You are on page 1of 9

CENTRAL OFFICE OF PROMOTION

OF ST. ANNA SCHÄFFER IN THE PHILIPPINES


Kalakbay Ministry Office, Manresa Retreat House Compound
926 Banawe Avenue, 1115 Manresa, Quezon City

NOBENA SA KARANGALAN NI STA. ANNA SCHÄFFER


(Para sa pampribadong gamit lamang)

+Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Pagsisisi

O DIYOS KO, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo.


Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit
higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at
nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking
mga kasalanan, tutuparin ang tagubiling pagsisisi, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-
buhay. Amen.

Panalangin kaisa ni Sta. Anna


(Base mula sa mga sulat ni Sta. Anna)

Ama na Walang-hanggan, iniaalay namin sa Iyo ang Iyong minamahal na Anak, ang Kanyang
mapait na paghihirap at masakit na pagkamatay. Iniaalay rin namin ang paghihirap ng Kanyang
Namimighating Ina. Ipagkaloob mo sa amin, mga makasalanan, ang biyaya at awa.

Panginoon namin at Diyos, sinasamba Ka namin mula sa kaibuturan ng aming karukhaan at


hinihiling sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong Kamahal-mahalang Dugo, na Iyong ibinuhos sa lahat;
patakan Mo ng Iyong banal at Kamahal-mahalang Dugo kaming makasalanan, isang patak para sa
aming mga magulang, mga kapatid at kamag-anak, - para sa aming Kura Paroko, para sa buong
parokya, - sa lahat ng aming tagapagtangkilik, kaibigan, ganundin yaong mga hindi namin
kapalagayan ng loob – para sa lahat ng mga pari ng Inang Simbahan, - para sa Santo Papa, - para sa
mga Obispo at mga Kardinal, - para sa mga nagkonsagra sa Diyos – para sa bawat tao… na aming
ipinangakong ipagdarasal. Para rin sa … (idalangin ang kahilingan at mga partikular na taong dapat
ipagdasal) na kung saan aming iniaalay ang aming paghihirap, para sa aming kababayan, - para sa
mga makasalanan – para sa mga yumao, at para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Kabanal-banalang Puso ni Jesus nagtitiwala kami sa Iyo! Aming Diyos, nagpapasalamat kami
sa Iyo!

Luwalhati sa Ama, sa Anak, sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang-hanggan. Amen.
Unang Araw: Sa Kabila ng Karukhaan

Panalangin para sa Unang Araw

O Sta. Anna Schäffer, ikaw ay mula sa pamilya na dukha: pinanganak na dukha at namatay na
dukha. Ngunit sa kabila ng karukhaan ng iyong pamilya, sa iyong tahanan nakilala at minahal ang
Diyos; sa tahanan mo naunawaan at nagbigay ng pagmamahal; sa tahanan mo unang isinagawa ang
pagmamalasakit. Gayun nalamang ang pagmamahal mo sa Diyos at kapwa dahil ito ay unang sumibol
sa iyong tahanan.

Minamahal na Sta. Anna, maraming pamilya sa ngayon ay tunay na dukha, hindi lamang sa
mga materyal na pangangailangan kundi dukha sa pagmamahal kung kaya’t nanganganib.
Nanganganib ang mga pamilya sa ngayon dahil sa paghihiwalay; walang-pakialaman; kanya-kanya at
panlalamig sa isa’t isa. Kung kaya’t ang lipunang aming kinabibilangan ay nakararanas ng
napakaraming problema. Lumalapit kami sa iyo upang ipanalangin mo ang lahat ng pamilya.
Idalangin mo na manumbalik ang pagmamahal,manumbalik ang damayan, manumbalik ang
pagkakaisa upang ang mga tahanan ay muling maging kanlungan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa.
Tulungan mo kami, O Santa ng mga dukha, upang anumang kakulangan namin sa aming pamilya at
sarili ay mapuspos ng pagpapala ng Diyos dahil sa iyong mabisang pagdalangin.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Litanya ni Sta. Anna Schaeffer

Panginoon, maawa ka sa amin.


Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,
Santa Maria, Ina ng Biyaya, ipanalangin mo kami.

Sta. Anna Schäffer, *ipanalangin mo kami.


Ikaw ay masunuring lingkod ng Diyos, *
Ikaw ay karapat-dapat na lingkod ng Diyos, *
Ikaw ay masintahing anak ng Makalangit na Ama, *
Ikaw ay maaalab na deboto ng Ina ng Diyos, *
Ikaw na masigasig na nagdarasal ng Santo Rosaryo, *
Ikaw na tagapag-aliw sa mga may sakit at nagdurusa, *
Ikaw na tumutulong sa mga naghahanap ng payo sa pamamagitan ng salita at pagsusulat, *
Ikaw na Patron ng Misyong Kristyano, *
Ikaw na karamay ng mga dukha,*
Ikaw na huwaran ng mga may karamdaman,*
Ikaw na tagapagbigay ng pag-asa sa mga nagdurusa sa buhay,*
Ikaw na kaibigan ng mga bata at kabataan, *
Ikaw na tagapamagitan sa harap ng luklukan ng Diyos, *

Sta. Anna Schäffer, ikaw na sumusunod sa kalooban ng Diyos, *


Mapagtiis sa lahat ng paghihirap, *
Mababang-loob sa paglilingkod sa kapwa, *
Pinukaw ng Espiritu Santo upang gumawa ng pagbabayad-puri at pagpapakasakit, *
Dukha sa lupa, ngunit mayaman sa makalangit na biyaya, *
Inilapit sa mga sugat ng Manunubos, *
Labis ang pagnanasa sa Panginoon sa Eukaristiya, *
Puspos ng pag-ibig ng Banal na Puso, *
Huwaran sa debosyon sa Diyos, *
Handa sa huling kaganapan ng buhay kaisa ang Diyos, *

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Maawa ka sa amin.

Ipanalangin mo kami, Sta. Anna Schäffer,


Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin tayo.

O Diyos, ikaw, na sa pagkakasakit na nakaugnay sa Paghihirap ng Panginoon, ay


pinagindapat ang iyong banal na lingkod na si Anna na nakamamangha sa pagtitiis at
masigasig sa panalangin. Ipagkaloob mo, aming hinihiling sa iyo, na, sa pamamagitan ng
kanyang halimbawa, aming maranasan ang iyong pagmamahal sa aming pagsubok sa buhay at
upang kami rin ay makapagbigay patotoo sa pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Hinihiling
naming ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Ikalawang Araw: Ang Pangarap

Panalangin sa Ikalawang Araw

O Sta. Anna Schäffer, nang nasa kabataan ikaw ay nangarap: nangarap na maging isang
misyonerang relihiyosa. Ngunit ang pangarap na iyan ay nagmula sa panalanging iyong isinulat nang
ikaw ay tumangap ng Unang Pakikinabang: ang ilaan at ialay ang iyong puso kay Jesus. Sa kabilang
ng maraming posibilidad na gawin mong pangarap, mas pinili mo na pangarapin ang pinapangarap sa
iyo ni Jesus, ang mahalin ang minamahal ni Jesus, ang hangarin ang hinahangad ni Jesus.

O minamahal na Sta. Anna Schäffer, kami ri’y puno ng pangarap sa buhay. Marami kaming
inaasam at dinadalangin na nawa’y matupad. Ngunit karamihan ng aming pinapangarap, inaasam,
hinahangad ay para lamang sa pansariling ikauunlad. Dahil sa mga posibilidad ng inaalok ng mundo,
maraming tao ang nagiging makasarili nalamang at ang ganid sa materyal na mga bagay ay lalong
yumayabong. Lumalapit kami sa iyo, O Sta. Anna Schäffer, upang turuan mo kami na dinggin ang
tinig ng Diyos, turuan mo kaming sundin ang kagustuhan ng Diyos, na tupdin ang kalooban ng Diyos
upang maisakatuparan ang kadahilanan ng aming pag-iral. Tulad mo, maaaring taliwas ang aming
kagusuhan sa kagustuhan ng Diyos kaya’t patatgin mo kami ng iyong pagdalangin upang kami’y
huwag matakot, huwag mag-alinlangan, huwag panghinaan ng loob dahil walang kagustuhan ng
Diyos na hindi sa ikabubuti ng Kanyang minamahal. At ang kalooban ng Diyos at tiyak na
makapaghahatid sa amin sa tunay na buhay na ganap at kasiya-siya.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikatlong Araw: Misyon ng Paghihirap

