You are on page 1of 35

OUR LADY OF THE AIRWAYS PARISH

Worship Committee
Master of Parish Ceremonies

ANG MISA NG SAMBAYANAN


HANGO SA AKLAT NG PAGMIMISA SA ROMA

1
dAKILANG kAPISTAHAN NG
PAGBIBINYAG SA PANGINOON

pASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagalingkod ay lalakad patungo ng dambana,
samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Namumuno: Mga kapatid, ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang


Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. Magsitayo po ang lahat
at ating awiting ang pambungad na awit.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagalingkod ay magbibigay-galang alinsunod
sa hinihinging paraan. Magbibigay-galangang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa
kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa tao:

Pagbati

Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapalà ng ating Panginoóng Hesúkristo, ang


pag-ibig ng Diyós Amá at ang pakikipagkaisá ng
Espíritu Santo nawá’y sumainyóng lahát.

Bayan: At sumaiyó rin.

2
Pagsisi
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

Pari: Mga kapatíd, aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayo’y magíng marapat gumanáp sa banál na
pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa
nagawang kasalanan:

Lahat: Inaamin ko sa makapángyarihang Diyós, at sa inyó,


mga kapatid, na lubhâ akóng nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salitâ, sa gawâ at sa aking pagkukulang.


Kayâ isinasamo ko sa mahál na Birheng Maria, sa
lahát ng mga anghél at mga banál at sa inyó, mga
kapatíd, na akó’y ipanalangin sa Panginoóng ating
Diyós.

Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad.

Pari: Kaawaán tayo ng makapángyarihang Diyós, patawarin


sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na
walâng hanggán.
The people reply:

Bayan: Amen.

Kyrie
Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap ito kaugnay
ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:

V. Panginoón, kaawaán mo kamí. R. Panginoón, kaawaán mo kamí.


V. Kristo, kaawaán mo kamí. R. Kristo, kaawaán mo kamí.
V. Panginoón, kaawaán mo kamí. R. Panginoón, kaawaán mo kamí.

3
Gloria
Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit.

Pari: Papurì sa Diyós sa kaitaasan

Lahat: at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdán


niyá. Pinupurì ka namin, dinarangál ka namin,
sinasambá ka namin, ipinagbubunyî ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakilà mong
angkíng kapurihán.

Panginoóng Diyós, Harì ng langit, Diyós Amáng


makapangyarihan sa lahát. Panginoóng Hesukristo,
Bugtóng na Anák, Panginoóng Diyós, Kordero ng
Diyós, Anák ng Amá.

Ikáw na nag-aalís ng mga kasalanan ng sanlibután,


maawà ka sa amin. Ikáw na nag-aalís ng mga
kasalanan ng sanlibután, tanggapín mo ang aming
kahilingan. Ikáw na naluluklók sa kanan ng Amá,
maawà ka sa amin.

Sapagkát ikáw lamang ang banál, ikáw lamang ang


Panginoón, ikáw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-
taasan, kasama ng Espíritu Santo sa kadakilaan ng
Diyós Amá. Amen!

4
Panalanging Pambungad
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Pari: Manalangin tayo


Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipasng ilangsandali, ilalahad
ng pari ang kanyang kamay ay ipahahayag ang panalanging pambungad. Sa katapusan nito’y sasagot
ang mga tao ng pagbubunyi:

A ma naming makapangyarihan,
noong binyagan ang Mesiyas sa Ilog Jordan,
bumaba sa kanya ang Espiritu Santo
at sinabi mong ang iyong Anak na minamahal
ay lubos mong kinalulugdan.
Kaming mga isinilang mo bilang mga anak
sa tubig ng binyag at sa Espiritu Santo
ay mamalagi nawang kalugud-lugod sa iyo,
sa pamamagitan ni Hesukristo
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

5
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang
unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong nakikinig.

Ang ating sipi galing kay Propeta Isaias ay naglalahad ng una sa apat na Awit ng
Nagdurusang Lingkod ng Panginoon. Ang Hinirang na Lingkod ay nakatalagang
maghirap upang tupdin ang kalooban ng Diyos. Ngunit tinanggap niya ang mga
pahirap na kalakip ng kanyang pagiging Lingkod nang bukal sa kanyang kalooban.

Unang Pagbasa
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Isaias 42, 1-4. 6-7

Sinabi ng Panginoon, “Ito ang lingkod ko na aking itataas, na aking


pinili at kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at sa mga
bansa ay siya ang magpapairal ng katarungan. Mahinahon at banayad kung
siya’y magsalita, ni hindi magtataas ng kanyang tinig. Ang marupok na
tambo’y hindi babaliin, ilaw na aandap-andap di n’ya papatayin, at ang
katarungan ang paiiralin. Di siya mawawalan ng pag-asa
ni masisiraan ng loob, paghahariin niya ang katarungan sa daigdig.

