You are on page 1of 41

NOBENANG PANG MARTES SA KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA DE

MANILA

(Munting Paala-ala: Ang Pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Penafrancia de Manila ay


gagawin tuwing Martes bago ang Banal na Misa. Uumpisahan ito sa pagdarasal ng Santo
Rosario, alaala’t galang sa Mahal na Ina sa isa pa niyang taguri na Del Rosario ng Ilog ng
Pasig.

Ang tema ay sumesentro sa Pamimintuho sa Ina ng mga Dukha, pagbibigay-galang sa


Katamis-tamisang ngalan ni Maria, at sa pagsamba sa Banal na Sakramento, na siyang
nakapaloob sa nasabing gawain, upang mahikayat ang lahat na sumampalataya sa
dakilang presensya ni Kristo, na isinilang ng Mahal na Birheng Maria, na siyang huwaran ng
kababaang loob)

N: Buksan mo Panginoon ko, ang aking mga labi. (magkrus sa bibig)


L: At pupurihin ka ng aking dila.

N: O Diyos, ilawit sa akin ang iyong tulong. (mag-antanda ng krus)


L: O Panginoon, madali ka sa pagsaklolo sa akin

N: Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.


L: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen

PAMBUNGAD NA AWIT: Inang Mahal

Inang Mahal, Birhen Ng Peñafrancia


Pintakasi Nami't Pag-Asa
Sa Lahat Ng Aming Pangangailangan,
O Ina, Kami Ay Tulungan.
Sa Maalong Dagat Nitong Buhay
Ikaw Po Ang Aming Timbulan
Sa Sakit at Madlang Karamdaman
O Ina, Kami Ay Lunasan.

Kung Kami Ay Mayro’ng Alinlangan


Kami Po Ay Iyong Payuhan
Sa Panganib at Madlang Kahirapan
O Ina, Kami'y Saklolohan.

Inang Mahal, Birhen Ng Peñafrancia


Pintakasi Nami't Pag-Asa
Sa Lahat Ng Aming Pangangailangan,
O Ina, Kami Ay Tulungan.

(Kapag natitipon na ang sambayanan, at nakahanda na rin ang pari at ang iba pang
tagapaglingkod, tatayo ang lahat at pupunta ang pari sa gawi ng tabernakulo at kukunin
ang Banal na Sakramento. Sa pagbukas ng pinto ng tabernakulo, luluhod ang lahat at
sisimulan ang pag-awit ng O Salutaris Hostia. Matapos itanghal ang Banal na Sakramento sa
dambana, luluhod rin ang pari at iinsensuhan ito.)

O SALUTARIS HOSTIA

O salutaris Hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilia,
Da robur, fer auxilium.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria,
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.
Amen.

Namumuno: Mga kapatid, tayo ay natitipon sa mapagmahal na presensya ng Diyos, at sa


harapan ng mapaghimalang larawan ng Mahal na Ina ng Penafrancia de Manila, ang Ina
ng mga Dukha. Naparito tayo upang kasama niya’y sumamba sa Banal na Sakramento at
ialay ang ating pasasalamat sa di-mabilang na biyaya, making sa Salita ng Diyos, at idulog
ang ating mga kahilingan at mga hangarin sa pamamagitan ni Maria. Upang maging
marapat sa ating pamimintuho, hingin natin na ating pagsisihan ang ating mga kasalanan.

PAGSISISI (Magsiluhod ang lahat)

Panginoon kong Jesucristo, Dios na totoo at tao namang totoo, na aking


sinasampalatayanan, pinananaligan at iniibig nang higit sa lahat ng tao't bagay,
ikinahahapis ko nang buong puso ang madlang pagkakasala ko sa iyo, sapagkat ikaw ang
kabutihang walang hanggan.
Nagtitika akong hindi na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya, at sa
makapangyarihang pamamagitan ng iyong Inang makalangit na si Maria Santisima, na
siyang nais kong ipagdangal sa buong buhay ko, lalong lalo na sa loob ng pagsisiyam na
ito, inihahandog ko ito sa kapurihan ng kanyang kabanal-banalang ngalan. Amen

Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Diyos Ama, ibinigay mong huwaran sa amin ang isang babaeng bukod tanging
ipinaglihing alang kasalanan na si Birheng Maria, na hinirang mong maging Ina ng iyong
Bugtong na Anak na si Jesus, at tanging Esposa ng Espiritu Santo. Loobin mong tularan
namin si Maria sa kanyang pagsunod sa Iyo nang buong puso, pagmamahal sa iyo bilang
Ama, pagmamahal kay Jesus bilang Anak, at sa Espiritu Santo bilang Esposo nang habang
buhay. Loobin mong matulad kami sa kanya na namuhay sa mundo ayon sa Iyong
kalooban at hindi ayon sa kanyang nais lamang. Matamo nawa namin ang banal na
pamumuhay upang makamtan namin ang ligaya at gantimpalang walang hanggan sa
langit, sa piling ng Banal na Santatlo at Banal na Mag-anak.

O Maria, lubhang kaibig-ibig kong Reyna at Ina, na ang katamis-tamisang ngalan na aming
sinasambit nang may pagpipitagan ay nakaliligaya sa langit, nakaaaliw sa lupa at
nagpapasindak sa impyerno, dahil ang ngalang iyan ay bigay sa iyo ng Diyos. Buong puso
naming isinasamo na bahaginan mo ang lahat ng iyong mga tinatamasang biyaya: na qng
mga maysakit ay iyong pagalingin, ang mga nalulumbay ay iyong aliwin at ang mga
makasalanan ay iyong patawarin. Ikaw na Anghel na magbibigay ng kaligayahan, at
kaluwalhatian sa Santisima Trinidad, na kinalalagdaan ng Limang titik ng iyong pangalan.
Kawangis ng ngalan mo ay ang katamis-tamisang ngalan ni Jesus.

Iparating mo sa iyong Mahal na Anak si Jesus na aming tagapagligtas ang aming mga
kahilingan at bigyang tugon ang mga ito ayon sa aming ikabubuti. Sapagkat ang iyong
maka-inang habag ay kawangis ng pinagtipun-tipong mga gamot na aking magagamit sa
aking mga pangangailangan. Kung uusalin ko at isasapusong lagi, uulitin ko sa tuwina itong
matamis at mahalagang wika...

Ave Maria Purisima, sin pecado concebida


Ave Maria Purisima, sin pecado concebida
Ave Maria Purisima, sin pecado concebida

Mahal na Ina, sa pagsisimula ng aming gawaing pamimintuho, ay iniluluhog namin ang


mga ito sa iyo, habang aming pinagninilayan nang may buong galak ang iyong wagas na
pagmamahal sa amin bilang Ina at Reyna ng mga dukha, sapagkat winika ng iyong anak
na mapapalad ang mga dukha sa Espiritu ay nasa kanila ang kaharian ng langit, gayundin
ay kamtan ko sa iyong awa’t katamisan ang mga kagalingang dulot ng gayong katamis-
tamisang ngalan upang maging marapat mapabilang sa iyong tapat at magiliwing mga
anak. Mamuhay nawa kami sa kabanalan sa ilalim ng iyong matamis na pagkakandili, at
tamuhin ang tanging isinasamo namin sa pagsisiyam na ito, na sang-ayon sa kalooban ng
Diyos, sa aking kaligtasan, at sa ikabubuti ng aking kaluluwa. Siya nawa
Namumuno: O Lubhang Masintahin naming Ina
Lahat: Alalahanin mo kaming abang makasalanan sa bawat sandal ng aming maralitang
buhay.

Namumuno: Magsitayo ang lahat upang making at magbigay galang sa mabuting balita

PAGBASA MULA SA BANAL NA KASULATAN (mamimili sa mga sumusunod)

-Lucas 1:26-38

Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang
dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa
lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa
ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!”
Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat
kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at
siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan.
Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari
siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang
hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel,
“Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan.
Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang
iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila
ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao –
sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan
siya ng anghel

-Lucas 1:39-45

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa


bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria,
naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong
galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong
sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko
ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat
nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!”

-Lucas 1:46-56

At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na
aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon,
ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa
sa akin ng Makapangyarihan — Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi. Ipinakita
niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, At itinaas ang mga nasa abang
kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang
wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang
pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi,
magpakailanman!”

Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

-Lucas 8:19-21

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila
makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at
mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng
salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”

-Lucas 11:27-28

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing
sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo
sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad
ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

-Lucas 14:1, 7-14

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno


ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa
mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka
ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may
inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at
sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y
mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag
naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-
anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka
ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay
ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

-Mateo 6:19-21

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao: “Huwag kayong mag-impok ng mga
kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok
na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang
naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung
saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

-Juan 2:1-11

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus
at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa
kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang!
Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo
ang anumang sabihin niya sa inyo.”

Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang
tatlumpung galon. Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon
ng mga Judio. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.”
At pinuno nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at
dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng
handaan. Tinikman naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan
nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawag niya
ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap na alak.
Kapag marami nang nainom ang tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit
ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”

Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa
pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga
alagad.

