You are on page 1of 15

MISA PAGGUNITA SA

NUESTRA SEORA DEL BUEN CONSEJO


(Mary, Mother of Good Counsel)
Pambungad na Awit:

Pagbati ng Pari:

Pari: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayoy maging marapat gumanap sa Banal
na Pagdiriwang.

Pari at Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa


inyo mga kapatid na lubha akong nagkasala sa isip,
sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya
isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat
ng mga anghel at mga Banal, at sa inyo mga
kapatid na akoy ipinalangin sa Panginoong ating
Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin sa ating mga kasalanan, at patnubayan
tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen.

Kyrie
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

1 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


PAPURI SA DIYOS
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupay kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking
kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng Langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.

Panginoong HesuKristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos,


Kordero ng Diyos Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka
sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa
kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon,
Ikaw lamang, O HesuKristo, ang Kataas-taasan, kasama ng
Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pari: Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan, sa mga


nananalanging apostol kaisa ni Mariang Ina ni
Hesus ang Espiritu Santo ay ipinagkaloob. Bilang
tugon sa pagdalangin ng Mahal na Birhen ikaw
naway matapat na mapaglingkuran namin upang
sa aming salita at gawa ay aming sambahin ang
ngalan mo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: AMEN.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

2 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Unang Pagbasa: Isaias 9:1-3,
5-6

Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Isaias

Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa


kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay
dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng
Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling
panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang
patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea
ng mga bansa. Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay
nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa
lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang
liwanag. Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang
kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo
ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na
nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa


kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay
magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa
atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang
pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang
kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha,
Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang
Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos!

Bayan: Salamat sa Diyos!

3 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Salmo Responsoryo: Sirach 14: 20, 21-22, 23-25,
26-27

Tugon: Mapalad ang taong nagninilay sa


Karunungan!

Mapalad ang nagninilay sa karunungan at


nagsasanay sa kaalaman nito.
Iniisip-isip niya ang mga daan ng ka-runungan
at isinasaloob ang mga lihim nito.
Hinahabol niya ito at inaabangan sa
daraanan. (tugon)

Tugon: Mapalad ang taong nagninilay sa


Karunungan!

Sumisilip siya sa mga bintana at nakikinig sa


mga pinto nito.
Humihimpil siya sa tabi ng bahay nito at
ibinabaon niya sa tabi ng pader ang mga tulos
ng kanyang tolda.
Ipinauubaya niya ang kanyang tola sa kamay
ng karunungan, at maligaya siya sa
pakikisuno rito. (tugon)

Tugon: Mapalad ang taong nagninilay sa


Karunungan!

Inilalagay niya ang kanyang pugad sa lilim


nito at sumi-silong sa ilalim ng mga sanga
nito.
Ikinakanlong siya sa init at nananahan sa
kaluwalhatian ng karunungan. (tugon)

Tugon: Mapalad ang taong nagninilay sa


Karunungan!

4 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Ikalawang Pagbasa: Gawa 1:12-
14, 2:1-4

Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol

Bumalik ang mga apostol sa Jerusalem mula sa


tinatawag na Bundok ng mga Olibo, na mga labinlimang
minuto ang layo. Pagdating nila sa lunsod, pumanhik
sila sa silid sa itaas ng bahay na kanilang tinutuluyan.
Sila sina Pedro at Juan, Jaime at Andres, Felipe at
Tomas, Bartolome at Mateo, Jaimeng anak ni Alfeo,
Simong Makabayan, at Judas na anak ni Jacobo.
Nagkakaisa sila ng diwa at patuloy na nananalangin,
kasama ang ilang babae, pati si Mariang ina ni Jesus, at
ang kanyang mga kapatid.

Nang sumapit ang Araw ng Pentekostes, magkakasama


ang mga apostol sa iisang lugar. Biglang-biglang may
narinig na isang malakas na ugong mula sa langit na
parang malakas na hangin at pinuno niyon ang buong
kabahayang kinaroroonan nila. May nakitang parang
dilang-apoy na naghiwa-hiwalay at tumigil sa bawat isa.
Napuspos silang lahat sa Espiritu Santo at nagsimulang
magsalita sa ibang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng
Espiritu na salitain ng bawat isa.

