You are on page 1of 23

DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI

BANAL NA ORAS PARA SA MAGDAMAGANG PAGBABANTAY NG


BANAL NA EUKARISTIYA
Mga Dapat ihanda:
1 Namumuno
3 Tagabasa ng Salita ng Diyos
Organista/Pianista/gitarista at Koro na mangunguna sa pag-awit
Mga Kandila
Mga Tagubilin:
Para sa NAMUMUNO sa panalangin at mga TAGA-BASA, sikaping maging maayos
ang pagsambit ng mga Pagbasa at panalangin, upang ang mga tao ay makasabay
ng maayos. Ang Banal na Oras ay isang pag-aaksaya ng oras kasama ang Diyos
kung kayat iwasan ang pagmamadali.
Ang sandaling katahimikan ay inilalaan para makapagnilay sa Salita ng Diyos at
makapagdasal ng tahimik sa harap ni Jesus kayat itinatagubilin na huwag agad
sisimulan ang susunod na panalangin at pagluhog hanggat hindi nagkakaroon ng
sandaling katahimikan ang lahat.

Ang lahat ng dadalo sa pagbabantay ay inaanyayahan na tumugon ng malakas at


malinaw sa mga pagluhog at panalangin at makiisa sa pag-awit.
Tahimik na magtitipon ang sambayanan, Tatayo at Aawit ang lahat sa pangunguna
ng Koro, bilang pagpupugay sa Banal na Sakramento:
(Kung ang namumuno ay isang LAYKO, maari nitong sindihan ang tason ng insenso
na nakalagay sa isang maayos na banga o paso sa harap habang umaawit bilang
tanda ng paggalang sa nakatanghal na Banal na Sakramento.)

AWIT: Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan (Lucio San Pedro)
o kayay Isang Bansa
Koro: Iisang Panginoon, iisang katawan,
Isang bayan, isang lahing sa Yoy nagpupugay. (Uulitin)
1. Katulad ng mga butil na tinitipon,
Upang maging tinapay na nagbibigay-buhay.
Kami naway matipon din at maging bayan Mong giliw. (koro)
2. Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak:
Sino mang uminom nito: May buhay na walang hanggan.
Kami naway maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (koro)
(Luluhod ang lahat)
Pagpupuri
N: Purihin natin ang Diyos, Amang Makapangyarihan.
Nilikha Nya ang langit at lupa
At dahil sa kalooban Nya na iligtas tayo
Ay hinirang Nya si Maria upang maging
Ina ng kanyang Anak.
L: Purihin natin at ipagdangal ang Diyos ngayon at magpakailan man.
N : Purihin natin ang Panginoong Jesukristo,
Ang Bugtong na Anak ng Ama.
Siya na di mailulan ng daigdig
Ay minarapat na magkatawang-tao
Sa sinapupunan ng Mahal na Birhen.
L: Purihin at ipagdangal natin ang Diyos ngayon at magpakailan man.

N: Purihin natin ang Espiritung Banal,


Ang Panginoon at Nagbibigay-Buhay,
Siya ang nagkaloob ng mga pagpapalala
Sa Mahal ng Birhen upang ang Salita ay magkatawang-tao.
L: Purihin at ipagdanagl natin ang Diyos ngayon at magpakailan man.
N: Mga kapatid,
Tayoy tinipon ng ating Panginoon at Hari, si Jesukristo.
Naghahari Siya sa puso at kalooban ng mga nanampalataya sa kanya.
Muli tayong lumapit sa kanya,
At sa kanya ay matuto sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos.
Muli tayong manalangin sa kanya na gawing ganap sa atin
Ang biyaya ng katapatan sa kalooban ng Ama.
Muli tayong magtalaga ng ating sarili sa kanya
Upang matupad ang kalooban ng Ama dito sa lupa tulad ng sa langit.
Kasama ang buong Simbahan ay parangalan natin
Ang ating Hari, na nakaluklok sa bawat puso ng
Mga mababang loob, aba, mga tapat at nagtitiwala sa Diyos.
Maglalaan ng sandali ng katahimikan para sa pangsariling pananalangin.
Pagkatapos ay tatayo ang lahat para sa awit na pangungunahan ng Koro:
AWIT: Magpuri sa Panginoon (Hontiveros)
O kayay

Ito ang Araw

Koro: Magpuri kayo sa Panginoong Diyos, lahat ng sangtinakpan.


