You are on page 1of 1

PANALANAGIN PARA SA MGA PARI

Darasalin pagkatapos ng panalanging pagkapakinabang sa August 4 at sa lahat ng Misa ng


August 7, 2022, Linngo ni San Juan Maria Vianney

O Hesus,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang matapat at maalab Mong Pari;
ang mga lilo at nanlalamig Mong pari;
ang Iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibang bansa
lalo na yaong mga nasa kaduluduluhang bahagi ng daigdig;
ang mga pari Mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok;
ang mga nangungulila at nag-iisa Mong pari;
ang Iyong mga bata at maysakit na pari;
ang mga kaluluwa sa purgatoryo ng Iyong mga pari.
Higit sa lahat,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang mga paring mahal sa akin;
ang paring nagbinyag sa akin;
ang mga paring nagpapakumpisal sa akin;
ang mga paring nangunguna sa Misa namin
at nagbibigay sa akin ng Iyong Katawan at Dugo sa Banal na Komunyon;
ang mga paring nagtuturo at gumagabay sa akin;
at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob.
O Hesus,
alalahanin at ilapit mo Silang lahat
sa Iyong Mahal na puso
at lagi Mo nawa silang pagpalain,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

Maria, ina ng lahat ng mga pari, ipanalangin mo kami.

San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami.

PRESIDER/COMMENTATOR

You might also like