You are on page 1of 3

Diocesan Commission on Liturgical Music

DIOCESE OF SAN PABLO

ANG LITURHIYA AT ANG MGA AWITING SEKULAR

Muli na namang papasok ang Simbahan sa Panahon ng Kuwaresma, ang ating pagninilay sa
Misteryo Paskwal ng ating Panginoong Hesus, ang kanyang paghihirap, kamatayan, at muling
pagkabuhay. Ang panahong ito, lalo na ang mga Mahal na Araw, ay kadalasang naglalaman
ng mga natatanging pagdiriwang na nararanasan lamang natin sa panahong ito sa loob ng
taong liturhikal. Ito ay mga pagdiriwang na mayaman sa tradisyon at mga aral na malapít sa
atin bilang mga Kristyano Katoliko. Kahit ang pandemyang ating kinakaharap ngayon ay
hindi hadlang para sa atin na ipagdiwang at alalahanin ang mga misteryong ito ng ating
pananampalataya. Katulad ng iba pang mga pagdiriwang ng Simbahan, mahalaga sa mga
tradisyon at gawaing ito ng Kuwaresma ang banal na musika.

Ngunit kapansin pansin pa rin na kadalasan ay pumapasok ang mga sekular na awitin sa
ating mga gawaing pangsamba. Hindi lamang tuwing Kuwaresma, pero kahit sa anumang
mga pagdiriwang ng Simbahan ay nangyayari ito – lalo’t higit sa Sakramento ng Kasal at sa
Pagdiriwang ng Misa ng Paglilibing. Nauna nang naglabas ang Komisyon ng mga Patnubay at
Awitini tungkol sa mga ito, ngunit mainam na muling bigyang paalala ang bagay na ito sa
ngayon.

“The introduction into the celebration of anything which is merely secular, or which is hardly
compatible with divine worship, under the guise of solemnity should be carefully avoided.” ii

Ang Liturhiya ay ang pagkilos ni Kristo bilang Kataas-taasang Pari at ang pakikiisa dito ng
buong Simbahan bilang kanyang Katawang Mistiko.iii Dahil dito, ang Simbahan, kaisa ni
Kristo, ay nagtatakda ng mga tagubilin upang maging kaaya-aya ang sama-samang pagsamba
sa Diyos. Anumang bagay, tulad ng musika, na hindi umaakma sa kabanalang ninaais ng
Simbahan para sa pagsamba ay marapat lamang na iwasan. Kailanman ay hindi naging
tahasang batayan ang pansariling kagustuhan lamang para sa pagpili ng maaaring awitin sa
Liturhiya.

Halimbawa: ang mga love songs ay kailanman walang puwang sa mga pagdiriwang ng
Sakramento ng Kasal o anumang Misa.iv Kahit na maganda ang musicality, o magaling ang
pagkakaawit, kadalsan pa’y ang mensahe ng mga awiting ito ay tungkol lamang sa makatao
o kaya’y pisikal na kagandahan at pagmamahal. May dahilan kung bakit ang mga teksto ng
Banal na Kasulatan ang isa sa mga batayan ng pagbuo at pagpili ng awitin sa Misa, sapagkat
nilalaman nito ang salaysay ng pag-ibig ng Diyos sa tao. Hindi ba’t mas mainam pa sanang
awitin ang himno ni San Pablo tungkol sa Pag-ibig (13th Chapter of the Letter to the
Corinthians), na nailapat na naman sa musika ng ilang kompositor?v
Diocesan Commission on Liturgical Music
DIOCESE OF SAN PABLO

“No kind of sacred music is prohibited from liturgical actions by the Church as long as it
corresponds to the spirit of the liturgical celebration itself and the nature of its individual parts,
and does not hinder the active participation of the people.”vi

Nagbigay ang Simbahan ng mga pangunahing pamantayan upang masiguro na ang awit ay
tunay na karapat-dapat sa Liturhiya. Una, marapat na ito ay umaakma sa diwa ng
pagdiriwang. Kaya nga naglalabas ang Komisyon ng mga talaan ng mga angkop na awitin sa
bawat liturhikal na panahon upang masiguro na ang mga ito ay tunay na napag-aralan na
umaangkop sa diwa ng pagdiriwang. Marahil ay luma ang ibang awitin, ngunit ang mga ito
ay masasabing tunay na sumasalamin sa diwa ng panahon at pagdiriwang kaya hindi
maiwawaglit sa talaan. Sa ganitong diwa kaya pinahahalagahan ng Simbahan ang mga
plainchantsvii lalo’t higit ang mga hango sa Gradualeviii sapagkat ang mga ito ang batayan ng
awitin sa Banal na Misa.