Magsiawit kayo at Syay ipagdangal magpakailanman.
1. Magpuri kayo, mga anghel ng Diyos, sa Panginoong Maykapal.
Magpuri kayo, mga langit, sa Diyos na sa nyo lumikha. (koro)
2. Magpuri kayo sa Panginoon, buwan at araw at bituin.
Umawit sa kanyang karangalan, ulan at hamog at hangin. (koro)
3. Tanang mga tao sa buong mundo, banal at mabababang puso,
Purihin ninyo ang Panginoon, sa sala tayoy hinango. (koro)

(Luluhod ang lahat pagkatapos ng awit.)


N: O Panginoong Jesus,
matatag at buo ang aming pananalig
na ikaw ay naririto at kapiling namin.
Sa Eukaristiya
ginawa mo ang iyong sarili na
"panlunas ng buhay na walang hanggan."
Sa Eukaristiya pinauunawa mo sa amin
ang kahulugan ng buhay
at dahil dito lubos ang pagtitiwala namin
at buong kagalakan kaming naglalakbay sa kasalukuyan
habang ang pananaw namin ay nakatuon
sa hantungan naming isang buhay na walang hanggan.
L: Katulad ng iyong dalawang alagad
patungo sa Emmaus,
nakikiusap kami, Panginoon,
huwag mo kaming iwanan,
manatili ka sa aming piling.
N: Sa Salita ng Diyos na patuloy na
ipinahahayag, sa tinapay at alak
na naging Katawan at Dugo mo,
ikaw ang aming Panginoon
na nabuhay na muli.
Ikaw na nagbubukas ng aming isip at puso
ay nakilala namin
sa paghahati ng tinapay.
L: Katulad ng iyong dalawang alagad
patungo sa Emmaus,
nakikiusap kami, Panginoon,
huwag mo kaming iwanan,
manatili ka sa aming piling.

N: Sa aming pakikipagdiwang
sa paghahati ng tinapay,
sa aming pagninilay ng iyong banal na presensya,
muli naming binubuhay
ang iyong pagpapakasakit sa krus,
nararanasan namin ang iyong pag-ibig na walang hanggan,
nararamdaman namin ang tawag mo sa amin,
upang ipalaganap ang iyong liwanag
sa mga kalalakihan at kababaihan ng aming panahon.
L:Nawa ay maglakbay kami sa iyong landas
na laging nalalaman ang tama at mali,
hanggang sa aming marating ang hangganan namin,
ang buhay sa iyong piling.
N: O Panginoon Jesukristong buhay sa Eukaristiya,
liwanag at buhay ng bagong milenyo,
ang mga puso naming puno ng kasalanan
na madalas na nabibigatan, napapagod
at pinanghihina ng mga tiisin,
ay nangangailangan ng liwanag
L: Tinawag mo kami mula sa kadiliman
patungo sa iyong liwanag.
Maranasan nawa namin
ang iyong kabutihan at pagpapala.
Lumakas nawa kami sa katotohanan,
pag-asa at pag-ibig.
N: Sa gitna ng paghahanap
ng katahimikang napakahirap makamit,
hinahamak at ginagapi ng karahasan,
terorismo at digmaan,
dinadagsaan ng mga kalamidad

na bunga ng kalikasan at gawa ng tao,


kailangan namin ang liwanag.
L: Lahat ng mabubuting alaala
ay nagmumula sa Iyo, Ama ng Liwanag.
Bigyan mo kami ng Iyong biyaya at pagpapala,
at iligtas sa lahat ng kapahamakan.
N: Sa paglalakbay sa buhay na ito, Banal na Karamay,
nakababatid sa aming mga gawain,
at nakakatalos ng aming mga puso,
huwag mo kaming iiwan
sa kadiliman ng gabi.
Paginhawain mo kami sa amin kapaguran,
patawarin sa aming mga pagkukulang,
at akayin kami,
sa landas ng kabutihan.
L: Ginambala mo ang kadiliman sa daigdig,
Pinuno mo ng iyong kaluwalhatian
ang awing mga araw.
Nawa sa pamamagitan ng iyong walang kahulilip
na kabutihan ay maalis ang kadiliman ng mga kasalanan.
Papagliwanagin mo ang aming mga puso ng iyong kabanalan.
(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)
Tatayo ang lahat. Pupunta ang UNANG tagabasa sa AMBO para sa Pagbasa.
N: Sumaatin nawa ang Panginoon.
L: Amen.
N: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.
L: Papuri sa iyo Panginoon.
PAGBASA: Lukas 24:13-35
Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong

tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem.


Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at
nagtatanungan, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila. Siya'y nakita nila,
ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Jesus, "Ano ba ang pinaguusapan ninyo?" At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala'y
Cleopas, "Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi
nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon." "Anong
mga bagay?" tanong niya. At sumagot sila, "Tungkol kay Jesus na tagaNazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa
harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong
saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya'y ipinako sa
krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi
lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami
sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw
silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay.
Nagbalik sila at ang sabi'y nakakita raw sila ng isang pangitain-mga anghel
na nagsabing buhay si Jesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga
kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si
Jesus."
Sinabi sa kanila ni Jesus, "Kay hahangal ninyo! Ano't hindi ninyo
mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba't ang Mesias ay
kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang
marangal na katayuan?" At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng
nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni
Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.
Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Jesus ay waring
magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya'y pinakapigil-pigil nila. "Tumuloy na
po kayo rito sa amin," anila, "sapagkat palubog na ang araw at dumidilim
na." Kaya't sumama nga siya sa kanila. Nang siya'y kasalo na nila sa hapag,
dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at
ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Jesus,
subalit ito'y biglang nawala. At nawika nila, "Kaya pala gayon ang
pakiramdam natin habang tayo'y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa
atin ang mga Kasulatan!"
Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang
nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusapusap, "Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!" At
isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila
siyang nakilala nang pagpirapirasuhin niya ang tinapay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
L: Pinupuri ka namin Panginoong Jesukristo.
Magsisi upo ang lahat.

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Nais Naming Makita ang Iyong Mukha, Panginoon


Pagnilayan Natin ang Mukha ni Jesukristo sa Eukaristiya
N: Panginoong Hesus, nagpakita ka sa amin
at nanirahan sa piling namin. (Jn 1:14)
Samantalang ang mga apostoles
ay nakita ang mukha ng Ama sa iyong pagkatao,
naging saksi sila sa iyong mga tanda at himala (Jn 20:30-31).
Napagnilayan nila ang iyong nagdurusang mukha sa krus,
isang misteryong malalim at hindi malirip.
L: Nais naming masilayan ang iyong mukha, Panginoon,
ang tinapay ng buhay na walang hanggan,
ang pangako ng aming muling pagkabuhay.
N: Pinagnilayan nila ang iyong mukha,
Panginoong nabuhay na magmuli,
ikaw na nagpabalik ng kapayapaan
at kaligayahang nawala na sa kanila.
L: Nais naming masilayan ang iyong mukha, Panginoon,
ang Tinapay ng buhay na walang hanggan,
ang pangako ng aming muling pagkabuhay.
N: Ngayon, sa gitna ng ingay at kaguluhan,
habang aming pinagninilayan ang misteryo ng Eukaristiya,
nararanasan din namin ang naranasan ng mga apostoles.
Sa Eukaristiya, araw-araw ka naming nakakatagpo,
totoong Diyos at totoong tao.
Sa Eukaristiya nagiging ganap
ang iyong pagpapakasakit at pagkamatay sa krus.

Nararanasan ka namin, Panginoon na muling nabuhay.


L: Dakila ka Diyos ng lahat ng nilikha,
sapagkat sa pamamagitan ng iyong kagandahang loob
ang tinapay at alak ay nagiging Katawan at Dugo mo.
Walang katulad ang iyong kadakilaan, Panginoon.
N: Sumasampalataya kami
na ikaw ay totoong tao at totoong Diyos,
pangkaraniwan ngunit kapita-pitagan,
ordinaryo ngunit walang katulad,
isang taong totoo na nagbibigay buhay,
isang di malirip na hiwaga.
L: Kay tamis ng iyong alaala, O Hesus.
Ikaw ang bukal ng galak ng aming puso.
N: Sa pagdaraan ng panahon,
sa iba't ibang kapanahunan ng ating buhay
patuloy ang paglalakbay,
ang pag-inog ng pagtutubo at pagkalugi,
kagalakan at kapighatian, buhay at kamatayan,
pagsasama at paghihiwalay.
Samantalang ang paglalakbay
ay mapaghamon at nakalalasing,
ito rin ay nakakapagod
at minsan ay puno ng kapighatian.
L: Kanino kami pupunta, Panginoon,
nasa iyo ang salita
ng walang kahulilip na ligaya.
(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)
Magsitayo ang lahat. Pupunta ang IKALAWANG tagabasa sa AMBO para sa
Pagbasa.

