You are on page 1of 15

DAKILANG KAPISTAHAN NG

KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI JESUS

Banal na Oras
Araw ng Pananalangin Para sa Kabanalan ng mga Pari
Kapag natitipon na ang sambayanan, at nakahanda na rin ang pari at ang iba pang tagapaglingkod,
tatayo ang lahat at pupunta ang pari sa gawi ng tabernakulo at kukunin ang Banal na Sakramento. Sa
pagbukas ng pinto ng tabernakulo, luluhod ang lahat at sisimulan ang pag awit ng O Salutaris Hostia.
Matapos itanghal ang Banal na Sakramento sa dambana, luluhod rin ang pari at iinsensuhan ito.

PAGTATANGHAL SA KABANALBANALANG SAKRAMENTO (Luluhod ang lahat)

O SALUTARIS HOSTIA

O salutaris Hostia
Quae caeli pandis ostium.
Bella premunt hostilia,
Da robur fer auxilium.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria.
Amen.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Matapos itanghal ang Santisimo Sakramento, aanyayahan ng lahat ang Pari sa pagsamba.

Pari: Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo


sa pagkakaloob sa atin ng lahat ng pagpapalang espirituwal
dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo.
At sa atin ngang pakikipag-isang ito,
hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan
upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. (Ef 1, 3-4)

Lahat: Kapuri-puri ka, ngayon at magpakailanman!

Pari: Purihin natin si Hesukristo, bukal ng lahat ng biyaya.


Bagama't siya'y Diyos, ay hindi nagpilit
na manatiling kapantay ng Diyos.
Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos,
nagkatawang tao at namuhay na isang alipin. (Fil 2, 6-7)

Lahat: Kapuri-puri ka, ngayon at magpakailanman!


Pari: Purihin natin ang Espiritu Santo,
Panginoon at nagbibigay-buhay sa ating kahinaan.
Hindi tayo marunong manalangin nang wasto,
kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin,
sa paraang di magagawa ng pananalita.
At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao,
ang ibig sabihin ng Espiritu,
sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal,
ayon sa kalooban ng Diyos. (Rom 8, 26-27)

Lahat: Kapuri-puri ka, ngayon at magpakailanman!

Pari Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


gawin mong kami'y mabihisan ng tanang kabutihan
ng Puso ng iyong Anak na minamahal
at pag-alabin nawa kami ng kanyang loobin at kaisipan
upang kaming naging kanyang kalarawan
ay maging dapat na makasalo sa walang maliw na katubusan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

TAHIMIK NA PAGSAMBA
PAGBASA I 2 Tim 1, 2-7
(Maupo ang lahat)

Ang simula ng ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Mula kay Pablo na niloob ng Diyos na maging apostol ni Kristo Hesus upang mangaral
tungkol sa buhay na ipinangakong kakamtin natin kay Kristo Hesus –

Kay Timoteo na minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang pagpapala, ang habag, at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay
Kristo Hesus na ating Panginoon.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglingkuran ko nang tapat – tulad ng ginawa ng aking


mga ninuno – tuwing aalalahanin kita sa aking mga panalangin araw-gabi. Sabik na sabik na akong
Makita ka upang malubos ang aking kagalakan, lalo na kapag naaalaala ko ang iyong pagluha. Hindi
ko nakakalimutan ang tapat mong pananampalataya, katulad ng pananampalataya ng iyong Lola
Loida at ni Eunice na iyong ina. Natitiyak kong taglay mo pa ngayon ang pananampalatayang iyon.
Dahil dito, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo
sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan
ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking
pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong
ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.


-Salamat sa Diyos.

ISANG BANSA
(Ofrasio-Hontiveros)

O kay ganda ng ating buhay


napupuspos ng pagpapala
ng sakramentong mahiwaga
kaloob ni Hesus sa ‘ti’y gabay

O kay tamis ng pagsasama


nagmumula sa pagkakaisa
bumubukal sa pagsasalo
sa iisang hapag ay dumalo.