-Juan 19:25-27

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid
na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang
makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang
sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula
noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Namumuno: Ang mabuting balita ng Panginoon


Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Jesucristo

(uupo para sa sandaling pagninilay)

AWIT: Inang Mahal, pag-asa ka namin

O Ina ng awang di nagmamaliw


Yaman ka ng aming puso't damdamin
Mga mata mong maamo
Sa ami'y iyong ituon
At pakamtan sa amin ang iyong saklolo
Katatagan sa aming nanghihinang loob
Coro: Sa sakit, dusa't hilahil at lungkot
ng aming pusong marupok
Ikaw, O Inang Mahal ng Penafrancia
Gabay at pag-asa ka namin tuwina

Maningning kang gabay-tala


naming mga manlalakbay
nang hindi kami'y madaya't maligaw
Ibulong mo sa anak mong nakakandong
Si Jesus na aming manunubos
Pagdaing nami't pagluhog

MGA PAGHIBIK

(Ngayon ay magdasal ng Limang Aba Ginoong Maria atbp. bilang paggalang sa limang
titik na ikinabubuo ng Katamis-tamisang ngalan ni Maria)

M - asintahing Ina, ipinagmamakaamo ko na sa lahat ng sandali ng aking buhay ay


alalahanin mo akong isang kahabag-habag na makasalanan.

Aba Ginoong Maria

A - lulod ng mga biyaya ng Diyos, pagkalooban mo ako ng masaganang luha upang


mapagsisisihan ko at maikumpisal ang lahat ng pagkakasalang aking nagawa.

Aba Ginoong Maria

R - osa Mistica na nakabukadkad at may bangong nakakaaliw sa lahat at Reyna ng Langit


at Lupa, ikaw nawa ang tumulong sa akin at maging tanggulan ko laban sa pagsalakay ng
aking mga kaaway.

Aba Ginoong Maria

I - law na lubhang maliwanag at masintahing anak nina San Joaquin at Santa Ana,
ipanalangin mo ako sa iyong giliw na anak na ako'y pagkalooban ng mga biyayang
kinakailangan ko sa aking kaligtasan

Aba Ginoong Maria

A - bogada at takbuhan ng mga makasalanan, ikaw nawa'y mamagitan sa aming mga


makasalanan, at sa oras ng aking pagpanaw sa mundong ito, alagaan po ninyo ako at
agapayan, at buksan mo sa akin ang pintuan ng Langit

Aba Ginoong Maria

(Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa pagsisiyam na ito at


isusunod na dasalin ang Panalangin sa Nobena)
PANALANGIN SA NOBENA

O Reyna ng Langit, pinakamamahal na Birheng Maria ng Penafrancia de Manila! na, upang


maipakita ang pagmamahal na iyong nadama para sa rehiyon ng Salamanca, niloob
mong magpakita sa iyong lingkod na si Simón Vela, na nag-utos sa kanya na magtayo ng
isang templo sa tuktok ng Peña de Francia, kung saan ang iyong kagalang-galang na
larawan ay tatanggap ng gayong karangalan na angkop sa iyong kamahalan at
kadakilaan, gayundin noong gumaling ang lingkod mong si Don Miguel mula sa
pagkakaratay sa sakit at tinupad ang kanyang pangakong ipagtatayo ka ng kapilya bilang
tanda ng kanyang pasasalamat bago siya ipadala at ipakilala ka sa Bicolandia.
Ipinamamanhik namin sa iyo, hindi man kami karapat-dapat dahil sa aming pagkukulang,
na malugod mong pakinggan mula sa iyong trono ang mga pagsusumamo ng iyong mga
anak sa paghingi ng mga biyaya't kagandahang loob, lalong lalo na ang biyayang ito....

(tahimik na banggitin ang mga nais iluhog sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng


Penafrancia de Manila)

Ikaw na pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina, na laging handang umagapay sa


paglalakbay namin sa buhay na ito. Ituon ang iyong mga matang maawain sa bawat
tahanan ng mga masintahin sa iyo, pasiglahin ang buhay mag-anak at ang aming
pagsisikap na gawing pugad ng kapayapaan ang aming tahanan; Iligtas mo kaming lahat
mula sa lahat ng uri ng kapahamakan, paunlarin ang aming mga hanapbuhay at
kalakalan, pagkalooban ng masaganang ani ang mga magsasaka, higit sa lahat,
makamtan para sa kanila ang espirituwal na kayamanan na binubuo ng pagsasagawa ng
mga kabanalang Kristiyano, at lalo na sa pagtupad ng tungkulin sa kanilang napiling lagay
ng buhay.

Ikaw na Ina ng mga Dukha, lukuban mo kaming lahat sa manto ng iyong pag-aampon ang
lahat ng naririto sa iyong harapan, ipagsanggalang mo ang iyong mga tapat na lingkod sa
isang natatanging paraan at hirangin silang mga huwaran ng kabanalan sa paglilingkod sa
Diyos, sa iyo at sa aming kapwa. Kalarahin mo ang mga pastol na gumagabay sa aming
kaluluwa tungo sa kaganapan ng buhay, lalo na ang Santo Papa ________________,
________________ na aming Arsobispo, tanang mga Obispo, kaparian, at ang mga
nagtalaga ng kanilang sarili sa Diyos sa relihiyosong bokasyon at samahan sila sa
pagpapalaganap ng Katolikong pananampalataya at maitayo ang kaharian ng Diyos dito
sa lupa. At sa gitna ng pakikibaka sa aming maralitang buhay, nababagabag at nararatay
sa sakit o namimighati sa anumang kasawiang dinaranas ay aming din iniluluhog sa iyong
mga paa, nang aming makamit ang tulong at aliw mula sa Diyos na butihin, dala ng aming
mga pangangailangan, pagkalooban mo rin kami ng lakas at biyaya na kakailanganin
namin upang dalhin ang aming krus nang may pagtitiis at may kagalakan para sa ikabubuti
ng aming mga kaluluwa. Pakamtan mo rin sa mga kaluluwa sa purgatoryo ang iyong
mapagmalasakit na tulong nang sila'y makalaya at makamtan ang walang hanggang
kapahingahan.

O Mahal naming Ina, ikaw na siyang kayamanan ng aming puso, ito ang siyang hangarin
ng iyong mapagmahal na mga anak, na buong pusong nagtitiwala na makakamtan namin
mula kay Kristo na nakakandong sa iyong piling, ang di-matingkalang biyaya ng banal na
buhay, maligayang kamatayan, at walang hanggang kapurihan sa langit na aming tunay
na bayan sa buhay na darating. Amen.

MEMORARE

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, na di kailanman narinig na ang


sinumang lumapit sa iyo, humingi ng iyong tulong o nagdasal para sa iyong pamamagitan
na iyong pinabayaan. Dala ng ganitong pag-asa, ako'y dumudulog sa iyo, O Birhen ng mga
Birhen, aking Ina, at kahit na nagdadalamhati dahil sa aking mga kasalanan ay nangahas
akong lumapit sa dakila mong harapan. O Ina ng Salitang Nagkatawang Tao, huwag mo
pong siphayuin ang aming mga karaingan, sa halip ay iyong dinggin at sagutin, dulot ng
iyong awa. Amen

LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA DE MANILA

Panginoon, maawa ka sa amin.


Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,

Santa Maria, ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Santang Birheng ipinaglihing walang sala.
Mahal na Birhen ng Peñafrancia de Manila,
Mapalad na anak ng walang hanggang Ama,
Pinakamamahal na Ina ng kabanal-banalang Anak,
Bukod tanging esposa ng Espiritu Santo,
Kaluwalhatian ng Santisima Trinidad,
Aliping tapat ng Panginoon,
Reyna ng Langit at Lupa,
Maharlikang Trono ng walang hanggang Hari,
Makalangit na Ingat-yaman ng Mahal na Puso ni Jesus
Kakila-kilabot na tulad sa dumadaluhong na hukbo,
Tanglaw ng Nazaret,
Luwalhati ng Jerusalem,
Kaligayahan ng Israel,
Kahoy na mayabong ng Sion,
Dangal ng aming sambayanan,
Mapalad sa lahat ng salinlahi,
Pintuan ng kalangitan,
Ulap na bumaba mula sa kalangitan,
Maputing asusena ng kalinisan,
Alulod ng mga biyaya ng Diyos,
Rosang mabangong di mapuspos ng tao ang halaga,
Ilaw na lubhang maliwanag,
Kamanyang nakalulugod sa Diyos,
Sisidlan ng walang hanggang karunungan ng Diyos,
Kayamanan ng aming puso
Masintahing anak nina San Joaquin at Santa Ana,
Saklolo ng mga Kristyanong bihag,
Bulaklak na hindi nalalanta sa hardin ng Diyos,
Bahaghari marilag,
Kalapati ng Kapayapaan,
Sandigan ng katotohanan,
Lunas sa aming sugatang damdamin,
Huwaran ng kaganapan ng buhay,
Salamin ng katatagan,
Gabay-tala ng mga manlalakbay,
Sigla ng mga pinanghihinaan ng loob,
Timbulan ng mga manlalayag,
Tagatuwid sa panahon ng kalituhan,
Kagalingan ng mga maysakit,
Aliw ng mga nagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga ulila,
Gantimpala ng mga tapat na Kristyano,
Gabay ng mga mag-aaral,
Saklolo ng mga kaparian,
Tagapangalaga ng mga nagtalaga ng kanilang buhay sa relihiyosong bokasyon,
Toreng matatag ng makalangit at naglalakbay na Simbahan,
Tagalupig ng mga bulaang aral,
Ligaya ng mga Anghel at mga Banal,
Sindak ng mga demonyo,
Ina't Reina ng mga dukha,

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Iligtas mo po kami,


Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po
kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa amin.

