You are on page 1of 24

Diyosesis ng Novaliches

Misyong Parokya ni San Padre Pio


Bagumbong Rd, North Caloocan City

ANG SOLEMNENG PAGDIRIWANG NG VIERNES DOLORES

Ang Viernes Dolores o Biyernes ng Hapis sa tagalog ay ginaganap tuwing huling Biyernes bago ang Linggo ng
palaspas.
Ito ay pag-alaala at paggunita ng mga Kristiyano sa Pitong Sakit (Hapis) ng Mahal na Birhen Maria sa mga
parokya pinaparangalan nila ang Imahe ng Mahal na Birhen ng Hapis kung saan nagkakaroon ng mga misa,
pabasa ng pasyon mahal, prusisyon at mga pagninilay ukol sa Pitong (7) Hapis ng Mahal na Birhen. Ginugunita
rin sa araw na ito ang pamamaalam ni Kristo sa kanyang Ina bago siya pumasok sa Jerusalem, upang tuparin ang
Kanyang misyon

Ang Pitong Hapis ay mga pangyayari sa buhay ng Mahal na Birheng Maria at isang kilalang debosyon. Madalas
din itong maging paksa sa mga likhang- sining. Ugali na ng mga Katoliko ang magdasal araw-araw ng isang Aba
Ginoong Maria para sa bawat Hapis.

Ang Debosyon ng Pitong Hapis ng Mahal na Birhen

Ang mahal na Birheng Maria ay nangako nang Pitong Biyaya sa mga magdarasal at magninilay sa Pitong Hapis at
magdedebosyon dito sang-ayon kay Sta. Bridgida.

Narito ang mga Biyaya:

1. Bibigyan ko ng kapayapaan ang kanyang pamilya,


2. Magkakaruon siya ng pagkaunawa sa mga Misteryong Maka-langit,
3. Dadamayan ko siya sa kanyang mga sakit at sasamahan ko siya sa kanyang mga gawain,
4. Ibibigay ko ang kanyang mga kahilingan kung hindi ito lihis sa naisin ng aking mahal na Anak, at kung ito
ay para sa ikakabuti ng kanyang kaluluwa,
5. Ipagtatanggol ko siya sa kaaway at kakalingain sa bawat sandali ng kanyang buhay,
6. Makikita niya ang aking mukha, at siya’y aking tutulungan sa oras ng kanyang kamatayan,
7. Nakamit ko na sa aking mahal na Anak, ang pangakong mapapasa- Langit ang taong magpapalaganap
ng debosyon ng “Pitong Hapis”, dahil sa ang lahat niyang kasalanan ay patatawarin na rin.

Ang Pitong Hapis ng Mahal na Birhen ay Ito:

1. Ang Hula ni Propeta Simeon na ang isang balaraw ay tatagos sa puso ni Maria.
2. Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak.
3. Ang Pagkawala ni Jesus sa Templo.
4. Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus.
5. Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang Ina'y nakatayo sa paanan ng Krus.
6. Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni Maria ang bangkay ni Hesus.
7. Ang Paglilibing kay Hesus.
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

Makaraan ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa huling Biyernes bagu ang Lingo ng Palaspas, isasagawa
ang solemneng prusisyon sa karangalan ng 7 Hapis ng Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagligid sa mga
piling bisita o kapilya na nasasakupan ng ating simbahan.
Mga kailangang ihanda:
Pick up ng Mahal na Birhen ng Soledad
Sound System
Maliit na Altar na ihahanda sa mga bawat kapilyang daraanan.
Mga babasa sa pagtigil sa bawat estasyon.
Maaring magpapatutog ng mga Marian Songs o mga awiting may kinalaman sa Pasyon habang
binabaybay ang mga estasyon.
Bagu lumabas ng patyo sisimulan ang kaukulang katesismo ukol sa debosyon ng Pitong Hapis at mga panimulang
panalangin

ANG PITONG HAPIS NG MAHAL NA BIRHENG


MARIA
UNANG HAPIS: Ang Propesiya ni Simeon (Lucas 2, 34-35) 

Napakasakit para sa Mahal na Birheng Maria na pakinggan ang mga salita ni Simeon

patungkol sa Sanggol na Hesus. Ang mga salita ni Simeon ay nagdulot ng isang

malaking sugat sa puso ng Mahal na Birheng Maria. Ipinahayag ng Diyos sa Mahal na

Birheng Maria sa pamamagitan ni Simeon na iaalay ni Hesus ang Kanyang buhay para

sa kaligtasan ng marami sa Kanyang paglaki. 

