You are on page 1of 3

PANALANGIN NG PASASALAMAT AT KAHILINGAN

PARA SA MANANAMPALATAYA AT MAMAMAYAN NG PILIPINAS


Babasahin sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria (Disyembre 8)
matapos ang Panalangin Pagkapakinabang.

Papuri sa Ama, Papuri sa Anak, Papuri sa Espiritu Santo


magpakailanman, Amen. Ipinagbubunyi namin ng buong puso, Ikaw na
Amang walang pinagmulan, Ikaw na tanging Bugtong na Anak, Ikaw na
Espiritu Santo, ang Patnubay, banal at nagkakaisang Santisima
Trinidad - ipinagbubunyi ka namin at pinasasalamatan, sa Iyo ang
papuri magpakailanman. Pagtibayin mo, O Diyos ang iyong idinulot sa
amin, iligtas Mo kami at ang aming bayan.
Papuri sa Banal na Puso na dahil sa Kanya ay napasaamin ang
kaligtasan. Papuri kailanman. O Mahal na Puso ni Jesus, ligaya ng mga
nasa langit at pag-asang walang maliw ng mga nasa lupa. Kami ay
iyong-iyo, nais naming maging Iyo. Iligtas mo kami at ang aming
bayan. Kupkupin kami sa loob ng matamis na kaibuturan ng Iyong pagibig. Dahil ikaw ay mababang loob, O Panginoon, at walang hanggan
ang Iyong awa. Iligtas mo, O kalinis-linisang Puso at ipag-adya ang
aming bansa, na binusog ang pananampalataya ng iyong Santa
Iglesya. Sa pamamagitan mo iningatan mong dalisay ang yaman ng
tunay na pananampalataya at ipinagtanggol laban sa mga masama.
Kaya nga, tanggapin Mo, O Mahal na Puso ni Jesus, ang pasasalamat
mula sa kaparian at Samabayanang Pilipino na sa kasaganaan ng Iyong
biyaya ay ipinag-adya Mo.
O pinagpalang Birheng Maria, ikaw na iniligtas sa bahid ng
kasalanang mana, O kaibig-ibig at makapangyarihang patron ng
Pilipinas, sa iyo'y iukol ang walang hanggang papuri, paggalang at
pasasalamat alang-alang kay Kristo Jesus. O Kalinis-linisang Ina, ang
aming Kaibig-ibig na Ina, ang aming Kahanga-hangang Reyna. Taglay
ang buong pasasalamat ipinagbubunyi ka namin ng iyong mga awa at
dumudulog sa iyong pag-aampon. O pinagpalang Ina, ikaw na binihag
ang mga puso ng mga tao sa bisa ng kalinisan. Ikaw na bumihag sa
puso ng aming kababayan. Itinatag mo at kinupkop at pinalakas ang
batayan ng pananampalataya ang aming mahal na bayan sa
pamamagitan ng pagtangkililk mo katulad ng napupuna sa maraming
katibayang tanda ng mga biyaya mo. O Ina, ikaw ang mahal namin, na
yumuyurak sa ulo ng ahas, iligtas ang aming bayan sa sa kamandag ng
masasamang tao ng erehe. Ikaw na ipinag-adya mo at tinuruan ang
aming bayan sa pananampalataya na galing sa Iyong anak,
ipagsanggalang at ipagtanggol din kami. Kami ay iyong-iyo, nais

naming sa iyo ay ipakitang ikaw ang aming Ina at Patrona, ingatan


kami sa bisa ng malakas na panalangin.
O Pinagpalang San Jose, kalinis-linisang kabiyak ng puso ng Ina
ng Diyos, ikaw ang laging tagapagtanggol. O Kaibig-ibig na
tagapagtanggol ng Pilipinas, sa iyo iukol ang paghanga alang-alang
kay Kristo Jesus. O tagatangkilik ng mga Birhen, ikaw na iginagalang
ng hukbong makalangit, purihin ka ng buong sangkatauhan,
ipanalangin at tanggapin ang aming pusong nagpapasalamat, ilaan
ang kalinis-linisang puso ng iyong dalisay na esposo. Amen.

SALVE REGINA
Salve, Regina, mater misericordiae,
vita, dulcedo, et spes nostra, salve.
Ad te clamamus exsules filii Hevae.
Ad te suspiramus,
gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia, ergo, advocata nostra,
illos tuos misericordes oculos
ad nos converte.
Et Iesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O pia, O dulcis Virgo Maria.
V.
R.

Ora pro nobis, sancta Dei Genetrix.


Ut digni efficiamur promissionibus Christi.

V.

R.

Oremus.
Omnipotens sempiterne Deus,
qui gloriosae Virginis Matris Mariae corpus et animam,
ut dignum Filii tui habitaculum effici mereretur,
Spiritu Sancto cooperante, praeparasti:
da, ut cuius commemoratione laetamur;
eius pia intercessione,
ab instantibus malis,
et a morte perpetua liberemur.
Per eundem Christum Dominum nostrum.
Amen.

V.
R.

+ Divinum auxilium maneat semper nobiscum.


Amen.

You might also like