ANTIPONA

Santa Maria, ampunin mo't tulungan ang mga kahabag-habag, tulungan mo ang mga
mahihinang puso, pasiglahin mo ang mga duwag na loob, ipanalangin mo po ang tanang
kinapal, kalarahin mo ang mga kaparian, saklolohan mo ang mga babaing masintahin sa
iyo. Maipadama mo nawa ang iyong pagtulong sa lahat ng nagpupuri sa iyo sa pag-alaala
sa iyong kamahal-mahalang ngalan.

V: Papagindapatin mo kami na magpuri sa iyo, O Maria


R: Pagkalooban mo kami ng kabagsikang ikapapanalo namin sa iyong mga kaaway

MANALANGIN TAYO

Ama naming makapangyarihan, sa iyong umaapaw na pag-ibig, ibinigay mo si Hesus sa


amin na isinilang ng Birheng Maria, gayundin naman ibinigay sya sa amin ni Hesus upang
maging Ina namin. Katulad ni Maria, kami nawa ay maging bukas palad sa kapwa at may
pagtalima sa iyong salitang nagbibigay buhay. Hanapin naming tuwina at tupdin ang iyong
kalooban upang kaming sambayanan mo ay lumago't mamunga at maging tapat sa
paglilingkod, magbigkis sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Kasama ni Maria,
akayin mo kami sa landas na hahantong sa iyo, na kami ay sumapit sa tahanang tanging
pangako ni Kristo sa bayan mong hinirang na nagmimithi sa iyo at kung matapos itong
aming paglalakbay, kami ay matipon sa pagsamba at pagpupuri sa iyo na walang
humpay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na
nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen

PAGTATALAGA SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA DE MANILA


(Tuwing Unang Martes ng bawat buwan)

Kataas-taasang Reyna ng mga Angeles, Mahal na Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng


mga Dukha, dala ng ganitong pag-asa, kaming mga abang makasalanan, habang kami’y
gumagalang sa iyong katamis-tamisang ngalang "MARIA" na ipinangangako naming
ikikintal sa aming puso at sasambitin namin sa tuwina nang lalo at lalong mataimtim na
pagsinta, at ipagtatanggol ito laban sa anumang paglapastangan. Lumuluhod kami sa
Mahal mong paanan at itinatalaga namin sa iyo nang buong kapakumbabaan ang aming
mga sarili, ang aming pamilya, ang aming parokya, ang aming komunidad, ang lungsod ng
Maynila, at ang buong bansang Pilipinas sa iyong matamis na pag-aampon. O aming Ina,
marapatin mo kaming tanggapin at mapabilang sa mga mairugin mong mga anak.
Lukuban mo kami sa lambong ng iyong pag-aampon, tulungan mo kami sa aming mga
pangangailangang pangkatawan at pangkaluluwa, lalo na sa oras ng aming pagpanaw.
Gayundin, pakamtan mo rin sa amin mula sa iyong anak ng kapatawaran sa mga
pagkakasalang aming nagawa, at ng biyaya ng huling pananatili at kabanalan.

Lipos ng pagtitiwala sa iyong mabisang pamamagitan at sa lambing ng iyong maka-inang


puso, O Mahal na Ina ng Penafrancia, nababatid namin na iniibig mo kami nang higit sa
pag-ibig namin sa aming mga sarili, dahil dito ay inihahabilin namin sa iyong mga kamay
ang aming mga kapakanan at alalahanin sa aming maralitang buhay, gawin mo kaming
kasangkapan ng iyong mapagmalasakit na pagmamahal upang ipadama namin sa mga
hindi pa nakakakilala sa iyo at sa iyong anak ang iyong pagmamahal, upang sa gayon ay
maakay sila patungo kay Kristo, sapagkat ninanasa mo ang aming kaligtasan. O Aming Ina,
pakamtan mo sa amin ang iyong basbas, at sa iyong makapangyarihang at di-nabibigong
pamamagitan, at agapayan mo kami sa kabila ng aming mga kahinaan, nang kami’y
manatiling tapat sa mga pangako namin sa binyag na iibigin nami’t paglilingkuran ang
iyong anak na si Jesus, mamuhay bilang isang mabuting Katolikong Kristyano, at gayundin,
sa buhay na ito at sa kamatayan, ika’y aming iibigin, paglilingkuran at pasasalamatan, at
hanggang sa sumapit kami balang araw, habang aming inaawit ang iyong karangalan
bilang aming huwaran ng kababaang-loob at Ina at Reyna ng mga Dukha, ay mapabilang
kami sa mga mapapalad sa buhay na walang hanggan. Amen

PANALANGIN AT MGA PANAWAGAN BAGO ANG PAGBABASBAS NG BANAL NA


SAKRAMENTO

Kasama ni Maria, sumasamba kami sa Iyo, O Jesus, Diyos na totoo at taong totoo, na nasa
kabanal-banalang sakramento sa altar, naninikluhod at ipinagkakaisa ang aming diwa, sa
kasamahan ng mga mananampalataya sa buong mundo at ang lahat ng mga banal sa
langit. Wagas ang aming pasasalamat sa lahat ng mga biyayang aming natamo, buong
puso naming ika’y iniibig, karapat-dapat kang tunay na purihin at sambahin ng buong
santinakpan. Panginoong Jesucristo, sa kabila ng aming mga kakulangan, huwag nawa
namin hayaang masaktan ang iyong maawaing damdamin. Nawa ang Iyong presensya sa
Banal na Eukaristiya ang siyang makapagpawi sa aming napapagal na diwa at katawan.
Mahal na Ina ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha, Ina ng Panginoong nasa Banal
na Sakramento, kami’y iyong idalangin, at pakamtan mo sa amin na wagas at tunay na
pagmamahal kay Kristo na aming Panginoon. Amen

Panginoon, sumasampalataya kami sa iyo (2x)


Panginoon, sumasamba kami sa iyo (2x)
Panginoon, umaasa kami sa iyo (2x)
Panginoon, iniibig ka namin (2x)
Panginoon, ikaw si Kristo, ang anak ng Diyos na buhay (2x)
Panginoon, ikaw na nagpahayag na mapapalad ang mga dukha (2x)
Panginoon, ang mga nagpapakababa ay iyong itaas (2x)
Panginoon, ang mga nagpapakataas ay iyong ibababa (2x)
Panginoon, ang mga maysakit ay iyong pagalingin (2x)
Panginoon, ang mga bulag nawa’y makakita (2x)
Panginoon, ang mga pipi nawa’y makapagsalita (2x)
Panginoon, ang aming sugatang damdamin ay bigyang lunas at aliw (2x)
Jesus, ama ng mga dukha, maawa ka sa amin (2x)
Jesus, anak ni Maria na huwaran sa kabaang loob, maawa ka sa amin (2x)

AMA NAMIN (Magsitayo ang lahat)

Namumuno: Sa nakagagaling na utos, upang gawin nating ganap ang ating mga
panalangin. Siya ang bukal ng tanang kagalingan. Tanging Siya ang pinagmumulan ng
lahat ng biyaya't kabutihan, na niloob niyang ipamahagi sa pamamagitan ni Maria na ating
Ina, buong tiwala nating dasalin ang panalanging itinuro sa atin ni Jesus.

(Ang Ama Namin ay aawitin o dadasalin)

Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.


Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo, dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Inang Birheng Maria, Mahal na Birhen ng Peñafrancia ng Maynila, ikaw na tunay na Ina
ng sangkatauhan. Iniluluhog namin sa iyo na ibulong mo kay Hesus na nasa iyong
kandungan na kami ay pagkalooban ng malawak na kaisipan upang maunawaan namin
ang mga bagay-bagay sa aming kapaligiran. Pagkalooban din kami ng pusong puno ng
pag-ibig upang mahalin namin ang aming kapwa at tibayan ang aming
pananampalataya na siya naming gabay sa aming kaligtasan.

O Inang Birhen Maria huwag mong ipagwalang bahala itong pagluhog namin sa iyo
sapagkat kami ay umaasa na ang lahat ng dumudulog sa iyong paanan ay binibigyan mo
ng kalinga at pagmamahal. Idulot mo ang iyong awa at bendisyon sa amin. Ipagkaloob mo
rin itong aming pansariling pangangailangan.

(Banggitin ang kahilingan).

Dasalin ang isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati para sa mga intension ng
Santo Papa.
Mahal na Birhen ng Peñafrancia, Inang Mahal ng mga Dukha, ipanalangin mo kami.
PAGBABASBAS NG SANTISIMO SAKRAMENTO

Tantum ergo sacramentum


Veneremur cernui,
et antiquum documentum
novo cedat ritui.
Præstet fides supplementum
sensuum defectui.

Genitori genitoque
laus et jubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
sit et benedictio!
Procedenti ab utroque
compar sit laudatio!
Amen.