Panalangin sa Ikatlong Araw

O Santa Anna Schäffer, walang anumang aksidente ang pumigil sa iyo pangarap upang
magmisyon. Dahil sa iyong labis na pagmamahal sa Diyos kung kaya’t hinanap mo ang Diyos at ang
Kanyang kalooban sa paghihirap. Paghihirap, isang bagay na halos lahat ng tao ay umiiwas ngunit
para sa iyo nagmisyon ka sa pamamagitan ng paghihirap. Kaya’t nawika mo: “At kinakailangang ang
puso natin ay nasa krus, - at ang krus ay nasa ating puso! Kaya’t makakaya natin ang lahat ng may
pag-ibig at saya, anumang mga krus at paghihirap na ipadala sa ating ng Diyos.” At ang misyon na
iyong isinagawa at isinabuhay sa loob ng dalawampu’t apat na taon ay nagpapatuloy parin
magpasahanggang-ngayon.

Lumalapit kami sa iyo Santa Anna Schäffer upang turuan mo kami na nagmamahal sa Diyos
at kapwa na magmisyon ayon sa aming kakayahan at sitwasyon. Na mapagmahal na tanggapin ang
anumang “krus” sa aming buhay at buhatin ito ng mga pagmamahal. Tulad mo, ialay din nawa
naming ito para sa ikatatatag ng Inang Simbahan, para sa ikapagbabalok-loob mga makasalanan at
ikapagbabayad-puri ng aming mga nagawang kasalanan. Ilayo mo kami, Santa Anna Schäffer, sa
anumang ikapanlalamig sa aming kapwa na siyang dahilan ng kawalang-pakialam at kawalang
pakikisangkot. Nawa huwag naming hangarin ang palaging nasa kasarapan ng pamumuhay bagkus
palaging isaisip at puso na magmisyon sa kahit na simpleng paraan ayon sa aming sitwasyon.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikaapat na Araw: Buhay Eukaristiko

Minamahal na Santa Anna Schäffer, winika mo: “ang higit kong kalakasan ay ang Banal na
Komunyon!” Hindi ka nagapi ng labis na kahirapan at pagdurusa dahil sa ikaw ay palaging
nabababad sa mapagmahal na presensya ng Panginoong Jesuskristo sa Banal na Sakramento. Anong
saya mo sa tuwing ito ay iyong natatanggap kaya’t ay paghihirap ay napapalitan ng saya at
kapanatagan sa bawat oras ng bawat araw. Hindi ka lamang deboto ng Eukaristiya, ang buhay mo ay
Eukaristico dahil isinasama mo ang iyong paghihirap sa paghihirap ni Kristo at iniaalay mo ang iyong
sarili para sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pag-aalay ni Kristo sa krus.
Narito kami at lumalapit sa iyo, masintahing Santa ng mga dukha, upang turuan mo na
mahalin si Kristo saBanal na Eukaristiya. Ilang beses naming nababali-wala ang kahalagahan ng
sakramentong ito ng pag-ibig dahil sa palagi kaming nagagapi ng mga alalahanin ng mundo. Turuan
mo kami na tanggapin ang napakahalagang kayamanan na ito, ang pagkaing mula sa langit, ng may
pagmamahal at kapakumbabaan. Turuan mo kami na mababad sa pagmamahal ni Kristo upang tulad
mo ang buhay din naming ay maging buhay-eukaristiko: hayaang ialay ang sarili para sa kaligtasan
ng kapwa.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikalimang Araw: Pagmamahal sa Mahal na Ina