P: Sumaatin nawa ang Panginoon.


L: Amen.
N: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.
L: Papuri sa iyo Panginoon.
PAGBASA: Lucas 24:36-43
Samantalang pinag-uusapan nila ito, si Jesus ay tumayo sa gitna nila.
(Sumainyo ang kapayapaan! sabi at sa kanila.) Ngunit nagulat sila ay
natakot sapagkat ang akala nilay multo ang nasa harapan nila. Kayat sinabi
ni Jesus sa Kanila, Anot kayoy nagulumiha? Bakit nag-aalinlangan pa
kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako
atpagmasdan. Ang Multoy walang laman at buto, ngunit akoy mayroon
tulad ng nakikita ninyo. (At pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang
kanyang mga kamay at mga paa.) Nang hindi pa rin sila makaniwala dahil sa
malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Jesus, May makakain ba
riyan?" Siya'y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw; kinuha niya ito at
kinain sa harapan nila.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
L: Pinupuri ka naming Panginoong Jesukristo.
Magsisi-upo ang lahat.
Awit: Tinapay ng Buhay
Koro 1:
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay.
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob,
At pagsasalong walang hanggan.
1. Basbasan ang buhay naming handog, nawa'y matulad sa pag-aalay Mo.
Buhay na laan nang lubas, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KORO1)
2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay,
Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (KORO2)
Koro 2:
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay.
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob.
At pagsasalong walang hanggan.
At pagsasalong walang hanggan.

Sandaling katahimikan pagkatapos ay luluhod ang lahat.


N: Ang kadiliman ay patuloy na tumitingkad.
Nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan at kawalan.
Nakakaranas ng matinding sakit
ng katawan, isipan at kaluluwa.
L: Kailangan makita kita, Panginoon.
Kailangan mahawakan kita at maramdaman.
Ipakita mo sa akin ang liwanag,
ang ilaw sa gitna ng kadiliman.
Ikaw ang aking liwanag at kaligtasan.
N: Ang kadiliman ay humahaba.
Nanlalamig na kami sa pagsusulong sa katotohanan.
Nawawalan na kami ng interes sa moralidad
at pati ang Diyos ay isinasantabi na lamang.
L:Patawarin mo ang aming mga kayabangan, O Diyos.
Patawarin mo ang aming mga pagwawalang bahala at mga kahinaan.
O Panginoon, hayaan mong ang iyong liwanag
ay magningas sa amin at kami ay maliligtas.
N: Ang kadiliman ay lumalawak.
Ang mga pamilya ay nagkakawatak-watak.
Ang aming buhay ay wala ng kabuluhan.
Nawawalan na rin kami ng pagpapahalaga
sa lahat ng mabuti at maganda,
sa tama at marangal.
L:Panginoon, napakadilim.
Naligaw na kami ng landas.
Ipadala mo sa amin ang iyong liwanag at katotohanan,
mangunguna ang mga iyon
at dadalhin ako sa tinitirhan mong banal na bundok. (Salmo 43:3)
N: Ang kadiliman ay nagbabanta.

Nawalan na kami ng kakayahang magmahal ng walang hanggan.


