You are on page 1of 10

ANG PAGBABASBAS NG KORONA NG ADBIYENTO NA

NAPAPALOOB SA PAGDIRIWANG NG MISA

Sa Unang Linggo gaganapin ang pagbabasbas ng Koronang Pang-Adbiyento. Sa susunod na tatlong


Linggo ay pagsisindi na lamang ng kandila. Gaganapin ang pagbabasbas pagkatapos ng pagbati.

Ang pagsisindi ng kandila sa mga susunod na Linggo ay pagkatapos ng pagbati na susundan ng


panalangin ng mga nakatalagang pamilya, Samahan o indibidwal.

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO – PAG-ASAM

Pari Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Bayan Amen.

Pari Sumainyo ang Panginoon.


Bayan At sumainyo rin.

PAGBABASBAS NG KORONANG PANG-ADBIYENTO

Pari Mga minamahal na kapatid, pumapasok ngayon


ang buong Simbahan sa panahon ng Adbiyento.
Ito ang panahon kung saan tayo ay naghahanda
ukol sa paggunita sa pagkakatawang tao ni Hesus,
ang kanyang pagsilang bilang Mesiyas
at ang maluwalhati niyang pagbabalik
sa wakas ng panahon.
Nasa ating harapan ang korona ng Adbiyento,
ang tanda na humahamon sa atin
upang maghanda sa kabila ng maraming nakaliligaw
na pananaw at kagawian ngayon.

Sa pagdami ng ilaw ng koronang ito,


nawa’y lumakas din ang liwanag sa ating mga puso,
upang maging mga lamparang tumatanglaw
sa kadiliman ng kasamaan at kasalanan.
Babasbasan ng pari ang korona ng adbiyento ng nakalahad ang mga kamay.

Panginoong Diyos,
Buong galak na hinihintay ng iyong Simbahan
ang pagsapit ng Tagapagligtas
na nagbibigay Liwanag sa aming mga puso
at pumapawi sa dilim ng kasalanan.

Ibuhos mo ang iyong pagpapala sa amin


habang aming sinisindihan
ang mga kandila sa koronang ito.

Nawa’y ipakita nito ang luningning ni Kristo


na aming Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan Amen.

Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang korona ng adbiyento.

Pari Mga kapatid, winika ni Hesus,


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”
Ipinagkakaloob ng Panginoon
ang liwanag ng kapayapaan sa kanyang sambayanan,
isang liwanag na di kayang supilin
ng dilim ng karahasan.

Sisindihan ng napiling homeless ang unang kandila (Lila) ng Adbiyento. Habang pinabasa nag
Panalangin sa Unang Linggo ng Adbiyento

Matapos nito ay kanyang darasalin ang Pambungad na Panalangin.

IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO – PAG-ASA


Pari Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo.
Bayan Amen.

Pari Sumainyo ang Panginoon.


Bayan At sumainyo rin.

Commentator: Ngayon po ay isusunod na natin ang pagsindi ng Ikalawang lilang


Kandila para sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento.
Ngayon ay sisindihan ang ikawalang kandila ng Adbiyento – ang
kandilang Pag-asa. Atin ding sisindihan ang unang kandila ng pag-
asam. Umaasa tayo na magiging bahagi si Hesus ng ating buhay,
hindi lamang sa Pasko kundi sa buong taon. Maihanda nawa natin
ang ating mga sarili sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay
ng ating sarili sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay ng
ating sarili sa pag-ibig, pag-asa at pananampalataya, katarungan at
kabutihan. Mabuksan nawa ng panalangin ang ating mga puso
upang makapasok ang Diyos na nagkatawang -tao.

Habang ng nakalahad ang mga kamay.

Pari Mga kapatid, winika ni Hesus,


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”
Ipinagkakaloob ng Panginoon
ang liwanag ng kapayapaan sa kanyang
sambayanan, isang liwanag na di kayang
supilin ng dilim ng karahasan.
Sisindihan ng napiling homeless ang una at ikalawang kandila (Lila) ng Adbiyento.
Habang pinabasa nag Panalangin sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

Homeless Diyos naming mapagmahal binubuksan ng aming panalangin ang


aming kahilingan na pumasok Ka sa aming mga puso upang
magahari sa amin ang pananampalataya, pag-ibig at pag-asa
habang aming inaalis ang mga balakid dito – galit, takot,
pagdaramdam. Hinihiling naming nawa’y magalak kaming lag isa
pag-asang kaloob Mo. Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpakaylan. Amen.

Sisindihan ng napiling homeless ang una at ikalawang kandila (Lila) ng Adbiyento.

Matapos nito ay kanyang darasalin ang Pambungad na Panalangin.


IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO – KAGALAKAN

Pari Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng


Espiritu Santo.
Bayan Amen.

Pari Sumainyo ang Panginoon.


Bayan At sumainyo rin.

Commentator: Ngayon po ay isusunod na natin ang pagsindi ng Ikatlong Kandila


para sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento. Ito rin ay tinatawag na
Laudate Sunday o Linggo ng Kagalakan
Ngayon ay sisindihan ang ikatlong kandila ng Adbiyento.
Tatawagin natin itong kandila ng kagalakan. Pinupuno ni Hesus
ang ating buhay ng maraming mabubuting handog na
magmumulat sa atin kagalakan ng simpleng bagay sa buhay.
Halakhak ng mga bata… masayang usapan ng magkaibigan,
paghawak sa kamay ng isang minamahal habang tinatanaw ang
mga bituin. Nawa’y matuto tayong magpasalamat sa mga
biyayang kaloob ng Diyos ng may kagalakan.

