You are on page 1of 8

ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY

UNANG YUGTO: Ang Maringal na Pagsisimula ng Magdamagang Pagdiriwang: Ang


Pagpaparangal sa Ilaw

PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW


P: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, sa pamamagitan ng iyong Anak kami‟y
iyong dinulutan ng ningas ng iyong kaliwanagan. Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing
banal at ipagkaloob mong kami‟y pagningasin nitong aming pagdiriwang upang makasapit
kaming may dalisay na kalooban sa walang maliw na kaliwanagan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay sisindihan mula sa bagong basbas na apoy. Alinsunod
sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na bigyang-diin ang kahalagahan at kahulugan
ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng karagdagang sagisag sa ganitong paraan.
Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang maghaharap ng
kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa pamamagitan ng
pang-ukit o pansulat. Iguguhit din dito ang mga titik na Griego.
Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng pari ang limang
butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinahahayag
ang mga salita.

PRUSISYON
Ang diyakono o ang tagapagdiwang, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa kandila
ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito’y itataas niya habang inaawit:

P: Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
B: Salamat po, Poong banal, sa ilaw na iyong bigay upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Maaring magtakda ang mga Panayam ng mga Obispo ng lalong makahulugan at mahabang
pagbubunyi. Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay. Kung ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay siyang mangunguna. Sa
pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa ikalawang pagkakataon:
P: Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
B: Salamat po, Poong banal, sa ilaw na iyong bigay upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.


Magpapatuloy ang pagpuprusisyon. Pagsapit ng maydala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay
sa dako ng dambana, haharap siya sa mga tao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:

P: Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
B: Salamat po, Poong banal, sa ilaw na iyong bigay upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindhan.

ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG NA NGAYO'Y PASKO NG PAGKABUHAY


Pagsapit sa gawi ng dambana, ang tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan. Ilalagay
ang kandila sa patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng dambana o malapit sa
mataas na dakong nakalaan para sa mga pagbasa. Kung ginagamit ang insensaryo, ito’y
lalagyan ng insenso ayon sa ginaganap sa loob ng Misa, sa bahagi ng paghahayag ng Mabuting
Balita. Ang diyakono ay makikusap na siya’y gawaran ng pagpapala ng tagapagdiwang na
mangungusap nang mahina:

D: Sa iyong puso at sa iyong mga labi manahan nawa ang Panginoon upang marapat mong
maipahayag na ngayon ay Pasko na ng Pagkabuhay, sa ngalan ng Ama at ng Anak X at ng
Espiritu Santo.
B: Amen.

ANG MAIKLING PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NA NGAYO’Y PASKO NG


PAGKABUHAY
1. Magalak ngayo't magdiwang, mga anghel na kinapal, lahat tayo'y mag-awitan: Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
2. Tambuli ng kaligtasan maghudyat ng kagalakan magsaya ang sanlibutan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
3. Hinirang na sambayanan bumubuo ng Simbahan magsaya sa kaningningan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
4. Ang puso nati't isipan itaas sa kalangitan ang Ama'y pasalamatan. Si Hesukristo'y nabuhay
S'ya'y ating kaliwanagan.
5. Ngayon nga ang kapistahan ng Panginoong namatay ukol sa 'ting kalayaan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
6. Ngayon nga ang pagdiriwang ng muli nating pagsilang sa tubig ng kaligtasan. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
7. D'yos Ama ng sanlibutan, pag-ibig mo't katapatan patawad sa ami'y bigay. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.
8. Hain namin itong ilaw sagisag ng matagumpay na Anak mong minamahal. Si Hesukristo'y
nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

IKALAWANG YUGTO: Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayo’y Pasko na ng Pagkab uhay, papatayin ang
sindi ng mga kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa,
maaaring ang pari ay magsalita ng ilang pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng
anumang katumbas nito:
P: Mga kapatid, ngayong nasimulan na natin ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling
Pagkabuhay, makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos, isaloob natin kung paano niyang
ginaganap sa iba't ibang yugto ng kasaysayan ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao. Noon
ngang sumapit ang itinakda niyang panahon, ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging ating Tagapagligtas. Hilingin natin sa Diyos ang kaganapan ng kaligtasan na
nangyayari ngayon sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.

UNANG PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Genesis 1, 1. 26-31a Tugon: Espiritu mo'y suguin Poon, tana'y 'yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Tugon: D'yos ko, ang aking dalangi'y
IKATLONG PAGBASA SALMONG TUGUNAN
Exodo 14, 15 - 15, 1 Tugon: Poon ay ating awitan sa kinamtan n'yang tagumpay.

IKAAPAT NA PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Isaias 54, 5-14 Tugon: Poong sa aki'y nagligtas, ang dangal mo'y aking
galak.

IKALIMANG PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Isaias 55, 1-11 Tugon: May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

IKA-ANIM NA PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Baruc 3, 9-15. 32 - 4, 4 Tugon: Panginoon, iyong taglay ang Salitang bumubuhay.

