You are on page 1of 19

RITWAL NG PAGTANGGAP sa KALINGA CENTER

Batch 8 Volunteers

Sa nakatakdang panahon ang lahat na Tatanggapin ay nakapila mula sa labas ng


pagdadausan ng Rito ng Pagtanggangap at Banal na Misa.

Papasok sila ng nakapila habang pinapatugtog ang isang nararapat na awitin

Kapag naka pasok na ang lahat na Tatanggapin at nasa kanya-janya na silang upuan,
aawtin na ang Pambungad na Awit sa hudyat ng tagapagpaliwanag

TAGAPAGPALIWANAG:

Magandang araw sa ating lahat.


Ngayon araw na ito ay pormal na tatanggapin
ng mga kasapi sa Kalinga Center Resident-
Partners. Sila ay mga dating homeless na
nagpahayag ng pagnanais na baguhin ang
kanilang mga sarili sa pamamagitan ng
paghuhubog sa loob ng anim na buwan

Kaya sa araw na ito, sama sama nating


ipagdiwang at ipagpasalamat ang dakilang
araw na ito.
Magsitayo po ang lahat at awitin natin ang
Pambungad na Awit

Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging


paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti
niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag
ng paring nakaharap sa mga tao:

+Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

TAGAPAGPALIWANAG:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang


pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng
Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

TAGAPAGPALIWANAG:
At sumaiyo rin.

Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

MGA KAPATID, AMININ NATIN ANG ATING MGA KASALANAN


UPANG TAYO’Y MAGING MARAPAT GUMANAP SA BANAL NA
PAGDIRIWANG.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.

Inaamin ko sa
makapangyarihang Diyos, at
sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking


pagkukulang. Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating


mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

TAGAPAGPALIWANAG:

Amen.

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari
ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging pambungad. Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng
pagbubunyi:

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,


LAKAS LOOB KA NAMING TINATAWAGAN
SA NGALAN MO AMA NAMING BANAL.
SA KALOOBAN NAMING AY PANAHANIN MONG LUBOS ANG
IYONG ESPIRITUNG SA AMI’Y KUMUKUPKOP UPANG SA
LUPAING IPINANGAKO KAMI’Y MAKAPASOK
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN

TAGAPAGPALIWANAG:

Amen.

TAGAPAGPALIWANAG:

Magsiupo ang lahat at tunghayan natin ang


pagpapahayag ng Salita ng Diyos

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang unang
pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig. Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:

Unang Pagbasa Deuteronomio 10:12-22

Pagbasa mula sa Aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises samga tao, “Bayang Israel, ito nag nais sa inyo ng
Panginoon: Magkaroon kayo ng takot sa kanya, lumakad sa kanyang
daan, ibigin siya, paglingkuran nang buong posu’t kaluluwa, at
sunbdin ang kanyang Kautusan at mga tuntunin. Ito naman ay sa
ikabubuti rin Ninyo. Isioin na lang Ninyo na ang langit, ang daigdig at
lahat ng naritoay sa Panginoon. Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa
inyong mga ninuno, kayomh lahi nila ay pinili niya sa gitna ng
maraminbansa. Kaya nga, buksan ninyo ang inyongmga opuso at
akisin ninyo ang katigasan ng inyong mga ulo. Pagka’t ang
Panginoonay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon,
makapangyarihan at kakila-kilabot. Pantay-pantay ang tingin niya sa
mga taoat hindi napapasuhol. Iginagawad niya ang katarungan sa mga
ulilaat balo; nilulukuban niya ng pagmamahal ang mga taga-ibang
bayan at binibigyan ng kanilang pangangailangan. Ibigin niyo ang mga
taga-ibang bayan pagka’t kayo ma’y nagging taga-ibang bayan sa
Egipto. Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon. Paglingkuran ninyo
siya, huwag kayong hihiwalay sa kanya, at ipahayag ninyo ang
kanyang pangalan. Siya lamang ang dapat ninyong pag-ukulan ng
pagpupuri, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-
kilabot na mga bagay na inyong nasaksihan. Pitumpu lamang ang
inyong mga ninuno nang pumunta sila sa Egipto ngunit ngayo’y
marami na kayo, sindami ng bituin sa langit.

