You are on page 1of 1

PAGBABASBAS NG ESKAPULARYO NI SAN JOSE

(salin mula sa bigay ng Sacra Rituum Congregatio [SRC], ika-18 ng Abril 1893)

Nakasuot ng sutana, sobrepeliz, at estola ang paring magbabasbas. Nakaluhod ang lahat ng
tatanggap ng eskapularyo.

Pari: Sa ngalan ng Panginoon tayo ay tinutulungan.


Lahat: Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: At sumaiyo rin.

Pari: Manalangin tayo.

Panginoong Hesukristo,
na buong pusong nagpaampon kay San Jose
na kabiyak ng puso ng iyong kalinis-linisang inang si Maria,
marapatin mong basbasan + ang eskapularyong ito,
na inilaan bilang sanggalang para sa iyong sambayanan.

Ipagkaloob mong ang mga lingkod mong gagawaran nito


ay makapaglingkod sa iyo nang buong pananalig at sigasig,
sa ilalim ng pagtatanggol ni San Jose.
Hinihiling namin ito sa Iyo, na nabubuhay at naghaharing
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Wiwisikan ng pari ang mga eskapularyo. Luluhod ang susuuan nito habang sinasabi ang mga
sumusunod:

Pari: Tanggapin mo [ninyo] ang eskapularyong ito ni San Jose,


kabiyak ng puso ng Mahal na Birheng Maria.
Sa tulong ng kanyang maka-amang pagtatanggol,
ipagsanggalang ka nawa [nawa kayo] sa mga silo ng demonyo
at magkamit ng buhay na walang hanggan.

Ginawaran: Amen.

You might also like