Ang mga pamilya ay nagdurusa
bunga ng pagtataksil
sa sinumpaang pangako ng kasal.
Nawala na rin ang pagpapahalaga sa buhay.
Ang abortion o pagpapalaglag ng sanggol ay walang tigil
at animu'y isa na lang pangkaraniwang pangyayari.
L:Panginoong Diyos, maawa ka sa amin.
Sa kabutihan mo, sa kadakilaan ng iyong awa,
pahirin mo ang lahat ng aming mga pagkakasala.
Tulutan mong lumakad kami
sa gitna ng iyong liwanag, O Panginoon.
N: Ang kadiliman ay nakapangangamba.
May katiwalian sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
Ang ipinagbabawal na gamot at iba pang labag sa batas na negosyo
ay patuloy at walang ampat.
Walang kabusugan ang pagkagutom
sa kapangyarihan at pera.
L:Panginoon, palayain mo kami sa aming mga kasalanan,
pagalingin mo kami.
Huwag sana kaming panghinaan ng loob.
Nawa ang sikat ng liwanag ng iyong kapurihan ay sa amin tumama.
N: Ang kadiliman ay nakakatakot.
Sumisigaw sa langit ang kilabot ng karahasan,
ang lumalaganap na terorismo.
May mga tanda ng mga krimeng
nagpapakita ng kawalan ng pagkilala sa Diyos.
Pati na ang kalikasan at kapaligiran ay naging malupit,
marahas at mabangis sa amin.
L: Panginoon, paalisin mo ang kadiliman

dala ng aming mga kasalanan.


Nawa ang iyong liwanag
ay wasakin ang kadilimang dala
ng aming mga kahinaan at pagkakamali.
Nawa ay gabayan kami ng iyong liwanag
patungo sa liwanag ng buhay.
N: Si Hesus Ang Liwanag at Buhay
Bilang LIWANAG, si Hesus ay higit
na matatag kaysa sa kadiliman.
Sa karimlan. sumisikat ang liwanag
at di ito nahadlangan ng karimlan. (Jn 1 :5).
Bilang BUHAY, samantalang ang tinapay at alak
ay pangangailangang materyal upang mabuhay,
ang Eukaristiyang tinapay ang sustansyang kailangan
ng buhay na tinanggap natin sa ating binyag.
Ito ang buhay na patuloy na lumalago,
patungo sa ating kaganapan bilang mga anak ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Eukaristiya,
nagkakaroon ng bagong sigla ang mga biyaya ng Espiritu.
N: Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at lupa,
ang lupa ay walang anyo at walang nabubuhay.
Nababalot ng kadiliman ang kailaliman
at aaligid-aligid ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag",
at nagkaroon ng liwanag (Gn 1:3)
L: Magpuri ka sa Panginoon, aking kaluluwa, O Panginoon.
Aking Diyos, tunay na dakila ka.
Kamahalan at kaluwalhatian ang balabal mo;
Nababalot ng liwanag na waring isang damit;
Inilatag mo ang kalangitan na waring isang tolda. (Salmo 104: 1-2)

N: Diyos ko, ikaw ang kabuuan ng liwanag.


Si Kristo ang nagbunyag ng kabuuang ito
at ipinakita sa amin.
Bilang mga anak ng liwanag,
tinawag kami upang ipaalam sa daigdig ang kahalagahan nito,
upang ang mga silahis ng liwanag ay makita at madama.
L: Ako ang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay
ang sumusunod sa akin at hinding-hindi lalakad sa karimlan. (Jn 8:12)
N: Bilang isang bayan, hinahanap natin ang katotohanan,
ayaw nating mabuhay sa kasinungalingan.
Ang mga kabataan natin ang "mga katiyakan ng umaga".
Para sa kanila ang Eukaristiya ay mananatiling araw
na nagbibigay liwanag at init sa kanilang buhay.
Sa Eukaristiya nakakatagpo ka nila na siyang buhay.
Sa Eukaristiya hindi lamang ang tao ang naghahanap sa Diyos,
ang Diyos rin ay naghahanap at naghihintay sa tao.
L: Isang bagay lamang ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang hinahanap-hanap ko sa kanya , na makapanirahan ako sa
bahay ng Panginoon sa lahat ng araw ng buhay ko
upang masdan ang karilagan rig Panginoon
at pagnilay-nilayin ang kanyang templo. (Salmo 27:4)
N: Sa Eukaristiya, ipinaalaala mo sa amin na igalang, ipaglaban,
mahalin at paglingkuran ang buhay ng tao.
Ang Eukaristiya, Tinapay ng Buhay na walang hanggan,
ay umaakay sa amin upang ipahayag na ang buhay ay banal,
sagrado mula sa paglilihi hanggang sa huling hininga ng buhay.
L: Ipakita mo sa akin ang landas ng buhay,
ang ganap na kagalakan sa harap mo
walang hanggang kaligayahan
sa kanang kamay mo. (Salmo 16: 11)

N: Tayo ang tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos.