℣. Panem de cælo præstitisti eis (T.P: V. Binigyan mo sila ng tinapay buhat sa


Alleluia) Langit (Aleluya)
℟. Omne delectamentum in se habentem R. Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat
(T.P: Alleluia) ng katamisan (Aleluya)

℣. Oremus: V. Manalangin Tayo

Oremus: Deus, qui nobis sub sacramento O Diyos, na sa ilalim ng Kamangha-


mirabili, passionis tuae memoriam reliquisti: manghang Sakramento, ay iniwan Mo sa
tribue, quaesumus, ita nos corporis et amin ang ala-ala ng Iyong hirap at sakit;
sanguinis tui sacra mysteria venerari, ut ipagkaloob Mong sa pamamagitan ng
redemptionis tuae fructum in nobis iugiter pagsamba namin sa Banal na Misteryo ng
sentiamus. Qui vivis et regnas in saecula Iyong Katawan at Dugo, ay madama
saeculorum. namin sa aming sarili ang bisa ng pagtubos
℟. Amen. Mo sa amin; Ikaw na nabubuhay at
naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen

Magsusuot ang pari ng humeral veil, itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang
kamay at babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babalik siya sa
kanyang lugar sa harap ng dambana at aanyayahan ang sambayanan sa pagpupuri sa
Diyos.

PAGPUPURI SA BANAL NA SAKRAMENTO

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang kalinis-linisa’t di narungisang paglilihi kay Maria
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

Ang kabanal-banalang Sakramento ng puso ni Jesus sa mga tabernakulo ng mga


Simbahan sa buong daigdig ay lagi nawang makatanggap ng buong pusong pagsamba,
pagpupuri at pagpapasalamat. Amen

(Tatayo ang pari. Ilalagay uli ang Banal na Sakramento sa siboryo at isasauli iyon sa
tabernakulo, habang inaawit ng sambayanan ang sumusunod)

O SAKRAMENTONG MAHAL

O Sakramentong mahal
Nasa langit buhat
Ang puri ng kinapal
Iyong iyo lahat
Iyong iyo lahat

O Sakramentong mahal
Hiwagang dalisay
Kami iyong bendisyunan
At laging ingatan
At laging ingatan
AWIT SA PAG-IINSENSO SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA DE MANILA
(Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang
awit patungkol kay Maria, at iinsensuhan ang mapaghimalang larawan)

ALMA REDEMPTORIS MATER


(Mula sa unang linggo ng Adbyento hanggang ika-2 ng Pebrero (kapistahan ng
Paghahandog sa sanggol na si Jesus sa templo)

Alma Redemptóris Mater, quæ pérvia cæli


Porta manes, et stella maris, succúrre cadénti,
Súrgere qui curat pópulo: tu quæ genuísti,
Natúra miránte, tuum sanctum Genitórem
Virgo prius ac postérius, Gabriélis ab ore
Sumens illud Ave, peccatórum miserére.

AVE REGINA CAELORUM


(Mula sa ika-3 ng Pebrero hanggang Sabado de Gloria)

Ave, Regina caelorum,


Ave, Domina Angelorum:
Salve, radix, salve, porta
Ex qua mundo lux est orta:

Gaude, Virgo gloriosa,


Super omnes speciosa,
Vale, o valde decora,
Et pro nobis Christum exora.

REGINA COELI
(Mula sa gabi ng Sabado de Gloria hanggang sa Linggo ng Pentecostes)

Regina caeli, laetare, alleluia;


Quia quem meruisti portare, alleluia,
Resurrexit, sicut dixit, alleluia:
Ora pro nobis Deum, alleluia.

SALVE REGINA
(Mula sa Lunes pagkatapos ng Linggo ng Pentecostes hanggang sa katapusan ng taong
liturhiko)

Salve, Regina, Mater misericordiæ, vita, dulcedo, et spes nostra, salve.


Ad te clamamus exsules filii Hevæ,
Ad te suspiramus, gementes et flentes in hac lacrimarum valle.
Eia, ergo, advocata nostra, illos tuos misericordes oculos ad nos converte;
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui, nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O pia, O dulcis Virgo Maria.

(isusunod ang Banal na Misa sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Penafrancia de Manila)


PANALANGIN NG BAYAN PARA SA MISANG MARTES SA KARANGALAN NG BIRHEN NG
PENAFRANCIA DE MANILA

Pari: Nagkakatipon tayo upang ialay ang marapat nating pagsamba sa Banal na Sakripisyo
ng Misang ito, sa pasasalamat natin sa Diyos, sa karangalan ng Mahal na Birhen ng
Penafrancia de Manila, ang Ina at Reina ng mga Dukha, na sa lahat ng panahon ay
walang hinahangad kundi ang tayo ay matulungan at tugunin sa mga kahilingan at
pangangailangan tungo sa ating kaligtasan.

Pari: Panginoong Jesus, anak ni Maria, kaming naririto sa iyong harap na nagpupuri sa iyong
kadakilaan. Ikaw na nagsabi: “Mapalad ang mga dukha sa Espiritu, sapagkat sumasakanila
ang kaharian ng langit.” Tulad ni Maria na nagpakadukha sa espiritu, nawa’y matularan
namin ang kanyang kabanalan, at magpalakas nawa sa amin tungo sa mas matatag na
pananalig sa Iyong makalangit na pag-ibig at sa walang sawang paglilingkod sa Iyong
Mahal na Anak.

Lahat: Jesus, anak ni Maria, pakinggan at ipagkaloob ang aming dalangin

Priest: Panginoong Jesus, anak ni Maria, ikaw na nagsabi; “Higit na mapalad ang mga
nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!" Tulad ni Maria na handang tumugon ng oo
sa kalooban ng Diyos, tulungan mo kami sa aming pagsisikap na maging mabubuting mga
Kristyano, anuman ang hamon sa aming buhay ang aming masagupa.

Lahat: Jesus, anak ni Maria, pakinggan at ipagkaloob ang aming dalangin

Priest: Panginoong Jesus, anak ni Maria, ikaw na nagsabi; “Kung saan naroroon ang iyong
kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” Kaagapay si Maria, na dumadalangin para sa
Simbahang naglalakbay, kami’y dumudulog sa iyong puno ng pagtitiwala sa Iyong
maawaing pag-ibig na punuin mo ang aming puso ng iyong biyaya at pasiglahin ang
aming nanlulupaypay na damdamin.

Lahat: Jesus, anak ni Maria, pakinggan at ipagkaloob ang aming dalangin

Priest: Ating idalangin ang lahat ng mga intensyon ng Simbahan at ng sambayanan ng


Diyos, at ang ating itutugon…

(ang kasunod ay kukuha sa Panalangin ng Bayan sa araw na ito)


PANGWAKAS NA AWIT SA MISA: Awit sa Mahal na Birhen ng Penafrancia de Manila

O Nuestra Senora de Penafrancia de Manila


Ina ng mga dukha, iniluluhog namin sa iyo na ibulong mo kay Jesus
Sa iyong kandungan, sa iyong kandungan
na kami'y pagkalooban ng malawak na kaisipan
Upang maunawaan ang mga bagay-bagay sa aming kapaligiran
Bigyan din kami ng pusong puno ng pag-ibig
upang mahalin ang aming kapwa
At tibayan ang aming pananampalataya
na siyang gabay sa aming kaligtasan. Amen

(isinaayos at pinaunlad ni J.M.A at J.E.M ang Debosyong Martes sa karangalan ng Mahal na


Birhen ng Penafrancia de Manila)
PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA DE MANILA
(Para sa Kapistahan tuwing Linggo malapit sa Mayo 14 at natatanging paggunita sa
Koronasyon Pontifical sa Nobyembre 10)

Daloy ng Panalangin:

-Rosaryo (luhod)
-Pambungad na awit (tatayo)
-Pagsisisi (luluhod)
-Pambungad na Panalangin (luluhod)
-Mga Paghibik sa Katamis-tamisang Ngalan ni Maria (luluhod)
-Pagbasa sa bawat araw (tatayo)
-Sandaling Pagninilay (uupo)
-Panalangin sa bawat araw (luluhod)
-Litanya (luluhod)
-Pangwakas na Panalangin (tatayo)

UNANG ARAW: Si Maria bilang Huwaran ng Pagsunod sa kalooban ng Diyos

Pagbasa: (Lucas 1:28-33)

Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng
Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang
kahulugan ng ganoong pangungusap. Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot,
Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at
manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. Siya'y
magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng
Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang maghari sa angkan ni
Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”

Panalangin sa Unang Araw

Inang Maria, kung papaano mo inaruga at pinalaki si Hesus sa hirap at ginhawa, ay


maibahagi mo nawa sa akin. Isinasamo ko nang buong kababaang loob sa iyong banal na
pangalan na ipanalangin mo sa iyong anak na si Hesus na ipagkaloob sa akin ang
maningning na liwanag ng dakilang simula ng aking kaluluwa na ang Diyos Ama na rin ang
lumikha tulad ng paglikha Niya sa iyo at sa iyong sinapupunan na si Hesus. Nawa’y maging
marapat akong makibahagi sa buhay ng Banal na Santatlo at Banal na Mag-anak na kung
saan ikaw ay huwaran ng mga ina at mga kababaihan. Ipanalangin mo sa iyong anak na si
Hesus na ako ay tulungang matularan siya sa pamamagitan ng mga halimbawang itinuro
mo sa amin. Tulungan mo ako, Inang Maria, na mamuhay ayon sa kagustuhan ng ating
Panginoon at hindi ayon sa gusto ko at ng mundo. O Ina ng Diyos, kalingain mo ako. Siya
nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKALAWANG ARAW: Si Maria bilang Huwaran ng Malasakit

Pagbasa: (Lucas 1:39-45)

Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang
bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet.
Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang
sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka
sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang
dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw
sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang
matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!”