Ikalawa ay ang pag-angkop sa natura ng bawat bahagi ng Misa. Kaya kinakailangan din ang
paghuhubog liturhikal sa mga mang-aawit – ang pagkakaiba ng Proper sa mga Ordinary ng
Misa, ang mga hymns, responsories, litanies, acclamations, at iba pa na ginagamit sa Misa, at
ang mga katangian nito ayon sa teksto, teolohiya, at papel nito sa pagdiriwang. Kaya maingat
ang Komisyon sa basta-bastang pagpayag sa mga bagong komposisyon. Kailangan munang
siyasatin ang kaangkupan ng mga ito sa hinihingi ng bawat bahagi ng Misa.

Ikatlo ay para sa pakikiisa ng mga mananampalataya. Ngunit muling pinapaalala na ang


pakikiisang ito ay may dalawang bahagi – internal at externalix. Ang awit ay tumutulong sa
mananampalataya na iugnay ang kanyang kalooban sa misteryo ng pananampalatayang
kanyang ipinagdiriwang kasama ng sambayanan, at ito rin naman ay magpakilos sa kanya na
makiisa sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pakikinig, pag-awit, at ang iba pang mga pagkilos
dito. Kaya nga sa ganitong diwa, ang mga talaan ng awitin na inilalabas ng Komisyon ay
naglalaman ng maraming suhestyong awit. Hindi dapat manatili na lamang sa isang set ng
mga awitin lalo na kung may iba pa namang maaaring pag-aralan at maituro sa mga
mananampalataya. Dito naman papasok ang pagnanais ng mga mang-aawit na sumunod sa
mga talaan, ang mag-aral ng mga ito, upang sila at ang mga tao ay magkaroon din ng malawak
na kaalaman sa mga awiting pangsamba.

Bilang mga mang-aawit sa mga banal na pagdiriwang ng Simbahan, huwag nating hayaan
ang pandemya na humadlang sa ating paglago sa kaalaman at kalinangan sa pag-awit.
Nauuhaw ang mga tao sa pagdiriwang na kaaya-aya at tunay na kabanal-banalan, at malaki
ang papel ng pag-awit upang maalala at maranasan nila ang Diyos at ang kabuuan ng
Diocesan Commission on Liturgical Music
DIOCESE OF SAN PABLO

Simbahan sa ating mga pagdiriwang. Bakit natin sila hahayaan na makarinig ng mga awiting
naririnig na naman nila sa kanilang bahay, sa mga kainan at kapehan, sa kanilang mga
napapanood sa telebisyon at social media – mga sekular na awitin – sa loob ng mga banal na
pagdiriwang? Handugan natin sila ng mga tunay na awiting magbubunsod sa kanilang
sumamba sa Diyos! Mga awiting magbibigay ng pag-asang di kayang ibigay ng mundong ito
na lumilipas lamang – pag-asang nagbubukas tungo sa kadakilaan at pagpupuring walang
hanggan.

Reb. P. Amadeo P. Alveyra Jr.


Direktor

Miyerkules ng Abo
17 Pebrero 2021

Endnotes:
iKomisyon ng Musikang Pangliturhiya, Mga Patnubay At Awitin: Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-Iisang
Dibdib at Pagmimisa sa Paglilibing ng Yumaong Kristiyano, 2017.
ii Instruction on Music in the Liturgy Musicam Sacram (1967), no. 43.
iii Second Vatican Council, Constitution on the Sacred Liturgy Sacrosanctum Concilium (1963), no. 7.
iv Mga Patnubay at Awitin, no. 9; MS, no. 43.
vHalimbawa: Ferdinand Bautista, Ang Pag-ibig: Hango sa Sulat ni San Pablo sa mga Taga-Corinto (2011);
David Haas, Love Never Fails (1985); tingnan sa Mga Patnubay at Awitin: Appendix
vi MS, no. 9.
vii MS, no. 4b
Ang Graduale ang itinuturing na opisyal na hymnal ng Simbahang Katolika. Nilalaman nito ang mga Propers
viii

ng lahat ng Linggo sa Taong Liturhikal, ng Sanctoral o sa pagdiriwang ng mga Banal, ang mga opisyal na
Ordinaries ng Misa at mga traditional na himno.
ix MS, no. 15.

You might also like