You are on page 1of 47

LINGGO NG PASKO NG MULING PAGBUHAY


Kulay Puti
PASIMULA
Kapag nagtitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod
ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad
ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-
galang alinsunod sa hinihinhing paraan. Magbibigay-galang ang par isa
dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti
niya, maiinsensuhan nia ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa
kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari
at mga tao ay mag kukrus. Ipapahaag ng paring nakaharap sa mga tao:

Sangalan ng Ama
at ng Anak at ng Espirito Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao,
habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong


Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espirito Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:
At sumainyo rin.
PAMBUNGAD NA PALIWANAG
Ang tagapagdiwang ay makapagbibigay ng maikling paliwag tungkol
sa buod ng Misang ipagdiriwang.

Sa araw na ito ipinagdiriwang natin ang


pangunahing sandigan ng ating
pananampalataya bilang mga Kristiyano ang
Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang muli niyang
pagkabuhay ay tanda ng ganap na pagbabago ng
sangnilikha. Buong galak nating ipagdiwang ang
Eukaristiyang ito kung saan pinadadaloy ng
Panginoon ang mga pagpapalang bunga ng
kanyang muling pagkabuhay.
Lalaktawan ang bahagi ng Pagsisisi sapagkat ang Pagsariwa sa mga
Pangako sa binyag ay ipahahayag matapos ang Homiliya. Habang
kinakanta ang Papuri, ang mga kampana ay patutunugin muli sa
Simbahan habang ginaganap ang pag-awit dito. ang Sayaw sa Pagbati
ay maaaring gawin matapos ang pagdiriwang.
GLORIA IN EXCELSIS DEO
Aawitin ang Papuri sa Diyos sa Kaitaasan.
Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila
mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama. Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng
pambungad na panalangin, ayon sa dating paraan. Magkadaop ang mga
kamay na ipahahayag ng pari:
Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit.
Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at
ipahahayag:

Ama naming makapangyarihan,


ngayo’y binuksan mo para sa amin
ang pinto ng kalangitan sa pananaig
ng iyong Anak sa kamatayan.
Ipagkaloob mong sa pagdiriwang
namin sa Pasko ng Pagkabuhay
kami’y mabuhay sa pagpapanibagong
dulot ng iyong Espiritu sa kaliwanagan
ng buhay mo sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos.
Habang ipinahahayag niya ang unang pagbasa, ang lahat ay
nakaupong makikinig.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 10:34.37-43.
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsalita si


Pedro, “Alam ninyo ang nangyari sa buong
Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si
Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y
tungkol kay Hesus na taga-Nazaret.
Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu
Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan
na siya nga ang Hinirang. Sapagkat
sumasakanya ang Diyos, saanman siya
pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at
nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng
diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa
lupain ng mga Judio at sa Jerusalem.
Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit
muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw.
Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa
amin lamang na noon pang una’y pinili na ng
Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama
niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y
muling mabuhay. Inatasan niya kaming
mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang
itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga
buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga
propeta nang kanilang ipahayag na bawat
mananalig sa kanya ay tatanggap ng
kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa
pamamagitan ng kanyang pangalan.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 117:1-2. 16-17. 22-23.
T. Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’y magdiwang.
O pasalamatan ang Panginoong Diyos, pagkat
siya’y mabuti; ang kanyang pag-ibig ay
napakatatag at mananatili. Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag, “Ang pag-ibig
ng Diyos, ay hindi kukupas.”
T. Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’y magdiwang.
Ang lakas ng Poon, ang siyang nagdulot ng ating
tagumpay sa pakikibaka sa ating kaaway. Aking
sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay ang gawa ng Diyos na
Panginoon ko.
T. Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’y magdiwang.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng
tirahang-bahay, sa lahat ng bato’y higit na
mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay
ang Panginoong Diyos. Kung iyong mamasdan
ay kalugud-lugod.
T. Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’y magdiwang.
IKALAWANG PAGBASA
Colosas 3:1-4
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa
mga tag-Colosas.

