You are on page 1of 8

PANIMULA

Namumuno Kasabay ng pagpapakita ng Panginoong


Hesukristo sa Kanyang mga alagad, nagpakita
naman Siya sa isang nayon na kung tawagin ay
Emaus. Dito muling ipinakita ni Hesus ang
kahalagahan ng Sakramento ng Eukaristiya nang
muli Niyang alalahanin ang pagpipiraso ng
tinapay tulad ng Kanyang ginawa noong huling
hapunan kasama ang Kanyang mga alagad bago
ang Kanyang pagpapakasakit.

Si Hesus ang tinapay na ipinamahagi sa ating


lahat. Tinatanggap natin ang tinapay bilang
katawan ni Hesus at ang alak bilang dugo na
siyang nagpapalinis sa atin at ang bagong tipanan
ng ating pakikipagkasundo sa Panginoon.

Sa araw na ito ay pinapaging-bago natin ang


ating mga pangako sa Kanya habang
pinakikinggan natin ang Kanyang Banal na Salita.
1
Kagaya ng mga tao sa Emaus ay pinatutunayan
nating lahat na tayo’y taos pusong
sumasampalataya sa Kanya bilang pasasalamat
sa mga kaloob niyang ibigay.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari Mahabaging Diyos, ipinakilala ng Iyong bugtong
na Anak ang Kanyang sarili sa Kanyang mga
apostol sa pamamagitan ng pagpiraso ng
tinapay: Buksan Mo po ang mga mata ng aming
pananamplataya upang Siya ay makita namin sa
lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas; Siya na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, sa
pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.

UNANG PAGBASA | Gawa 2:14; 36-41 |

Matapos ang pagpapakita at pagpapatunay ni Hesus sa


Kanyang mga apostol, nagsimula na silang mangaral ukol sa
Kanya upang ipalaganap sa buong mundo ang ukol sa
kaligtasang ginawa ni Hesus sa sanlibutan. Sa makabagong
panahon, tayo’y inaatasang gawin din ang sinimulan ng mga
apostol. Misyon din nating ihatid ang Mabuting Balita sa buong
sanlibutan.

Tagabasa Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol.

Tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita ng


malakas, ‘’Mga kababayan, at mga naninirahan sa Jerusalem:
pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. ‘’Kaya’t dapat
malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa
2
krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!’’
Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at
tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, ‘’Mga kapatid, ano
ang gagawin namin?’’ Sumagot si Pedro, ‘’Pagsisihan ninyo’t
talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa
pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at
ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang
pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng
nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.’’
Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang
sinabi, at nanawagan siya sa kanila, ‘’Lumayo kayo sa
masamang lahing iyon upang kayo’y maligtas.’’ Kaya’t ang mga
naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabautismo; at nadagdag sa
kanila ang may 3,000 tao ng araw na iyon.

Tagabasa Ito ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Awit 116 |

ANG HANDOG KONG PASASALAMAT,


SA IYO KO ILALAGAK!

Namumuno Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang


pananalig; bagamat ang aking sabi’y, “Ako’y
ganap nang nalupig.” Bagaman at ako’y takot,
nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao
na dapat pagtiwalaan.” Sa Diyos ko’t Panginoon,
anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na
sa akin ay kaloob? TUGON.

Namumuno Ang handog ko sa dambana, ay inumin na


masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang
pagliligtas. Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng
kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay
doon ko ibibigay. TUGON.
3
Namumuno Masakit sa kalooban ni Yahweh kung may
papanaw, kahit ito ay isa, labis siyang
magdaramdam. Panginoon, naririto akong
inyong abang lingkod, katulad ng aking ina,
maglilingkod akong lubos. Ako ngayo’y
maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog
kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak. HULING
TUGON.

IKALAWANG PAGBASA | 1 Pedro 1:17-23 |

Dahil sa krus, ipinadama ng Panginoong Hesus ang Kanyang


pagmamahal sa ating lahat. Dahil sa krus, nabago ang lahat, at
dahil sa krus, narito tayong Kanyang nilinis mula sa karumihan.
Datapwa’t bilang Kristiyanong naniniwala sa Kanya ay
nararapat ding magbigay ng papuri at pasasalamat sa Kanya,
sapagkat Siya ang nagbigay sa atin ng panibagong pag-asa ng
buhay at muling pagkabuhay.

Tagabasa Pagbasa mula sa unang Sulat ni San Pedro.