Panalangin sa Ikalawang Araw

Inang Maria, kung papaanong napuspos ka ng Espiritu Santo, at ito ay ibinahagi mo sa


iyong pinsang si Elisabet, ay maibahagi mo rin sa akin ang grasya ng Espiritu Santo upang
tulad mo ay matuto akong maibahagi mo rin sa akin ang grasya ng Espiritu Santo upang
tulad mo ay matuto akong magbahagi ng aking panahon sa mga nangangailangan, lalo't
higit sa mga kapatirang salat sa materyal at espiritual na pangangailangan. Kung
papaanong ang kagalakan ng paglilingkod ay kusang bumukal sa iyo, nawa, sa
pamamagitan mo, ay magkaroon ako ng puspos na kagalakan mula sa puso na
maglingkod sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Inang Simbahan. Ina ng Diyos,
bahaginan mo ako ng iyong pag-ibig. Siya Nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKATLONG ARAW: Si Maria ay huwaran ng katapatan sa paglilingkod sa Diyos at kapwa

Pagbasa: (Lucas 1:46-55)

At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y
nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang
alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad; dahil sa mga dakilang
bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! Ang kanyang kahabagan ay
para sa mga tao at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng
kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. Tinanggal sa kanilang luklukan
ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Pinasagana niya
sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang
mga mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, at naalala ito upang
kanyang kahabagan. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

Panalangin sa Ikatlong Araw

Inang Maria, kung papaanong nasambit mo sa Diyos Ama ang nilalaman ng iyong puso’t
diwa sa pamamagitan ng awit, ay turuan mo rin akong masambit sa Diyos Ama at sa Anak
ang nasa sa puso, kaluluwa at Espiritu ko. Nawa’y ang kagalakang nagmula sa Espiritu
Santo ay magpapanatili ng aking buong pusong paglilingkod. Hilingin mo kay Hesus na
pagkalooban ako ng mga sangkap na magpapalakas at magpapatatag sa aking layuning
maglingkod sa Inang Simbahan, lalo’t higit dito sa Dambana at Parokya ng Nuestra Senora
de Penafrancia. Ina ng Diyos, tulungan mo akong maging tapat, totoo at matatag sa aking
paglilingkod. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKAAPAT NA ARAW: Si Maria, Inang mapagkalinga

Pagbasa: (Lucas 2:15-19)

Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap,
“Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng
Panginoon.” Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang
sanggol na nakahiga sa sabsaban. Isinalaysay ng mga pastol ang sinabi ng anghel tungkol
sa sanggol. Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Tinandaan ni Maria
ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-bulayan. Umalis ang mga pastol na
nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila
at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.

Panalangin sa Ika-Apat na Araw

Inang Maria, kung papaanong iningatan at minahal mo ang anak mong si Hesus kasama ni
Poong San Jose dito sa mundo sa gitna ng kahirapan ay turuan mo akong ingatan at
mahalin ang mga taong ipadadala ng iyong anak na si Hesus, upang kalingain ko, maging
kaibig-ibig man o hindi ang mga ito. tulungan mo akong maunawaan ang mga
pagkakaiba at pagkakatulad ng aming mga pag-uugali upang tunay kong maipadama
ang pagmamahal at pagkalinga ni Hesus sa mga taong nangangailangan. bahaginan mo
ako ng pag-ibig at agapayan mo ako sa aking mga gawain para sa kapatiran. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKALIMANG ARAW: Si Maria, huwaran ng pagtitiis

Pagbasa (Lucas 2:27-35)

Sa patnubay ng Espiritu, si Simeon ay pumasok sa Templo. At nang dalhin doon nina Jose at
Maria ang sanggol na si Jesus upang tuparin ang ayon sa hinihingi ng Kautusan, kinarga ni
Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos, “Ngayon, Panginoon, maaari na
pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang
nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng
lahat ng bansa. Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil magbibigay-dangal sa
inyong bansang Israel.”
Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa
bata. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito'y
nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda
mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil
dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong
puso.”

Panalangin sa Ikalimang Araw

Inang Maria, kung papaanong natanggap mo ang punyal na itinarak sa iyong puso dahil sa
pagliligtas ng iyong anak na si Hesus sa sanlibutan, ay turuan mo akong tanggapin ang
mga pasakit na haharapin ko sa mundo habang ako’y nasa hiram na buhay patungo sa
buhay na walang hanggan kapiling ni Hesus na kasama mo. Turuan mo akong tanggaping
biyaya ang mga pagsubok at problema sa buhay, lalo’t higit ang mga pagsubok sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Ina ng Diyos, ipadama mo ang kalinga mo sa tuwing ako
ay nasa gitna ng pagsubok sa pakikisama at pakikiisa sa kapatiran. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKAANIM NA ARAW: Si Maria, luklukan ng Karunungan

Pagbasa (Lucas 2:41-52)

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa


Jerusalem. Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang
kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit
hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Maghapon na silang nakapaglakbay na
inaakalang kasama nila ang bata ngunit napansin nilang wala pala siya. Siya ay hinanap
nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila natagpuan si Jesus.
Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si
Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga guro.
Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-
hanga sa kanyang katalinuhan. Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y
makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang
aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.”
Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat
mamalagi sa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.
Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat
ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus;
lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Panalangin sa Ika-Anim na Araw

Inang Maria, kung papaanong natanggap mo ang pagkabalisa sa pagkawalay ni Hesus sa


piling mo sa loob ng tatlong araw, at ang pagtataka mo sa karunungan ng iyong anak na
di maarok at hindi maunawaan, ay turuan mo akong matanggap ang mga bagay-bagay
na di ko kayang arukin at unawain, ngunit nagdudulot ng pagbabago sa aking buhay na
nagiging dahilan ng pag-unlad ko sa buhay espiritual na tanging alay ko kay Hesus habang
nasa sanlibutan. Ina ng Diyos, tulungan mo akong maging maunawain sa aking mga
kapatiran at maging masunurin sa iyong anak na si Hesus, maging ito ma’y hindi ko kayang
arukin. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)
IKAPITONG ARAW: Si Maria, Huwaran sa Pakikinig at Pagtupad ng Salita ng Diyos

Pagbasa (Lucas 8:19-21)

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus, ngunit hindi sila
makalapit dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at
mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang mga nakikinig ng
salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.”

Panalangin sa Ikapitong Araw

Inang Maria, kung papaanong natanggap mo ang katotohanang ang iyong anak na s
Hesus ay hindi para sa iyo lamang kundi sa pangkalahatan ay turuan mo akong matutong
iangat ang pakikipag-ugnayan ko sa tao na di ako maghahanap ng atensiyon, manapa’y
maunawaan ko ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong maghahanap ng
pag-alo kundi ako ang mag-aalo, di na ako maghahanap na ako ay paglingkuran kundi
ako ang maglilingkod, di na ako maghahanap na ako ay mahalin kundi ako ang
magmamahal katulad ni Hesus na nagmahal nang labis upang ako’y mabuhay. Ina ng
Diyos, turuan mo akong palaging makinig sa Salita ng Diyos. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKAWALONG ARAW: Si Maria, Ina at Guro ng Pananampalataya

Pagbasa (Juan 2:1-5)

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus
at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa
kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang!
Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo
ang anumang sabihin niya sa inyo.”

Panalangin sa Ikawalong Araw

Inang Maria, kung papaano mong naaarok ang kapangyarihan ng iyong anak na si Hesus
at kung papaano mo nagawang ganap ang pananampalatay sa kanya, ay mangyaring
ituro mo sa akin. Nais kong tumulad sa iyo na nakababatid ng pangangailangan ng mga
kapatiran sa kapaligiran. Kung ano mang balakid ang haharapin ko, kung ikaliligtas ng
kapwa ko, ay susuungin ko na si Hesus ang tagumpay ng lahat kong hangarin at gawain.
Ina ng Diyos, dalangin kong lagi kitang kapiling sa habang buhay. Siya nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan
(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa
pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)

IKASIYAM NA ARAW: Si Maria, Ina ng sambayanan ng Diyos

Pagbasa (Juan 19:25-27)

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid
na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang
makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang
sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula
noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Panalangin sa Ika-Siyam na Araw

Inang Maria, kung papaanong natanggap mo ang paghihirap sa krus ng iyong mahal na
anak na si Hesus, at ang habilin niyang akong nilalang ng Diyos ay anak mo na rin, at kung
papaano mo akong minahal at pinagdasal upan ako'y mapatawad sa aking mga
kasalanan ng iyong anak na si hesus na aking kapatid at Panginoon, ay turuan mo akong
tanggapin ang bawat nilalang na aking kapatid tulad ni Hesus at anak mo ring tulad ko.
Tulungan mo akong magmahal na tunay sa aking kapatiran katulad ng ipinadama mong
pagmamahal sa akin. huwag mong hahayaang humiwalay ako sa iyo, lagi mo akong
yayakapin nang mahigpit at huwag mong pahihintulutang makalimot ako na laging aasa
at magtitiwala sa pagmamahal ni Hesus. Siya Nawa.

V. Birhen ng Penafrancia de Manila, Ina ng mga dukha


R. Pakinggan mo kaming mga lingkod mo na sa iyo’y nananawagan

(Sandaling Katahimikan, Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa


pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang Litanya)
Mga Karagdagan

1. Alma Redemptoris Mater


2. Ave Regina Coelorum

3. Regina Coeli
4. Salve Regina
ANG SANTO ROSARIO

(Pamamaraang Dominikano)

(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo. Amen

V. Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,


ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo
R. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.