Tinanggap natin ito bilang isang alaala
at tungkuling alagaan, ipagtanggol, pagyamanin at mahalin.
L: Ama, ang lahat ng bagay ay ginawa mo.
Lahat ng panahon at kapanahunan ay sumusunod sa iyong batas.
Pinili mo na likhain ang tao na kalarawan mo.
Kahanga-hanga ang iyong kabutihan.
Ginawa mo ang taong tagapamahala ng lahat ng iyong nilikha
upang magpuri sa iyo araw-araw
dahil sa kagilagilalas mong karunungan at kapangyarihan.
(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay tapos ay aawit ang lahat sa
pangunguna ng koro.)
AWIT: Panginoon, Aking Tanglaw
O kayay Huwag kang Mangamba
1. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.
Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.
KORO:
Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan, lingapin Mo at
kahabagan.
2. Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo. H'wag magkubli, h'wag Kang magtago.
Sa bawa't sulok ng mundo, ang lingkod Mo'y hahanap sa 'Yo. (KORO)
3. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.
Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa 'Yo.
Ang Eukaristiya ay Sinasamahan Tayo sa Ating Paglalakbay
N: Ang Simbahan ay isang sambayanang naglalakbay. Sa Eukaristiya
natatagpuan niya ang pagkaing nagbibigay lakas at buhay sa kanyang
paglalakbay. Nalalaman niya na ang Eukaristiya ang daan patungo sa
kaharian ng Ama. Ipinagdiriwang ng Simbahan ang alaala ng pagkamatay at
muling pagkabuhay ng Panginoon habang nakatuon ang pananaw sa Linggo
ng walang katapusang pahinga.
(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Pupunta ang IKATLONG tagabasa sa AMBO para sa Pagbasa. Uupo ang


sambayanan.
PAGBASA:
Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni San Pablo sa mga Hebreo
(11:13-16)
Kayat pumunta tayo sa kanya sa labas ng bayan at magbata rin ng
kadustaang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang palagiang bayan
natin, at ang hinahanap natiy ang baying masusumpungan sa panahong
darating. Kayat lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa
pamamagitan ni Jesus - pagpupuring nagpapahayag n gating pagkilala sa
kanyang pangalan. At huwag nating kakigtaan ang paggawa ng mabuti at
ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos
L: Salamat sa Diyos.
(Ilang Saglit na Pagninilay, mananatiling nakaupo.)
N: Ang buhay ay isang banal na paglalakbay.
Ito ay patuloy sa pagsisimula at pagtatapos,
ng pagtatanim at paggapas,
ng pagkakasundo at pag-aalitan,
ng pag-aayos at tuloy-tuloy na pagsulong.
L: Amang makapangyarihan
at Diyos na walang kamatayan,
kami ay palagiang nagpapasalamat
at nagpupuri sa iyo sa pamamagitan
ni Jesukristong aming Panginoon.
N: Ang buhay ay tinatawag ako, Panginoon.
Puno ng pangako, maraming pakikipagsapalaran at mga pagkakataon.
Ang bukas ay kumakaway at nag-aanyaya.
L: Ama, ang lahat ng bagay ay ginawa mo.
Lahat ng panahon at kapanahunan ay sumusunod sa batas mo.
Pinili mong likhain ang tao na kawangis at kalarawan mo.

Kahanga-hanga ka sa iyong kabutihan.


Ginawa mo ang taong tagapamahala ng lahat
ng iyong nilikha upang magpuri sa iyo araw-araw
dahil sa iyong kagilagilalas na karunungan at kapangyarihan.
N: Papailanlang ako sa himpapawid
katulad ng isang agila.
Aakyatin ko ang pinakamataas na bundok.
Lalanguyin ang pinakamalawak na karagatan.
Magiging pinakamagaling sa aking larangan.
Magsusumikap na matamo ang lahat ng tagumpay.
L: Pinagbago mo ang aming espiritu.
Binigyan mo kami ng lakas upang linisin
ang aming mga puso, pigilin ang mga pagnanasa
at malaya kang paglingkuran.
Tinuruan mo kaming mamuhay
sa isang daigdig na lumilipas samantalang nakatuon
ang puso sa pupuntahang daigdig na walang hanggan.
N: Nais kong tumaas na mataas
sa ibabaw ng aking lungsod,
sa kaitaasan ng aking daigdig, sa tugatog ng aking panahan.
L: Isang bukang liwayway
ang dumating dahil sa iyo.
Ang paghahari ng kasalanan ay napawi.
Ang daigdig na winasak ay nabuo at nagbago.
At sinilang ang bagong tao.
Sabay-sabay:
Makapangyarihang Ama, ang buhay na Diyos,
kami ay patuloy at laging nagpapasalamat sa Iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Ang galak sa muli mong pagkabuhay ay pinagbago ang buong


daigdig samantalang ang koro ng kalangitan ay umaawit ng
pagpupuri sa iyong kapurihan.
(Ilang saglit na katahimikan)

