You are on page 1of 11

Magsisimula ang pagdiriwang ng ritu sa pagbasa ng

‘Panimulang Salita’ mula sa Salitang Buhay. Ang koro ay


maaring maghangog ng akmang awit.
Lalapit ang Pari at ang pamilya sa Korona ng Adbiyento
upang doon umpisahan ang pagbabasbas.

PANIMULA
Namumuno Magandang umaga po sa ating lahat.
Tayo ngayon ay nagdiriwang ng Unang
Linggo ng Adbiyento.

Gaano nga ba tayo kaseryoso sa paghahanda


sa pagdating ng Panginoon? Binabanggit ng
Ebanghelyo na ang pagdating ng Diyos ay
kahalintulad rin noong panahon ni Noe.
Abala ang lahat at di-alintana na mayroong
malaking pagbabago sa kanilang buhay.
Sakuna ang isinasaad ng ating Ebanghelyo:
1
may kukunin at may maiiwan. Ibig sabihin
patuloy tayong binibigyan ng Panginoon ng
mga tanda upang ating paghandaan ang
Kanyang muling pagparito. Palatandaan din
na sa panahong ito, kailangan tayong maging
seryoso sa tawag ng panahon at patuloy
tayong makiisa sa pagsasabuhay ng Mabuting
Balitang inihahatid Niya sa atin.

RITU SA PAGBABASBAS NG KORONA NG


ADBIYENTO AT ANG PAGBABASBAS NG UNANG
KANDILA

Lector Sa pagbubukas ng bagong taon ng Simbahan


at sa panawagan sa atin ng ika-120 taong
paglalakbay ay umaasang nangniningas
pagnanasa na matamo ang tagumpay ng
misyon ng Panginoong Hesukristo. Bilang
sambayanang naglalakbay dumulog muli
tayo sa ating Panginoon upang kanyang
basbasan ang inihanda nating Korona ng
Adbiyento. Ialay natin ang ating mga sarili sa
panahong ito na kung saan paigtingin natin
na mapalaganap ang kanyang salita sa
makabangong panahon at upang ilapit natin
sa kanya ang lahat ng binyagan at pamilay na
dumulos sa Hapag ng Panginoong
Hesukristo, ang Eukaristiya.

Ang limang kandila na sisindihan sa loob ng


apat na linggo ay patuloy na simbolo ng pag-
asa, pag-ibig, kapayapaan, at galak. At sa
bawat araw at linggo na darating, salubungin
2
natin nang buong pusong pagbabago ng sarili
na tayo ay lalapit sa Diyos upang sindihan
ang mga kandilang ito na siyang magiging
tanglaw sa ating buhay espirutwal.

Pari Mga kapatid, ang mga kasalukuyang nagaganap sa


ating lipunan ay nagbabadya sa atin na tunay
ngang nahaharap parati ang ating bayan sa
kagipitan at problema. Di pa natatapos ang isang
krisis, susundan kaagad ito ng kasunod. Ngunit sa
likod ng lahat ng ito, huwag tayong mawalan ng
pag-asa. Lumapit tayo kay Hesus at humiling sa
Kanya ng ganap na paglaya ng ating bansa sa lahat
ng mga ito. Sa pagbabasbas natin ng mga kandila
ng Adbiyento, hilingin natin ang kagalingan ng
mundo dahil sa mga sakuna, pandemya dulot ng
COVID-19, ang pagtaas ng kahirapan sa ating
bansa. Ang pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo,
lindol at iba pang natural calamity; ang kalayaan
at katarungan sa pagkakaalipin sa kasalanan na
nag-aadya sa lipunan na maging tiwali.
Maglaan ng sandaling katahimikan.

PAGBABASBAS SA KORONA NG ADBIYENTO

Pari Manalangin tayo.


Namatay ka Panginoon para sa kaligtasan ng
sangnilikha ngunit ang bukal ng buhay ay patuloy
pa ring dumaloy sa amin buhat sa Iyong tagilirang
sinibat. Pagkalooban Mo ng awa ang aming bansa
at paahunin Mo kami sa mga suliraning aming
kinasusuungan.