V. Buksan mo, Panginoon, ang aking mga labi +


R. At pupurihin ka ng aking dila.

V. Diyos ko, tulungan mo ako.


R. Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa
akin.

V. Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu


Santo.
R. Kapara nang sa una, gayon din ngayon at
magpakilan pa man sa walang hanggan. Siya
nawa

(NB: Mula sa panahon ng Kwaresma hanggang


Sabado de Gloria, ang Alleluia ay papalitan ng
"Purihin ka, O Kristo, Hari ng walang hanggang
kaluwalhatian.", at saka isusunod ang pagninilay
sa mga misteryo ng Santo Rosario)

(Pamamaraang Tradisyunal (San Luis Maria de


Montfort)

(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

(sa Krusipiho)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa lahat, na may gawa ng


langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at
inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na
mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa
lahat. Doon magmumula’t pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa
kamsamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan; sa pagkabuhay na mag
uli ng mga nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan Amen.
(sa unang malaking butil)

Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang
pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa
tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen

(sa tatlong maliliit na butil, na inihihiling ang paglago ng Pananampalataya, Pagibig at Pag-
asa)

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y
mamamatay. Amen

(sa isa pang malaking butil)

Luwalhati sa Ama, sa Anak, sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at


magpakailanman at magpasawalanghanggan. Amen.

(pagkatapos ng bawat dekada ng Rosario, isusunod ang mga panalangin)

O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy na impyerno,
hanguin mo ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, lalong lalo yaong mga nangangailangan ng
iyong awa.

Katamis-tamisan Puso ni Hesus, iligtas Mo po kami, pagkalooban Mo po ng kapayapaan


ang buong daigdig lalong-lalo na ang Pilipinas, papagbalik-loobin Mo po ang mga
makasalanan at ituro Mo po sa kanila ang daang patungo sa Iyo. O aming Ina, kami'y
lukuban ng Iyong mapagpalang Puso na ubod ng linis. Amen
ANG MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO

“Para sa isang Kristyano, ang panalanging


inuusal ng bibig ay dapat magmula sa puso,
kaya sa tuwing dinarasal natin ang Rosaryo,
ang isipan ay papasok sa pagbubulay-bulay
sa bawat Misteryo.”

-San Josemaria Escriva-

MGA MISTERYO NG TUWA (Mysteria


Gaudiorum)
(Tuwing Lunes at Sabado)

-I. Ang Pagbati ng Anghel sa Mahal na


Birhen
(Beata Maria Virgo ab Angelo salutatur)

-II. Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen kay


Elizabeth
(Beata Maria Virgo Elisabeth visitat)

-III. Ang Pagsilang sa Daigdig ng


Panginoong Jesukristo
(Iesus Christus in Bethlehem nascitur)

-IV. Ang Paghahandog kay Jesus sa Templo


(Iesus infans in templo præsentatur)

-V. Ang Pagkatagpo kay Jesus sa Templo ng Jerusalem


(Iesus puer in templo inter doctores invenitur)

MGA MISTERYO NG LIWANAG (Mysteria Luminosa)


(Tuwing Huwebes)

-I. Ang pagbibinyag kay Hesus sa ilog Jordan


(Baptisma apud Iordanem)

-II. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana


(Autorevelatio apud Cananense matrimonium)

-III. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa


pagbabalik-loob
(Regni Dei proclamatio coniuncta cum invitamento ad conversionem)

-IV. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor


(Transfiguratio)

-V. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya


(Eucharistiæ Institutio)

MGA MISTERYO NG HAPIS (Mysteria Dolorum)


(Tuwing Martes at Biyernes)

-I. Ang pananalangin ni Jesus sa halamanan


(Iesus Christus, in horto orans, sanguinem sudat)

-II. Ang paghampas kay Jesus na nagagapos sa haliging bato


(Iesus Christus ad columnam flagellis cæditur)

-III. Ang pagpuputong ng koronang tinik


(Iesus Christus spinis coronatur)

-IV. Ang pagpapasan ng Krus patungong kalbaryo


(Iesus Christus, morte condemnatus, Calvariæ locum, crucem baiulans, petit)

-V. Ang pagpako sa krus at pagkamatay ni Jesus


(Iesus Christus, cruci affixus, coram Matre sua moritur)

MGA MISTERYO NG LUWALHATI (Mysteria Gloria)


(Tuwing Miyerkules at Linggo)

-I. Ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesukristo


(Resurrectio Iesu Christi)

-II. Ang pag-akyat sa langit ni Jesus


(Ascensio Iesu Christi)

-III. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostol at sa Mahal na Birhen


(Spiritus Sancti supra beatam Mariam Virginem et discipulos descensus)

-IV. Ang pag-aakyat sa langit kay Maria


(Assumptio beatæ Mariæ Virginis in cælum)

-V. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen bilang Reyna ng Langit at ang
kaluwalhatian ng mga Banal
(Beatæ Mariæ Virginis coronatio itemque Angelorum et Sanctorum Gloria)
MGA PANGWAKAS NA PANALANGIN

ABA PO SANTA MARIANG HARI

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni
Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang
bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin
ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na
Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, O Santang Birheng Ina ng Diyos


R. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng


kagalinga’t kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-
tao, pagkamatay at pagkabuhay mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa
pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay
hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan sa
amin; kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-
alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at
naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Sa iyo O pinagpalang San Jose, ay dumudulog kami sa aming kapighatian at pagkahingi


ng tulong ng Iyong kabanalbanalang Esposa, ay buong pag-asang isinasamo din namin
ang Iyong pagkatangkilik. Alang-alang sa pag-ibig na iyong ipinagsama sa Kalinislinisang
Birheng Mariang Ina ng Diyos at pakundangan sa pag-ibig amang ikinalong mo sa batang si
Jesus ay buong kababaang loob na hinihiling sa iyo na maawaing lingapin mo ang
pamanang nakamtan ni Jesucristo ng kaniyang dugo, at sa iyong kapangyarihan at tulong
ay sakluluhan mo kami sa aming pangangailangan.

Kupkupin mo, O lubhang mapagmalasakit na tagapagkalinga ng angkang makalangit,


ang bayang hinirang ni Jesucristo; ilayo sa amin ang anumang dungis ng kamalian at
kasamaan: maawain buhat sa Langit ay tulungan mo kami, O Makapangyarihan naming
tagapagtangkilik, sa ganitong paglaban sa kaaway ng kadiliman; at gaya ng sa ibang
panaho’y iyong iniligtas ang batang si Hesus sa tiyak na panganib ng kaniyang buhay ay
gayunding ipagsanggalang mo ngayon ang banal na Iglesya ng Diyos sa mga pakana ng
kaniyang mga kaaway at sa anumang pagkakasalungat; at ang bawa’t isa sa amin ay
tangkilikin mo nang lagging pagkupkop, upang sa pagtulad sa iyo at inalayan ng iyong
tulong ay mabuhay kaming banal, at sa pagkamatay sa mahal na grasiya ay tamuhin
namin ang walang hanggang kaluwalhatian. Amen.

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARCANGEL


San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa
kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa
namin sa iyo, at ikaw, O Prinsipe ng mga Hukbo ng Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid
mo sa kailaliman ng impiyerno si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala
sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa. Siya Nawa

PANALANGIN PARA SA BOKASYON (uulitin makalawa)

Panginoon, pagkalooban mo kami ng mga pari


Panginoon, pagkalooban mo kami ng mga banal na pari
Panginoon, pagkalooban mo kami ng maraming mga banal na pari
Panginoon, pagkalooban mo kami ng maraming mga banal at relihiyosong bokasyon
Panginoon, pagkalooban mo kami ng maraming mga banal at Katolikong pamilya

Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula sa lahat ng kasamaan, at akayin tayo
sa buhay na walang hanggan. Amen

PABATID UKOL SA LUWALHATI MATAPOS ANG ISANG DEKADA NG PAGNINILAY SA SANTO ROSARIO:
Sa Biyernes Santo, ang Gloria Patri ay papalitan ng:

V: Si Kristo ay nanatiling masunurin hanggang kamatayan


R: Hanggang kamatayan sa Krus

Sa Sabado de Gloria, ang Gloria Patri ay papalitan ng:

V: Si Kristo ay nanatiling masunurin hanggang kamatayan sa Krus


R: Siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
IBA PANG MGA PANALANGIN

YUGTO NG PAGBABAYAD PURI

Ikinahahapis ko po, O Kabanal-banalang Birheng walang bahid ng anumang dungis, noong


aking pinagbubulay-bulay ang tungkol sa mga natatanggap mong mga pag-alipusta't
paglait araw-araw mula sa mga taong may masamang hangarin at kawalan ng utang na
loob! Ikaw na tampulan ng pagkamuhi ng mga Erehe, at pagdusta ng mga masasamang
Katoliko; gaano katigas ang kanilang mga puso ng mga walang pitagan? At kahit ang
ibang mga Katoliko ay nanlalamig at ipinagwawalang bahala ka, at minsan pa'y bihira na
lamang ang magpakita ng kanilang pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob,
kinakaligtaang tawagin at papurihan ka, o maging marapat sa iyong pag-aampon.

Ako man din ang nagiging dahilan ng iyong pagkahapis, o kabanal-banalang Birhen, sa
pagsiphayo sa iyong Banal na Anak, na minahal mo nang lubusang higit pa sa iyong sarili,
inulos ng isang matalim na balaraw ang iyong puso ng aking pagkakasala. Ano ang mga
ganti na aking naibigay, gaano ko naipapakita ang aking utang na loob sa iyong mga
kabutihang ipinagkaloob mo sa akin, pinakamamahal kong Ina? Sinubukan ko bang
tumulad sa iyo o gaano ako kasigasig sa tungkuling paglilingkod sa iyo?

