You are on page 1of 8

ANG SANTO ROSARYO

+Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Namumuno: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.

Lahat: At pupurihin ka ng aking bibig. Namumuno: Diyos ko, ako’y Iyong tulungan

Lahat: Panginoon, magmadali Ka sa pagsaklolo sa akin.

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Lahat: Kapara noong una, ngayon at magpakailaman at magpasawalang hanggan. Amen.

Ang Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at


lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon na ng
lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao. Nang may ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok
sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto't
maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa


kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng
nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin

Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa
mga nagkakasala sa amin, at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat
ng masasama. Amen

Aba Ginoong Maria

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Panginoong Diyos ay sumasa-iyo, bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y
mamamatay. Amen

Ang Luwalhati

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.

Kapara nang sa una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Ang Mga Misteryo sa Tuwa

(tuwing Lunes at Sabado)

1. Ang pagpapahayag ng balita sa Mahal na Birhen.


2. Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Isabel.
3. Ang pagsilang sa a ng Panginoong Hesukristo.
4. Ang paghahandog sa sanggol na si Hesus sa templo.
5. Ang pagkatagpo sa batang si Hesus sa templo.

Ang Mga Misteryo sa Liwanag

(tuwing Huwebes)

1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Jordan.


2. Ang sariling pagbubunyag ni Hesus sa kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus tungkol sa paghahari ng Diyos.
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus.
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya.

Ang Mga Misteryo sa Hapis.

(tuwing Martes at Biyernes)

1. Ang pagdurusa sa halamanan ng Gethsemani.


2. Ang paghahampas sa a ng Panginoon na natatali haliging bato.
3. Ang pagpuputong ng koronang nik.
4. Ang pagpasan ng Krus patungong Kalbaryo.
5. Ang pagpapako sa Krus at kamatayan ng Panginoon.

Ang Mga Misteryo sa Luwalha

(tuwing Miyerkules at Linggo)


1. Ang pagkabuhay na mag-uli ng a ng Panginoon.
2. Ang pag-akyat sa langit ng a ng Panginoon.
3. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga apostoles.
4. Ang pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen, kaluluwa pa katawan.
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birheng Maria

Aba Po Santa Mariang Reyna

Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa.

Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin,

Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eba.

Ikaw rin ang pinagbubuntungang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang
kahapis -hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at
saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.


Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Panalangin

O Diyos, na ang Bugtong na Anak ay nagkatawang-tao namatay at muling nabuhay upang


tamuhin para sa amin ang gantimpala nang walang hanggang kaligtasan. Ipagkaloob Mo na sa
pamamagitan ng pagdidili-dili namin ng mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Birheng
Maria, na matularan namin ang kanyang nilalaman at matamo ang kanyang mga ipinangako.
Alang-alang din kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa Ka sa amin.

Panginoon, maawa Ka sa amin.

Kristo, maawa Ka sa amin.

Kristo, maawa Ka sa amin.

Panginoon, maawa Ka sa amin.

Panginoon, maawa Ka sa amin.


Kristo, pakinggan Mo kami.

Kristo, pakinggan Mo kami.

Kristo, pakapakinggan Mo kami.

Kristo, pakapakinggan Mo kami.

Diyos Ama sa Langit,

maawa Ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,

maawa Ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo,

maawa Ka sa amin.

San sima Trinidad na Tatlong Persona at iisang Diyos, maawa Ka sa amin.


Santa Maria, ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos,

Santang Birhen ng mga Birhen,

Ina ni Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan, Inang 'di malapitan ng masama, Inang kalinis-linisan,

Inang kaibig-ibig,

Inang kataka-taka,
Ina ng mabu ng kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Inang mapag-adya,
Ina ng Banal na Simbahang Katolika,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng ma bay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karunungan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging kataim man,

Rosang bulaklak na 'di mapuspos ng bait ng tao ang halaga,


Tore ni David,
Toreng garing,
Bahay na ginto,

Kaban ng pan,
Pinto ng langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,

Tanggulan ng mga makasalanan

Mapang-aliw sa nangagdadalamhati ,

Mapag-ampon sa mga kristiyano,

Reyna ng mga Anghel,

Reyna ng mga Patriarka,


Reyna ng mga Propeta,
Reyna ng mga Apostol,
Reyna ng mga Martir,
Reyna ng mga Kumpesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga Santo,
Reynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,

Reynang iniakyat sa langit,


Reyna ng kasantu-santusang rosaryo,
Reyna ng mga pamilya,
Reyna ng kapayapaan.
Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng

sanlibutan.

-Patawarin Mo po kami, Panginoon.


Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng sandaigdigan.

-Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakakawala ng kasalanan ng san nakpan.

