You are on page 1of 2

Ika-24 ng Pebrero, 2020

Sa lahat ng mga Koro (Parokya at Areas), manunugtog at mga kasapi ng Music Ministry ng Parokya ni San Jose,

Pagbati sa ating Panginoong Hesukristo!

Sa ilang araw lang po, tayo po ay papasok na sa Banal na Panahon ng Kuwaresma. Ang Kuwaresma ay isang
natatanging panahon kung saan tayo ay umaakyat sa bundok ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang
Kuwaresma ay may dalawang natatanging pagkakakilanlan, una ay upang ihanda ang mga bagong sapi ng
Simbahan, at tayong mga binyagan na, sa pagdiriwang ng Misterio Paskwal; at ito rin ay upang pahalagahan
ang pagsisisi. Ang layon ng panahong ito ay dalhin tayo sa disiplina at pagkamuhi sa ating mga kasalanan. Ang
Kuwaresma ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo hanggang sa Misa ng Huling Hapunan ng Huwebes Santo.

Ang Musika ay may malaking pagganap sa pagdiriwang ng Banal na panahong ito; sa mga pag-awit sa
mga Misa at sa iba’t-ibang Liturhiya ng panahong ito, at upang magturo sa mga tao patungkol sa iba’t-
ibang aral ng Kuwaresma. Dahil dito, napakahalaga na ang mga sumusunod na alituntuning Pang-Liturhiya, at
ang ang paalala nito, ay ating maisagawa upang tayo ay makapagbigay sa Parokya, at sa mga
mananampalataya, nang kung ano ang nararapat sa panahong ito, sa ating pagsisilbi sa pamamagitan ng
Musika.

1.Ang ‘Aleluya’ ay hindi aawitin mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Magdamagang Pagdiriwang ng
Pasko ng Muling Pagkabuhay.

2. Ang Papuri ay hindi aawitin maliban na lang kung ito ay minumungkahi ng ordo (Dakilang Kapistahan ni San
Jose, esposo ni Maria sa ika-19 ng Marso. At sa Dakilang Kapistahan ng Pagbabalita sa Mahal na Birhen sa
Ika-25 ng Marso)

3. Sa panahon ng Kuwaresma, ang paggamit ng mga instrumento ay upang bigyan lamang ng simpleng
pagsabay sa mga awit (Kasama rito ang pagdiriwang ng kasal at iba pang mga Liturhiya) Maliban sa ika-4 na
Linggo ng Kuwaresma, Linggo ng Laetare (ika-22 ng Marso) at iba pang mga araw na may mga Dakilang
Kapistahan, at Kapistahan, ang mga instrumento ay maaaring tugtugin.

Mainam na pakatandaan na ang mga instrumento ay gamitin lamang sa ‘pigil’ at simpleng paraan.

4. Ang Kuwaresma, bilang isang panahong na nagbibigay diin sa Pagsisi sa Kasalanan, ay higit na
nagmumungkahi sa atin na gumamit ng mga awit na ‘Penitential in Character’ (Mga awit na nagsasabi ng
Pagsisisi.) Ang paulit-ulit na paggamit ng Salmo 51 ay napakagandang gawin, gayun din ng mga awit na
magdudulot ng pagkamuhi sa kasalanan.
Sapagkat walang ‘Gloria’ sa panahong ito, ang ‘Kyrie’ o ang ‘Panginoon Maawa Ka’ ay ating bibigyang diin sa
pagdiriwang ng Misa.

5. Ang Kuwaresma ay nagbibigay pahalaga rin sa Sakramento ng Binyag o nang mga awit na nagpapakita ng
Pag-ibig ng Diyos. Ito ay upang tumimo sa mga mananampalataya ang pag-ibig sa Diyos at pananatiling tapat
sa Inang Simbahan.

6. Alinsunod sa Musica Sacram, tayo ay inaaanyayahan na umawit ng mga ‘Chants’. Ang panahon ng
Kuwaresma ay isang panahon na may pagpipigil, muli nating buhayin ang katangian ng pagiging ‘pigil’ ng
panahong ito sa pamamagitan ng pag-awit ng mga ‘Chants.’
7.Ang Kuwaresma sa Pilipinas ay natatangi dahil ang taludtod ng ilang mga awit sa Aklat ng pagmimisa sa
Roma ay naka-akma sa sukat ng ating Pasyong Mahal. Tayo ay inaanyayahan na ipagpatuloy ang tradisyong ito
sa paggamit ng mga tono ng Mahal na Pasyon sa Liturhiya (Pambungad na Antipona, Antipona sa Mabuting
Balita at iba pang mga Aklamasyon)

8. Sa mga pang-araw-araw na Misa, maliban sa Miyerkules at Biyernes, hindi po muna tayo aawit ng ‘Awit sa
Pag-aalay’ o Offertoria. Ito ay upang maisagawa ang ‘Fasting of the Ears’

9. Maaari o maaaring walang ‘Awit Panapos’ o Recessional sa Panahon ng Kuwaresma, ngunit, maging maalam
po tayo sa pagpili ng awiting panapos.

Ang mga ito ay ating isasagawa upang magkaroon ng makabuluhan na pagdiriwang ng Panahon ng
Kuwaresma; nang sa gayon ang mga mananampalataya ay magkaroon ng paghahangad sa panahon ng
Pagkabuhay at upang makita ang pagkakaiba-iba ng Panahon sa Litirhiya.

Mga Karagdagan

1. Ang Misang ating ipinagdiriwang ay isang ‘Sagutang Misa’ kaya po mahalaga na ating sundin ang mga
alituntunin patungkol dito.

2. Sabi ni Papa Francisco ‘May kahalagahan ang Banal na Katahimikan sa pagdiriwang ng Liturhiya.’ Hangga’t
maaari, atin pong isagawa ito matapos ang Komunyon.

3.Sa araw ng Linggo lahat ng awit ay aawitin, sa mga pang-araw-aarw na Misa ang mga aklamasyon lamang po
ang aawitin, at kung may prusisyon sa Misa (Pambungad, Pag-aalay ng mga Alay) ito ay sasabayan ng awit.

4. Ating pong panatilihin ang katahimikan, disiplina at tamang paggalaw pag nasa Choirloft, lalo na kapag
may Misa, tayo po ay makiisa.

5. Maging maingat po kapag tayo ay tumatanggap ng Banal na Komunyon. Siguraduhin na ang Banal na
Ostiya ay nasa maayos na kalagayan sa inyong kamay, kung hindi ito kakainin agad. Sa panahon ng
Pakikibang, hagga’t maaari, iwasang magkaroon ng hawak (Papel, Cellular Phones at iba pa) kapag hawak
niyo ang Ostiya. Kapag may pagkakataong kainin na ito, ito po ay gawin na agad.

Nawa ang mga alituntuin at paalalang ito ay maging isang magandang gabay sa ating mga Lirurhiya lalo na sa
panahon ng Kuwaresma.

Salamat at pagpalain kayo ng Diyos. San Jose, ipanalangin mo kami!

Kay Kristo,

Bryan Dominic P. Agir

You might also like