O Ina ng Awa, hindi man ako nangangahas na tignan ka ng aking mga mata, kung di ikaw
ang sakdalan ng mga makasalanang nasisiil sa bigat ng aking mga kasalanan, ako'y
nagpapatirapa sa iyong paanan, upang ihiling ang kapatawaran sa aking kawalan ng
utang na loob, gayundin ng buong mundo. O Ina ng Hapis, ikaw na hinirang bilang maging
Ina namin sa Bundok ng Kalbaryo, isinasamo ko na iyo na pong kalimutan ang aking mga
nakaraang gawi, na siyang nais kong pagbayaran hangga't maari. Iniaalay ko sa iyo ang
aking pagpupuri't paggalang at buong lakas kong ipapahayag na ang iyong kaluwalhatian
ay higit pa sa lahat ng nilalang. Kaisa ng Simbahan, iipinagpipitagan ko ang iyong Kalinis-
linisang Paglilihi at ang iyong Maluwalhating Pag-aakyat sa Langit. Ako'y sumasampalataya
na ang iyong pagiging ganap at kapangyarihan ay nababagay sa iyong karangalan
bilang Ina ng Diyos. Nagagalak akong kilalanin ka bilang aking Ina, Tagatangkilik at
Sakdalan, at sa habang panahong ako'y nabubuhay, na magiging isa sa mga mairugin
mong anak, at aking pagsusumikapang iakay ang mga kaluluwa sa iyong pag-ibig.

Marapatin mo po itong tanggapin, O Inang Kabanal-balanan, ang aking mga pagnanais,


at iyo pong basbasan at ipagsanggalang, nang sa gayon, makatulad ako sa iyong mga
kabanalan, nang maging marapat akong makita ka sa kalangitan, magpasawalang
hanggan. Amen.

YUGTO NG PAGBABAYAD PURI TUWING UNANG SABADO

Kabanal-banalang Birhen at minamahal naming Ina, may kalungkutan naming


pinakikinggan ang mga hinaing ng iyong Kalinis-linisang Puso dahil sa koronang tinik na
lumiligid sa iyong puso dulot ng kalapastanganan sa Diyos at kawalang utang na loob ng
mga tao. Bunsod ng aming masidhing pagnanais na mahalin ka bilang aming Ina, at upang
maipalaganap ang tunay na pamimintuho sa iyong kalinis-linisang puso.
Nagpapatirapa kami sa iyong paanan, upang mapatunayan namin ang aming
kalungkutan dulot ng mga karaingang dulot sa iyo ng mga tao at bilang pagbabayad-puri,
sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo, sa mga kasalanang ipinapalit ng mga tao sa
iyong matimyas na pagmamahal. Ihingi mo kami ng tawad sa aming mga kasalanan. Sa
iyong mga salita, maipagkakaloob sa amin ang mga biyaya at awa
para sa amin.

Madaliin mo, O Mahal na Birhen, ang pagbabalik-loob ng mga makasalanan nang kanilang
mahalin si Jesus, at huwag nang magpasama ng loob ng Panginoon, na lubha nang hindi
iginalang, at nang hindi sila mahulog sa impiyerno. Ilingon mo sa amin ang iyong mga
matang maawain, nang aming mahalin ang Diyos nang buong puso dito sa lupa, at upang
maging maligaya sa kanyang piling sa langit, magpakailanman. Amen

PANALANGIN PARA HUMINGI NG ISANG BIYAYA

Buong kapakumbabaan kami sa iyo’y nagdarangal at nagpupugay, O Mariang Inang


Mariang lubhang mahabagin, kabanal-banalan, kalinis-linisan at pinagpalang Birhen ng
Peñafrancia de Manila, makapangyarihang Reyna ng mga Anghel, mga Patriarka’t mga
propeta, pinakadakila sa lahat ng mga Apostol, huwaran ng katatagan ng mga martir,
maalam at halibawa ng katapatan ng mga kumpesor, pinakamalinis sa lahat ng mga
birhen, Ina ng tunay na Diyos. Nababatid mo ang aming lumbay, kahinaan, sugat,
kahirapan at karalitaan, naririto ang aming mga pagdaing at mga dalangin, na kaming
naninikluhod sa iyong harapan.

Dumudulog kami sa iyong katamis-tamisang puso, sa gayong pag-ibig na iyong ipinamalas


sa iyong anak, ipagkaloob mo sa amin mula kay Jesus, ang ganap na kapatawaran sa
aming mga kasalanan at ang tunay ng pagkamuhi sa mga ito, pagpapakasakit ng aking
mga pandama at ang ganap na pagtatagumpay laban sa mga tukso. Gayundin, ampunin
mo't tulungan ang mga kahabaghabag, tulungan mo ang mga mahihinang puso,
pasiglahin mo ang mga duwag na loob, ipanalangin mo po ang tanang kinapal, kalarahin
mo ang mga kaparian, iyo pong pangalagaan ang lahat ng mga masintahin sa iyo,
bigyang kalakasan ang mga tagapagpala at mga nagbibigay ng tulong lalong lalo na sa
panahong ito. Maipadama mo nawa ang iyong mapagmalasakit na pagtulong sa lahat ng
nagpupuri sa iyo at nag-aalay sa iyo nitong aming mga kahilingan. Marapatin mo pong
dinggin at ipagkaloob itong aming mga pangangailangan, kahit di man kami karapat-
dapat, kung ito'y para sa ikabubuti namin. Kami'y mga inari mong anak, at ngayon, bilang
isa sa mga giliw mong anak na nagtitiwala sa iyong pamamagitan.

Akong si __(banggitin ang iyong pangalan)__at narito po ang aking mga kahilingan na
aking isinasamo....

(tahimik na banggitin ang iyong mga kahilingan)


(Matapos banggitin ang iyong kahilingan, wakasan ng 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria
at 3 Luwalhati)

Ipagkaloob mo sa amin ang paglago sa pananampalataya, lubos na pag-asa, at


kaganapan sa pag-ibig, ang ganap na pagsuko sa kalooban ng Diyos, hustong kalinisan ng
layon, at ang lalong magiliw na pamimintuho sa ating Panginoong Jesus na nakapako sa
Krus, sa Banal na Sakramento sa Altar, at sa iyo, O Parating Pinagpalang Inang Birhen,
ipagkaloob mo rin sa amin ang pagsunod sa mga nakakataas sa amin sa simbahan, sa
lipunan, at sa aming pamilya, kabaitan at kaamuan sa lahat, kababaang loob, katatagan
sa panahon ng kagipitan, at ang maligaya’t matiwasay na kamatayan. Isinasamo namin, O
Pinagpalang Birhen, na kami’y iyong samahan sa oras ng aming kamatayan, at
ipagsanggalang mo kami sa sindak ng katarungan ng Diyos, sapagkat ikaw ang aming
sinisintang Reina at Ina, at kami’y nangangako, na sa iyong tulong, ay ikakalat ang
pamimintuhong ito sa abot ng aming makakaya. Siya Nawa

PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT

O aming Ina, Birhen ng Peñafrancia de Manila, Ina ng Salitang nagkatawang tao, sakdalan
ng mga makasalanan at tagapamagitan para sa aming mga pangangailangan. Ako po'y
dumudulong ngayon, nang may buhay na pananampalataya, sa iyong maka-inang
pagkalinga, at isinasamo ko ito na ipagkaloob ang mga ito sa akin, kung ito ay
nararapat sa kalooban ng Diyos. Sa iyong mga mapagpalang kamay, isinasailalim ko sa iyo,
sa kaibuturan ng aking puso, na aking hinihiling ang mabuting kalusugan ng kaluluwa't
katawan ng aming mahal sa buhay na maysakit;

(banggitin ang pangalan ng mahal sa buhay na maysakit)


...na taglay ang pag-asang ito, na iyo pong didinggin ang aking mga daing, o Inang
minamahal. Sa kandungan ng magiliw mong awa, mula sa araw na iyo at sa bawat araw
ng aking buhay, at sa oras ng aking pagpanaw, itinatagubilin ko po sa iyo ang aking
katawan at kaluluwa. Sa iyo ko ipinagkakatiwala ang lahat ng aking mga pag-asa,
kaaliwan, lahat ng aking mga pagsubok at mga paghihirap, na nawa ang aking mga gawi
ay maihanay at maikasangkapan ayon sa iyong diwa, at lalo na sa kalooban ng iyong
anak, ang ating Panginoong Jesucristo. Amen

Mahal na Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo kami


Mahal na Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo kami
Mahal na Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo kami

PANALANGIN SA MGA SANDALI NG TUKSO

O kalinis-linisa't kabanal-banalang Birheng Maria aking Ina, sa iyo na ikaw ang Ina ng aking
Panginoon, ang reyna ng santinakpan, ang tagapagtaguyod, ang pag-asa't kanlungan ng
mga makasalanan, akong kahabag-habag sa lahat ng mga makasalanan ay dumudulog
ngayon sa iyo.