O Santa Anna Schäffer, kasabay ng iyong pagmamahal kay Jesus ay ang di matatawarang
pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria. Sa iyong kabataan, itinalaga mo na ang iyong sarili sa
masintahing pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria. Ang rosaryo ni Maria ang palagi mong kasama
upang pagnilayan ang buhay ng Panginoon at maging daan upang matanggap sa Diyos ang biyayang
isinasamo. Sinambit mo sa Mahal na Birhen: “Maria aking Ina, - iakay mo ako kay Jesus...!” at
ngayon dinaranas mo na ang kaganapan ng panalanging iyon.

Iakay mo rin kami, Santa Anna, kay Jesus at Maria. Nawa huwag naming kalimutan na may
isang nagmamahal sa aming Ina Maria na palaging gumagabay sa aming buhay. Palagian din nawa
naming gawin ang “laro ng mga rosas” (rosaryo) upang makintal sa aming puso’t isipan ang mga
misteryo ng Panginoon, matuto mula rito at makapagtamo ng biyaya para sa aming kapakinabangan
at sa mga ipinagdarasal.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.
Ikaanim na Araw: Paglilingkod mula sa Banig ng Karamdaman

Sa kabila na ikaw ay nasa banig ng karamdaman Sta. Anna, hindi ka napagod na maglingkod.
Sa kabila ng kirot, hirap, kawalan sa buhay, hindi nawala sa iyong puso’t isipan ang maglingkod sa
lahat ng sa iyo’y lumalapit. Handa mong gawin ang iyong makakaya upang makapag-abot ng tulong
kahit na ikaw mismo ang mawalan. Batid mo ang iyong kakulangan at limitasyon sa buhay, kaya’t sa
pamamagitan ng espiritwal at moral ka mas lalong nagbigay upang kapwa ay mapaglingkuran ng
pangmatagalan.

Turuan mo kami, O Maibigang Santa, na maglingkod sa kapwa. Maglingkod ng may


pagmamahal, maglingkod ng may saya, maglingkod ng walang inaasahang kapalit. Turuan mo kami
na walang hadlang ang maglingkod kung tunay naming itong naisin kahit sa kabila ng kakulangan at
karukhaan. Turuan mo kami na sa paglilingkod lamang namin mararanasan ang saya at katapatan sa
aming buhay Kristiyano. Dahil ang buhay Kristiyano ay buhay paglilingkod.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikapitong Araw: Pananampalataya

Dukha ka man O Santa Anna, ngunit mayroon kang napakahalaga kayamanan na iyong
pinakaiingatan, pinagtatanggol at pinagyayaman pa: ANG PANANAMPALATAYA. Ginawa mong
sandigan ng iyong buhay ang pananampalataya, at mula rito ka namumuhay at umiiral. Sa tulong ng
iyong ina at ng mga taong mananampalataya, iyong nakita ang ganda ng pananampalataya. Sa bawat
yugto ng iyong buhay, ang iyong pananampalataya ay mas lalong umuunlad at tumatatag. Kaya nga’t
hanggang sa oras ng iyong kamatayan, ang pananampalataya ay naging daan sa iyo upang matamo
ang kaligayahang di mo naranasan sa mundong ito.

Sa panahon naming ngayon, marami na ang nanlalamig na sa pananampalataya. Marami na


ang sumasalungat, nagkukwestyon, at wala ng pakielam kapag pananampalataya na ang pinag-
uusapan. Marami narin ang umaagaw ng aming atensyon upang maibaling sa makamundong gawain
ang aming isipan. Ipanalangin mo kami, O Santa Anna, upang muling magnigas, mag-alab ang aming
pananampalatayang aandap-andap. Pukawin mo ang aming puso sa pamamagitan ng paglapit sa
pagpapalapit sa amin sa nagliliyab na Puso ni Jesus. Huwag mo kaming iwanan hangga’t di kami
namumuhay sa pananampalataya nang sa katapusan ng aming buhay ay matagumpay naming
makamit ang pangakong hatid ng pananampalataya aming tinaggap sa Sakramento ng Binyag.
O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikawalong Araw: Pag-asa