Koro: Purihin si Hesus sa sakramento;


Purihin ng lahat ng tao
Purihin siya ng Pilipino
sa pagkakaisa lingapin mo. (Ulitin)
PANALANGIN PARA SA MGA PARI (Luluhod ang lahat)

Lahat: O Hesus,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang matapat at maalab Mong Pari;
ang mga lilo at nanlalamig Mong pari;
ang Iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibang bansa
lalo na yaong mga nasa kadulu-duluhang bahagi ng daigdig;
ang mga pari Mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok;
ang mga nangungulila at nag iisa Mong pari;
ang Iyong mga bata at maysakit na pari;
ang mga kaluluwa sa purgatoryo ng Iyong mga pari.

Higit sa lahat,
ipinapanalangin ko sa Iyo ang mga paring mahal sa akin;
ang paring nagbinyag sa akin;
ang mga paring nagpapakumpisal sa akin;
ang mga paring nangunguna sa Misa namin
at nagbibigay sa akin ng Iyong Katawan at Dugo
sa Banal na Komunyon;
ang mga paring nagturo at gumabay sa akin;
at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob.
O Hesus, alalahanin at ilapit mo Silang lahat sa Iyong Mahal na Puso
at lagi Mo nawa silang pagpalain,
ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

LITANYA SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO, PARI AT HANDOG

Namumuno: Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami Kristo, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami
Kristo, pakinggan mo kami Kristo, pakinggan mo kami
Kristo, dinggin ang aming panalangin Kristo, dinggin ang aming panalangin
Diyos, Ama sa langit Kaawaan mo kami
Diyos Anak, Manunubos ng mundo Kaawaan mo kami
Diyos Espiritu Santo Kaawaan mo kami
Santisima Trinidad iisang Diyos Kaawaan mo kami
Hesus, Pari at Handog Kaawaan mo kami
Namumuno: Tugon:
Hesus, Paring walang hanggan ayon sa hanay ni Melkisedek Kaawaan mo kami
Hesus, Pari na isinugo ng Ama
para ipangaral ang Mabuting Balita sa mga mahihirap Kaawaan mo kami
Hesus, Pari na sa huling Hapunan
ay itinatag ang walang hanggang Sakripisyo Kaawaan mo kami
Hesus, Paring nabubuhay magpakailanman upang kami’y ipamagitan Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na hinirang na kaisa ng Espiritu Santo Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na hinirang mula sa mga tao Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari para sa Sangkatauhan Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na aming ipinahahayag sa pananampalataya Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na higit pa kay Moises Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na tunay na tabernakulo Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari ng lahat ng mabububuting bagay na darating Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na walang walang anumang bahid dungis Kaawaan mo kami
Hesus, tapat at maawaing dakilang Pari Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari ng Diyos na nag-aalab ang puso para sa kaluluwa Kaawaan mo kami
Hesus, ganap na Dakilang Pari magpakailanman Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na inulos ang langit ng kanyang sariling dugo Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na inihatid tayo sa bagong buhay Kaawaan mo kami
Hesus, Dakilang Pari na ibinigay ang sarili
sa Diyos bilang handog at sakripisyo Kaawaan mo kami
Hesus, maamo at mababang loob Kaawaan mo kami
Hesus, sakripisyo ng paghahandog at pagpupuri Kaawaan mo kami

Namumuno: Tugon:
Mula sa kasalanan ng Sakrilehiyo Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa kawalan ng pagpipigil sa sarili Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa diwa ng pagsuway Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa pagiging makasarili Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa maling pamamahala sa yaman ng Simbahan Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa pagkagumon sa kamunduhan Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod
Mula sa walang galang na pagdiriwang
ng Iyong mga misteryo Hesus, ipag-adya Mo ang iyong mga lingkod

Namumuno: Tugon:
Alang-alang sa Iyong walang hanggang pagkapari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Alang-alang sa banal na pagkahirang
ng Diyos Ama bilang pari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Alang alang sa Iyong diwang makapari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Alang-alang sa Iyong paglilingkod
na niluluwalhati ang Iyong Ama sa daigdig Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Alang-alang sa pagdanak ng dugo na inihandog
minsan lang at para sa lahat sa krus. Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Alang-alang sa sakripisyong
sinasariwa sa Altar araw-araw Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.
Namumuno: Tugon:
Alang-alang alang sa makadiyos na kapangyarihang
ibinahagi sa Iyong Pari Hesus, Itaguyod mo ang iyong mga lingkod.