Ang Salita ng Diyos.

TAGAPAGPALIWANAG:

Salamat sa Diyos.

Ang tagapaglahad ng salmo o taga-awit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at ang mga tao
ay tutugon ng kaukulang taludtod.
Salmong Tugunan Salmo 147

“Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin!”

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,


Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
Lahat ng iyong lingcod ay siya ang nagbabasbas.
Tugon.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,


bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.
Tugon.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,


ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong Karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagka’t hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon
Tugon.

TAGAPAGPALIWANAG:

Magsitayo po ang lahat sa pagpapahayag ng Mabuting


Balita

Alleluya
Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.
Kapag walang diyakono, ang paring nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang pabulong:

Pagkaraan, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan
ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ihahayag ng diyakono o pari:

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.

Magbubunyi ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.


Ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

+ ang mabuting balita ng panginoon ayon kay san mateo

noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa galilea sina hesus at ang


mga alagad, sinabi niya sa kanila, “ang anak ng tao ay ipagkakanulo at
papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” at sila’y lubhang
nagdalamhati.
pagdating nila sa capernaum, lumapit kay pedro ang mga maniningil
ng buwis para sa templo. tinanong siya, “nagbabayad ba ng buwis para sa
templo ang inyong guro?” “opo,” sagot ni pedro. at nang dumating siya sa
bahay, tinanong na siya agad ni hesus, “ano ba ang palagay mo, simon? kanino
sumusingil ng bayad sa lisensiya o buwis ang mga hari sa lupa? sa mga
mamamayan ba o sa mga dayuhan?” “sa mga dayuhan po,” tugon niya. sinabi
ni hesus. “kung gayon, hindi pinagbabayad ang mga mamamayan.
gayunpaman, para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis
mo ang kawil. kunin mo ang unang isdang mahuhuli. ibuka mo ang bibig nito
at may makikita kang isang salaping pilak. kunin mo ito at ibayad sa buwis
nating dalawa.

Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


RITWAL NG PAGTANGGAP

Pagkatapos ng homilia, isussunod ang rito ng pagtanggap

Sisimulan ito sa pamamagitan ng pagtawag sa mga tatanggapin. Pupunta ang mga tinawag
sa may santuwaryo.

TAGAPAGPALIWANAG:

Magsi-upo po ang lahat.

Isusunod na po natin ang Rito sa Pagtanggap ng Batch 8


Kalinga Class sa Arnold Janssen Kalinga Center

Tatawagin ni Sir Mark Xavier Lalaguna, Program


Director at Formation Coordinator ng Arnold Janssen
Kalinga Center ang mga tatanggapin at iprepresenta
naman sila ni Ms Lita Galano, Officer-in-Charge of
Arnold Janssen Kalinga Center.

Pagtawag sa mga tatanggaping kasapi ng Batch 8

Sir Xavier:
Lumapit ang mga kasapi ng Batch 8 Kalinga Class
Lalapit ang mga tatanggaping sa may gawi ng santuwaryo.

Ms Lita:
Minamahal naming Fr. Flavie Villanueva, SVD
narito po ang mga nagnanais makabahagi sa Batch 8 at
handang sumailalim sa paghuhubog at pakikiisa sa mga
gawain ng Kalinga Center sa pangangalinga sa mga
homeless.

Sumailalim po sila sa pagsusulit at nakitang nararapat na


maging bahagi ng Kalinga Center Batch 8 Volunteers
Pagpapahayag ng Pagtanggap

Pari: Mga kapatid,


ikinagagalak ng Panginoon at maging ng Kanyang sambayanan
ang inyong pagkakaloob ng sarili sa hamon ng pagbabago at
paghubog

Ngayon ay ipahayag Ninyo ang inyong pagnanais at kahandaan sa


tawag ng pagbabago.

Bukal ba sa inyong kalooban na sumagot sa tawag ng pagbabago at


paghuhubog ng inyong pag-uugali mula sa Kulturang Kalye?