Ang mga bansa sa malayo ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang


mga turo. Akong Panginoon, tumawag sa iyo, binigyan kita ng
kapangyarihan Upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan
mo ay gagawa ako ng pakikipagtipan sa lahat ng tao at magdadala ng
liwanag sa lahat ng bansa. Ikaw ang magpapadilat sa mga bulag at
magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman.”

Ang Salita ng Diyos!


Salamat sa Diyos

Ang tagalahad ng salmo o tagaawit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at ang mga
tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

6
Salmong Tugunan
Basbas ng kapayapaa’y sa bayan ng Poong mahal.
Salmo 28, 1a at 2. 2ak-4. 3b at 9b-10

1. Purihin ang Panginoon ninyong banal na nilalang, pagkat siya


ay dakila’t marangal ang kanyang ngalan; ang Poon ay dakilain,
purihin ang Diyos na Banal, yumuko ang bawat isa kapag siya
ay dumatal.

2. Sa gitna ng karagatan tinig niya’y naririnig. Sa laot ng


karagata’y hindi ito nalilingid. Pag nangusap na ang Poon, tinig
niya’y ubod-lakas, ngunit tinig-kamahalan, kapag siya’y
nangungusap.

3. Ang tinig ng dakilang Diyos, parang kulog na malakas, kaya’t


mga nasa templo’y sumisigaw, nagagalak, “Panginoo’y
papurihan!” ganito ang binibigkas siya rin ang naghahari sa
dagat na kalaliman, namuno siya roon bilang hari, walang
hanggan.

Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipahahayag din ito sa pook ng pagbasa katulad ng
nauna.

7
Ang panayam ni Pedro sa Aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay nagpapahayag ng
pasimula ng pangangaral ni Hesus bilang Kristo, ang Hinirang ng Diyos. Ang
simulang ito ay kaugnay ng pangangaral at pagbibinyag ni Juan, isang binyag na
tinanggap din ni Hesus.

Ikalawang Pagbasa
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga Gawa 10, 34-38

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Ngayon ko lubusang natanto


na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa
kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa. Ibinigay ng Diyos ang
kanyang salita sa mga Israelita.

Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa


pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Hesukristo. Ngunit siya’y Panginoon
ng lahat! Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea
nang mangaral si Juan tungkol sa binyag.

Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa


kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan
na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya
pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng
pinahihirapan ng diyablo.”

Ang Salita ng Diyos!


Salamat sa Diyos

8
Isusunod ang Aleluya o ibang awit.

Aleluya
Nagsalita ang D’yos Ama: “Ang Anak kong sinisinta ay narito,
dinggin n’yo s’ya!”

Ang Mabuting Balita

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon + ayon kay San Mateo.


Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon!

Noong panahong iyon, si Hesus ay dumating sa Jordan mula sa


Galilea at lumapit kay Juan upang pabinyag. Sinansala siya ni
Juan na ang wika, “Ako po ang dapat binyagan ninyo, at kayo pa
ang lumalapit sa akin!” Ngunit tinugon siya ni Hesus,

“Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat


nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” At
pumayag si Juan. Nang mabinyagan si Hesus, umahon siya sa
tubig. Nabuksan ang langit at nakita ang Espiritu ng Diyos,
bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa
langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong
kinalulugdan!”

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan: Pinupuri ka naming, Panginoong Hesukristo.

9
10
Pagpapahayag ng Pananampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan


sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay


Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu
Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni
Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay
na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!

11
Pagkatapos ay gaganapin ang panalanging pangkalahatan o panalangin ng bayan.

Panalangin ng Bayan

Pari: Mga kapatid, tayo ay bininyagan sa tubig tulad ni


Hesukristo, upang maging mga anak ng Diyos. Buong
puso tayong dumulog sa kanya at ating pakumbabang
sambitin:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!

 Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang sa pagsasabuhay nila ng


mga bunga ng binyag, ay mapalawig nila ang Paghahari ng Diyos sa
lupang ibabaw, manalangin tayo sa Panginoon!

 Para sa lahat ng mga Kristiyano, upang sa taong ito ng Ekumenismo


sa ating bansa ay buong sigla nilang isabuhay ang mga pananagutang
tinanggap nila sa binyag, manalangin tayo sa Panginoon!

 Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang igalang nila ang mga
karapatan at mga tungkulin ng bawat Kristiyano para sa tunay na
pag-unlad ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon!

 Para sa mga mga kapatid nating nasa gitnang silangang bahagi ng


Asya, nawa’y gabayan sila ng Banal na Espiritu Santo upang
mamayani ang kapayapaan at pagkakaisa, manalangin tayo sa
Panginoon!

 Para sa ating lahat magkaisa nawa tayo upang maitatag ang isang
parokya na may tibay na pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa
bawat isa, sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina ng Daang
Panghimpapawid na ating patrona , manalangin tayo sa
Panginoon!

12
 Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito ng
Pagbibinyag kay Hesus, upang maisabuhay natin nang masigasig ang
ating pagiging mga anak ng Diyos, kapatid ni Kristo, at tirahan ng
Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon!

 Maging ang bagong taon na ito ay maging bagong pag-asa para sa


ating parokya lalo na sa mga mahihirap nating mga kapatid, mga
maysakit at mga nawawalan na ng pag-asa, manalangin tayo sa
Panginoon!

 Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan.


(Tumigil sandali.), manalangin tayo sa Panginoon!

Pari: Dakilang Ama, ipagkaloob mong kami’y manataling


tapat kay Hesus na siyang Panginoon namin sa
pamamagitan ng aming pagbibinyag sa tubig at
Espiritu. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

13
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Paghahanda ng Altar at mga Alay
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap ilalagay ng mga
tagalingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng
Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-


aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang pari sag awing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: K apurì-purì ka, Diyós Amáng lumikhâ ng sanlibután. Sa


iyóng kagandahang-loób, naritó ang aming maiaalay. Mulâ sa
lupà at bunga ng aming paggawâ, ang tinapay na itó para
magíng pagkaing nagbíbigáy-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapurì-purì ang Poóng Maykapál ngayón at


kailan mán!

Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal ng
pabulong:

Pari: Sa paghahalong ito ng alak at tubig kani nawa’y makasalo sa pagka-


Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sag awing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis at nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: Kapurì-purì ka, Diyós Amáng lumikhâ ng sanlibután. Sa


iyóng kagandahang-loób, naritó ang aming maiaalay. Mulâ sa

14
katás ng ubas at bunga ng aming paggawâ, ang alak na itó para
magíng inuming nagbibigáy ng iyóng Espíritú.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapurì-purì ang Poóng Maykapál ngayón at


kailan mán!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya ng pabulong:

Pari: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagalingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:

Pari: O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong


lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng pari sag awing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at
muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

All: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa


iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa
ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.

15
Panalangin Ukol sa mga Alay

Pari: A ma naming Lumikha,


ngayong ipinagdiriwang ang pagpapahayag
ng iyong kinalulugdang Anak,
tanggapin mo ang aming mga alay
upang ito ay maging paghahain
ng kanyang mahabaging paghuhugas sa kasalanan
namin sapagkat siya’y kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin!

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon!

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan!

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Ang mga dakilang pahiwatig ng bagong pagsilang


ay minarapat mong mahayag sa Ilog Jordan.
16
Dahil sa iyong tinig buhat sa kalangitan,
ang pakikipisan ng iyong Salita sa sangkatauhan
ay amin ngayong sinasampalatayanan.
Dahil sa Espiritung sa kanya’y lumukob
na waring kalapating tagapagtaguyod,
tinanghal siyang Mesiyas nami’t iyong Lingkod
para ihatid ang iyong Balitang mga aba’y itatampok.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Bayan: Santo, santo, santo,


Panginoóng Diyós ng mga hukbó,
Napupunò ang langit at lupà ng kadakilaan mo,
Osana sa kaitaasan!

Pinagpalà ang naparirito sa ngalan ng Panginoón.


Osana sa kaitaasan!

17
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
O PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.


Ama naming maawain,
ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang
dinarasal.
Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak
mong ito na ang mga kaloob namin ay tanggapin at
basbasan mo + sa pagdiriwang namin ng
paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.
Iniaalay namin ito sa iyo,
unang-una para sa iyong banal
na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa N, na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo N,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko
na galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.
Ama namin,
iyong alalahanin ang iyong mga anak
na ngayo'y aming idinadalangin:
N. at N.