Namumuno: Tugon:
Hesus aming Pari Pakinggan mo kami
Hesus aming Pari Pakapakinggan mo kami

Namumuno: Tugon:
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Iligtas kami, O Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Pakinggan kami, O Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa ka sa amin, O Panginoon

PAGBASA II Oseas 11, 1. 3-4. 8k-9


(Maupo ang lahat)

Ang Salita ng Diyos mula sa Aklat ni Propeta Oseas.

“Nang bata pa ang Israel, siya’y aking minahal na parang tunay na anak,
at inilabas ko siya sa Egipto.
Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko siya;
subalit hindi nila alam na ako ang nangangalaga sa kanila.
Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamalasakit at pagmamahal;
ang katulad ko’y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,
at yumuko ako upang sila’y mapakain.
Nagtatalo ang loob ko at nananaig sa aking puso ang malasakit at awa.
Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot.
Hindi ko na muling sisirain ang Efraim; sapagkat ako’y Diyos at hindi tao,
ang Banal na nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang magwasak.

Ang Salita ng Diyos.


-Salamat sa Diyos.

WALANG HIGIT NA PAG-IBIG


(Tagalog ng No Mas Amor Que el Tuyo)

Koro: Walang higit na Pag-ibig, O Mahal na Puso!


Ang Bayang Pilipino, alay sa Puso Mo!
Sa Templo, sa tahanan: sambit namin ang ‘Yong Ngalan!
Maghari Kang tunay sa Aparri hanggang Jolo!

Malaon na naming pangarap, Pagha’ri Mo sa Silangan!


Pananampalataya nami’y singningas ng araw--
Sintatag ng kabundukan, sinlawak ng karagatan!
Kaylanma’y ‘di pabibihag Bayan Mo sa kasalanan!
Tanghal sa tanang dako ang Banal Mong Sagisag!
Ang sumpa ng karimlan, ‘di magtatagumpay! (Koro)

LITANYA NG PUSO NI HESUS (Luluhod ang lahat)

Namumuno: Tugon:
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit, Kaawaan mo kami.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Kaawaan mo kami.
Diyos Espiritu Santo, Kaawaan mo kami.
Santisima Trinidad, iisang Diyos, Kaawaan mo kami.

Namumuno: Tugon:
Puso ni Hesus, Anak ng Amang walang hanggan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo
sa sinapupunan ng Mahal na Birhen Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, kaisa ng Salita ng Diyos Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, luklukan ng kattas-taasan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, banal na Templo ng Diyos Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, bahay ng Diyos at pinto ng langit Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, pugad ng katarungan at pagmamahal Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, balong malalim ng karunungan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, malawak na dagat ng kabutihan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, batis ng kabaitan at kabanalang walang kahulilip Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, karurukan ng awang walang hanggan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, hari at uliran ng kaamuan at kababaang-loob Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, nagpapayaman sa lahat ng tumatawag sa Iyo Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, bukal ng kasaganaang
nababahagi ng namimintuho sa Iyo Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, bukal ng buhay na ganap Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, bukal ng tubig ng buhay ng kaligtasan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, pugad ng katarungan at pagmamahal Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na lubhang matiisin at maawain Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na aming kapayapaan at ganap na katiwasayan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na nasugatan dahil sa aming mga kasalanan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na masunurin hanggang kamatayan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, buhay namin at pagkabuhay na mag-uli Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, totoong kinalulugdan ng Ama sa langit Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, nagpapahupa sa poot ng Diyos
at mabisang lunas ng kapatawaran Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, tigib ng kadustaan, siphayo, at kapighatian Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na nag-uumapaw
sa matinding dalamhati sa Halamanan ng Getsemani Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na nawiwindang sa hinagpis
dahil sa aming mga kasalanan Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, na nilalapastangan hanggang ngayon
ng mga walang utang na loob sa Santisimo Sakramento Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, lakas ng mga mahihina Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, takbuhan at kanlungan
sa lahat ng sakuna at panganib Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, kaligtasan ng lahat ng nagtitiwala sa Iyo Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa iyong biyaya Kaawaan mo kami.
Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo Kaawaan mo kami.

Namumuno: Tugon:
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Iligtas kami, O Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Pakinggan kami, O Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa ka sa amin, O Panginoon

O Hesus na may pusong maamo at mababang loob,


-Loobin mong matulad ang aming puso sa Puso Mo.