Mga tatanggapin:

Opo, bukal po sa amin

Pari: Nakahanda ba kayong baguhin ang inyong pag-uugali ayon


mahalagang pag-uugali ng AJ Kalinga Center?

Mga tatanggapin:

Opo, nakahanda po kami

Pari: Nakahanda ba kayong sumunod sa mga alituntunin ng Kalinga


Center kaugnay sa inyong paghuhubog na may pagnanasang
matulungan kayo sa hamon ng pagbabago ng inyong sarili upang
maging handa kayo sa higit na maayos at makabuluhang buhay?

Mga tatanggapin:

Opo, nakahanda po kami

Pari: Ito ang inyong naisin sa sainyong pagbabagong buhay. At ito ay ang
ipinagdarasal ng sambayanang ito at ng Inang Simbahan sa sa ngalan
ni Jesukristong ating Panginoon.
Lahat: Amen

Pagbabasbas at Pagtatalaga
Pari: Manalangin tayo.

Iuunat ng pari ang kanyang mga kamay sa mga itinatalaga. Samantala, tatayo ang lahat at
luluhod naman ang mga itinatalaga
(kung kakayaning lumuhod. Kung hindi, mananatili silang nakatayo.)

Tagapagpaliwanag:

Magsitayo ang lahat.

Darasalin ng pari ang mga sumusunod na panalangin:

Amang mapagmahal,
Ikaw ang tumatawag sa mga anak Mong ito
upang maging bahagi ng paghuhubog at pagbabagong buhay.
Basbasan mo + ang mga lingkod Mong ito
upang sa kanilang paghangad na magbago ang kanilang buhay
maging bukas sila sa mga paghuhubog.
Liwanagan Mo ang kanilang isip at pag-alabin sa pag-ibig ang
kanilang puso sa pagsunod sa Iyo, at nawa'y maganap nila ang
kanilang hangad na pagbabago ng buong katapatan. Maging
magalang nawa sila sa Iyong harapan, at magsumikap na tumulad sa
Iyong kabanalan.

Patuloy nawa silang maging bukas sa tunay na pagbabago at


paghuhubog, sa paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
nang ayon sa Iyong kalooban.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.
Kung lumuhod ang mga bagong kasapi ng Batch 8, tatayo sila. Wiwisikan ng pari ng
banal na tubig ang mga tinanggap. Samantala, dito rin maaaring ganapin ang
pagbabasbas at pagbibigay ng bagong kasuotan bilang tanda ng kanilang pagtanggap)

Sa mga pagkakataong may nakalaan at nakahandang kasuotan, dadalhin ito sa harapan at


sasambitin ng pari ang sumusunod na panalangin:

Ama naming makapangyarihan,


sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, nilinis mo kami mula sa
aming karumihan at sinuotan kami ng damit ng kadalisayan.
Bilang pag-aalaala sa biyaya ng Binyag, sa pananampalatayang
aming pinananaligan at ipinamumuhay.
Hinihiling naming basbasan mo +
ang mga kasuotang ito ng mga
anak Mong naghangad na baguhin ang kanilang buhay sa
pamamagitan ng paghuhubog.

Nawa, sa pagsusuot ng mga ito, mabatid nila ang dakilang hamon ng


pagbabago ng kanilang sarili at matanto nila ang dakilang pagtawag
na dapat nilang tugunan nang buong katapatan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong
aming Dakilang Pari.

Lahat: Amen.

Wiwisikan ng banal na tubig ang mga kasuotan. Pagkatapos, isusuot ng mga bagong
tinanggap. ang kasuotan.
PAgkabalik nila sa harapan, nakatayo silang nakaharap sa mga tao

Pagkilala sa mga Itinalaga

Pari: Bilang pagtanggap at pagbati sa kanila,


pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.

PANALANGIN NG BAYAN

Matapos ito ay gaganapin ang Panalangin ng Bayan. Dito, makabubuting magdagdag ng


kahilingang patungkol sa mga tinanggap. Sa pag-aalay, maaari rin nilang iaalay ang
lumang damit nila.
PARI:

Mga kapatid,
bilang isang mamayang nabuklod sa pag-ibig ng Diyos,
ipagdasal at i-aalay natin sa Kanya ang hiling ng ating mga puso. Sa
bawat panalangin ang ating tugon:

PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.