Ang pag-aalay ni Hesus ng Kanyang sarili sa krus ay magdudulot ng sakit sa puso ng

Mahal na Birheng Maria. Isang balaraw ang tatarak sa puso ng Mahal na Birhen dahil sa

misyon ni Hesus. Mapanganib ang misyon ni Hesus. Nararamdaman na ni Maria

ngayon pa lang ang sakit na dulot ng misyon ni Hesus. Si Maria'y natatakot na para kay

Hesus. 

Takot ang nararamdaman ng Mahal na Ina noong marinig niya mula kay Simeon na ang

Panginoong Hesus ay malalagay sa panganib. Natatakot ang Mahal na Inang Maria para

sa Panginoong Hesus. Sinong ina ang hindi matatakot at mag-aalala dahil sa posibilidad
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

na malalagay sa panganib ang kanyang anak? Hindi naiiba si Maria sa lahat ng mga ina.

Ang Mahal na Inang Maria, bilang isang ina, ay natakot din para kay Hesus. 

Si Maria'y napahimutok sa pahayag ni Simeon tungkol kay Hesus. Nabagabag si Maria

nang malaman niyang isang mapanganib na landas ang tatahakin ni Hesus. Masakit ito

para kay Maria, bilang ina ni Hesus. Ginagawa ni Maria ang lahat upang mapalayo si

Hesus sa panganib at kapahamakan. Subalit, mapanganib pala ang magiging misyon ni

Hesus dito sa lupa. Kaya, ang pangyayaring ito sa buhay nina Hesus at Maria ay

nagdulot ng matinding hapis sa Mahal na Ina. 

Mahal na mahal ng Mahal na Birheng Maria ang kanyang Anak, ang ating Panginoong

Hesukristo. Nakahanda si Maria na gawin ang lahat upang mailigtas ang kanyang Anak

na si Hesus mula sa panganib. Subalit, tumatalima sa kalooban ng Diyos ang Mahal na

Birheng Maria. Kahit alam niya ang sakit na dulot ng misyon ni Hesus sa kanyang puso,

nananalig at tumalima pa rin si Maria sa kalooban ng Diyos.

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang unang hapis at sasaliwan
ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Lahat:

Ibig naming makiisa sa iyo Mahal na Señora, sa sákit mo nang hinulaan ni Simeón
ang puso mo’y magiging hantungan ng mga hirap ng mahal mong Anak. Alang-
alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming harapin ang mga pagsubok na
taglay ang paniniwala na sa dulo ng lahat ng ito ay naghihintay ang gantimpalang
inilalaan ng Diyos para sa mga taong kinalulugdan Niya.
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

Dalit:
Simeon ay bakit kaya,
iyong hinulaang bigla
yaong kamatayang dusta
ni Hesus Haring dakila
ang sa Ina’y laking hirap
na sa puso at tumarak.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKALAWANG HAPIS: Ang Pagtakas sa Ehipto (Mateo 2, 13-15) 

Hindi na isang ligtas na lugar ang Betlehem para sa Banal na Pamilya nina Hesus, Maria at

Jose. Nasa panganib ang buhay ni Hesus. Balak patayin ni Herodes ang Sanggol na Hesus.

Para kay Haring Herodes, si Hesus ay isang banta sa kanyang paghahari. Ayaw mawala si

Herodes sa kanyang kaharian. Gusto niyang manatiling hari. Gusto ni Herodes na manatili

sa kapangyarihan. Si Herodes ay isang sakim at gahaman na pinuno ng bayang Israel. 

Noong narinig ni Haring Herodes ang balita tungkol sa bagong isinilang na sanggol na

magiging hari ng Israel, nabagabag si Herodes. Si Herodes ay natakot na mawala sa

kanyang puwesto bilang hari. Gusto ni Herodes na siya lang ang magiging hari ng Israel at

siya lang ang masusunod. Ayaw ni Herodes na mapatalsik sa kanyang puwesto. Ayaw ni

Herodes na mawala ang lahat ng kanyang kapangyarihan bilang isang hari. 