Puspos ka ng pag-asa, O Santa Anna! Ang pag-asang mula sa Ebanghelyo ay labis mong
pinanghawakan. Sa kabila ng marami kang mga di maunawaan na maaaring magdulot sa iyo ng
depresyon, pagkabalisa, at kawalang-ganang mabuhay, kumapit kang ng maigi sa pag-asang
ipinahayag ng Ebanghelyo. Naglakad ka man sa mundong ito na tila batbat ng kadiliman, hindi ka
natakot sapagka’t umasa kang kapiling mo ang Diyos mong minamahal.

Akayin mo kami, Santa Anna, sa buhay na ito na tinuturing naming “lambak ng luha”. Akayin
mo kami, dahil kami’y wala ng kabuhay’buhay na namumuhay. Pakiramdam namin na kami ay
umiiral lamang sa mga panandaliang kaligayahan at walang inaasahang magpakailanman. Gisingin
mo kami mula sa himbing ng pagkakatulog dahil sa nawawalan na kami ng pag-asa. Ibangon mo
kami upang makita ang napakaraming oportunidad na sa ami’y ibinibigay ng Diyos. Imulat mo ang
aming mga mata upang makita ang kagiliran (horizon). Huwag nawa kaming mawalan ng pag-asa. At
sa wakas aming masilayan ang kaganapan ng aming pag-asa: si Jesus.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

Ikasiyam na Araw: Pag-ibig

Masintahing Santa Anna, nakakintal sa iyong puso’t isipan na ang Diyos ay pag-ibig. Mula pa
nang makilala mo ang Diyos, minahal mo na Siya, Siya na unang nagmahal sa iyo. At dahil sa
ungnayang iyan ng pagmamahal kaya’t ang buhay mo ay puspos ng pagmamahal para sa kapwa. Sa
kabila ng iyong naranasang hirap, kasalatan at hinagpis sa buhay ay hindi ka napigilang magmahal sa
lahat ng tao lalo’t higit yaong mga nangangailangan. Ang pag-ibig ng Diyos ang nag-uudyok sa iyo
upang umasa pa ng higit sa kalooban Niya. Kaya nga’t lahat ng sa iyo’y lumalapit ay nakararanas ng
pagmamahal ng Diyos.

Minamahal naming Santa, aming ipinagsusumamo sa iyo na ipanalangin mo kaming huwag


mapagod na magmahal sa Diyos at kapwa. Ang panahon namin ay panahon ng pagdududa,
pagtataksil, kadalasa’y pansarili lamang ang iniisip at panandaliang aliw lamang ang hinahanap kung
kaya’t hindi na maramdaman ang pagmamahal ngunit siya namang inaasam ng lahat. Huwag kang
magsawang kami’y paalalahanan hinggil sa pag-ibig ng Diyos sa amin; huwag kang magsawang
iakay kami kay Jesus; huwag kang magsawang mahalin kami na sa iyo’y lumalapit.

Sa pagtatapos ng nobenang ito, sampu ng marami naming kahilingan sa iyo, nawa’y lumalim
din ang aming ugnayan sa iyo. Huwag ka lamang sana naming maging tagapagdalangin sa Diyos, ang
idinadalangin mo’y idinadalangin rin sana namin. Huwag ka lamang sana naming maging huwaran,
ikaw rin sana’y maging kaibigan naming. Huwag ka lamang sana tagapaghatid ng biyaya ng Diyos,
ikaw rin sana ay kalakbay namin upang kaisa ka namin di lamang sa buhay na ito kundi hanggang sa
buhay na walang hanggan.

O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman,
nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong
buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na
Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay
makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa
mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming
kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga
dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan
namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa
pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.

You might also like