You are on page 1of 2

RITU NG PAGTANGGAP SA BANAL NA IMAHEN (Revised)

Processional
Prusisyon na may ayon na musika.
Pagdako sa pook ng tagpuan o sa patio ng simbahan

Pagbati
Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.
Panimula
P: Hinirang ng Diyos sa San Roque at sina San Nicolas at Santo Domingo bilang mga modelo
ng tapat at walang maliw na paglilingkod sa Diyos at kapwa. Sa gitna ng mga salot at
pandemya, unos at kabiguan, naging modelo sila ng lahat ng katapatan sa Diyos
at paglilingkod sa Kanyang simbahan.
Pambungad na Panalangin
P: Manalangin tayo. (pause)
Ama Naming Makapangyarihan,
minarapat mong ipasyang hirangin sina San Roque, Sto. Domingo at San Nicolas
upang maging ehemplo ng paglilingkod at pagdamay sa mga nangangailangan.
Sa aming pagpaparangal sa kanya bilang tagapagtangkilik sa lupang ibabaw,
kami nawa’y maging dapat na idalangin n’ya sa Iyo sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

Pagpapahayag ng Mabuting Balita

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Ang Mabuting Balita ayon kay San Mateo (Mateo 7: 7-12)
Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon.
Pari: "Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo;
kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang
bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan
ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo
siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong
magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na
nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng
Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Kung angkop,maaaring magbigay ng Pagninilay

Pinuno: Manalangin tayo. (pause)


Ama naming mapagmahal,
pakinggan mo nawa ang mga panalangin ng iyong sambayanan.
Ipagkaloob mo na sa tulong ng mga panalangin ni San Roque, (iba pang mga santo)
maging mga daan nawa kami ng iyong pagmamahal at habag na para sa lahat.
Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
P: Ama namin (Awitin habang winiwisikan at inesensuhan ang mga imahen)
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Tanggapin Ninyo ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos
(+) Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
B: Amen.
P: Humayo kayo at simulan ang pananalangin ng sama-sama
bilang isang pamayanan ni Kristo na ating Panginoon.
B: Salamat sa Diyos.
(maaaring dumako sa prusisyon at umawit ng angkop na maringal na awit)

You might also like