-Maawa Ka sa amin.

Panalangin para sa Intensyon ng Santo Papa

Dasalin ang...
(1) Ama Namin

(2) Aba Ginoong Maria (3) Luwalhati

Panalangin sa Araw-Araw

O mahal na Birheng Ina ng Awa, Reyna ng langit at lupa, mapagbiyaya ng tanang kayamanan,
isinasamo ko sa iyo, na ipagkamit mo sa akin sa pamamagitan ng iyong Mahal na Anak ang
grasyang ninanasa ko (tahimik na banggitin ang kahilingan); tuloy biyayaan ng
pananampalataya ang mga hindi binyagan; pa bayin ang lahat ng mga kris yano; pakabu hin ang
lahat ng mga pari; bigyan ang mga puno ng mahusay na pagpapasunod at ang mga sakop ng
isang madaling pagsunod; tubusin ang mga alipin; patapangin ang mga manunubos;
pakatuwirin ang mga abogado; paka bayin ang mga nutukso; aliwin ang mga namatayan; bigyan
ng grasya ang mga banal; pana lihin sa kalinisan ang mga birhen; bigyan ng katahimikan ang
mga mag- asawa; pakaingatan sa dilang panganib ang mga balo; pagalingin ang mga maysakit;
patapangin ang loob ng mga taong naghihingalo; at kaming lahat ay iyong tulungan at
bendisyunan ngayon at sa oras ng aming kamatayan, nang kami’y maging dapat na sumama sa
iyo sa kaluwalha an sa langit. Siya nawa.

Panalangin para sa Maysakit

Ama naming bukal ng pagpapala at habag, / Diyos ng aming buhay, / pinupuri Ka namin at
pinasasalamatan. // Ikaw ang dahilan ng aming lakas at kagalingan. // Sa Iyo lamang kami

umaasa. // Ipagkaloob Mo po / sa tulong ng Birheng Maria,/ ang Nuestra Señ ora de la Merced,
/ ang kagalingan ng aming mga kapa d na maysakit. // Ang pag-akay ni Maria sa amin patungo
kay Hesus / ang siyang bukal ng kagalingan at kapayapaan ng kalooban. // Ipagkaloob Mo po sa
amin ang lakas ng loob / at katatagan na harapin nang may kapayapaan / ang anumang
pagsubok sa buhay. // Sa mga sandaling kami ay nahihirapan, / ipaalala Mo po sa amin / na
aming niyayakap / ay si Hesukristong nakayakap sa aming paghihirap. // Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Hesus / kasama ng Espiritu Santo / magpasawalang hanggan. // Amen.

Ang Memorare
Alalahanin mo, / O lubhang maawaing Birheng Maria, / na kailanma’y di narinig / na may
dumulog sa iyong pag-aampon, / humingi ng iyong tulong, / at nagmakaawa ng iyong saklolo /
na iyong pinabayaan. // Dala ng pag-asang ito’y dumudulog ako sa iyo. / O Birhen ng mga
Birhen, Ina! / Sa iyo po ako’y lumalapit, sa iyo po ako’y humaharap na makasalanan at
namimigha , / O Ina ng walanghanggang Verbo! / Huwag mo pong siphayuin ang aking mga
pagluhog, / bagkus sa iyong habag ay pakinggan mo po ako at pakapakinggan. // Amen.

MGA AWIT SA ROSARYO

Inang Birhen de la Merced

Inang Birhen de la Merced Mahal naming patrona Pari at tao mong mahal Basbasan mong
lubusan.

O ina ‘yong tulungan Kumilala nang tunay


Sa ‘yong makainang lingap At sa ‘yong pagmamahal.

Salve Regina

O Santa Maria
O Reyna’t Ina ng Awa
Ika’y aming buhay pag-asa’t katamisan Sa ‘yo nga kami tumatawag Pinapanaw na anak ni Eba
Sa ‘yo rin kami tumatangis

Dini sa lupang bayang kahapis-hapis Kaya’t ilingon mo sa amin


Ang mga mata mong maawain
At saka kung matapos aming pagpanaw Ipakita mo sa amin

Ang iyong Anak na si Hesus O magiliw, maawain Matamis na Birheng Maria.

Araw-araw kay Maria

Araw-araw kay Maria Kami ay nagdarasal


Si Maria aming Reyna
Ibig naming marangal Kanyang tulong laging-lagi Kami ay humihingi Pupurihin namin siya
Maging araw at gabi

Kung kami’y nasa panganib Kay Maria tatakbo

Siya ay aming tatawagin Kung lalapit ang tukso


O Maria ‘yong tulungan Kaming nangabubuhay Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay.

You might also like