Habang ng nakalahad ang mga kamay.

Pari Mga kapatid, winika ni Hesus,


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”
Ipinagkakaloob ng Panginoon
ang liwanag ng kapayapaan sa kanyang
sambayanan, isang liwanag na di kayang
supilin ng dilim ng karahasan.
Sisindihan ng napiling homeless ang una, ikalawa at ikatlong kandila (Lila) ng
Adbiyento. Habang pinabasa nag Panalangin sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

Homeless Hesus, tinawag Mo


ang mga napapagod at nalulumbay.
NAngako Ka na pasisiglahin Mo sila
At bibigyan ng bagong lakas
upang harapin ang bawat araw ng may kagalakan
Idinudulog naming sa Iyo ang lahat ng mga alalahanin, suliranin at
mga kahirapan na siyang nagiging pabigat sa aming mga puso.
Nawa’y maging Liwanag Ka naming sa mga sandal ng kadiliman.
Turuan Mo kami na magalak sa aming mga biyaya sa aming mga
kahinaan. Hinihiling naming ito sa Iyo. Amen.

Sisindihan ng napiling homeless ang una at ikalawang kandila (Lila) ng Adbiyento.

Matapos nito ay kanyang darasalin ang Pambungad na Panalangin.

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO – PAGTANGGAP


Pari Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo.
Bayan Amen.

Pari Sumainyo ang Panginoon.


Bayan At sumainyo rin.

Commentator: Ngayon po ay isusunod na natin ang pagsindi ng Ikaapat Kandila


para sa Ika-apat na Linggo ng Adbiyento. Tatawagain ang kandila
ng pagtanggap. Sisindihan din natin ang mga kandila ng pag-asam,
pag-asa at kagalakan.
Sa pagsisindi nitong mga kandila, ipinapahayag natin ang ating
pagtanggap sa napakagandang biyaya ng Diyos: Si Hesus na
nagmamahal ay nakiisa sa piling natin. MAhalagang ipahayag
natin na “May isinilang sa atin sa araw na ito! May bagong buhay
na dumating sa akin!” Tulad ng mga pastol at mga anghel,
marapat lamang na ipahayag natin ang pagtanggap sap ag-awit ng
luwalhati sa Diyos!

Habang ng nakalahad ang mga kamay.

Pari Mga kapatid, winika ni Hesus,


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”
Ipinagkakaloob ng Panginoon
ang liwanag ng kapayapaan sa kanyang
sambayanan, isang liwanag na di kayang
supilin ng dilim ng karahasan.
Sisindihan ng napiling homeless ang una, ikalawa at ikatlong kandila (Lila) ng
Adbiyento. Habang pinabasa nag Panalangin sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Homeless Ama, nagpapasalamat kami sa Iyo sa pagpapala Mo sa amin ng
Iyong Bugtong na Anak, si Hesus. NAniniwala kaming higit na
Mabuti ang magbigay kaysa tumanggap. Higit na Mabuti ang
Iyong pagmamahal kaysa anumang regalo na maari naming
matanggap. Nawa’y tanggapin at pasalamatan Ka namin sa tuwina
, hindi lamang sa salita kundi sa pagsunod sa Iyong mga
halimbawa ng pagbibigay. Hinihiling naming ito sa ngalan ni
Hesukriston gaming Panginoon. Amen

Sisindihan ng napiling homeless ang una at ikalawang kandila (Lila) ng Adbiyento.

Commentator: Ngayon po ay isusunod pagbabasbas ng Belen.

Ang kaugalian ng paglalagay ng mga pigurin na naglalarawan ng


pagsilang ni Hesu-Kristo ay nagmula kay San Francisco de Assisi na
gumawa ng Belen noong kapaskuhan ng taong 1223.

Bilang paghahanda sa pasko, ating basbasan ang Belen. Ito ay


nagpapahiwatig ng diwa ng Pasko. Sa ating pagninilay sa Belen, ang
mabuting balita ng kapanganakan ni Hesu-Kristo ay nagkakaroon ng mas
malalim na kahulugan.

Habang ng nakalahad ang mga kamay.

Pari O Diyos ng mga bansa at tanan,


sa simula pa ay ipinamalas mo
ang iyong pag-ibig.
Sa mga taong matindi ang pagdaing,
ipinadala mo ang iyong Anak
bilang tagapagligtas.

Isinilang ng Birheng Maria,


Siya ay nagdulot ng tuwa at kapayapaan,
ng awa at pagmamahal.
Basbasan mo kaming lahat
na sa Belen ay tutunghay.
Maala-ala sana naming lagi ang kaabahan
ng pagsilang ni Hesus
at itaas ang aming mga puso sa kanya,
ang Diyos na sumasa-amin
at tagapagligtas ng lahat.
Siya na nabubuhay at naghahari
magpakailanman.
Magwiwiaik ng agua bendita sa belen na inihanda
Matapos nito ay kanyang darasalin ang Pambungad na Panalangin.

You might also like