3
Basbasan Mo, Panginoon, ang Koronang ito ng
Adbiyento na siyang sagisag ng aming mga
saloobin at ng aming pag-asa, na sa likod ng
pusikit na kadiliman ay may isang mumunting
liwanag na unti-unting magniningning at
tatanglaw sa aming landas. Ikaw ang liwanag na
iyon na dati na naming kapiling. Liwanagan Mo
ang puso at isipan ng bawat isa at akayin Mo
kaming lahat sa buhay na di magmamaliw
kailanpaman. Amen.
Babasbasan ng Pari ang korona ng Adbiyento.
PANALANGIN PARA SA
UNANG LINGGO NG ADBIYENTO

Babasahin ng pamilyang magsisindi ng kandila


Sa loob ng libu-libong taon, hinintay ng Iyong
bayan ang Iyong pagdating. Noong dumating
Ka naman, marami sa kanila ang di man
lamang nalaman na dumating ka na, O
Panginoon. Sa pagdiriwang namin ng Iyong
unang pagdating, pagkalooban Mo kami ng
biyayang makilala Ka rin namin sa Iyong
ikalawang pagdating. Nawa ang liwanag na
ito ang siyang magwakas sa kadiliman sa
mga pamilyang naghihirap na dulot pa rin ng
pandemya, ang kawalan ng tiwala sa sarili,
ang patuloy na pag-uusig, ang kawalan ng
paggalang sa mga magulang, pagkitil ng
buhay sa mga inosente, katiwalian at ang
pagbaba ng antas ng moralidad at ang iba
pang pagsubok na dumadaan sa aing buhay

4
lalu na sa mga pamilyang naririto ngayon sa
iyong tahanan.

Ito ang aming samo at hiling sa Iyo, ikaw na


nabubuhay at naghahari magpasawalang
hanggan. Amen.
Sisindihan ng unang kandila ng Adbiyento.

Lector Pasalubungan natin ang unang Linggo


ng Adbiyento ng isang masigabong
palakpakan.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari Makapangyarihang Diyos ng pagkakapantay-
pantay, layunin Mo po ang pag-iral ng
kapayapaan at katarungan sa Iyong
sangnilikha: Nawa’y ang pangyayaring
pagbaha sa panahon ni Noe ay tumimo sa
aming mga kaisipan na may higit na
kahalagahan kaysa sa mga panandaliang
kasiyahan lamang upang maging bahagi kami
sa pagsasakatuparan ng Iyong Kaharian ng
kapayapaan at pag-ibig; sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman. Amen.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.

5
UNANG PAGBASA | Isaias 2:1-5 |
Ipinababatid ng unang pagbasa na kung sumusunod
lamang tayo sa kautusan at kalooban ng Diyos, tunay
ngang malalaman natin ang daan patungo sa Kanyang
landas. At sa pamamagitan din nito, iiral ang kapayapaan
at hindi kailanpaman magkakaroon ng kaguluhan.

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias.

Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa


Juda at sa Jerusalem: Sa mga huling araw, ang bundok na
kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa
taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kanya ang lahat ng
bansa. Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi
ng ganito: “Halikayo, umahon tayo sa bundok ni Yahweh,
sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang
kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang
mga landas. Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan,
at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.” Siya ang
mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng
kapayapaan. Kung magkagayon, gagawin na nilang sudsod
ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang
mga digmaan. Halina kayo, sambahayan ni Jacob, at tayo’y
lumakad sa liwanag ni Yahweh.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

6
SALMO RESPONSORIO | Awit 122 |

SA BAHAY NG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN,


PUMASOK TAYO NANG MAY KAGALAKAN!

Namumuno Ako oay nagalak, sa sabing ganito: “Sa bahay


ni Yahweh ay pumasok tayo!” Sama-sama
kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod
nitong Jerusalem. TUGON.

Namumuno Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,


maganda ang ayos nang muling matayo. Dito
umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel
upang manambahan, ang hangad, si Yahweh
ay pasalamatan, pagkat ito’y utos na dapat
gampanan. Doon din naroon ang mga
hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan.
TUGON.