Kaya, noong bumalik ang tatlong pantas mula sa silangan ay hindi bumalik kay Herodes,

doon nating nalalaman ang tunay na balak ni Herodes. Nais niyang patayin ang bata. Hindi

niya ipinahahanap at ipinagpapatay ang tatlong pantas noong hindi sila bumalik sa kanya.

Bagkus, ipinagpatay niya ang lahat ng mga inosenteng sanggol sa Betlehem. 

Upang maligtas ang Sanggol na Hesus mula sa kasakiman ni Herodes, nagpakita kay San

Jose sa panaginip ang isang anghel at ibinalita ang masamang balita. Kailangan nilang

umalis ng Betlehem at tumungo sa Ehipto alang-alang sa kaligtasan ng Banal na Sanggol.

Nasa malaking panganib si Hesus. Sanggol pa lamang Siya, nalalagay na sa panganib ang

Kanyang buhay. 

Isipin at ilarawan natin sa ating isipan kung paanong namimighati ang Mahal na Birheng

Maria dahil sa problemang dulot ng plano ni Herodes. Isang napakalaking problema ang
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

dulot ng plano ni Herodes na patayin ang Sanggol na Hesus para sa Mahal na Birheng

Maria. Ang pangyayaring ito'y naging isang hapis para sa Mahal na Ina dahil sa

kanyang pamimighati noong itinatakas nilang dalawa ni San Jose ang Sanggol na si Hesus. 

Buong pagmamahal na inaruga at kinalinga ng Mahal na Birheng Maria ang Sanggol na

Hesus sa kanyang kandungan. Nakahanda si Maria upang ipagtanggol si Hesus mula sa

panganib. Alam ni Maria na hindi pa nagsisimula ang misyon ni Hesus. Kaya, habang hindi

sinisimulan ni Hesus ang Kanyang misyon, ipinagtatanggol Siya ni Maria mula sa banta ni

Herodes sa Kanya. 

Alam ni Maria na balang araw, hindi na niya mailalayo sa panganib si Hesus. Bagkus,

masasamahan na lamang ni Maria si Hesus sa landas na Kanyang tatahakin at sa kanyang

paglaki, mapanganib na landas ang Kanyang tatahakin. Ang landas na tatahakin ni Hesus ay

patungo sa Kalbaryo. Subalit, kahit hindi Siya maipagtatanggol ni Maria, sumunod at

sinamahan ni Maria si Hesus hanggang sa huling hininga ni Hesus sa krus. 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikalawang hapis at


sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Lahat:

Ibig naming makiisa s aiyo Mahal na Señora, sa sákit, pagod at kakulangang


nadama mo nang Kayo ay naglakbay at manirahan sa Ehipto. Alang-alang sa sákit
na ito ay ituro mo sa amin na maging matapat sa Diyos sa pagtupad sa Kanyang
mga kautusan. Maging tulad mo nawa kami na matapat hindi lamang dahil sa
udyok ng kautusan kundi dahil ito ay udyok ng pagmamahal.
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

Dalit:
Laking sindak ang tumimo
sa dalisay mong puso
sa pag-uusig nuong puno,
Herodes haring palalo.
Sa Ehipto kayo lumagak, upang batang Hesus ay mailigtas.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKATLONG HAPIS: Ang Paghahanap sa Batang Hesus sa Templo ng Jerusalem


(Lucas 2, 41-50)

Tatlong araw na nawala ang Batang Hesus sa paningin ng Mahal na Inang Maria.

Pagkatapos ng Pista ng Paskuwa, ang Batang Hesus ay nagpaiwan sa Jerusalem. Labis na

nag-alala ang Mahal na Birheng Maria para sa Panginoong Hesus. Ang Mahal na Birheng

Maria ay lubos na nabagabag dahil sa pagkawala ng Panginoong Hesus sa kanyang

paningin. Isang malaking problema para sa Mahal na Birheng Maria at kay San Jose ang

pagkawala ng Panginoong Hesukristo sa Jerusalem. 

Sinong ina ang hindi mag-aalala nang lubusan kapag nawala sa kanyang paningin ang

kanyang anak? Sinong ina ang hindi maghihirap sa paghahanap sa kanyang anak hanggang

sa matagpuan niya ito? Gagawin ng isang ina ang hanapin ang kanyang anak na nawawala,

kahit gaano mang kahirap ito. Kahit napakahirap at nakakaubos ng oras ang paghahanap sa

anak na nawawala, gagawin ng isang ina ang sakripisyong ito mahanap lang ang kanyang

anak. 