Ang Salita ng Diyos!

Bayan: Salamat sa Diyos!

Aleluya Heb 1:1-2

Aleluya! Aleluya!
Nong datiy mga propeta; ngayon namay Anak niya
ang sugo ng Dyos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

5 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Mabuting Balita Juan
2:1-11

Pari: Sumainyo ang Panginoon!


Bayan: At sumaiyo rin!

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Juan
Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon!

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana, Galilea, at


naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kanyang mga
alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kayat sinabi ng
ina ni Hesus sa kanya, Naubusan sila ng alak. Sinabi
ni Hesus, Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang!
Hindi pa ito ang panahon ko. Sinabi ng kanyang ina sa
mga naglilingkod, Gawin ninyo ang anumang sabihin
niya sa inyo.

Dooy may anim na tapayan, ang bawat isay


naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung
galon. Nakalaan ang mga ito para sa paglilinis ayon sa
tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Hesus sa
mga katulong, Punuin ninyo ng tubig ang mga
tapayan. At pinuno nga nila hanggang sa labi.
Pagkatapos sinabi niya, Sumalok kayo ngayon at
dalhin ninyo sa namamahala ng handaan. Dinalhan
nga nila ang namamamahala ng handaan. Tinikman
naman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam
kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga
katulong na sumalok ng tubig, kayat tinawag niya ang
lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, Ang una pong
inihahain ay ang masarap na alak. Kapag marami nang
nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri.
Ngunit pipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.

6 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Ang nangyari ito sa Cana, Galilea, ay siyang unag
kababalaghang ginawa ni Hesus. Sa pamamagitan
nitoy inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig
sa kanya ang mga alagad.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon!

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!


HOMILIYA

Sumasampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng


Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa
krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-
uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang
paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay
na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga
banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay
na walang hanggan. Amen!

7 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Idalangin natin sa Diyos na mapagmahal nating
Ama na sa pagsunod natin sa halimbawa ni
Maria, sa tuwina ay hanapin at tuparin natin
ang kanyang kalooban:
PANGINOON, DINGGIN MO KAMI!

Namumuno: Ang Simbahan naway maipakita ang


kababaang-loob ni Maria sa pamamagitan ng
kusang-loob na paglilingkod sa Diyos at sa
tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Namumuno: Si Kristo naway makatagpo ng isang bukas


na tahanan sa puso ng mga tao katulad ng
natagpuan niyang nakahandang tirahan kay
Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Namumuno: Ang tunay na diwa ng pananalangin naway


tumimo nang malalim sa puso ng mga tao
upang marinig nila ang daing ng mga dukha
kung paanong lumagos ito sa Kalinis-linisang
puso ni Maria na Ina ng Diyos, manalangin tayo
sa Panginoon.

Namumuno: Ang mga may karamdaman sa katawan at


pag-iisip naway makatagpo ng kagalingan at
ginhawa sa makapangyarihang pamamagitan
ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

8 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Namumuno: Ang mga nasa bingit ng kamatayan naway
umasa kay Maria bilang pinanggagalingan ng
kanilang lakas at kaginhawahan ng loob tulad
noong siya ay nakatayo sa paanan ng Krus ng
kanyang Anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Diyos na aming Panginoon at Guro, linisin mo


ang aming mga puso at isipan upang
tanggapin namin si Kristo na iyong Anak na
muling nabuhay katulad ng pananampalataya
ni Maria. Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Kristo na aming Panginoon. Amen

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maialay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Lahat: Kapuri-puri ka ang Poong Maykapal, ngayon at
kailanman.

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa


sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maialay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na
ito para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.
Lahat: Kapuri-puri ka ang Poong Maykapal, ngayon at
kailanman.

Pari: Manalangin tayo mga kapatid, upang ang


paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihang.

Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa


iyong mga kamay sa kapurihan Niya at karangalan
at sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.