Namumuno Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping


kay Yahweh yao’y idalangin: “Ang
nangagmamahal sa iyo’y pagpalain.
Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang
palasyo mo ay maging tiwasay.” Dahilan sa
aking kasama’t katoto, sa ‘yo Jerusalem, ang
sabi ko’y ito: “Ang kapayapaa’y laging
sumaiyo.” Dahilan sa templo ni Yahweh, ating
Diyos, ang aking dalangi’y umunlad kang
lubos. HULING TUGON.

7
IKALAWANG PAGBASA | Roma 13:11-14 |
Sa paghahanda ng sarili sa pagdating ng Manunubos,
nagbanggit si San Pablo ng mga ilang bagay na dapat
talikuran ng tao. Ang mga gawaing ito ang siyang
nagpaparumi sa kaluluwa at hindi naaayon sa kalooban ng
Diyos.

Tagabasa Pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga


taga-Roma.

Mga kapatid: Alam ninyong panahon na upang gumising


kayo sa pagkakatulog. Ang pagliligtas sa atin ay higit na
malapit ngayon kaysa noong tayo’y magsimulang manalig
sa kanya. Namamaalam na ang gabi at malapit nang
lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng gawang masama
at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo
nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa
paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa
pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang
Panginoong Hesukristo ang paghariin ninyo sa inyong
mga buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-
kasiyahan ang mga nasa nito.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

Tatayo ang lahat upang magbigay-galang sa Banal na


Ebanghelyo.

8
EBANGHELYO | Mateo 24:37-44 |

Aleluya! Aleluya! Tayo’y maging handa sa pagdating ng


Anak na dakila! Aleluya! Aleluya!

Pari Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga


alagad: “Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa
pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga
tao’y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa
araw na pumasok sa daong si Noe. Dumating ang baha
nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayon din
ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa
panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa
bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang
babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at
iiwan ang isa. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo
alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng
sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang
magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya
pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging
handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa
oras na di ninyo inaasahan.”

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
9
Uupo ang lahat upang pakinggan ang Homilya.
Matapos ang Homilya, magpatuloy sa Liturhiya ng
Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari Sa pagsisimula natin ng bagong taong


liturhiko, idulog natin ang lahat nating
kahilingan at pangangailangan sa ating
masuyong Diyos pagkat Siya lamang ang
nakaaalam ng totoo nating kailangan at
makabubuti sa atin. Buong pananalig tayong
manalangin: Panginoon, kahabagan Mo ang
Iyong bayan!

Lektor Para sa Simbahan, pamayanan ng lahat ng


sumasampalataya: Nawa matuklasan niyang
muli ang kayamanan ng Sakramento ng
Eukaristiya at makatagpo rito ng ibayong
pagkakaisa at lakas. Manalangin tayo!
Panginoon, kahabagan Mo ang Iyong
bayan!

Lektor Para sa Obispo Maximo, lahat ng obispo, mga


pari, at mga kasapi ng mga pamayanang
relihiyoso: Nawa sila’y maging inspirasyon sa
lahat sa pagiging handa sa pagtanggap kay
Hesus sa ating mga puso. Manalangin tayo!
Panginoon, kahabagan Mo ang Iyong
bayan!

10
Lektor Para sa lahat ng magulang at tagapagturo:
Nawa maturuan nila ang kanilang mga anak
at mga mag-aaral na makilala at tanggapin si
Hesus sa kanilang kapwa. Manalangin tayo!
Panginoon, kahabagan Mo ang Iyong
bayan!

Lektor Para sa ating lahat at mga kasama sa


pamayanan: Nawa sa Adbiyentong ito,
malinaw nating mapaghusay ang ating mga
buhay espirituwal. Manalangin tayo!
Panginoon, kahabagan Mo ang Iyong
bayan!

Lektor Sa katahimikan ay buong puso nating iluhog


sa Diyos ang iba pa nating mga kahilingan at
panalangin.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari Manalangin tayo.


Panginoong Diyos, maraming salamat sa
pagkakaloob Mo sa amin nitong bagong
taong liturhiko. Pakinabangan nawa namin
ang bawat pagkakataong mapalapit sa Iyo at
maging laging handa sa pagtanggap sa Iyo sa
aming buhay. Ikaw na nabubuhay at
naghahari magpakailanman. Amen.

11

You might also like