Lahat: Makapangyarihang Ama at Diyos na Walang Hanggan,


lingapin mo ang Puso ng Iyong kaibig-ibig na Anak
na alang-alang sa kanyang mga karapatan
ay nag-alay ng pagbabayad-puri sa aming mga kasalanan.
Kaawaan mo kami at pagkalooban ng kapatawaran.

Panginoon naming Hesus, dahil sa iyong di-madalumat na pag-ibig;


minarapat mong ipagkatiwala sa Iyong simbahan
ang di-malirip na kayamanan ng Puso mong banal.
Loobin mo sanang matumbasan namin ng maapoy na pagmamahal
ang walang maliw na pag-ibig ng iyong kabanal-banalang Puso.

Inaadhika naming tumbasan ng kabanalan ang lahat ng mga pag-alipusta


at kataksilang walang pakundangan naming ginawa sa Iyo.
Ito ang aming iniluluhog nang buong pagmamahal at pagmamakaawa
ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
MABUTING BALITA Juan 17, 20-27
(Tatayo ang lahat, maaaring awitin ang Aleluya bilang pambungad)

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


-Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong Panahong iyon,


tumingala si Hesus sa langit at ang wika:
“Ama, dumating na ang oras:
parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya.
Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan,
upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kanya.
Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila,
ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo.
Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan;
natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin.
Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon
ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.
“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.
Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita.
Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin;
sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila.
Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.
“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan
kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo.
Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila.
At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.

Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan,


pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa.
Habang kasama nila ako, iningatan ko sila
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin.
Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak,
liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan.
Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo;
at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan.
Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan,
sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan.
Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama!
Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan.
Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan.
Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayon din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan.
At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili,
upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.
“Hindi lamang sila ang idinadalangin ko,
kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag.
Maging isa nawa silang lahat, Ama.
Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo,
gayon din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan
na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila
upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa:
ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa.
At sa gayon, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako,
at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin,
upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin,
sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan.
Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan,
ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin
na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa,
upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


-Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

(Maupo ang lahat)

HEART OF JESUS, MEEK AND MILD o kaya: PUSONG MAHABAGIN


(sa himig ng Heart of Jesus, Meek and Mild)

Heart of Jesus, meek and mild Pusong Mahabagin ni Hesus


Hear O hear Thy feeble child, daig nami'y dagling pakinggan
When the tempest's most severe, ngayo't sa huling oras ng buhay
Heart of Jesus, hear! Hesus, kami'y damayan.

Sweetly we'll rest on Thy Sacred Heart, Anong ligaya, sa Iyo'y magmahal
Never from thee oh let us part, pag-asa nami'y walang kasawian
Hear then Thy loving children's pray'r, H'wag mong itulot, kami'y mawalay
O heart of Jesus, Heart of Jesus, hear! sa 'Yong kandungan, nais mamatay.
LITANYA NG MGA PAGLUHOG
Hango sa Natatanging Urbi et Orbi ni Papa Francisco

Unang Tugon: PINUPURI KA NAMIN, PANGINOON!

Diyos na totoo at taong totoo, na tunay na nananahan sa Banal na Sakramento, (Tugon)


Aming Manunubos, Diyos na sumaatin, tapat at puno ng awa, (Tugon)
Aming Hari, Panginoon ng sannilikha at ng kasaysayan, (Tugon)
Ikaw na nagwagi laban sa kasalanan at kamatayan, (Tugon)
Kaibigan ng sangkatauhan, ikaw na nabuhay sa mag-uli at naluluklok sa kanan ng Ama, (Tugon)

Ikalawang Tugon: SUMASAMPALATAYA KAMI, PANGINOON!

Bugtong na Anak ng Ama na nanaog mula sa kalangitan para sa aming kaligtasan, (Tugon)
Banal na Manggagamot, na ibinaba ang sarili sa aming karalitaan, (Tugon)
Korderong Hari, inialay upang tubusin kami mula sa sala, (Tugon)
Mabuting Pastol, na nag-alay ng kanyang buhay para sa minamahal niyang kawan, (Tugon)
Tinapay ng Buhay na siyang nagbibigay ng buhay na walang hanggan, (Tugon)

Ikatlong Tugon: IADYA MO KAMI, PANGINOON!

