw si Mariang Reyna
Labindalawang tala ang korona.
Siya’y isinugo sa Kanyang Simbahan
Upang tayo’y matutong magmahalan. Mariang Birhen ang s’yang nagluwal
Kay Kristong Hesus Panginoong mahal.

68 69
Sa tanging pagpanaw sa mundong ito
Tungo sa langit kami’y akayin mo.

70

You might also like