Para kay Maria, napakasakit ang tatlong araw na wala si Hesus sa kanyang paningin. Ang

kanyang Anak na minamahal ay nawawala. Napakasakit para kay Maria na mawala ang

kanyang Anak. Ang Mahal na Birheng Maria at si San Jose ay naghirap sa paghahanap sa

Panginoong Hesus. Unang tinanong nila ang kanilang mga kamag-anak at mga kakilala.

Subalit, hindi kasama ng Panginoong Hesus ang kanilang mga kamag-anak o mga kakilala. 

Namimighati ang Mahal na Birheng Maria sa tatlong araw na nawala ang Panginoong

Hesukristo. Napakahalaga ang Panginoong Hesus para sa Mahal na Birheng Maria. Si

Hesus ang biyaya ng Diyos sa Mahal na Inang Maria. Sa pagkawala ng Panginoong Hesus sa

kanyang paningin, namimighati ang Mahal na Birheng Maria. Labis ang kalungkutan at
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

pagmimighating dinanas ni Maria sa loob ng tatlong araw na iyon. 

Ang kalungkutan na dinanas ni Maria at Jose sa tatlong araw na nawala si Hesus noong

matagpuan nila si Hesus sa templo. Hindi maintindihan ni Maria kung bakit nawala si

Hesus sa kanyang paningin sa loob ng tatlong araw. Kahit ang sagot ni Hesus sa katanungan

ni Maria, "Hindi po ba ninyo alam na kailangan Kong gawin ang ipinapagawa sa Akin ng

Ama?", hindi maintindihan ni Maria. 

Iningatan ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang puso ang lahat ng nangyari. Bagamat

hindi niya naintindihan kung bakit nangyari ang pagkawala ni Hesus, iningatan pa rin ni

Maria ang lahat ng iyon sa kanyang puso upang pagnilay-nilayan. Sa katahimikan,

pinagninilayan ni Maria ang lahat ng mga nangyari sa buhay ni Hesus. 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikatlong hapis at


sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Lahat:

Ibig naming makiisa sa iyo Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong


mawala ng tatlong araw ang Iyong Anak na si Hesús sa templo sa Herusalem.
Ibigay mo sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan upang manatili kaming
mabubuting Kristiyano at ang masaganang luha ng pagsisisi sa aming mga
kasalanan na siyang sanhi ng pagkakalayo namin sa Diyos. Turuan mo kaming
pahalagahan ang aming pananampalataya at pagsisihan ang aming mga kasalanan
nang kami ay di mawalay sa Iyong Anak.

Dalit:

Sa mata mo ay bumaha
isang dagat na luha
nang ang batang si Hesus ay mawala,
ang pagod ay di sapala:
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City
dibdib Mo’y halos mawalat
sa kadakilaan ng dusa’t hirap.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay


sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa
Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit.


Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako
Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgeng tigib ng hapis at lumbay,


Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na
sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKAAPAT NA HAPIS: Ang Pagsalubong nina Hesus at Maria sa daang


patungong Kalbaryo 

Ang mga pinakamasakit na sandali sa buhay ni Maria ay naganap noong unang Biyernes

Santo. Sa araw ng pagdurusa ni Hesus, mas lalong nagdusa si Maria. Hinding-hinding

ninanais ng isang ina na makita ang kanyang anak na nagdurusa. Masakit para sa isang ina

na makita ang kanyang anak na nagdurusa. 

Nadama ni Maria ang pagdurusa ni Hesus. Ang bawat sakit na naramdaman ni Hesus dahil

sa koronang tinik at ang bigat ng krus ay naramdaman din ni Maria. Ang engkuwentro nina

Hesus at Maria sa Via Dolorosa ay nagdulot ng matinding sakit sa puso ni Maria. Muling

tinarakan ng isang balaraw ang kalinis-linisang puso ni Maria. 

Wala nang magawa si Maria para sa kanyang Anak na nagdurusa. Hindi na niya mailalayo

mula sa panganib ang kanyang Anak. Kahit nais ng Mahal na Birheng Maria na itakas ang

Panginoong Hesus mula sa kamatayan sa Kalbaryo, hindi niya magawa ito. Bakit? Ang

kamatayan ng Panginoong Hesukristo ang kalooban ng Diyos. Kalooban ng Diyos na

mamatay si Hesus sa krus sa Kalbaryo alang-alang sa kaligtasan ng sangkatauhan. 