Sila'y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy
na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

18
Ang aming pananampalataya ay nababatid mo
gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin
at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan
at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.
Pag-alala sa mga banal.
Kaisa ng buong Simbahan,
pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo
Si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo, at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo,
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginagawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

19
MGA TANGING NABANGGIT SA MGA DAKILANG KAPISTAHAN
Sa Pagpapakita ng Panginoon

Kaisa ng buong Simbahan


ipinagdiriwang naming ngayon
ang dakilang kapistahan ng iyong Bugtong na Anak
na hindi naiiba sa iyo sa kadakilaan sa mula’t mula pa
at nagpakitang siya ay taong totoo na sa amin ay hindi naiiba.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen: +

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong angkan.
Loobin mong kami ay makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami
ay mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya'y nagdarasal:

Ama namin, basbasan mo


ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,

20
ang aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipapahayag ng malinaw at


nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,


Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan,
at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na ipinahahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
21
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipapahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

(Aawitin)
Aming ipinahahayag
na namatay ang iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
Ama,
kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong bayang
banal ay nagdiriwang sa ala-ala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,

22
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang
katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay


na ito. Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin sa
pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek, na
paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:
Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong
harap upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak sa pakikinabang namin ngayon dito sa
banal mong hapag,
Tatayo nang matuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal:
kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang
pagbabasbas.
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Nakikipagdiwang:

23
Ama namin, iyo ring alalahanin
ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang
taglay at sila ngayon ay aming ipinagdarasal: N. at N.
Sila'y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay
patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila, at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at
pamamahinga sa iyong piling.
Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

Nakikipagdiwang:

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod


Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na


pagkamapagbigay sa aming pamumuhay sa araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay ay
makapiling ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban, Matias, Bernabe
(Ignacio, Alejanrdro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa'y makapisan nila

24
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na
kulang kundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa
aming kakulangan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


At patuloy siyang magdarasal:

Sa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting


kaloob mong ito ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
binubuhay, binabasbasan at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Susunod ang yugto ng pakikinabang.

25
IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Pari: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.


Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang
siya’y nagdarasal.

Pari: Kaya't sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal


ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal.

Pari: upang para sa ami'y maging Katawan at Dugo +


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Pari: Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

Pari: hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
Pari: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
26
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Pari: Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

Pari: hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

Pari: TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari.

Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Bayan: Sa Krus mo at pagkabuhay, Kamí’y natubós mong


tunay, Poóng Hesús naming mahál, iligtás mo
kamíng tanán ngayón at magpakailanmán.

27
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Pari: Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya't iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami'y nagpapasalamat
dahil kami'y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa
at ni N., na aming Obispo*
at ng tanang kaparian.
___________________________________________________________________

Sa mga pagdiriwang ng Misa para sa mga yumao, maidaragdag ito:

Pari: Alalahanin mo si N., na tinawag mo


mula sa daigdig na ito.
Noong siya’y binyagan,
siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.

28
Ngayong siya’y pumanaw,
nawa’y makaisa siya ni Kristo sa
pagkabuhay.
_________________________________________________________________

Pari: Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila'y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan Mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
Kaisa ni San Jose, kanyang kabyak
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Pari: sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Pari: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:


Bayan: Amen.
29
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na kamay:

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

Lahat: Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito da lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Pari: Hinihiling naming


kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang


panalangin sa ganitong pagbubunyi:

30
Lahat: Sapagkat iyo angkaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Pari: Panginoong Hesukristo,


sinabi mo sa iyong mga Apostol:
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Ang pari’y haharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak
niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Pari: Sa pagsasawak na ito


ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

31
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

Bayan: Kordero ng Diyos,


na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Pari: Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyanag hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy


sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ako.

32
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Pari: Katawan ni Kristo.


Ang nakikinabang ay tutugon:

Communicant: Amen.

Para sa pakikinabang sa Dugo ni Kristo, gaganapin ang nasasaad sa ika-240 hanggang sa ika-252
talata ng Pagkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng
pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:

Pari: Ama naming mapgmahal,


ang aming tinaggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit
ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

33
Panalangin Pagkapakinabang

Pari: Manalangin tayo.


Kung ‘di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at
pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad
ang mga kamay. Sa katapusan, ang sambayanan at tutugon:

A ma naming mapagmahal,
kaming iyong pinapakinabang
ay maging mga anak mo nawa sa turing at sa
katotohanan sa matapat naming pakikinig sa iyong
Anak na aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

34
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maaaring ilahad ang mga patalastas, mga pasasalamat, at iba pang panalangin patungkol sa mga
Santo (Oratio Imperata etc).

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, at


Anak, at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Bayan: Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

Kapag may iba pang gaganapin pagkamisa, lalaktawan ang pagbati, pagpapala at paghayo.

35

You might also like