Para kay Francisco ating Santo Papa:
Ipanalangin natin ang ating mahal na Santo Papa, nawa’y mabigyan pa
siya ng lakas upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa Simbahan.
Manalangin tayo: PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

Para sa ating kaparian:


Ipagdasal natin ang ating kaparian na sana’y maipagpatuloy nila
ang misyon ng pagbibigay buhay sa ebanghelyo.
Manalangin tayo: PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

Para sa ating gobyerno:


Nawa’y ang gabay ng Espiritu Santo ang pakinggan
at tatahakin ng ating mga namumuno sa pagtugon
sa problema ng bansa laban sa inhustisya at kahirapan.
Manalangin tayo: PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

Para sa Arnold Janssen Kalinga Foundation:


Ipanalangin natin ang AJ Kalinga Foundation
at ang mga indibidwal na walang sawang sumuporta na sana’y
maisakatuparan ang pagnanais ng kanilang mga puso
para sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Manalangin tayo: PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

Para sa ating mga be resident-partners:


Nawa’y magabayan sila sa araw-araw,
mabigyan ng lakas ng loob na harapin
ang hamon ng pormasyon sa Kalinga Center,
at magsilbing inspirasyon sa iba pang mga tao na nasa lansangan.
Manalangin tayo: PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.
PARI:
Ama naming mapagmahal, sa iyong mga kamay inialay namin ang
mga panalangin. Buong puso kaming nagtitiwala sa iyong gabay at
kalinga. Hiniling namin ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ni
Hesukristo aming Panginoon.

Lahat:
Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay.

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay


Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa mga alay. Sa
katapusan nito’y sasagot ng “Amen” ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi.

Ama naming lumikha …


….. kasama ng Espiritu Santo magpasawalanghanggan

Sasagot ang mga tao:

Amen.
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang
mga kamay habang kanyang sinasabi:

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay. Sa katapusan nito,
pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o
Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o binibigkas nang malakas:

Pari: Ama naming makapangyarihan, …….


kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Sa takdang oras aawitin ang Santo

Santo, Santo, Santo Panginoong


Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang
pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain


Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa Siya’y dumating
Hanggang sa Siya’y dumating

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal: :

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal
at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
Susunod ang yugto ng pakikinabang.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagka't iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang
idurugtong ang ”ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap
sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na


magpatuloy sa iyo nguni't sa isang
salita mo lamang ay gagaling na ako.

Panalanging pagkatapos ng Pakikinabang

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:

MANALANGIN TAYO

AMA NAMING MAPAGMAHAL,


ANG PAKIKINABANG NAMIN SA PIGING NA BANAL AY
MAGDULOT NAWA SA AMIN NG KALIGTASAN AT MAGTANGHAL
SA AMIN LUNINGNING NG IYONG KATAPATAN SA
PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO KASAMA NG ESPEITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga tao.
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Nakalahad ang kamay sa mga tao:

Magsiyuko kayo at ipanalangin


ang pagpapala ng Diyos. (tumigil saglit.)

Tulutan nawa ng panginoong kayo’y


maging bukas sa kanyang salita
at pagkalooban kayo ng biyayang
mapagbunga ninyo ito sa inyong buhay.

Sasagot ang mga tao: Amen


Pari Gantimpalaan nawa kayo ng panginoon
sa inyong pakikipagtulungan
sa pagpapalaganap ng kanyang salita
at sa pag-akay sa iba
upang tanggapin ito sa kanilang mga puso.

Sasagot ang mga tao: Amen


Pari Lagi nawa kayong maging bukas sa inspirasyon
ng Espiritu Santo at pagsikapan itong tupdin.

Sasagot ang mga tao: Amen


Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang


Diyos, +Ama at Anak at Espiritu
Santo.

Sasagot ang mga tao: Amen.


Ang pari, magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

Humayo kayo sa kapayapaan


upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao: Salamat sa Diyos!

You might also like