Mga kapatid: Binuhay kayong muli,


kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumakitan
ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na
kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng
Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit,
hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat
namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y
natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo
ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag,
mahahayag din kayong kasama niya at
makakahati sa kanyang karangalan.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.
AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA
Purihin si Hesukristo
hain para sa tao.

Nagligtas na Kordero
nang makasundo tayo
ng Amang Lumikha nitong mundo.

Buhay at kamatayan
kapwa nagtunggalian
at ang nagtagumpay
“Pagkabuhay.”

Ano ba Maria,
ang ‘yong mga nakita?

Puntod ni Kristong nabuhay,


liwanag niya’t kaningningan.

Anghel na malinaw,
kumot at kasuotan.

Buhay si Kristong pag-asa


pupunta s’ya sa Galilea.

Kami’y sumasampalatayang
buhay kang talaga,
Hari ng ligaya,
magbasbas ka.
ALELUYA
1 Corinto 5:7-8
T. Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na
pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
T. Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 20:1-9
Pagkaraan, ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng
paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang
insensaryo. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Juan
B: Papuri sa iyo, Panginoon.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang
bibig, at ang kanyang dibdib.
Pagkaraan, iinsensuhan ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo,


naparoon na si Maria Magdalena sa libingan.
Naratnan niyang naalis na ang batong panakip
sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang
pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal
ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa
libingan ang Panginoon at hindi namin alam
kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang
nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa
sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng
kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa
loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong
lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod
niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy
itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga
kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo.
Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi
hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok
din ang alagad na naunang dumating; nakita
niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila
nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na
kailangang muling mabuhay si Hesus.
Sa katapusan, ihahayag niya:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tagapagdaloy:
Pinupuri ka naming Panginoon Hesukristo.
HOMILIYA
lsusunod naman ang homiliya.
O KAYA:
Sa pagmimisa sa hapon, maipapahayag ito.
MABUTING BALITA
Juan 20:1-9
Pagkaraan, ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng
paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang
insensaryo. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas
B: Papuri sa iyo, Panginoon.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang
bibig, at ang kanyang dibdib.
Pagkaraan, iinsensuhan ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga


alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na
Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa
Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga
pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at
nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa
kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala
agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-
uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay.
Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo
lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na
hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa
lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?”
tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus
na taga-Nazaret, isang propetang
makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa
harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng
aming mga punong saserdote at mga pinuno
upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa
krus. Siya pa naman ang inaasahan naming
magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan.
Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito;
nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing
kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang
nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang
kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y
nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel
na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa
libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon
nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita
si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal


ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat
ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas
ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya
kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At
ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng
nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili,
simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa
sinulat ng mga propeta.
Malapit na sila sa nayong kanilang
patutunguhan, at si Hesus ay waring
magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y
pinakapigil-pigil nila. “Tumuloy na po kayo rito
sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at
dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila.
Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot
siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka
pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan
ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus,
subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya
pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y
kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang
mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa


Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang
Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-
uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang
Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay
naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung
paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin
niya ang tinapay.
Sa katapusan, ihahayag niya:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tagapagdaloy:
Pinupuri ka naming Panginoon Hesukristo.
HOMILIYA
PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG
Tagapagdaloy:
Magsitayo ang lahat. Ngayon po ay sasariwain natin
ang ating mga pangako noong tayo’y bininyagan.
Maaari pong ihanda na natin ang ating mga kandila
at hintayin ang mga lingkod ng simbahan na lalapit
upang magsindi sa mga ito.
Sa lahat ng mga Misa ngayon para sa mga tao, gaganapin ang
pagsariwa sa pangakong pambinyag pagkatapos ng homiliya.
Lalaktawan ang Sumasampalataya. Aanyayahan ng Tagapagdiwang
ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

Mga kapatid, sa misteryo ng


Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay
ni Kristo, tayo’y nalibing kasama niya
noong tayo’y binyagan upang kasama
rin niya tayo’y makabangon at
makapagbagong-buhay.

