You are on page 1of 1

PAGSISINDI NG KANDILANG PAMASKO (Christ Candle)

Bago ang Pambungad na awit ng Misa, gaganapin ang pagsisindi ng kandilang pamasko.
Huhudyatan ng tagapagpaliwanag ang lahat na tumayo.

Namumuno: Amang Mapagmahal,


pinupuri ka namin sa pagbibigay mo sa Iyong Anak,
si Jesukristong aming Panginoon.
Siya ang Emmanuel, ang pag-asa ng lahat,
ang karunungang gumagabay sa amin,
ang tagapagligtas ng lahat ng bansa.

Pagpalain mo kami (sisindihan ang kandila)


habang sinisindihan ang kandilang ito
tanda ng kanyang pagsilang.
Maging tanda nawa ito ng pangako ni Kristo
na siya ay parating na at dulot ay kaligtasan.

Hinihiling namin ito sa kanyang pamamagitan


ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Magpapalakpakan ang sambayanan at aawitin ang pambungad na awit ng Misa.

You might also like