Mula sa kapangyarihan ni Satanas at sa mga pang-aakit ng mundo, (Tugon)


Mula sa kapalaluan at sa pag-aakalang makakayanan namin nang hindi ka kapiling, (Tugon)
Mula sa panlilinlang ng takot at dalamhati, (Tugon)
Mula sa kawalan ng pananampalataya at pag-asa, (Tugon)
Mula sa katigasan ng puso at sa kawalang kakayahang magmahal, (Tugon)

Ikaapat na Tugon: ILIGTAS MO KAMI, PANGINOON!

Mula sa lahat ng kasamaang nagpapasakit sa sangkatauhan, (Tugon)


Mula sa gutom, tagsalat, at pagkamakasarili, (Tugon)
Mula sa mga sakit, epidemya, at sa takot makisalamuha sa aming kapwa, (Tugon)
Mula sa mga kahangalan, mga malulupit na interes, at kasamaan, (Tugon)
Mula sa kasinungalingan, sa mga fake news, at sa pagsupil sa mga konsensya, (Tugon)

Ikalimang Tugon: ALIWIN MO KAMI, PANGINOON!

Masdan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa isang disyerto, (Tugon)


Masdan mo ang sangkatauhang binabalot ng takot at dalamhati, (Tugon)
Masdan mo ang mga maysakit at mga malapit nang mamatay na sinisiil ng kalungkutan, (Tugon)
Masdan mo ang mga doktor at iba pang nagsisilbi sa larangan ng kalusugan na napapagod at
napapagal, (Tugon)
Masdan mo ang mga pulitiko at iba pang nasa katungkulan, na pasan ang tungkulin ng wastong
pagpapasya, (Tugon)
Ikaanim na Tugon: ISUGO MO ANG IYONG ESPIRITU, PANGINOON!

Sa mga oras ng pagsubok at pagkatalo, (Tugon)


Sa mga panahon ng tukso at kahinaan, (Tugon)
Sa paglaban sa kasamaan at kasalanan, (Tugon)
Sa paghanap sa kabutihan at tunay na kaligayahan, (Tugon)
Sa pagpapasyang manatili sa iyo at sa iyong pakikipagkaibigan, (Tugon)

Ikapitong Tugon: GAWIN MO KAMING BUKAS SA PAG-ASA, PANGINOON!

Kapag sinisiil kami ng kasalanan, (Tugon)


Kapag isinasara ng galit ang aming mga puso, (Tugon)
Kapag dinadalaw kami ng panglaw, (Tugon)
Kapag sumasagi sa aming isipan ang panlalamig sa pangangailangan ng aming kapwa, (Tugon)
Kung tutupukin na kami ng kamatayan, (Tugon)
PAGBABASBAS (Luluhod ang lahat)

TANTUM ERGO

Tantum ergo Sacramentum Genitori, Genitoque


Veneremur cernui; Laus et iubilatio.
Et Antiquum documentum Salus, honor, virtus quoque
novo cedat ritui. Sit et benedictio:
Praestet fides supplementum Procedenti ab utroque
Sensuum defectui. Compar sit laudatio.
Amen. Amen.

Pari: Panem de cœlo præstitisti eis.


Bayan: Omne delectamentum in se habentem.

Pari: Oremus.

DEUS, qui nobis, sub sacramento mirabili,


passionis tuæ memoriam reliquisti:
tribue, quæsumus,
ita nos corporis et sanguinis tui sacra mysteria venerari,
ut redemptionis tuæ fructum
in nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas in sæcula sæculorum.

Bayan: Amen.

Magsusuot ang pari ng humeral veil, itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang kamay at
babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babalik siya sa kanyang lugar sa harap ng
dambana at aanyayahan ang sambayanan sa pagpupuri sa Diyos.
PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t ‘di narungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Santa Mariang Birhen.
Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

PAGBABALIK SA BANAL NA SAKRAMENTO SA TABERNAKULO

Tatayo ang pari. Ilalagay ulit ang Banal na Sakramento sa siboryo at isasauli iyon sa tabernakulo,
habang inaawit ng sambayanan ang sumusunod:

O Sakramentong Mahal,
na sa langit buhat,
papuri ng santinakpan,
Iyong iyong lahat; Iyong iyong lahat.

O Sakramentong Banal,
Hiwagang dalisay,
Kami’y Iyong bendisyunan,
at laging ingatan; at laging ingatan.

Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang awit
patungkol kay Maria matapos ang lahat ng ito.

Ad Usum Privatum A.D. MMXX

You might also like