Naganap na natin ang Apatnapung


Araw na Paghahanda, Kaya’t sariwain
natin ngayon ang ating pangako sa
pagbibinyag. Talikdan natin ang
kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na
paglilingkod sa Diyos bilang mga
maaasahang kaanib ng kanyang banal
na Simbahang Katolika.
Kung kayo’y makapangangakong
tatalikod sa lahat ng hadlang sa
katuparan ng panukala ng Diyos
upang kayo’y makapamuhay bilang
matapat at maaasahang kaanib ng
kanyang angkan, pakisagot ninyo
itong tatlong katanungan.
Pari:
Para kayo makapamuhay bilang
mga malayang anak ng Diyos ang
kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?
Sasagot ang lahat:
Opo, itinatakwil namin.
Pari:
Para kayo’y huwag mapailalim sa
kasalanan ang kaakit-akit na tukso
ng kasamaan ay itinatakwil ba ninyo?
Sasagot ang lahat:
Opo, itinatakwil namin.
Pari:
Si Satanas na pinanggagalingan ng
kasalanan at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?
Sasagot ang lahat:
Opo, itinatakwil namin.
Ipagpapatuloy ng Pari:

N gayon nama’y ating harapin


ang ating pananampalataya.
Kung kayo’y makapangangakong
magsisikap mamuhay bilang mga
ikinararangal na anak ng Diyos
Ama, kung tutularan ninyo siya sa
kanyang kabutihan, pagmamahal
sa lahat, at pagmamalasakit para
sa pangkalahatang kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Diyos Amang makapangyarihan


sa lahat at Lumikha ng langit at Iupa
kayo ba ay sumasampalataya?
Sasagot ang lahat:
Opo, sumasampalataya kami.
Pari:
Kung kayo’y makapangangakong
magsisikap mamuhay bilang mga
tunay na kapatid ng Panginoong Hesus,
kung gagawin ninyong simulain sa
buhay ang kanyang katwiran,
katarungan, at paglilingkod sa lahat
alinsunod sa kanyang pagmamahal,
Pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong


Hesukristo, na ipinanganak
ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa
krus, namatay, inilibing, muling nabuhay
at naluluklok sa kanan ng Ama kayo
ba ay sumasampalataya?
Sasagot ang lahat:
Opo, sumasampalataya kami.
Pari:
Kung kayo’y makapangangakong
susunod sa patnubay ng Espiritu
Santo at kung sisikapin ninyong
mapaunlad ang kaloob niyang buhay
at pagmamahal upang maging mga
maipagmamalaking anak ng Diyos
Ama at kapatid ng Panginoong Hesus,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na


Simbahang Katolika, sa kasamahan
ng mga banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa muling pagkabuhay ng
mga namatay, at sa buhay na walang
hanggan kayo ba ay sumasampalataya?
Sasagot ang lahat:
Opo, sumasampalataya kami.
Pari:
Bunga ng pagmamahal ng Diyos
na makapangyarihang Ama ng
ating Panginoong Hesukristo, tayo
ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig
at Espiritu Santo. Tulungan nawa
niya tayong mamalaging tapat sa
ating Panginoong Hesukristo ngayon
at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
Ang mga nagsisimba ay wiwisikan ng tubig na binasbasan ng pari.
Samantalang ito’y nagaganap, aawitin ang “May bukal sa gawing
kanan” o anumang awit tungkol sa binyag:
May bukal sa gawing kanan
ng tahanan ng Maykapal,
tubig nito’y bumubuhay
sa lahat ng madaluyan,
Aleluya ang awitan!
PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging
pangkalahatan.
Aanyayahan ng pari ang lahat sa panalangin:

P inupuspos tayo ng galak at pag-asa ng


mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay. Nadarama
natin ang tapat na hangaring magpanibagong
buhay na may katapatan, kalinisan, pagtatalaga
at pag-ibig. Hingin natin sa Panginoon na ang
lahat ng ito’y magkaroon ng katuparan habang
idinadalangin natin:
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang ang sambayanan ng mga
mananampalataya ay magbigay saksi sa muling
pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng
kanilang patuloy na pagbabagong-loob,
manalangin tayo!
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang ang Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng
ating mga pinunong espirituwal ay magtamo ng
kasiyahan at kapayapaang buhat sa muling
pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo!
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang ang mga nasa madilim na libingan ng
kasalanan ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay
ng lakas upang mamuhay nang tapat sa
Ebanghelyo, manalangin tayo!
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang ang mga nasisiraan ng loob sa di-masupil
na karahasan, paniniil at paghihirap ay
makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng
kinakailangang lakas ng loob upang magpatuloy
sa pagtatatag ng isang matinong lipunan,
manalangin tayo!
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Upang tayong lahat ay makatanggap ng
pagpapala ng Muling Pagkabuhay – isang
malalim na pagpapanibago sa ating
pagpapahalagang moral, panlipunan,
pangkabuhayan at pulitikal na mga institusyon,
manalangin tayo!
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga
sariling kahilingan. (Sandaling katahimikan)
Manalangin tayo sa Panginoon.
T. Panginoon, dinggin Mo kami!
Wawakasan ng pari ang panalangin:

P anginoong Diyos, ang kaningningan nawa ng


Muling Pagkabuhay ni Kristo ang tumanglaw
lagi sa aming mga buhay. At ang aming mga
kaisipan, salita at gawain nawa ang magpatotoo
sa bagong buhay na ipinagkaloob Mo sa amin.
Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesukristong
aming Panginoon
Sasagot ang mga tao:
Amen.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Sa pagsisimula nito, makapagpuprusisyon ang mga tao na nag-aalay ng
makakatulong sa mga dukha. Samantalang ito’y ginagawa, aawit ng
naaangkop na awit.
Pagkatapos, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng
Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa
ibabaw ng dambana.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan
niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito and aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming
paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya and pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo.
Kapag hindi ginagap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at katapusan makapagbubunyi ang mga
tao:
Kapuri-puri ang Pong Maykapal
ngayon at kailanman!
Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis
habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami


nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng
bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng
aming pagagawa ng alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng
iyong Espirito.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito
ay madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang
mga tao:
Kapuri-puri ang Pong Maykapal
ngayon at kailanman!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


Nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisi bilang
handog upang kami’y matutong sumunod
sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang
dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari
at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng
mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari isa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang
kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang
ipinahahayag:

Manalagin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at
karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambauanan niyang banal.
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at darasalin niya ang
panalangin ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagon ng “Amen” ang
mga nagsisimba bilang pagbubunyi.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

Ama naming Lumikha, masaya


naming ipinagdiriwang ang Pasko
ng Pagkabuhay ngayong aming
ginaganap ang paghahaing ito ng
Anak mong mahal para sa muling
pagsilang at pakikinabang ng iyong
Sambayanan sa pamamagitan
niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO
SA PASKO NG PAGKABUHAY
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at
Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang
kanyang sinasabi:
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumainyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga
kamay:
P: Itaas sa Diyos ang iyong puso at diwa.
B: Itinaas na naming sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang
mga kamay.

Ama naming makapangyarihan


tunay ngang marapat na ikaw ay
aming pasalamatan ngayong gabing
ipinagdiriwang ang paghahain ng
Mesiyas, ang maamong tupa na
tumubos sa aming lahat.

Ang iyong Anak na minahal ay


naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako
sa kaparusahan upang mapatawad
ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na
krus ang kamatayan nami ay
kanyang nilupig. Sa pagkabuhay
niya bilang Manunubos pag-asa’t
pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghel na


nagsisiawit ng papuri saiyo nang
walang humpay sa kalangitan; kami’y
nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
SANTO
Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang
kanyang pinaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong
kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o binibigkas nang malakas:
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI
AT PAGPAPASALAMAT O PAMANTAYANG
PANALANGIN NG ROMA
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama naming maawain,


ipinaaabot namin ang pasasalamat
sa iyo sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang
tinapay at kalis, samantalang kanyag dinarasal:

Ipinakikiusap naming sa pamamagitan


ng Anak mong ito na ang mga kaloob
naming at tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang naming ng paghahain sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay naming ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at
pagkupkop, pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob, kaisa
ng aming Papa FRANCISCO, na iyong
lingkod, kasama ng aming Arsobispo JOSE,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang katoliko na
galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig

Ama namin, iyong alalahanin ang iyong


mga anak na ngayo’y aming idinadalangin.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay.
Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang
mga kamay.