Ipinagdarangal kita, o dakilang Reyna, at nagpapasalamat ako sa iyo sa maraming mga


kagandahang loob na ipinagkaloob mo sa akin hanggang sa mga sandaling ito; lalo na sa
pagkakaligtas sa akin mula sa impiyerno na kung saan nararapat dahilan sa aking mga
kasalanan. Iniibig kita, o pinakamamahal na Ina; at dala nitong aking pagmamahal ay
ipinapangako ko na buong puso akong maglingkod sa iyo magpakailanman at sa abot ng
aking makakaya na maipakilala ka at kanilang iibigin. Isinasailalim ko sa iyo ang lahat ng
aking mga pagasa para sa kaligtasan; tanggapin mo ako bilang iyong lingkod at ako'y
iyong ampunin sa ilalim ng iyong manto dahil ikaw ang Ina ng awa. At dahil ikaw ay
makapangyarihang kasama ng Diyos, ilayo mo ako sa lahat ng mga tukso, o dili kaya'y
pagkalooban man lamang ako ng lakas upang madaig ang mga ito hanggang sa
kamatayan. At akin ding isinasamo na tamuhin ko po ako ng tunay na pag-ibig kay
Jesucristo. At sa pamamagitan mo ay umaasa ako ng isang banal at tiwasay na
kamatayan.

Mahal kong Ina, dala ng iyong pag-ibig sa Diyos na iyong tinaglay, idinadalangin ko sa iyo
na samahan mo po ako sa bawat sandali, at higit sa lahat, sa mga huling sandali ng aking
buhay. Huwag mo po akong pabayaan, hanggang sa ako'y makita mong sumapit nang
ligtas sa kalangitan, nang ako'y makapagpuri't umawit ng iyong mga awang walang maliw,
na siyang aking inaasahan. Amen

PANALANGIN PARA SA PAGBABALIK-LOOB NG MGA HINDI KATOLIKO

O Maria, Ina ng Awa at Sakdalan ng mga Makasalanan, isinasamo namin na lingunin mo ng


iyong mga matang maawain sa mga kahabag-habag na mga naligaw ng mga bulaang
mangangaral at mga humiwalay sa Inang Simbahan. Maraming mga hindi Katoliko ay
nagtataglay ng kabutihan sa kanilang puso at pag-ibig sa mga dukha, ay nagnanais na
masumpungan nila ang katotohanan, ngunit sila’y nabulag dahil sa mga maling aral at
hindi matwid na palagay. Ang mga ito’y uhaw at salat sa tumpak na kaalaman ukol sa
tunay na Pananampalataya, bagkus, O aming Inang kaibig-ibig, iniibig mo rin sila, gaya ng
pagmamahal ni Jesus na iyong sinisintang anak, sapagkat sila ay tinubos ng kanyang
kamahal-mahalang dugo. Dahil sa pagnanais ng iyong anak na ang lahat ng tao ay
maligtas at maakay sa liwanag ng katotohanan, isinasamo namin, O Birhen ng Penafrancia
de Manila, Ikaw na Luklukan ng Karunungan, upang hilingin namin ang pagbabalik-loob ng
mga di-binyagan na lumalakad sa landas ng kamalian, bigyang kaliwanagan ang kanilang
mga isip na nababalot ng dilim ng kawalang-malay at kasalanan, nang kanilang malinaw
na malaman na ang Banal na Katoliko at Apostolikong Simbahang Romano ay ang tunay
na Iglesiang tatag ni Jesucristo, na kung saan ang mga nasa labas nito'y hindi kailanman
makakasumpong ng kabanalan at kaligtasan.

Magkaroon nawa ng kaganapan ang gawa ng kanilang pagbabalik loob sa pamamagitan


ng pagkakaloob ng grasya upang buong pusong yakapin at sampalatayanan ang lahat ng
katotohanan ng ating Banal na Pananampalataya, at pasakop sa kataas-taasang Papa
Romana, ang Bikar ni Jesucristo dito sa lupa, nang sila'y maging kaisa nating nakabigkis sa
banal na pag-ibig, at sa darating na mga panahon, na nasa iisang kawan sa ilalim ng iisang
pastol, at kaming lahat ay aawit nang walang humpay, O Maluwalhating Birhen, nang may
buong galak: Magalak ka, o Birheng Maria - ikaw lamang ang tanging lumupig sa lahat ng
kabulaanan sa buong sanlibutan. Amen

PANALANGIN UPANG MALAMAN ANG PAGTAWAG NG DIYOS SA BOKASYON

Ako'y nagpapatirapa sa iyong harapan, O Inang mahabagin, pinakamamahal na Birhen ng


Peñafrancia de Manila, na humihiling na makamtan ko ang isang mahalagang biyaya na
malaman ang anumang dapat kong tahaking landas. Wala na akong maihihiling pa, kundi
ang tupdin nang ganap ang kalooban ng iyong Anak sa bawat sandali ng aking buhay. O
Ina ng Mabuting Kahatulan, nais kong marinig ang iyong malambing mong tinig, na siyang
magtataboy sa mga pagdududang gumugulo sa aking isipan.

Ako'y lubos na nagtitiwala, sapagkat ikaw ang Ina ng aking Manunubos, ikaw nawa'y
maging Ina ng aking kaligtasan. Kung hindi mo ako mapagkakalooban ng sinag mula sa
Araw na Mabathala, anong liwanag ang tatanglaw sa akin? Sino ang magiging kaagapay,
o Ina ng Walang Hanggang Karunungang, kung iyo pong sisiphayuin.

Pakinggan mo po itong aking abang dalanging hain, nang huwag ako maligaw sa aking
pagkalito at; bagkus ako'y iyong dalhin sa matuwid na landas patungo sa buhay na walang
hanggan, ikaw lamang ang aking inaasahan, at sa iyong mga kamay ay napupuno ng
kayamanan ng kabutihan at ng buhay, at iyong ibinabahagi ang mga bunga ng
kamahalan at ng kabanalan. Siya Nawa

PANALANGIN NG PASASALAMAT

Pinagpalang Birheng Maria, Nuestra Senora de Penafrancia de Manila, karapat-dapat kang


purihin at pasalamatan dahil sa iyong kapasyahan iniligtas mo sa pagkalugmok ang
mundong aming kinalalagyan. Tanggapin mo yaring pasasalamat, at nawa'y sa tulong ng
iyong pananalangin, kasalanan namin ay patawarin. Pagsamo namin ay ialay sa kalangitan
nang maipagkasundo mo kami sa Diyos ng walang hanggan.

Santa Maria, tulungan mo ang mga kahabag-habag, patatagin mo ang nawawalan ng


pag-asa, aliwin mo ang mga nagdadalamhati, idalangin mo ang iyong bayan, isamo mo
ang aming kaparian, ipamagitan mo ang mga itinalagang kababaihan. Nawa'y ang
namimitagan sa iyo ngayon ay masaklolohan at ipagsanggalang. Sa tuwing kami'y
nagdarasal ay alalayan at dalangin nami'y ibalik mo na may kasagutan. Ipanatili mo ang
pagkupkop sa amin dahil tunay kang pinagpala ng Diyos na ginawa niyang daluyan ng
tagapagligtas ng sanlibutan na naghahari at nabubuhay magpasawalang hanggan.
Amen.

PAGTATALAGA NG PAMILYA AT TAHANAN SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA

O Birhen ng Peñafrancia de Manila, Reina at Ina ng mga Pamilya. Itinatalaga namin sa iyo
ang aming buhay, nang aming maganap ang iyong marubdob na nais na sundin namin
ang kalooban ng iyong Anak, ang ating Panginoong Jesucristo. Isinasamo namin sa iyo na
maghari ka sa aming pamilya at sa aming abang tahanan. Maghari ka sa bawat isa sa
amin, at tulungan mo kami sa aming pagsisikap na maghari nang matagumpay sa aming
piling ang iyong Anak, tulad ng kanyang paghahari at pagtatagumpay sa iyo.

Samahan mo kami, O aming pinakamamahal na Ina, upang maging kami'y iyong iyo tunay
sa panahon ng kasaganahan at kasalatan, sa panahon ng tuwa at kalungkutan, sa
kalusugan at kasakitan, sa kapanahunan at sa oras ng pagpanaw. Iligtas mo ang aming
tahanan laban sa anumang kapahamakan: sa bawat nakapipinsalang sunog, baha, kidlat
at lindol, gayundin sa mga magnanakaw, masasamang loob at mga kalamidad na gawa
ng tao.

O lubhang maawaing Maria, aming Ina, tanuran mo ang aming mga puso't kaluluwa at
iligtas sa mapaminsalang baha ng kapalaluan, kahalayan, kawalang-bahala at hilig-
makalupa, na siyang kapait-paitang idinaraing ng iyong puso. Nais naming magbayad-puri
sa mga nagawa naming pagkakasala laban sa iyong anak na si Jesus at sa iyo. Papaghariin
mo sa aming mga tahanan, ng ating bansa at ng buong mundo ang kapayapaan ni Kristo
sa katarungan at pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Papag-alabin mo rin ang aming mga puso
at aming mga tahanan, at ipakamtan mo sa amin ang pagmamahal sa kalinisan, ang
maalab na adhika para sa kaligtasan ng mga kaluluwa at ang pagnanais para sa
kabanalan ng aming buhay mag-anak. Kami’y iyong iyo, o aming Ina, ingatan mo kaming,
sapagkat ikaw ang Ina at Reyna ng aming tahanan, magmula ngayon at magpasawalang
hangan.

Iniluluhog namin ito sa pamamahitan ni Kristo na iyong Anak, na aming Panginoon. Amen

You might also like