Habang pinapasan ni Hesus ang mabigat na krus, sinusundan Siya ni Maria sa katahimikan.

Tahimik na tinanggap ng Mahal na Inang Maria ang kalooban ng Diyos. Hindi pinabayaan

ni Maria si Hesus na magdusa mag-isa. Bagkus, nakiisa si Maria sa pagdurusa ni Hesus. 

Makikita din natin sa hapis na ito ang pagiging matatag ng Mahal na Birheng Maria sa

kabila ng pagsubok. Isang napakalaking pagsubok para kay Maria ang pagtatagpo nila ni

Hesus sa Via Dolorosa. Pero, sa kabila ng hapis na nadama ni Maria sa pagtatagpong iyon,

sinamahan pa rin ni Maria si Hesus hanggang sa huli. Hinding-hindi pinabayaan ni Maria si


Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

Hesus sa Kanyang pagdurusa. 

Tayo ba, handa ba tayong samahan at sumunod kay Hesus, sa kabila ng mga pagsubok sa

buhay, katulad ng Mahal na Birheng Maria? 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikaapat na hapis


at sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa sa iyo Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong makita
mo ang kahabag-habag na lagay ni Hesukristong nagpapasan ng krus patungong
Kalbaryo, pinaghihilahanan, inaalipusta’t minumura ng mga tampalasang Hudyo.
Ibigay mo po sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan ng loob na
tanggapin sa lahat ng pagkakataon ang kalooban ng Ama sapagkat sa gayong
paraan lamang maaaring matamasa ang tamis ng krus ni Kristo at mayakap ito ng
buong pagmamahal at matagumpay na pasanin sa aming buhay.

Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama namin


ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo,
na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak. Nais naming
tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo namin at pakiki-isa sa mga
masasamang gawain --- mga kasamaang nagwawalay sa amin sa pagpapala ng
Iyong Anak. Tulungan mo kamng makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang
maunawaan namin ang aming mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng
buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aming
kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang ninanasa namin dito sa
septenariong ito. Siya Nawa.

Dalit:
Oh namimighating Ina!
Mukha’y hindi na makilala
ng Anak Mong sinisinta,
sa lansanga’y nagdurusa:
dala ang Krus na mabigat,
ang dugo’y dumadanak.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,


Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKALIMANG HAPIS: Si Maria at Juan sa paanan ng krus ni Hesus (Juan 19, 25-


27) 

Ano ang gagawin ng isang ina kapag nakikita niya ang kanyang anak na naghihingalo sa

harapan niya? Ano ang nararamdaman niya? 

Napakasakit para sa Mahal na Birheng Maria na makita ang Panginoong Hesus na

naghihingalo sa krus. Ang kanyang Anak na inaruga at inalagaan niya mula sa Kanyang

pagkabata hanggang sa simula ng Kanyang pangangaral ay unti-unting namamatay sa krus.

Unti-unting binabawian ng buhay si Hesus, ang Anak ng Diyos at Anak ni Maria.  

Labis na nagdusa si Hesus sa krus. Napakasakit ang dinanas ni Hesus noong Siya'y

nakabayubay sa krus. Noong ipinapako si Hesus sa krus, napakasakit ang mga pakong

ipinapako sa Kanyang mga kamay at paa. Ganun din noong itinaas ang krus at Siya'y

itinampok sa mga tao. Hindi makahinga nang maayos si Hesus. Kinakailangang isuporta ni

Hesus ang Kanyang katawan para makahinga gamit ang Kanyang likod at paa. 

Hindi lang iyan ang pagdurusang dinanas ni Hesus sa Kalbaryo. Nagdusa si Hesus noong

Siya'y nilibak ng Kanyang mga kaaway. Ininsulto at binastos si Hesus ng Kanyang mga

kaaway. Nakapako na nga si Hesus sa krus, nililibak pa rin Siya. Walang kalaban-laban si

Hesus noong Siya ay nasa Kalbaryo. Napakasakit ang mga pisikal at emosyonal na

pagdurusa ni Hesus noong Siya ay nakabayubay sa krus sa Kalbaryo. 