Walang itinatangi ang Diyos. Pinahahalagahan niya ang bawat


isa ayon sa mga ginawa nito. At yamang tinatawag ninyo siyang
Ama, igalang ninyo siya habang kayo’y nabubuhay. Alam ninyo
kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang
pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. At
itinubos sa inyo’y di mga bagay na nasisira o nauubos paris ng
ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya
ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng
Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang
sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga
panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanya’y
muling bumuhay at nagparangal, anupa’t ang inyong
pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos. Ngayong malinis na
kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, anupa’t
4
naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang
magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso ang
inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi
sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang
kamatayang salita ng Diyos.

Tagabasa Ito ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.

EBANGHELYO | Lucas 24:13-35 |

Aleluya! Aleluya! Magalak kayo sa Diyos lahat ng nasa lupa.


Magsi-awit ng papuri sa kanyang pangalan, ipagbantog ninyo
ang kanyang maluwalhating kapurihan. Aleluya! Aleluya!
-Awit 65:1-2

Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Lucas.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa


isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro
ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari.
Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si
Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi
nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-
uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na
ang ngala’y Cleopas. “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa
Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa
lamang mangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At
5
sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang
propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa
harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga
punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay,
at siya’y ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming
magpalaya sa Israel. Hindi lamang iyon. Ikatlong araw na
ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng
ilan sa mga babaeng kasamahan namin. Maagang-maaga raw
silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang
bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang
pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta
rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang
natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.” Sinabi sa
kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo
mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t
ang Mesias ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya
kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag
sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasaaad sa Kasulatan tungkol sa
kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa
sinulat ng mga propeta. Malapit na sila sa nayong kanilang
patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng
lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila. “Tumuloy na po kayo
rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at
dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y
kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at
nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa
kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si
Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala
gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa
daan at ipinapaliwanag sa atin ng mga Kasulatan!” Noon di’y
tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang
nagkatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na
nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon.
Napakita kay Simon!” At isinasalaysay naman ng dalawa ang
nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang
pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.
6
Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal


na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari Taglay ang mga pusong pinag-alab ng Salita ng
Diyos na kapapahayag at kapapaliwanag pa
lamang, idulog natin ang ating tugon dito sa mga
kahilingang para sa ating mga pangangailangan
at ng sangkatauhan. Manalangin tayo: Samahan
mo kami, Panginoon!

Lektor Para sa Simbahan, na tagapagingat sa Salita ng


Diyos: Nawa tuwina niyang maipaliwanag ito
nang buong linaw upang maliwanagan ang isipan
ng mga tao at maganyak ang kanilang mga puso
para isabuhay nila ito. Manalangin tayo!
Samahan mo kami, Panginoon!

Lektor Para sa Obispo Maximo at ating Obispo: Sa


kanilang pagtuturo, nawa magabayan nila tayo
sa ibayong pag-unawa sa katunayan ng Muling
Pagkabuhay at sa kaangkupan nito sa ating
buhay. Manalangin tayo! Samahan mo kami,
Panginoon!

Lektor Para sa lahat ng magulang at guro: Sa pagtulad


nila kay Kristong Muling Nabuhay, sila nawa’y
makapagkintal sa mga puso ng kanilang mga
anak at mga tinuturuan ng kapayapaan, galak, at
hangad magpakabait. Manalangin tayo!
Samahan mo kami, Panginoon!

7
Lektor Para sa lahat ng nalulugmok sa mga
pagkasiphayo’t pagkabigo sa buhay: Matagpuan
nawa nila kay Kristong Muling Nabuhay ang
liwanag at lakas ng loob ng kanyang dalawang
disipulo ng Emaus. Manalangin tayo! Samahan
mo kami, Panginoon!

Lektor Para sa ating lahat na nagdiriwang ng


Eukaristiyang ito: Nawa lubos nating madama
ang presensiya rito ni Kristong Muling Nabuhay
at maganyak tayong magpahayag ng Mabuting
Balita sa lahat ng tao. Manalangin tayo!
Samahan mo kami, Panginoon!

Lektor Tahimik nating idalangin ang ating mga


pansariling kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari Manalangin tayo.


Panginoong Hesus, salamat sa iyong pagiging
kasama naming naglalakbay sa buhay. Pawiin mo
ang lahat naming agamagam; lunasan ang aming
mga karamdaman; hatian mo kami ng iyong
Tinapay ng Buhay hanggang marating namin ang
aming hantungan sa langit kung saan ka
nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.
Amen.

You might also like