You are on page 1of 191

RITU SA PAGBABASBAS NG

KORONA NG ADBIYENTO AT
ANG PAGBABASBAS NG
UNANG KANDILA
PAGBABASBAS SA KORONA
NG ADBIYENTO
PANALANGIN PARA SA
UNANG LINGGO NG
ADBIYENTO
Amen.
Kami’y
nangungumpisal sa Iyo,
O Diyos na
makapangyarihan,
sa lahat ng mga Santo,
at sa isa’t-isa na kami’y
nagkasala sa aming
naisip,
sa aming nasabi, sa
aming mga nagawa, at
sa nakaligtaan naming
gawin;
at ito’y sarili naming
kamalian. Kaya
isinasamo namin sa Iyo,
O Diyos,
na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na
ipanalangin kami sa
Iyo Panginoong Diyos.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Amen.
Isaias 2:1-5
Ito ang pangitain ni
Isaias na anak ni Amoz
tungkol sa Juda at sa
Jerusalem:
Sa mga huling araw,
ang bundok na
kinatatayuan ng
Templo ni Yahweh
ay mamumukod sa taas
sa lahat ng bundok.
Daragsa sa kanya ang
lahat ng bansa.
Ang maraming taong
lalapit sa kanya ay
magsasabi ng ganito:
“Halikayo, umahon
tayo sa bundok ni
Yahweh, sa Templo ng
Diyos ni Jacob,
upang malaman natin
ang kanyang mga daan
at matuto tayong
lumakad
sa kanyang mga landas.
Sapagkat sa Sion
magmumula ang
Kautusan,
at sa Jerusalem, ang
salita ni Yahweh.” Siya
ang mamamagitan sa
mga bansa
at magpapairal ng
kapayapaan. Kung
magkagayon, gagawin
na nilang sudsod
ang kanilang mga
tabak, at karit ang
kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay
sa pakikibaka at
mawawala na ang mga
digmaan.
Halina kayo,
sambahayan ni Jacob,
at tayo’y lumakad sa
liwanag ni Yahweh.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Sa bahay ng Diyos na
Makapangyarihan,
pumasok tayo nang may
kagalakan!
Roma 13:11-14
Mga kapatid: Alam
ninyong panahon na
upang gumising kayo
sa pagkakatulog.
Ang pagliligtas sa atin
ay higit na malapit
ngayon
kaysa noong tayo’y
magsimulang manalig
sa kanya.
Namamaalam na ang
gabi at malapit nang
lumiwanag.
Layuan na natin ang
lahat ng gawang
masama at italaga ang
sarili
sa paggawa ng mabuti.
Mamuhay tayo nang
marangal at huwag
gugulin ang panahon
sa paglalasing at
magulong pagsasaya, sa
pagpapakasawa
sa pita ng laman at
kahalayan, sa alitan at
inggitan.
Ang Panginoong
Hesukristo ang
paghariin ninyo sa
inyong mga buhay
at huwag paglaanan
ang laman upang
bigyang-kasiyahan ang
mga nasa nito.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Mateo 24:37-44
Luwalhati sa Iyo,
Panginoong Hesukristo.
Noong panahong iyon:
Sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad:
“Ang pagdating ng
Anak ng Tao ay
matutulad sa pagdating
ng baha
noong panahon ni Noe.
Noon, ang mga tao’y
nagsisikain,
nagsisiinom
at nag-aasawa,
hanggang sa araw na
pumasok sa daong si
Noe.
Dumating ang baha
nang di nila namalayan
at tinangay silang lahat.
Gayon din ang
mangyayari sa
pagdating ng Anak ng
Tao.
Sa panahong iyon, may
dalawang lalaking
gumagawa sa bukid;
kukunin ang isa at
iiwan ang isa.
May dalawang babaing
magkasamang
gumigiling;
kukunin ang isa at
iiwan ang isa. Kaya
magbantay kayo,
sapagkat hindi ninyo
alam kung anong araw
paririto ang inyong
Panginoon.
Tandaan ninyo ito:
kung alam lamang ng
puno ng sambahayan
kung anong oras ng
gabi darating ang
magnanakaw, siya’y
magbabantay
at hindi niya
pababayaang pasukin
ang kanyang bahay.
Kaya maging handa
kayong lagi, sapagkat
darating ang Anak ng
Tao
sa oras na di ninyo
inaasahan.”
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon
Papuri sa Iyo,
Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya
kami sa iisang Diyos,
Amang
Makapangyarihan,
na lumikha ng langit
at lupa,
at ng lahat ng nakikita
at di-nakikita.
Sumasampalataya
kami sa iisang
Panginoong Hesukristo,
bugtong na
Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama
bago pa nagsimula
ang panahon,
Diyos buhat sa Diyos,
Liwanag buhat
sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa
Diyos na totoo,
Inianak, hindi nilikha,
kaisa sa pagka-Diyos
ng Ama.
Sa pamamagitan Niya
ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga
tao at sa ating
kaligtasan
ay nanaog Siya buhat
sa langit:
sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng
Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni
Mariang Birhen at
naging tao.
Ipinako sa krus
alang-alang sa atin
noong panahon ni
Poncio Pilato;
nagpakasakit, namatay,
at inilibing.
At muling nabuhay sa
ikatlong araw sa
katuparan ng mga
Kasulatan.
Umakyat Siya sa langit
at naluluklok
sa kanan ng Ama.
At muling darating na
maluwalhati
upang hukuman
ang mga buhay
at mga patay,
at ang kaharian Niya
ay walang hanggan.
Sumasampalataya
kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na
Tagapagbigay ng
Buhay, na nagbubuhat
sa Ama.
Sinasamba Siya at
niluluwalhating
kasama ng Ama
at ng Anak,
nagsalita Siya
sa pamamagitan
ng mga Propeta.
Nananalig kami sa
Iglesyang Iisa, Banal,
Katolika,
at Apostolika.
Naniniwala kami sa
iisang binyag sa
ikapagpapatawad ng
mga kasalanan,
at hinihintay namin
ang muling
pagkabuhay
ng mga namatay,
at ang buhay na walang
hanggan.
Amen.
Panginoon, kahabagan
Mo ang Iyong bayan!
Panatilihin natin ang
pagkakaisa na dulot ng
Espiritu sa bigkis ng
kapayapaan.
At sumaiyo rin.
Maawaing Diyos,
ipinagkaloob Mo
sa amin ang lahat
ng bagay,
sa Iyong kasaganaan
ay ibinibigay Mo
ang lahat ng aming
pangangailangan.
Kami, na Iyong mga
mapagkumbabang
lingkod,
ay nag-aalay sa Iyo
nitong sagisag ng
aming pagtanaw ng
utang na loob
sa lahat
ng Iyong kaawaan.
Amen.
Walang hanggang
Diyos, pinatubo Mo ang
butil,
at mula rito
ay ginawa namin
ang Tinapay na ito;
iniaalay namin ito
sa Iyo upang sa amin
ay maging Tinapay
ng Buhay.
Ipagkaloob Mo
na kaming tatanggap
nito ay mabuklod sa
bigkis ng pag-iibigan.
Amen.
Makapangyarihan
Diyos,
tanggapin Mo
ang Alak na ito
na aming ginawa mula
sa Iyong mga kaloob:
ito nawa’y maging
aming inuming
espirituwal upang
kaming tatanggap nito,
ay mapasigla
at mapanibago
sa paglilingkod sa Iyo.
Amen.
Tanggapin nawa
ng Panginoon
ang ating hain,
sa ikapupuri
at ikaluluwalhati
ng Kanyang Pangalan,
sa ating ikabubuti
at ng buo Niyang
Iglesia.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Itaas ang inyong
mga puso.
Itinataas namin
sa Panginoon.
Magpasalamat tayo
sa ating
Panginoong Diyos.
Nararapat na Siya’y
ating pasalamatan
at purihin.
Amen.
Amen.
Dumudulog kami sa
Iyong hapag, maawaing
Panginoon,
na hindi nagtitiwala sa
sarili naming
pagkamatuwid,
kundi sa Iyong
marami’t dakilang
awa.
Hindi kami karapat-
dapat na mamulot ng
mga mumo sa ilalim ng
Iyong hapag.
Subalit likas sa Iyo
ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa
amin, kung gayon,
butihing Panginoon,
na aming tanggapin
ang Katawan ng Iyong
mahal na Anak
na si Hesukristo,
at inumin
ang Kanyang dugo,
upang kami na
pinalalakas at
pinagiging bago ng
Kanyang buhay,
ay manahan sa Kanya,
at Siya’y sa amin,
magpakailanman.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Makapangyarihan
at walang hanggang
Diyos,
Pinasasalamatan
Ka namin,
sapagkat kami’y Iyong
pinakain ng pagkaing
espirituwal:
ang kamahal-mahalang
Katawan at Dugo ng
aming Tagapagligtas na
si Hesukristo.
At sa mga Banal na
misteryong ito
ay tiniyak Mo na
kami’y mga buhay na
bahagi ng katawan ng
Iyong Anak,
at mga tagapagmana
ng Kanyang walang
hanggang kaharian.
Ngayon Ama, isugo Mo
kami upang gawin
namin ang tungkuling
iniatas Mo sa amin,
upang Ikaw ay ibigin at
paglingkuran at ang
aming kapwa,
bilang mga tapat na
saksi ni Kristong aming
Panginoon:
sa Kanya, sa Iyo, at sa
Espiritu Santo, ang
lahat ng karangalan at
kaluwalhatian,
ngayon
at magpakailanman.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Salamat sa Diyos.

You might also like