Kahit nagdurusa ni Hesus, hindi Siya pinabayaan ng Kanyang Inang Maria. Ang Mahal na

Birheng Maria ay nagdurusa din habang si Hesus ay nagdurusa. Damang-dama ng Mahal na

Birheng Maria ang pagdurusa ng kanyang Anak na si Hesus. Si Maria ay nakiisa sa

pagdurusa ni Hesus sa krus sa Kalbaryo habang siya ay nasa paanan ng krus ni Hesus. 

Inihabilin ni Hesus ang Mahal na Birheng Maria sa pangangalaga ni San Juan, na


Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

kumakatawan sa ating lahat. Tayo rin po ay mga anak ng Mahal na Birheng Maria. Kapag

tayo ay nasasaktan o nagdurusa, nararamdaman at nakikiisa ang Mahal na Birheng Maria

sa ating mga sakit o pagdurusa sa buhay. Siya ang ating ina. Hindi ninanais ng isang ina na

makita ang kanyang (mga) anak na nagdurusa o nasasaktan. 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikalimang hapis


at sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Señora upang kahit
sa huling sandali’y maghain sa kanya ng pagmamahal at upang ihain din sa Ama
ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng sarili ng Diyos Anak. Sinundan mo Siya
hanggang sa Krus. Sumampalataya ka hanggang sa Krus. Ang Krus nga ang
palatandaan ng pagiging tunay na Kristiyano. At Krus din ang dahilan kung bakit
mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo kaming pasanin ang Krus na ito O
Inang mahal. At tulad mo’y maging bahagi din sana kami ng pag-aalay ng
Panginoon, para sa aming kaligtasan at sa kaligtasan ng iba.

Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa
ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong
pinahirapang Anak. Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang
mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis. Nawa’y tumimo sa aming
isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo upang sa mga
sandali ng aming panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing
gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging
marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay
ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa septenariong ito. Siya
Nawa.

Dalit:

Walang kabagay na hapis


Oh Ina, ang Iyong tiniis,
hindi sukat na malirip
ang iyong pagkakamasid
sa lagay ng Anak mong giliw at liyag
na sa Krus ay nagdurusa’t naghihirap.
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKAANIM NA HAPIS: Ibinaba si Hesus sa Krus 

Tapos na ang pagdurusa ni Hesus sa krus. 

Subalit, nagdusa pa rin ang Mahal na Inang Maria, kahit na binawian ng buhay ang

Panginoong Hesus. Noong kinandong ng Mahal na Birheng Maria ang katawan ni Hesus na

kamamatay lamang, nakaranas siya ng matinding hapis. Isang matinding hapis ang dinanas

ni Maria noong kinandong niya ang katawan ni Hesus na wala nang buhay, wala nang

hininga. 

Noong nabubuhay si Hesus, sa tuwing may pagkakataong nalulumbay si Maria, nandoon si

Hesus upang aliwin ang Kanyang Ina. Ngayong patay na si Hesus, wala na ang tagapag-aliw

ng Mahal na Birheng Maria. Matinding hapis at kalungkutan ang dinanas ni Maria nang

makita ang kanyang minamahal na Anak na binawian ng buhay. 

Alam ni Maria ang pakiramdam ng pagkawala ng mahal sa buhay. Alam ng Mahal na Ina

kung ano ang nararamdaman natin sa pagpanaw ng ating mga mahal sa buhay. Naranasan

ni Maria ang hapis ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, ni San Jose, at ngayon

naman, ng kanyang minamahal na Anak na si Hesus. 

Tapos na ang pagdurusa na dinanas ni Hesus sa krus ng Kalbaryo. Subalit, ang pagduyan sa

bangkay ni Hesus ay nagdulot ng matinding hapis sa puso ng Mahal na Birheng Maria.

Napakasakit para sa Mahal na Inang Maria ang pagkamatay ng Panginoong Hesus, ang

kanyang Anak na minamahal. 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikaanim na hapis


at sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City
B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Lahat:

O Mahal na Señora, isama mo kami sa sákit na nadama mo nang ibaba sa Krus at


ilagak sa kandungan mo ang walang buhay ng katawan ng Iyong Anak. Alang-alang
sa sákit na ito ay matutunan nawa naming higit na pahalagahan ang Panginoon at
hindi ang mga materyal na bagay at mga kaabalahan na lumilipas at nawawala.
Ang pagmamahal nawang ito ay makita sa pag-ibig namin sa aming kapwa lalung-
lalo na sa mga nangangailangan ng aming kalinga.