Ama aming pananampalataya ay


nababatid mo gayun dun ang pagsisikap
naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay
aming iniaalay para sa kapakanan
naming at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang
hanggang kaligtasan sa pagdulog namin
sa iyong kadakilaan, Diyos na totoo
at nabubuhay kailanman.
Pag-alala sa mga Banal

Kaisa ng buong Simbahan,


Ipinagdiriwang namin ngayon
ang dakilang kapistahan ng Pagkabuhay
ng aming Panginoong Hesukristo
bilang Diyos na totoo na namalagi pa
ring taong totoo. Pinararangalan namin
ngayon, unang-una ang Ina ng Diyos at
Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging
Birhen,  gayundin ang kanyang
kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol
at martir na sina Pedro, Pablo, at
Andres, sina Santiago, Juan, Tomas,
Santiago, Felipe, Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo; gayundin sina Lino,
Cleto, Clemente, Sixto, Cornelio,
Cipriano, Lorenzo, Crisogono, Juan
at Pablo, Cosme at Damian at ang
lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang
mga kabutihan at walang sawang
pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin ang


handog na ito ng iyong buong angkan
para sa mga minarapat mong muling
isilang sa tubig at sa Espiritu Santo sa
ikapagpapatawad ng lahat nilang mga
kasalanan. Loobin mong kami’y
makapamuhay araw-araw sa iyong
kapayapaan. Huwag mong ipahintulot
na kami ay mawalay sa iyo kailanman
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y
nagdarasal.

Ama namin, basbasab mo ang mga


handog naming ito. Marapatin mong
sambahin ka namin sa Espiritu at
katotohanan, kaya para sa amin ito ay
gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak, ang
aming Panginoong Hesukristo.
Pag daraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay
ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng
kanyang pagpapakasakit,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw
ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay,
sa kanyang banal at kagalang
galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit, sa iyo,


Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay, iniabot
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni
Kristo, ipapataong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong


matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis na ito
ng pagpapala sa kanyang banal at
kagalang-galang na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at sinabi:
Bahagang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA
IKAPAGPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NIYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng
Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipapahayag ng pari.
Ipagbunyi natin ang misteryo
ng pananampalataya
Ang mga tao ay magbubunyi:
Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
par mahayag sa lahat.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samtalang siya ay nag
darasal:

Ama, kaming mga lingkod mo at


bumubuo sa iyong bayang banal ay
nagdiriwang sa alaala ni Kristo na
iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin ang kanyang dakilang
pagpapakasakit ang pagbangon niya mula
sa kamatayan, at ang matagumpay na
pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin
nanggaling inihahandog namin sa iyong
kataas-taasang kamahalan ang paghahaing
ito na katangi-tangi at dalisay: ang pagkaing
nagbibigay-buhay kailanman at ang inuming
nagbibigay-kagalingang walang katapusan.
Masdan mo nang buong kasiyahan ang
aming mga alay na ito. Ganapin mo sa
mga ito ang ginawa mo sa mga handog
ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo, at sa
inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo. Paunlakan mo
ngayong tanggapin ang banal at dalisay
na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.

M akapangyarihang Diyos, hinihiling


naming iyong ipaakyat sa banal mong
anghel ang mga alay na ito sa dakilang
dambanang nasa iyong harap upang sa
pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak sa pakikinabang namin
ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo nang matuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.
kami ay mapuspos ng iyong pagpapala
at tanang pagbagasbas.
Pag-alala sa mga yumao sa daigdig. Nakalahad ang mga kamay ng pari
sa pagdarasal.

A ma namin, iyo ring alalahanin


ang mga anak mong naunang yumao
sa amin sa paghimlay sa iyong
kapayapaan yamang ang tatak ng
pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop ng mga
kamay.
Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang
mga kamay.

S ila at ang tanang nahihimlay


sa kandungan ni Kristo ay aming
idinadalangin sa iyo upang iyong
pagbigyang makarating sa
pagsasalo, pagliliwanag at
pamamahinga sa iyong piling.
Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya
ay nagsisimulang magdasal.