N:

Ang Dulo ng Ating Paglalakbay

Pambungad na Salita:
Sa ating banal na paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos, patuloy ang
pag-aalay sa Diyos ng bunga ng pawis at gawa ng mga kamay samantalang
tinatanggap natin mula sa Diyos ang Katawan at Dugo ni Hesus. Sa pagitan
ng pagbibigay at pagtanggap, patuloy naman ang pag-ikot ng gulong ng
buhay mula sa pagpasok sa unang paaralan, unang trabaho, pagpupundar at
pag-iipon, pagtatayo ng pangalan, pagbuo ng pamilya at hindi napapansin na
sa pagdaraan ng araw, ang mga pagsasamasama ay nagiging paghihiwahiwalay, ang pagbubuo ay nagiging pagbibitiw at ang kamusta ay nagiging
paalam.
Sabay-sabay:
Ama namin, inaalagaan mo ang mga nilikha mo.
Linisin mo kami. Aliwin mo kami sa aming kalungkutan
at dalhin kami sa buhay na walang hanggan.
N: Tumatanda na ako, Panginoon.
Pahirap ang buhay. Ang tuhod at daliri ay naninigas na,
ang mga binti ay namimigat. Ang mga kamay ay nanginginig
at ang mga mata ay nanlalabo na.
L: Sa iyong kapangyarihan
bigyan mo kami ng lakas ng buhay.
Sa iyong kabutihang-loob naghahari ka sa aming buhay.
Sa iyong salita nakalaya kami sa aming mga kasalanan.
N: Tumatanda na ako, Panginoon. Makakalimutin na.
Hindi ko na matandaan ang mga 'mukha at pangalan,

at maging ang mga araw.


L: Ama, inangkin ng iyong Salitang,
walang-hanggan ang aming mga kasalanan at kahinaan.
Binibigyan niya ang aming buhay ng bagong kahulugan.
Kahanga-hanga ang pagkakaisa ng lumikha at nilikha
na sa pamamagitan ni Kristo ibinalik ng Tao sa tao
ang pangakong buhay na walang hanggan.
N: Ang aking daigdig ay lumiliit.
Ang mga kaibigan at mahal sa buhay
ay nawawala na at pumunta na sa kabilang ibayo.
Ang natitira na lang ay mga alaala
at kahit na ang mga ito ay lumalabo na.
L: Sa kanyang nabuhay na magmuli,
ang pag-asa ng muling pagkabuhay ay dumating na.
Ang kalungkutan ng kamatayan ay nahawi at binigyan daan
ang pangako ng buhay na walang hanggan.
(Ilang saglit na katahimikan, pagkatapos ay aawit ang lahat. Nakaupo)
AWIT: Kahanga-hanga (o kayay Sino Ako)
KORO1:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan sa buong kalangitan
1. Pinagmamasdan ko ang langit na gawa ng 'Yong mga kamay.
Ang buwan at mga bituin na sa langit yong inilagay. (KORO)
2. O sino kaya siyang tao na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad, pinuno Mo ng karangalan. (KORO)
3. Malayo man ang tao sa lupa, sakupin man niya ang buwan.
Ikutin man ang kalangitan; ang D'yos rin ang dinadatnan. (KORO)
KORO2:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan sa buong kalangitan

(Nananatiling nakaupo ang lahat.)