Namimighating Ina ng lalong pinasakitang Anak, naririyan ka at nag-iisa sa


mapanglaw na silid. Ang mapanglaw na gabi ay nagpapahiwatig sa Iyo na lumubog
na ang araw ng katuwiran, si Hesus, na ngayon ay pinanawan na ng buhay sa
bundok ng Kalbaryo. Ang masasayang araw na nagdudulot ng kaliwanagan ay
natapos na. Ibang-iba ang mga sandaling ito kaysa sa nang mapuspos ka ng
Espiritu Santo at naglihi sa Kanya, gayon din nang Siya ay isilang sa Bethlehem.
Paano namin magiging marapatin ang aming sarili gayong natatalos naming kami
at ang aming mga kasalanan ang sanhi ng lahat ng kalungkutang ito? Nangangako
kami Mahal na Ina, pagsusumikapan naming maituwid ang aming mga
pagkukulang at pagsusumikapang mamuhay sa katarungan upang maki-isa sa
Kanya sa Kanyang kaluwalhatian. At nawa’y ang mga kahilingan namin sa
pamamagitan ng septenariong ito ay aming makamtan. Siya nawa.

Dalit:
Nang nasa Iyong kandungan,
ang kay Hesus na bangkay,
Birheng Ina’y napasaan
ang sa Beleng kaaliwan?
Naparam na nga’t lumipas
ang madla mong tuwang lahat na.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

(Makayari nito ay tahimik na lilisan patungo sa susunod na estasyon at


magpapatugtog ng mga malulungkot na musika patungkol sa Mahal na Ina.)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

IKAPITONG HAPIS: Inilibing si Hesus (Mateo 27, 57-61; Marcos 15, 42-47;
Lucas 23, 50-56; Juan 19, 38-42) 

May ugnayan ang ikapito at huling hapis ng Mahal na Birheng Maria sa ikaanim na hapis.

Pagkatapos ibaba ang bangkay ni Hesus mula sa krus, idinuyan siya ni Maria. Ang araw na

iyon ay ang Araw ng Paghahanda ng mga Hudyo, kaya kinailangang ilibing agad si Hesus.

Napakahalaga para sa mga Hudyo ang Araw ng Paghahanda. Kaya, kinailangang ilibing

agad si Hesus. 

Ilang ulit nang naramdaman ng Mahal na Birheng Maria na mamatayan ng mga mahal sa

buhay at ilibing sila. Naranasan ni Maria ang hapis at kalungkutan dulot ng pagpanaw at

paglilibing sa kanyang mga magulang na sina Santa Ana at San Joaquin. Naranasan din ni

Maria ang hapis at kalungkutan noong si San Jose ay pumanaw at ilibing. Muling naranasan

ni Maria ang hapis at kalungkutan ng pagpanaw ng mahal sa buhay sa pagpanaw ni Hesus

at noong Siya'y nilibing. 

Subalit, sa kabila ng kalungkutan at hapis na dulot ng pagkamatay ni Hesus, hindi nawalan

ng pananalig at pag-asa ang Mahal na Birheng Maria. Nananalig ang Mahal na Birheng

Maria na hindi magtatapos ang misyon ng Panginoong Hesus sa kamatayan. Alam ng Mahal

na Birheng Maria kung bakit naparito ang Panginoong Hesukristo sa sanlibutan - iligtas ang

sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan. Hindi pa matatapos ang lahat sa krus at

kamatayan. 

Alam ni Maria na hindi magtatagal at muling mabubuhay si Hesus. Sa Muling Pagkabuha

ni Hesus, mapapawi at mawawala ang lahat ng kanyang hapis at kalungkutan dulot ng

Biyernes Santo. Nananalig si Maria sa plano ng Diyos, sa kabila ng matinding pagsubok sa

kanyang buhay. Buong pananalig tinanggap at tumalima ang Mahal na Birheng Maria ang
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City
kalooban ng Diyos. 

(Sandaling katahimikan matapos ito, habang pinagninilayan ang ikapitong hapis


at sasaliwan ng musika at isusunod ang kaukulang panalangin)

N: Birheng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina! Maningning na


ilaw ng Pilipinas,

B: Birheng dinarangal ng bayang sinisinta!