9 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


PANALANGIN UKOL SA ALAY:

Pari: Ama naming Lumikha,


sa aming paghahain ngayong ang Mahal na
Birhey ginugunita kamiy humihiling
na kami ay matulungan nawa ng iyong
nagkatawang taong Anak na naghain ng sarili
sa krus na dambana at ngayoy nabubuhay
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


TUNGKOL SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Lahat: Marapat na siya ay pasalamatan

Pari: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan.

Bukod mong pinagpala magin Ina ni Hesukristo


ang Mahal na Birheng nagpupuri at nagagalak sa
iyo.
Ikaw ang gumawa ng tanang dakilang bagay.
Ikaw ang lumilingap sa lahat kailan man.
Nilingap mo ang Mahal na Birhen bilang iyong
abang alipin na iyong binigyan ng tungkuling
kumalinga sa Anak mong Manunubos namin.

10 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng
papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan,
kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Santo, santo, santong Diyos na makapangyarihan.


Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo.Osana,
osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
. Osana, osana sa kaitaasan, Osana, osana sa kaitaasan.

Pari: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang


kabanalan, kayat sa pamamagitan ng Iyong
Espiritu gawin Mong banal ang mga kaloob na ito
upang para sa amiy maging katawan at Dugo ng
aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging


handog, hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at Sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG
PARA SA INYO.

Gayon din naman, noong matapos ang hapunan,


hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang
pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at Sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT
WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO
NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA
LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN. GAWIN NINYO ITO BILANG PAG-
AALAALA SA AKIN.

11 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating
pananampalataya.

AKLAMASYON

Si Kristoy namatay, si Kristoy nabuhay,


Si Kristoy nbabalik sa wakas ng panahon

Pari:

Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala sa


pagkamatay at muling pagkabuhay ng Iyong Anak kayat
iniaalay namin sa Iyo ang tinapay na nag-bibigay buhay at
ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kamiy
nagpapasalamat dahil kamiy iyong minarapat na tumayo sa
harap Mo para maglingkod sa Iyo.

Isinasamo naming kaming nagsasalo-salo sa Katawan at


Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan
ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong


daigdig. Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni Francisco, na
aming Papa at ni Jesse Mercado na aming Obispo, at ng
tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang


may pag-asang muling mabubuhay gayundin ang lahat ng
mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa Iyong
kaliwanagan. Kaawaan mo sila at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos kaisa ng


mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa
daigdig nang kalugod-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa

12 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


namin ang pagpupuri sa ikararangal mo. Sa pamamagitan ng
Iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa kanya, ang


lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang
makapangyarihang, kasama ng Espiritu Santo magpasa
walang hanggan.

AMEN

PAKIKINABANG:

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni


Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin
nang lakas-loob.

AMA NAMIN

Pari: Hinihiling namin kamiy iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban kami ng Kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming pinanabikan ang
dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas
naming si Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa Iyo nagmula ang kaharian, ang


kapangyarihan at kaluwalhatian magpasa walang
hanggan. Amen.

Pari: Panginoong Hesukristo, Sinabi mo sa Iyong apostol:


Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang
aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at
huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban
mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa
Iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

13 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat-isa.

Lahat: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa
amin ang kapayapaan.

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng


mga kasalanan ng sanlibutan mapalad ang
mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy


sa Iyo ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling
na ako.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin Tayo:

Ama naming mapagmahal, pagtibayin mo sa aming


kalooban ang aming pinagsaluhang pananda ng
pananampalatayang tunay.
Ang pinananaligan naming Diyos na totoo at taong
totoo na ipanagdalang-tao ni Maria sa kanyang
sinapupunan ay siya nawang magpagindapat na
kamiy sumapit sa kaligayahan ng walang maliw na
buhay sa bisa ng kanyang nagliligtas na
pakikinabang sa pamamagitan niya kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

14 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo


Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama, Anak at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at
paglingkuran.

Lahat: Salamat sa Diyos

Pangwakas na Awit

15 Misa Paggunita Sa Nuestra Seora Del Buen Consejo

You might also like