Sabay-sabay:
Nasa kalangitan naman ang ating pagkamamamayan,
duon din manggagaling si Jesukristong hinihintay
nating manunubos. (Filipo 3:20)

Ang Eukaristiya, misteryo ng komunyon, lunduyan ng buhay ng


Simbahan
N: Sa pagsasalo sa hapag kainan ng buhay,
nagbibidahan ng mga kwento ng buhay natin,
nagbabahaginan ng mga pangarap
at nagpapahayag ng ating buhay at kapanahunan.
L: Sa pagdiriwang ng misteryo ng pag-ibig ni Kristo,
aminin ang ating mga pagkukulang at hingin
sa Panginoon ang kanyang patawad at lakas.'
N: Sabay-sabay tayong kumakain
at sama-samang nagdiriwang ng ating mga ligaya,
tagumpay, galak at kalusugan.
L: Panginoong Diyos na nasa langit,
makapangyarihang Diyos at Ama, sinasamba ka namin.
Pinasasalamatan at pinapupurihan ka sa iyong kaluwalhatian.
N: Nag-iinuman sa mga kopa ng ating mga sakit,
idinaraing sa isa't isa ang mga dalamhati,
pinapahid ang mga luha, at pinagagaling ang sugat ng damdamin.
lpinagluluksa ang mga nawala sa atin.
L: Nawa ang lahat ng nagsasalu-salo sa Katawan at Dugo
ni Kristo ay magkaisa sa Banal na Espiritu.
N: Pinalalakas ang bawat isa.

lpinahahayag ang ating mga pasasalamat.


Pinatatatag ang ating pagkakaisa
at tayo ay nagiging isang sambayanan.
L: Panginoong Jesus,
hinihingi naming tanggapin mo
at nawa masiyahan ka
sa pagpapakasakit na iniaalay namin
ng buong pagkukumbaba
at nagsisising puso.
N: Bilang isang nagkakaisang sambayanan
sa altar ng buhay kami ay nagiging tinapay na kinuha,
pinagpala, pinaghati-hati, at ibinahagi.
L: Ama, dumudulog kami sa iyo kasama
ang aming pagpupuri at pasasalamat
sa pamamagitan ni Hesukristo na iyong anak.
Sa pamamagitan niya hinihingi naming
tanggapin at pagpalain mo
ang mga alaalang ito ng aming pasakit.
N: Nang gabing ipinagkanulo si Hesus,
samantalang sila ay naghahapunan,
kinuha niya ang tinapay, nagpasalamat
at pinagpirapiraso niya ita at sinabi,
"ito ang aking katawan na ipinauubaya
dahil sa inyo, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."
L: (Awitin kung maaari)
Si Kristo'y namatay,
Si Kristo'y nabuhay,
Si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon.
N: Gayundin naman, kinuha niya ang kalis,

nagpasalamat siya, at sinabi,


"Kunin ninyo ita at inumin, ito ang kalis ng aking dugo,
ang dugo ng bago at walang hanggang tipan,
ang dugong dadaloy para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."
L: Sa kanyang pagkamatay nilupig niya ang kamatayan,
sa kanyang muling pagkabuhay ibinalik niya ang buhay.
Panginoong Hesus, halina sa iyong kaluwalhatian.
(Magsisiluhod ang lahat.)
PANALANGIN NG PAPURI
N: Katawan ni Kristo ipinanganak ng Birhen Maria:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N. Katawan ni Kristo, nagpakasakit sa krus:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Katawan ni Kristo, nabuhay na mag-muli:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: - Dugo ni Kristo, kabayaran para sa aming kaligtasan:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Dugo ni Kristo, tanda ng bagong Tipan:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Dugo ni Kristo, inuming nagbibigay buhay na walang hanggan:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Puso ni Kristo, pinaglagusan ng sibat:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Puso ni Kristo, puno ng awa:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.

N: Puso ni Kristo, bukal ng pag-ibig:


L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Tinapay na nagbibigay buhay mula sa langit:
L: Luwalhati at papuriy sa yo magpakailanman.
N: Buhay na Salita ng Ama:
L: Iligtas mo kami
N: Tagapagbigay ng Banal na Espiritu:
L: Iligtas mo kami
N: Kabiyak ng Banal na Simbahan:
L: Iligtas mo kami
N: Manunubos ng sanlibutan:
L: Iligtas mo kami
N: Kaibigan ng mga kabataan at mga dukha:
L: Iligtas mo kami
N: Sa inyong muling pagbabalik:
L: Iligtas mo kami

Pangwakas na Awit:
O Kristong Haring Marangal o kayay Isang Bansa
(Kung may natitira pang oras pagkatapos ng mga panalangin, lahat ay
sasamba ng TAHIMIK.)

You might also like