Lahat:

Ibig naming makiisa s aiyo Mahal na Señora, sa pangungulila at pag-iisa noong


mailibing na ang Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay madala nawa namin sa
aming buhay ang pag-ibig sa Diyos at sa aming kapwa, upang maging amin ang
buhay at kamatayan ni Kristo. Kami nawa ay mamatay sa pamamagitan ng
pagpapakasákit at pagsisisi sa aming mga kasalanan, nang si Kristo ay mabuhay sa
amin sa pamamagitan ng pag-ibig. Maibahagi nawa namin sa iba ang aming buhay
upang maisabuhay namin ang buhay ni Kristong Iyong Anak.

Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid namin ang hirap na Iyong


nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit ang sugatan
at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa Iyong mga
pagpapakasakit ay pagkalooban mo kami, Mahal na Ina, ng mga biyayang
kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang makasalanang naming sarili
ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling mabuhay alang-alang sa Kanyang
kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling namin sa pamamagitan ng septenariong ito.
Siya nawa.

Dalit:

Sa akin ngayo’y wala na


ang buhay ko at ginhawa,
ilaw niring mga mata,
si Hesus kong sinisinta:
ang tawag na mapalad
sa aki’y hindi na karapatdapat.

N: Birheng tigib ng lumbay at hapis,

B: Sa ami’y igawad and buhay na mapalad!

(Dasalin ng 10 beses tulad sa butil ng rosaryo, pamalit sa nakagawiang Aba


Ginoong Maria)
Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

N: Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz


ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman
sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

B: Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong


pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan
ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

N: Oh katamis-tamisang Birheng tigib ng hapis at lumbay,

B: Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na


sadyang kay tatag!

Makayari nito ay tahimik na lilisan patungong simbahan para sa bendisyon at


paghahayo sa mga sumama,magpapatugtog ng mga malulungkot na musika
patungkol sa Mahal na Ina.

Pagkabalik sa Simbahan ay pangungunahan ng Pari ang isang maikling panalangin


at pagbebendisyon sa mga sumama:

KATAPUSANG BAHAGI
(Haharap sa imahen ng Mahal na Birhen at iinsensuhan sumandali at isusunod ang kaukulang
panalangin)

Pari:

Panalangin sa Mahal na Birhen, Ina ng Hapis

O maawaing María,

Inang kalinislinisan ng Poong Divino Verbo,

Birheng natigib nang lumbay at kapighatian,

nagpapakababa kami ngayon

sa aming pagkakaluhod dito sa harap mo,

at isinasamo namin sa iyo

na kami ay tulungan mo,

at iyong papanglumuhin tuwina


Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

ang aming mga puso,

nang matutuhan naming alalahanin

at kahabagan ang tanang hirap

na tiniis nang Anak mong si Jesucristo,

at ang hapis na dinalita mo,

sapagkat dinamayan mo siya

sa kaniyang mahal na Pasion

at yamang isinakop niya sa amin

ang kaniyang dugo,

at ikaw naman ay lumuha dahilan sa amin,

hingin mo sa kaniya na kami ay mabuhay

at mamatay sa kabanalan,

at gayon din naman ang biyayang bukod,

na ninanasa namin,

kung ikapupuri ninyong mag Ina,

ikagagaling ng mga kaluluwa namin.

Amen.

(Haharap sa taumbayan na sumama sa prusisyon)

Manalangin tayo

Ama naming makapangyarihan,

Yayaman ng aming naganap ang pagsariwa at pag ala-ala sa pagpapakasakit na tinahak


Diyosesis ng Novaliches
Misyong Parokya ni San Padre Pio
Bagumbong Rd, North Caloocan City

Ng Mahal na Birheng Mariang pinili mong tunay na maging ina ng Iyong Anak.

Kami nawang mga makasalanang nagging dahilan ng Kanyang sakit at Kamatayan

Ay papagpanibaguhin mong ganap lalo na ngayong pumapasok na kami sa mga banal na

araw.

Taglayin nawa namin ang Iyong walang hanggang awa at pagpapatawad. ✠

B: AMEN.

(Maaring maghanda ng isang payak na pa-Caridad sa mga sumama)

Annex
1. Maria, Tala sa Karagatan
2. Stella Maris
3. Inay
4. Mariang Ina ko
5. Stabat Mater (Tagalog, bersyon ni Ernest Paz)
6. Pieta (Hangad)
7. Hindi Kita Malilimutan

You might also like