You are on page 1of 3

PAGSASAABO NG TUYONG PALASPAS

Aawit ang Koro ng “Buksan ang aming Puso” o ibang awitin na angkop sa
panahon ng Kuwaresma.

Ang mga tagapaglingkod naman kasama ng pari ay magpuprusisyon patungo sa


lugar kung saan susunugin ang mga lumang palaspas.

P: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


B: Amen.

P: Ang Diyos na nag-aanyaya sa ating Kanyang mga


alibughang anak ay sumainyong lahat.
B: At sumaiyo rin.

P: Mga kapatid, ang mga palaspas na ito ay ginamit natin


noong ating gunitain ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa
Jerusalem nang Linggo ng Pagpapakasakit ng ating Panginoon.
Noon, siya ay ating inawitan ng papuri at kinilalang Hari
bilang nabibilang sa lipi ni David. Ang ating pagbubunyi ay
tulad ng kasariwaan ng palaspas na ito sa kanyang pagiging
luntian. Tulad din ito ng ating kalalagayan noong tayo ay
binyagan; handang sundin ang kalooban ng Ama, dahil ito ang
tinahak na daan ni Jesukristo.

Pagkalipas ng ilang panahon, ang pagbubunyi ay napalitan ng


sigawang hatulan Siya ng kamatayan. Ang dating luntian ay
naluoy at pinanawan ng kasariwaan. Ang kabanalang dulot ng
pagiging binyagan ay pinarumi ng pagiging makasalanan.
Ngunit, may pag-asa pa ang lahat. Dahil ang natuyot na
palaspas, sa apoy ay dinadarang upang magkamit ng
kadalisayan. Ang kasalanan ay isinusuko sa paghingi ng
kapatawaran upang mabalik ang kabanalan. At ang kamatayan
ay hindi ang may huling salita, kundi ang tagumpay ng
pagkabuhay. Halina, sa pagsusunog ng mga palaspas na ito,
kilalanin natin ang tagumpay ng apoy na nagpapadalisay na
pag-ibig ng Diyos.

P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


(Lucas 3:7-9)

Noong panahong iyon, sinabi ni Juan sa mga tao na


lumalapit sa kanya upang pabinyag, “Kayong lahi ng mga
ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa
kaparusahang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng
inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong
ipangahas na kayo’y anak ni Abraham. Ngayon pa’y nakaamba
na ang palakol sa ugat ng punongkahoy; bawat punongkahoy
na hindi nagkakaroon ng mabuting bunga ay pinuputol at
inihahagis sa apoy.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Pagsusunog ng Palaspas

P: Ngayon, susunugin na natin ang mga palaspas. Idalangin


natin na sa pagdadalisay ng apoy na ito sa mga palaspas ay
dalisayin din tayo ng Panginoon at makapagbagong-buhay.

Susunnugin ng pari ang mga tuyong palaspas, ang apoy ay manggagaling sa


ningas na magmumula sa Kandilang Pangpaskwa.

Iinsensuhan ang nasusunog na palaspas.

Pagwiwisik sa mga Natitipong Tao

P: Ang banal na tubig nawang ito ay magpaaalala sa atin ng


ating pakikiisa sa kamatayan at pagkabuhay ni Kristo sa
sakramento ng Binyag.
Wiwisikan ng pari banal na tubig ang mga mananampalatayng nakilahok
saseremonyas.

Pagpapahayo

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

P: Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos, Ama, Anak, at


Espiritu Santo.
B: Amen.

P: Humayo kayo at mamuhay sa kabanalan ng pagiging


binyagan.
B: Salamat sa Diyos.

Aawit ang Koro ng awiting angkop para sa panahon ng Kuwaresma

You might also like