IKAPITONG PAGBASA SALMONG TUGUNAN


Ezekiel 36, 16-17a. 18-28 Tugon: Parang usang nauuhaw akong sabik sa Maykapal.

Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong sagutan at kaugnay na


panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng pari ang pag-awit ng
Papuri sa Diyos, na itutuloy namang awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga
batingaw, alinsunod sa umiiral na kaugalian.

GLORIA
Ang lahat ng kampana ng simbahan ay tutugtugin.

Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad na panalangin


sa dating paraan.

PANALANGIN
P: Manalangin tayo...
B: Amen.
SULAT SALMONG TUGUNAN
Roma 6, 3-11 Tugon: Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Pagkabasa ng sulat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Aleluya na


uulitin naman ng lahat ng nagsisimba. Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawat taludtod
ang lahat ay sasagot ng Aleluya. Kung kinakailangan, maaari rin namang ang raga-awit na ito
ang siyang magpasimula sa Aleluya.

MABUTING BALITA HOMILIYA


Mateo 28, 1-10

IKATLONG YUGTO: Ang Pagdiriwang ng Pagbibinyag


Ang tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng pagbibinyag, kung ito’y
lantad sa paningin ng mga nagsisimba. Kung hindi ito lantad, ang kinalalagyan ng tubig ay
dadalhin sa dako ng dambana. Kung may bibinyagan, sila’y tatawagin upang lumapit sa unahan
at maiharap ng mga ninong at ninang nila sa pari. Kung mga bata ang bibinyagan, ang mga
magulang at mga ninong at ninang ang magdadala sa mga ito sa harapan ng mga natitipong
tao. Kung mayroong mga bibinyagan:

N: Tumayo po ang lahat.


P: Sa mga pagluhog natin, mga minamahal na kapatid, tulungan natin ang ating mga kapatid na
may pananalig upang ang Ama nating makapangyarihan ay siyang tumangkilik sa mga isisilang
sa binyag pakundangan sa kanyang pag-ibig.

LITANYA NG MGA SANTO


PANALANGIN

Kung walang bibinyagan at hindi magbabasbas ng tubig pambinyag, lalaktawan ang pagtawag
sa mga banal at gagawin kaagad ang pagbabasbas ng tubig na iwiwisik (ika-45 na talata).
PAGBABASBAS SA TUBIG
P: Ama naming makapangyarihan...
Maaaring ilubog ng tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o
makaitlong ulit, habang patuloy niyang ipinahahayag:
P: Ama namin, iniluluhog namin sa iyo...
B: Amen.

Iaalis muna sa tubig ang kandila habang ang mga tao ay umaawit ng pagbubunyi:
B: Kaisa ng mga bukal ng tubig sa sanlibutan batis, ilog, karagatan aming pinapupurihan pag-
ibig mong walang hanggan.

PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG


Kapag ang pagbibinyag (at pagkukumpil) ay naganap na o, kung walang pagbibinyag, matapos
mabasbasan ang tubig, ang lahat ng mga tao ay tatayo at, samantalang hawak nila ang
kanilang mga kandilang may sindi, gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag.
Aanyayahan ng tagapagdiwang ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

P: Mga kapatid... Itinatakwil ba ninyo si Satanas?


B: Opo, itinatakwil namin.

P: Itinatakwil ba ninyo ang mga gawain ni Satanas?


B: Opo, itinatakwil namin.

P: Itinatakwil ba ninyo ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao sa Diyos?
B: Opo, itinatakwil namin.

P: Ngayon nama’y harapin ang ating pananampalataya. Kung kayo’y makapangangakong


magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama, kung tutularan ninyo
siya sa kanyang kabutihan, pagmamahal sa lahat, at pagmamalasakit para sa pangkalahatang
kapakanan, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at Lumikha ng langit at
lupa?
B: Opo, sumasampalataya kami.

P: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga tunay na kapatid ng


Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong simulain sa buhay ang kanyang katwiran, katarungan,
at paglilingkod sa lahat alinsunod sa kanyang pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang
ito: Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo, na ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng
Ama kayo ba ay sumasampalataya?
B: Opo, sumasampalataya kami.

P: Kung kayo’y makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo at kung sisikapin


ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahal upang maging mga
maipagmamalaking anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus, pakisagot ninyo ang
katanungang ito: Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga
banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na
walang hanggan kayo ba ay sumasampalataya?
B: Opo, sumasampalataya kam

P: Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong Hesukristo,


tayo ay pinatawad sa ating kasalanan noong tayo‟y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging tapat sa ating Panginoong Hesukristo ngayon at
magpasawalang hanggan.
B: Amen.

PAGWIWISIK NG TUBIG SA TAO


Ang nagsisimba ay wiwisikan ng tubig. Patayin ang sindi ng mga kandila matapos ang
pagwiwisik.

PANALANGIN NG BAYAN
Tugon: Iligtas mo kami sa pamamagitan ni Kristo.
IKAAPAT NA YUGTO: Pagdiriwang ng Huling Hapunan

You might also like