You are on page 1of 8

ROMAN CATHOLIC DIOCESE OF IBA

SOCIAL ACTION CENTER OF ZAMBALES


PARISH PASTORAL COUNCIL FOR RESPONSIBLE VOTING

PAGDARASAL NG BANAL NA ROSARYO PARA SA ISANG


MALINIS, MATAPAT, MAKATOTOHANAN, MAKABULUHAN AT
MAPAYAPANG HALALAN
Panimulang Awit:

Inang sakdal linis


Kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin;
Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua'y
ipinagdarasal
At kapayapaan
Nitong sanlibutan.

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Namumuno: Mga kapatid, tayo ngayon ay mananalangin at lalapit sa


mapagkalingang awa ng Diyos at sa pagkakandili ng
Mahal na Birheng Maria para hilingin ang isang malinis,
matapat, makatotohanan, makabuluhan at
mapayapang halalan. Pagbuklurin natin ang ating
hangarin para sa ating minamahal na bansa at umugit
ng isang maayos na kinabukasan para sa bawat
mamamayan.
ANG BANAL NA ROSARYO

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Tugon: Amen.

ANG SUMASAMPALATAYA
Namumuno: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo
iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo;
ipinanganak ni Santang Mariang Birhen.
Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus,
namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Tugon: Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga
banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan; at sa
pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao, at
sa buhay na walang hanggan. Amen.

ANG AMA NAMIN

Namumuno: Ama namin, sumasalangit Ka sambahin ang ngalan Mo


mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito
sa lupa, para nang sa langit.

Tugon: Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-


araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, para ng
pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin. At
huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo
kami sa lahat ng masama. Amen.
ANG ABA GINOONG MARIA

Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang


Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat at pinagpala naman ang Iyong Anak
na si Hesus.

Tugon: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin Mo kaming


makasalanan, ngayon at kung kami mamamatay. Amen.

ANG LUWALHATI

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Tugon: Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang


hanggan. Amen.

ANG PANALANGIN NG FATIMA

O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy
ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo
na yaong mga walang nakakaalaala.
ANG MGA MISTERYO NG BANAL NA ROSARYO

MAYO 6 MAYO 7 MAYO 8


MGA MISTERYO NG MGA MISTERYO MGA MISTERYO NG
HAPIS NG TUWA LUWALHATI
1. Ang Pananalangin 1. Ang pagbati 1. Ang Muling
ng ating ng Arkanghel Pagkabuhay ng
Panginoon sa Gabriel sa ating Panginoong
Halaman ng Mahal na Hesukristo.
Getsemani. Birhen Maria.
2. Ang Pag-akyat sa
2. Ang Paghahampas 2. Ang pagdalaw Langit ng ating
sa ating ng Mahal na Panginoong
Panginoong Birhen Maria Hesukristo.
Hesukristo na kay Elisabet.
nakagapos sa
Haliging Bato. 3. Ang Pagpanaog
3. Ang Pagsilang ng Espiritu
ng ating Santo sa Mahal
3. Ang Pagpuputong Manunubos. sa mga Apostol
ng Koronong Tinik at sa Mahal na
sa ating 4. Ang Birhen Maria.
Panginoong paghahain sa
Hesukristo. Panginoong 4. Ang Pag-aakyat
Hesus sa sa langit sa
4. Ang Pagpapasan templo. Mahal na
ng Krus patungo Birheng Maria.
sa Bundok ng
Kalbaryo. 5. Ang
pagkawala at 5. Ang
pagkakatagpo Pagpuputong ng
5. Ang Pagkapako at sa Panginoong Korona sa ating
Pagkamatay sa Hesus sa Mahal na
Krus ng ating templo. Birheng Maria
Panginoon. bilang Reyna ng
Langit at Lupa.

.
MGA INTENSYON SA BAWAT MISTERYO

1. Para sa Bansang Pilipinas, upang mabuklod tayo bilang isang


pamayanang nagkakaisa para makabuo ng isang maayos at
matatag na kinabukasan para sa lahat ng mamamayan.

2. Para sa darating na Halalang Pambansa at Pang-Lokal, upang


maging daan ito ng malayang pagpapahayag ng makabuluhang
pagpili ng mga pinunong kumakatawan sa mga naisin at
pangarapin ng bawat mamamayang Pilipino.

3. Para sa mga Kandidato sa Pambansa at Pang-lokal na Halalan,


upang ganap nilang maialay ang kanilang mga sarili sa
paglilingkod sa mga mamamayan na may ganap na pagkiling sa
mga nasa laylayan at mga nakakaligtaan sa lipunan. Upang
igalang ng bawat kandidato ang kapasyahan ng mga mamayan at
magkaisa para sa pagbubuklod ng pamayanan na magdudulot ng
maayos at mapayapang kinabukasan para sa lahat.

4. Para sa lahat ng mga tagapagtaguyod ng darating na Halalan; ang


Commission on Elections, Board of Election Inspectors, ang
pamunuan at kawani ng Armed Forces of the Philippines,
Philippine National Police, PPCRV, NAMFREL at lahat ng Citizen’s
Arm para sa darating na halalan upang magampanan ng bawat isa
ang kani-kanilang mga tungkulin ng tapat at may ganap na
pagmamahal sa Diyos at Bayan. Upang ialay ng bawat isa ang
lahat ng gawain upang magkapaglunsad ng isang Malinis, Matapat,
Makatotohanan at Mapayapang Halalan.

5. Para sa Botanteng Pilipino sa buong daigdig, upang maipahayag ng


bawat isa ang malayang pagpili ng mga mamumuno sa hinaharap
sa pamamagitan ng mapanuring pangingilatis sa gabay ng Banal
na Espiritu na nakabatay sa turo ng pananampalataya at
konsensiya.

(Ihuhudyat ang bawat Misteryo saka babanggitin ang intension na susundan


ng pagdarasal ng Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati at ang
Panalangin ng Fatima. Sa katapusan ng pagninilay at pagdarasal ng mga
Misteryo ng Banal na Rosaryo ay dadasalin ang Aba Po Santa Mariang Hari
at ang Mga Panapos na Panalangin at aawitin ang Pang wakas na Awit.)
MGA PANGWAKAS NA PANALANGIN

ANG ABA PO SANATA MARIANG HARI

Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa.


Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami o Banal na Ina ng Diyos.

Tugon: Nang kami maging-dapat sa mga pangako ni Hesukristong


aming Panginoon.

Namumuno: Manalangin Tayo

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo


ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga’t
kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng
kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at
pagkabuhay na mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling
namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitong mga
misteryo ng Banal na Rosaryo ng Mahal na Birhen
Maria ay hindi lamang matularan namin ang mga
magagaling na halimbawang nalalarawan nito; kundi
makamtan din naman namin ang mga kagalingang
ipinangako nito sa amin; alang-alang kay Hesukristo
Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo
nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Siya
nawa. Amen.
Namumuno: Sumaatin nawa ang awa at tulong ng Panginoon.

Tugon: Amen.

Namumuno: Dinggin nawa at ipagkaloob ng butihing Panginoon ang


ating mga samo at dalangin.

Tugon: Amen.

Namumuno: Manaog at manatili nawa sa atin ang pagpapala ng


dakila at makapangyarihang Diyos Ama (+), Anak, at
Espiritu Santo.

Tugon: Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang


Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang.

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa


Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya.

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod sa kanino man


Tayo ay nagdadala ng balita na kaligtasan.

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa


Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya.

Sabay sabay na nag-aawitan ang mga bansa


Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa


Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya.

You might also like