K ahit kami ay mga


makasalanan mong lingkod
Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay.
kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag
uumapaw na pagkamapagbigay sa aming
pamumuhay araw-araw. Kaya pagindapatin
mo ring kami ay maka-ugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban, Matias,
Bernabe, Ignacio, Alejandro, Marcelino,
Pedro, Felicidad, Perpetua, Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia at ng lahat ng
iyong mga banal. Kami nawa’y makapisan
nila hindi dahil sa aming ginagawang
kabutihang kulang na kulang kundi
pakundangan sa iyong pagpuno sa
aming kakulangan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo.
At patuloy siyang magdarasal.

Sa kanyang pamamagitan ang tanang


mabubuting kaloob mong ito ay lagi
mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay,
binabasbasan at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis ng kapwa niya
itataas habang kanyang ipinahahayag:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA AT SAKANYA ANG
LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN, KASAMA
NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may
magkadaop na mga kamay.

S a tagubilin ng mga nakagagaling


na utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos ipahayag nating nang
lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa
lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad
naming sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

H inihiling naming
kami'y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan
araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinanabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng
sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:
Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailanman!
Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga
kamay sa pagpapahayag.
Ang kapayapaan ng Panginoon
ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng
diyakono o pari:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay
magbibigayan ng kapayapaan. Ang pari at mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa
ibabaw ng pinggan at isasawal niya ang kaputol sa kalis habang
pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan


sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na
walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o
darasalin ang paluhog na ito:
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-uit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa
huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin
ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo,
Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng
Espiritu Santo, binuhay mo sa
iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na
Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang
aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong ako’y
makasunod lag isa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
O kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at


Dugo mo, Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng
paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa'y aking matanggap ang pagkupkop
mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi
nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat
na magpatuloy s aiyo, ngunit sa isang
salita mo lamang at gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang
pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang
mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa’t
nakikinabang habang sinasabi:
Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:
Amen.
Samantalang nakikinabang ang tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa
pakikinabang.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay
titipunin sa kalis na huhugasan ng tagapagdiwang o diyakono o
tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng tagapagdiwang, pabulong
siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal, ang aming


tinanggap ngayon ay amin nawang
mapakinabangan at ang iyong
ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingan pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit
na katahimikan o makaawit ng papuri o salmo.
Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo
ay hahayaang nakapatong sa dambana at ang Misa ay wawakasan sa
panalanging ito:
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana
at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:
Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin
ngayon, at pagkaraan, ipahahayag ng pari na nakalahad ang mga
kamay.

Ama naming mapagmahal,


lingapin mong lagi kaming
sambayanan mo upang sa
pagdiriwang namin ng Pasko
ng Pagkabuhay ni Kristo sapitin
namin ang kaliwanagan ng
pagkabuhay sa piling mo sa
pamamagitan niya kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas
na sasabihin sa mga tao.
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga
kamay sa mga tao ay magpapahaya:
Sumainyo ang Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Ipahahayag ng pari ang paanyaya:
Magsiyuko kayo habang iginagawad
ang pagbabasbas.
Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa
lahat, samantalang inaawit o ipinahahayag niya ang mga pagbabasbas:
Sa dakilang kapistahang ito ng
Pasko ng Muling Pagkabuhay ni
Hesukristo, nawa’y tanggapin
ninyo ang lahat ng mabubuting
bagay na bunga at kaloob ng
dakilang misteryong ito, upang
sa pakikinaban ninyo sa mga
pagpapalang ito ay maging matatag
kayo sa pananampalataya at
maipahayag din ninyo sa inyong
kakpwa ang Mabuting Balita ng
kaligtasan, alang-alang kay Kristong
Panginoon.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang
Diyos, Ama, at Anak  at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay
magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:
Humayo kayong taglay ang
Kapayapaan upang ang Panginoon
ay mahalin at paglingkuran.
Aleluya! Aleluya!
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Aleluya! Aleluya!
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng
pari at matapos makapagbigayan pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod,
siya ay hahayo.

You might also like